Share

Chapter 2

Author: RIAN
last update Huling Na-update: 2024-09-26 13:26:36

UNANG ARAW ni Sabrina sa San Agustin University hindi bilang estudyante kundi bilang isang serbidora sa kantina. Sa pamamagitan ng koneksyon ay nagawan ng paraan ni Criselda na makapasok rito ang dalaga. Itinago nila ang tunay nitong pagkatao at ang tunay na pagkakakilanlan. Nagsuot ang dalaga ng mumurahing kasuotan, at nag-ayos bilang isang mahirap na babae sa lipunan.

"Isang egg sandwich at isang softdrinks," tinig na nagpasikdo ng dibdib ni Sabrina. Natutulalang iniabot niya kay Vladimir ang order nito. Sa wakas, nakaharap niya na ito ng malapitan. Ilang araw na siyang nag-aabang na makita ito, palagi na lang kasi siyang nakatanaw mula sa malayo, nakamasid habang pinagkakaguluhan ito ng mga babaeng estudyante ng San Agustin University.

Ngumiti ang binata kay Sabrina, halatang sanay na sanay na hinahangaan ng mga babaeng nakakasalamuha nito. Ngunit ang mahiyaing babaeng nasa harapan niya ay nakakapukaw ng atensyon dahil maganda ito sa kabila ng makalumang pananamit. Maluwang na blusa na pinaresan ng mahabang palda na wala pa sa uso. Kulay-puti ang sandalyas na mukhang nabili lang sa bangketa.

"Bago ka rito?" tanong nito na napapatingin sa braso at kamay ng dalaga. Hindi naikubli ng mumurahing kasuotan ang makinis na kutis ng dalaga.

"o-opo," magalang na sagot ni Sabrina. Kiming nagyuko ng ulo ang dalaga.

"Opo?" mahinang tumawa si Vladimir, mas sanay siyang tinitilian kaysa pinakikitaan ng paggalang. "Probinsyana ka 'no?" Sinipat ng binata ang kabuuan ng dalaga.

Tumango si Sabrina. Nahihiyang nag-angat ng tingin at pilit na sinalubong ang titig ng binata. Sa sulok ng mga mata ay nakita niya ang personal assistant na nakaupo sa 'di kalayuan at palihim na nakamasid.

"Maganda ka," opinyon nito. Palihim na kinilig si Sabrina dahil sa tinuran nito. Sasagot sana ang dalaga upang magpasalamat ngunit hinila na ito ng mga kaklase nito. Nanghihinayang na tinanaw niya na lamang ito habang papalayo ngunit palihim na napangiti.

"NAKITA mo ba 'yun, Miss Cris?!" kinikilig na pagkukwento ni Sabrina sa P.A nito habang nasa sasakyan na. Napapangiti na lang ito dahil naging madaldal ang dating tahimik na alaga.

"Señorita Sabrina," nag-aalala nitong saad.

"Opo, alam ko na 'yun. Mag-iingat ako." nakangiti pa ring tugon ng dalaga.

"Nag-aalala ako, hindi ka sanay sa buhay na pinapasok mo." Wika ni Criselda.

"Ito po ang gusto kong gawin," sagot ni Sabrina.

"Lilipas din kung ano man ang damdamin mo para kay Vladimir, Señorita." Ani Criselda na tila kinabahan na sa pagkunsinte sa kapangahasan ng alaga, ngunit paano niya pipigilan ang mga bagay na tanging nagpapasaya rito?

Kapwa sila natigilan nang tumunog ang cellphone ni Criselda.

"Nasa maayos po siyang kalagayan, Señor Felipe. Huwag po kayong mag-aalala, hindi ko siya pababayaan." tumingin si Criselda sa alaga na malungkot lang na nakikinig.

"Tatlong-buwan? sige ho, ako na pong bahala." ani Criselda habang ibinibilin ng Don sa kaniya ang bunso nitong anak tulad ng dati. Kinse-minutos na pag-uusap na kabisado na rin naman ni Criselda ang paulit-ulit na bilin para sa unica-hija nito. Ngunit tila natuwa pa ang inosenteng dalaga nang malaman na matatagalan pa bago makauwi ang mga magulang na kasalukuyang nasa Europa.

