"Arghh damn!" Rinig niya na mura ni Miguel pagkatapos niyang sipain ang kinabukasan nito. Pagkauwi ay agad siyang nagkulong sa kwarto niya. Dumapa siya sa kama at sinubsob sa unan ang mukha niya. Iyak siya nang iyak. Halo-halo ang nararamdaman niya ngayon. Nagagalit siya at nasasaktan sa pagpapanggap ni Miguel na para bang wala talaga itong alam kaya nasira ang kanilang relasyon. Ang kapal ng mukha! Ito pa ang galit at may lakas ng loob na tanungin siya kung ano ang dahilan niya. Hindi ba talaga nito o wala ba talaga itong hinala na nalaman niya ang totoo tungkol dito at kay Pia? Lalo siyang naluha ng maalala si Pia. Ang babae na talagang mahal ni Miguel. Sobrang tanga niya noon dahil umasa pa siya na hindi totoo ang narinig niya. Nagpakatanga pa siya at handang marinig ang paliwanag nito noon. Na kahit kasinungalingan pa ito ay handa siyang maniwala. Gano'n siya katanga kay Miguel. Bakit kasi sumulpot itong muli sa buhay niya? She thought 'she is strong enough to face
“ANO? Teka nga, Dan? Bukas na agad ang alis mo? Ano ba ang nakalagay sa contract niyo ni Miguel?” Naging mailap ang mata nito. Pero ng makita ang nagdududa niyang tingin ay ngumiti ito. Pero alanganin na ngiti. Pakiramdam niya tuloy ay may kinalaman sa kanya ang nasa contact ng dalawa. “Don’t worry, okay. Wala naman kinalaman sayo ang pinirmahan kong kontrata sa kanya. Nakasaad lang do’n na hindi ako pwedeng umuwi sa loob ng isang taon. Ihhh! Hindi na ako makapaghintay na masama ang lahat ng fafa na nando’n!” Tili nito na halos ikatakip niya ng tenga. Nang makitan nito ang kalungkutan niya ay yumakap ito sa kanya. “Wag kang mag alala dahil babalik naman ako. Nakapagpaalam na rin ako kila mommy kaya naman good to go na ako. Basta, mahal, wag mo san kalimutan na dalawin sila mommy, ha.” Naiiyak na bilin nito. Naiiyak na tumango siya. “Wag kang mag alala, ako ang bahala kila tita at tito habang nando’n ka. Hinay-hinay sa panlalaki ha. Baka matanggal ka agad ng maaga sa elimin
NALUKOT ang mukha niya ng makarinig ng katok. Alam naman niya na si Miguel ito kaya hindi siya tumayo. Pero mukhang wala din itong balak tumigil dahil palakas nang palakas ang katok nito. Inis na tumayo siya at pinagbuksan ito. "Hindi mo ba nababasa 'to?" Aniya sabay turo sa papel na nakadikit sa tapat ng pinto. 'BAWAL KUMATOK. LALO NA KAPAG 'MIGUEL' ANG PANGALAN. Isip-bata na kung isip-bata. Pero wala siyang pake. Gusto lang naman niya na ipamukha dito na hindi siya masaya na makasama ito sa iisang 'bahay' pero mukhang wala itong pakialam dahil nakuha pa nitong ngumiti ng matamis sa kabila ng pagkainis niya. "Good morning 'my angel." My angel? Lalong nalukot ang mukha niya. My god! Kuhang-kuha ng lalaking ito ang inis niya. "Walang maganda sa umaga dahil mukha mo ang nakita ko. Saka pwede ba, Miguel. Stop callig me 'your angel' cause we both know 'I'm not." Pumikit siya bago nagpakawala ng buntong-hininga para pakalmahin ang sarili niya. Ang aga pa para masira ang mood niya.
