"Kung ayaw mong makulong ang fiance mo. Puntahan mo ako mamaya... ng mag isa." Naalala niyang sabi ni Miguel bago umalis. 'Mag isa talaga?' Mukhang may balak ang gag0. Halos magtunugan ang ngipin niya sa galit, hindi lang kay Miguel, maging kay Dan na ngayon ay nakatayo sa gilid ng pinto habang kagat ang kuko sa kamay. Nasa tabi ito ng pinto ngayon para mabilis na makatakbo sa oras na sumabog siya sa galit. "Mahal, sorry na. Hindi ko naman alam na siya pala ang bago nating kapitbahay. Kung alam ko eh di sana hindi ako pumunta do'n—" Napapitlag ito sa gulat ng malakas niyang ihampas ang palad sa mesa. Naghanda na itong tumakbo ng makita kung gaano kadilim ang mukha niya. "Si Miguel man o hindi ang may ari, hindi ka dapat nangialam. Pero ano ang magagawa natin, eh nari'yan na at nangyari na." Ilang beses siyang nagpakawala ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili niya. "So, anong plano mo?" "Nagtanong ka pa talaga? Ano sa palagay mo?" Napipilan ito at ngumuso, hal
Huling Na-update : 2024-09-06 Magbasa pa