MATAPOS magbihis ay humarap na sa computer si Sabrina upang gumawa ng bagong social media account. Sabina Inocencio ang napili niyang bagong pangalan, maging ang profile picture na pinili niya ay ibinagay niya sa pagkatao na nais niyang makilala ni Vladimir. Isang mahirap at mahinhin na dalaga. Hinanap niya ang f******k account nito at inistalk. Napapangiti siya habang tinititigan ang mala-hollywood actor na kagwapuhan nito. Nagpatuloy siya sa pag-scroll at nakita niya ang iba't ibang babaeng nakarelasyon nito. Lahat magaganda at sexy. Nakadama siya ng inggit, ngunit nagtataka kung bakit tila walang nagtatagal sa mga ito?

Sinipat niya ang sarili sa malaking salamin na naroon. Bakit tila napag-iiwanan siya ng kaniyang mga ka-henerasyon? Wala din siyang kaibigan tulad ni Vladimir na kilalang marami ding kaibigan. Ayaw niyang isisi sa pagiging over-protective ng mga magulang kung lumaki siyang introvert dahil alam niyang mahal na mahal lang siya ng mga ito. Inalis niya ang makapal na eyeglass na nakatakip sa magagandang pares ng kaniyang mga mata. Pinasadahan niya ng tingin ang sarili, ibang-iba siya kumpara sa mga kabataang nakikita niya sa social media. Mamahalin at branded ang kaniyang mga gamit ngunit nasa lumang disenyo ang mga isinusuot niyang estilo kahit pa may iba't ibang designed-clothes ang closet niya. Na hindi niya na susuotin kailanman lalo pa at gusto niyang mahalin siya ni Vladimir bilang mahirap na babae.

Muli siyang napangiti nang maalala na bukas ay tiyak na makikita niya itong muli. At titiyakin niyang hindi na siya mag-aaksaya pa ng oras upang hindi mapalapit sa binata. Inalam niya na rin ang family background nito sa tulong ni Miss Criselda. Si Criselda Dimasalang ay isang dating pulis na piniling iwan ang propesyon at tinanggap ang alok ng kaniyang ama na maging personal assistant ni Sabrina. Kabilang ang trenta'y tres anyos na dalaga sa mga maswerteng napabilang noon sa scholarship program ng kanilang kompanya kaya ito nakapagtapos ng kursong Criminology. Naging kasa-kasama niya saan man siya magpunta at ito rin ang pinagkakatiwalaan ng kaniyang mga magulang para sa lahat ng kaniyang pangangailangan. Ang pagtanaw ng utang na loob ang pangunahing dahilan kaya naging bahagi ito ng kaniyang buhay na ipinagpapasalamat ni Sabrina dahil maayos nitong ginagampanan ang trabaho.

"Señorita..." tinig na nagpahinto sa pagbabalik-tanaw ng dalaga. Nilingon niya ang kaniyang yaya na may dalang tray ng pagkain.

"Yaya naman, wala naman sila Daddy." Umikot ang eyeball ng dalaga.

"O, siya Sab na kung Sab. Magmiryenda ka na muna."

Ayaw kasi ni Sabrina na tinatawag siya nitong Señorita, si yaya Karia na ang halos nagpalaki sa dalaga kaya itinuring niya na itong parang tunay na ina.

Umupo si Sabrina sa couch na naroon at hinila ang foodtable na de-gulong. Nilantakan ang masarap na paborito niyang Pineapple pie at carrot juice.

"Mukhang masaya ang alaga ko,"

Dahil sa narinig ay nagningning ang mga matang tiningnan ni Sabrina ang ina-inahan.

"Magkakaboyfriend na po yata ako!" Natutop ni Sabrina ang bibig.

"Sab, ang bata mo pa." naiiling na tinabihan siya ni Yaya Karia.

"Pero masaya po ako," nakangiting saad ng dalaga.

Napakainosente ni Sabrina sa lahat ng bagay, katangiang hindi madaling humarap sa mundong papasukin nito. Ang mundo sa labas ng mala-palasyong tahanan ng mga Madrigal.

