MULA sa kinahihigaan ay dama ni Sabrina ang pangangawit ng likod, gustong-gusto niya ng bumangon at bumalik sa normal ang buhay. Ngunit tulad ng sinabi ng kaniyang doktor ang paggising niya ay nakadepende na sa isang himala. Pero tulad ni Criselda hindi siya naniniwala, alam niyang magigising pa siya. Ang kamalayan niya ay nasa ibang dimensyon, ngunit ang diwa niya ay gising na gising at dama ang kapaligiran. Malinaw na naririnig ang pinag-uusapan ng mga taong naging karamay niya habang nakaratay. Paulit-ulit ng sinubukan ni Sabrina na idilat ang kaniyang mga mata at igalaw ang mga daliri ngunit lagi siyang nabibigo, ngunit hindi sa pagkakataong iyon. Unti-unting naidilat ni Sabrina ang kaniyang mga mata, bumungad sa kaniyang paningin ang puting-kisame, bahagya siyang nasilaw sa liwanag mula sa mga ilaw na naroon. Gumalaw na rin ang kaniyang mga kamay. Napaawang ang bibig ng dalaga, inilinga ang paningin sa paligid. Natutulog si Criselda sa gawing paanan niya, sa mahabang sofa na na
Dernière mise à jour : 2025-01-16 Read More