Kaugnay na kabanata

  • Ang Manugang kong Hamak   Chapter 3

    TILA natutupad na nga ang pangarap ni Sabrina, hindi lang siya basta napansin ni Vladimir kundi tila nagkaroon pa ito ng interes na higit siyang makilala. Mula sa kinatatayuan ay tila naparalisa ang dalaga. Ang bawat titig kasi ng binata ay tila nanununuot sa kalamnan ng dalaga, para siyang nakalutang sa alapaap nang yayain siya nitong ihatid pauwi. Ngunit nag-aalalang tinawagan niya si Criselda dahil sa alok ng binata. "Señorita, hindi yata tama." tutol na saad ni Cris, nag-aalala na siya sa pinaggagawa nito. Gusto niyang magsisi na pinagbigyan niya pa ito. "Gusto ko 'yung mumurahing paupahan, malayo sa marami, please. . ." pakiusap ni Sabrina. Naiiling na napabuntong-hininga si Cris saka napilitang sundin ang kagustuhan nito. Nagpahanap si Criselda ng boarding house na mura lang ang upa at matatagpuan sa urban area. Nagpabili ng ilang kagamitan na para lamang sa iisang tao. Lahat ay dapat mumurahin ayon sa alaga niya. At tulad ng inaasahan ni Sabrina, inihatid nga siya ng bi

    Huling Na-update : 2024-09-28
  • Ang Manugang kong Hamak   Chapter 4

    "Sasama na ako kay Vladimir," seryosong saad ni Sabrina makalipas ang ilang buwang pakikipagrelasyon nito kay Vladimir. Napamaang si Criselda, napakatigas ng ulo ng alaga niya. Tila nakawalang ibon ito mula sa pagkakalaya sa hawla. "Señorita!" "Buo na ang desisyon ko, ipapakilala niya na ako sa pamilya niya." "Paano ang Mommy't Daddy mo? Naisip mo bang kamatayan ko ang katumbas kapag may masamang nangyari sa'yo?" nagtitimpi lang na huwag mainis na saad ni Cris. Umiling si Sabrina. "Hindi nila malalaman," Naglabas ng checkbook mula sa bag ang dalaga. Matapos magsulat ng halaga ay pinirmahan nito ang tseke saka iniabot sa assistant. "Nasa tamang edad na ako, isang milyon para sa kalayaan mo bilang konektado sa buhay ko." Natigagal si Criselda, akala niya ay isang teen-ager na kulang sa atensyon lang ang kaniyang alaga. Hindi niya inaasahan na may sarili na itong paninidigan. Sarkastikong ngumiti si Criselda, saka umiling. "Kahit gawin mo pang limang-milyon hindi a

    Huling Na-update : 2024-10-15
  • Ang Manugang kong Hamak   Chapter 5

    "Sabrina!" Tinig ng ama ni Sab sa kabilang linya ng telepono. "Inuna mo pa ang pagbabakasyon kaysa sa pag-aaral mo?!" Napapikit si Sab, kailangan niyang magsinungaling ng paulit-ulit. Patagong makipag-usap rito sa telepono, wala itong kaalam-alam sa pinaggagagawa niya at tiyak na malilintekan siya. Ipinagpapasalamat niyang pinagtakpan siya ni Criselda kung nasaan man siya ngayon. Tinapos niya na ang pakikipag-usap dahil baka abutan siya ng mag-iina na umalis para mamasyal sa mall. Hindi pa bumabalik si Vladimir mula sa training nito sa University. Nagmadali siyang tapusin ang paglilinis ng buong-bahay, isinunod niya ang munting silid nila ni Vladimir. Napabuntong-hininga ang dalaga nang palitan ang bedsheet ng kama nito. Akala niya ay doon din siya matutulog ngunit pinaglatag lang siya nito ng banig sa sahig. At ni minsan ay hindi siya nito tinabihan man lang mula ng iuwi siya nito sa bahay na iyon. Akala niya pa naman ay mayayakap niya na ito sa bawat pagtulog nila ngunit tila nand

    Huling Na-update : 2024-10-15
  • Ang Manugang kong Hamak   Chapter 6

    NAPABALIKWAS ng bangon si Sab, napatili nang buhusan ng malamig na tubig ng ina ni Vladimir. "Magluto ka na!" sigaw nito. Basa ng tubig na tinungo ni Sab ang banyo para magpalit ng damit ngunit hinarang na siya sa pintuan ni Ness at sinampal habang binubungangaan ng ina ng mga ito. Tumutulo ang luhang nilingon ni Sab si Vladimir na sinamaan lang siya ng tingin, wala itong ginagawa kundi panoorin ang pananakit sa kaniya. Ni hindi siya ipinagtatanggol man lang. Sa halip na magbihis ay tinungo niya na lang ang kusina at naghanda ng mailuluto. Mas masakit pa sa sampal ang pambabalewala ni Vladimir. "Kung bakit naman kasi nag-uwi ka na lang ng babae dito, tamad pa?" irap ni Nene sa kuya nito na lumabas na ng silid. Hinayaan ni Sab na kusang tumulo ang luha habang ipinagluluto ng almusal ang mga ito. Tahimik na naghain, naghintay na matapos kumain ang buong pamilya ng binata saka tinungo ang silid nila ni Vladimir upang magbihis. "A-aalis ka?" tanong niya rito nang pumasok ito n

    Huling Na-update : 2024-10-15
  • Ang Manugang kong Hamak   Chapter 7

    MATAPOS matiyak na hindi pa makakauwi ang mag-iina ay mabilis na idinayal ni Sabrina ang numero ni Criselda. Alam niyang hindi siya nito bibiguin. At hindi nga siya nagkamali, napapayag niya ito kahit pa alam niyang hindi ito sang-ayon sa nais niya. Ang palihim na bayaran ang pagkakautang ng pamilya ni Vladimir sa pinsan nito gamit ang pera niya. May access pa rin naman si Criselda sa account niya kaya hindi ito naging problema.Masayang-masaya siya sa kaniyang ginawa, maliban 'dun ay nagpabili din siya ng mga branded na damit at sapatos para kay Vladimir. Anonymous person ang sender kaya alam niyang hindi malalaman ng binata na sa kaniya nanggaling. Hindi naman mahahalata dahil marami naman itong tagahanga. Ora mismo ay idineliver ng parcel rider ang mga pinamili ni Criselda para sa binata, ayon sa kagustuhan ni Sabrina.Tulad ng inaasahan ni Sabrina ay masaya ang binata nang madatnan ang santambak na regalo na nagmula sa isang hindi kilalang tagahanga. Isa-isa nitong isinukat, pumap

    Huling Na-update : 2024-10-25
  • Ang Manugang kong Hamak   Chapter 8

    MULA sa kinatatayuan ay napatda si Sabrina, humigpit ang pagkakahawak sa laundry basket na hawak. Nanginginig ang kalamnan na inilapag niya ito sa paanan. Ang alam niya ay mag-isa lang siya sa bahay ng oras na iyon. Ngunit ang presensya ng mga taong nasa silid nila ni Vladimir ang pumukaw ng kaniyang atensyon. Hindi siya maaaring magkamali, tinig ng isang lalake at babae na tila magkaulayaw. Dinig mula sa kinaroroonan niya ang ungol at halinghing ng mga ito. Dahan-dahang humakbang ang dalaga upang sumilip sa siwang ng pinto na bahagyang nakaawang at hindi na nailock pa ng mga nasa loob. "Fuck me, baby! Ganyan nga ibaon mo pa!" utos ng babaeng maputi na n*******d, nakatuwad ito at mabilis na binabayo ng lalakeng hubad din na walang iba kundi si Vladimir. Pawisan ang binata na tulad ng babae ay tila sarap na sarap din na nakapikit pa habang bumabayo. "A-ang sarappp mo, Babe! Kaya mahal na mahal kita eh!" anas nito. Awtomatikong napatakip sa bibig ni Sabrina ang mga palad, kinagat a

    Huling Na-update : 2024-11-08
  • Ang Manugang kong Hamak   Chapter 9

    PIKIT-MATANG tinitiis ni Sabrina ang harap-harapang pagtataksil ni Vladimir. Maliban sa unang babaeng iniuwi nito minsan, ay napapadalas pa ang pag-uuwi nito ng iba't ibang babaeng ginagawa nitong sex-buddies, f*ck-buddies, friends with benefits at wala itong pakialam sa mararamdaman niya na ikinakama pa nito sa mismong silid nila. Napilitan siyang matulog sa laundry-area upang hindi masaksihan ang pagniniig ng mga ito. Nagtatakip na lang siya ng unan kapag naririnig niya ang mga ungol at halinghing ng mga ito. Pinipiga at paulit-ulit na dinudurog ang damdamin ng dalaga sa kataksilan ng binata ngunit mas pinipili niya pa rin ang magtiis at manatili. Pasasaan ba? Magbabago din marahil ito, makikita ang halaga niya. Pinagsisilbihan niya naman ito sa abot ng kaniyang makakaya, kahit napapadalas na rin ang pananakit nito sa kaniya. Kagat-labi na naghain siya ng pagkain, pigil ang pagpatak ng luha. Mula sa silid nila ni Vladimir ay naririnig niya ang paghalakhak ng babaeng kaulayaw nito.

    Huling Na-update : 2024-12-05
  • Ang Manugang kong Hamak   Chapter 1

    "Señorita Sabrina, hindi kayo maaaring bumaba." May diin ang tinig na pagpigil ng personal assistant ng dalaga na akmang bababa ng sasakyan. Humugot ng malalim na hangin si Sabrina saka nilingon ang P.A na seryosong gawin ang trabaho nito. Ilang beses niya ng sinubukan ngunit laging napipigilan ni Criselda. "Mawawalan ako ng trabaho kapag nagpumilit kayo." Bagamat nalungkot na hindi niya na mahahabol pa ang papalayong pinagkakaguluhang gwapong Varsity Player ng San Agustin University ay tiniyak niya sa sarili na hindi siya ang magiging dahilan upang matanggal sa trabaho ang personal assistant. "Salamat Señorita Sabrina, paumanhin ngunit kabilin-bilinan ng iyong papa na hindi ka pwedeng lumapit o makipag-usap kahit kanino man." paalala nito. Tinanaw na lamang ni Sabrina ang lalakeng pumukaw ng kaniyang atensyon, ang lalakeng palihim niyang iniibig. Hindi man sila nasa iisang Unibersidad ngunit nakasubaybay siya sa lifestyle nito. Isa sa mga pinalad na makatanggap ng scholarsh

    Huling Na-update : 2024-09-26

Pinakabagong kabanata

  • Ang Manugang kong Hamak   Chapter 2

    UNANG ARAW ni Sabrina sa San Agustin University hindi bilang estudyante kundi bilang isang serbidora sa kantina. Sa pamamagitan ng koneksyon ay nagawan ng paraan ni Criselda na makapasok rito ang dalaga. Itinago nila ang tunay nitong pagkatao at ang tunay na pagkakakilanlan. Nagsuot ang dalaga ng mumurahing kasuotan, at nag-ayos bilang isang mahirap na babae sa lipunan. "Isang egg sandwich at isang softdrinks," tinig na nagpasikdo ng dibdib ni Sabrina. Natutulalang iniabot niya kay Vladimir ang order nito. Sa wakas, nakaharap niya na ito ng malapitan. Ilang araw na siyang nag-aabang na makita ito, palagi na lang kasi siyang nakatanaw mula sa malayo, nakamasid habang pinagkakaguluhan ito ng mga babaeng estudyante ng San Agustin University.Ngumiti ang binata kay Sabrina, halatang sanay na sanay na hinahangaan ng mga babaeng nakakasalamuha nito. Ngunit ang mahiyaing babaeng nasa harapan niya ay nakakapukaw ng atensyon dahil maganda ito sa kabila ng makalumang pananamit. Maluwang na blu

  • Ang Manugang kong Hamak   Chapter 1

    "Señorita Sabrina, hindi kayo maaaring bumaba." May diin ang tinig na pagpigil ng personal assistant ng dalaga na akmang bababa ng sasakyan. Humugot ng malalim na hangin si Sabrina saka nilingon ang P.A na seryosong gawin ang trabaho nito. Ilang beses niya ng sinubukan ngunit laging napipigilan ni Criselda. "Mawawalan ako ng trabaho kapag nagpumilit kayo." Bagamat nalungkot na hindi niya na mahahabol pa ang papalayong pinagkakaguluhang gwapong Varsity Player ng San Agustin University ay tiniyak niya sa sarili na hindi siya ang magiging dahilan upang matanggal sa trabaho ang personal assistant. "Salamat Señorita Sabrina, paumanhin ngunit kabilin-bilinan ng iyong papa na hindi ka pwedeng lumapit o makipag-usap kahit kanino man." paalala nito. Tinanaw na lamang ni Sabrina ang lalakeng pumukaw ng kaniyang atensyon, ang lalakeng palihim niyang iniibig. Hindi man sila nasa iisang Unibersidad ngunit nakasubaybay siya sa lifestyle nito. Isa sa mga pinalad na makatanggap ng scholarsh

DMCA.com Protection Status