HINDI siya iiyak—hindi siya dapat magpa-apekto at lalong hindi dapat siya maniwala. Pero bakit ganito? Unti-unting natutunaw ang mataas na pader na hinarang niya sa puso niya para kay Miguel. Bakit mayro'n parte sa puso niya na gustong paniwalaan ito? B-bakit gusto niyang magpakatanga na naman? Nahihibang na yata siya! Malakas niyang tinulak si Miguel palayo sa kanya. Puno ng sakit na tumingin siya ng diretso sa mga mata nito. Ayaw niya na makita nito na mahina siya. Pero ngayon ay wala na siyang pakialam kung makita nito na luhaan ang kanyang mukha. "B-bakit napakadali para sayo ang magsinungaling? Bakit, Miguel? D-dahil ba akala mo ay ako pa rin ang batang madaling bilugin ang ulo noon?" "Believe me, that news if fake. Hindi kita niloko." May pagmamakaawa sa boses nito na paniwalaan niya ang mga sinasabi nito. Lalo lang siyang naiyak sa pagtanggi nito. Lumamlam ang mga mata nito nang makita kung paano dumaloy ang luha niya. Wala itong patid sa pagdaloy. Malakas na tinabig
"B-but I heard you, Miguel. N-narinig ko mismo sa labi mo na hindi mo ako mahal. A-ang sabi mo si Pia ang mahal mo at wala ng iba. Y-you used me to made her jealous. P-paano mo ipapaliwanag sa akin ang mga narinig ko?" Nang maalala niya ang tagpo na 'yon ay parang pinipiga na naman ang puso niya sa sakit. Tandang-tanda niya kung paano sabihin ni Miguel kung gaano nito kamahal si Pia. Gusto niyang malinawan. Gusto niyang malaman ang katotohanan at marinig mismo sa labi nito na hindi totoo ang mga narinig niya. This time ay paniniwalaan niya anuman ang sasabihin nito. Puso niya ang pakikinggan niya sa pagkakataon na ito. Bumitaw sa pagkakayakap si Miguel sa kanya at saka siya inilayo at hinawakan sa balikat. Tumingin ito sa kanyang mga mata ng walang halong pag aalinlangan, banaag ang katapatan at kaseryosohan. "I never said 'I love you' to anyone dahil wala naman akong ibang minahal kundi ikaw lang, Gail." Hindi ito ang panahon para kiligin pero ng sabihin iyon ng binata ay paran
Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ni Gail na mauulit ang sandaling ito. Siya, at si Miguel ng magkasama at parehong masaya. Akala niya masaya na siya sa buhay 'single' nung hindi pa ito bumabalik sa buhay niya. Pero mas masaya pala kapag magkasama silang dalawa. Pinigilan niya ang matawa ng makita kung paano malukot ang mukha nito habang tulak-tulak ang cart. Narito kasi sila sa isang grocery store para mamili ng stocks nila sa bahay. At simula ng dumating sila dito ay hindi na maipinta ang mukha nito. "My angel, please let me hold your hand." Mahinang bulong nito mula sa kanyang likuran. Kung titingnan ay parang hindi sila magkakilalang dalawa dahil hindi niya ito kinakausap o nilalapitan. Hindi lang 'yon, nilalayuan niya pa ito kapag lumalapit ito sa kanya. Kaya naman hindi maipinta ang mukha nito habang bumubuntot sa kanya. Iniiwasan niya kasi na may makapansin sa kanila na mga fans ni Miguel. Paano kung makilala ito at magkagulo dito sa store? Kawawa naman ang may ari nito.
Dahil sa nangyari ay nauwi sila ni Miguel sa Quinn's restaurant ng walang dala maski isa. Hinawakan niya ang kamay ni Miguel at mahinang pinisil. Halata na wala pa rin ito sa mood dahil sa nangyari kanina. "Restroom lang ako." Paalam niya sa binata. Pagdating sa restroom ay hinila niya ang suot ng manggas na suot para makita ang balikat. Nakahinga siya ng maluwag ng makita na wala itong pasa. "Sino ang lalaking 'yon?" Kanina pa niya iniisip kung saan nga ba niya nakita ang lalaking 'yon. Pamilyar kasi ito sa kanya. Nang pabalik na siya sa pwesto nila ni Miguel ay napahinto siya sa paglalakad at gano'n din ang lalaking nakasalubong niya—si Morie! Ang manager ni Miguel. Pero ang nakapagtataka ay nakasuot ito ng uniform katulad ng mga restaurant staff na nagserve sa kanila ni Miguel kanina. "Gail?!" Pumilantik ang mata nito. "Ikaw nga, Gail!" Nagulat siya ng yumakap ito sa kanya at b****o. Hindi niya malaman kung mapapangiwi o matutuwa sa ginawa nito. Hindi naman kasi sila close. Tu
FRUSTRATED na sumandal si Gail sa gilid ng pintuan ng tinutuluyang pad ni Nerissa. Halos dalawang oras na siyang nagdodoorbell at kumakatok ngunit walang nagbubukas. Tama nga ang mommy ni Nerissa, malaki ang chance na wala dito ang anak nito. Ayaw naman niyang bumalik ng hindi nalalaman ang sagot nito. Masakit man ay kailangan niyang malaman ang totoo. Ito lang kasi ang paraan para matahimik siya, sila ni Miguel. Alam niya ang dahilan kaya ito ginawa ni Nerissa pero gusto niyang malaman mismo sa bibig nito ang katotohanan. Siguro dahil may parte sa puso niya na gustong isipin na hindi totoo ang hinala niya. 'Kahit alam niya na niloloko lang niya ang sarili niya.' Lumipas pa ang isang oras. Nagugutom na siya pero hanggang ngayon ay wala pa rin ito. "Ouch." Napangiwi siya ng sumakit ang likod niya. Kanina pa kasi siya nakasandal sa pader kaya nangangalay na ang likod niya. Mabuti pa ay kumain na muna siya. Babalik nalang siya mamaya. Sa paliko sa bandang pasilyo malapit sa elevat
WALANG patid ang pagluha niya habang nakatingin sa puntod ng mga ate niya. Akala nila ay napakaswerte nila dahil nakatagpo sila ng mabuting tao na umampon sa kanila, ngunit mali sila. Para sa mga batang iniwan at pinabayaan ng tunay na mga magulang, gusto lang naman nila magkaroon ng magulang na tatanggap at mamahalin sila. Kanina pa tahimik na umiiyak si Junli. Sobra itong nasaktan sa nalaman. Hindi pala ito iniwan ng ate niya. Doble ang sakit na naramdaman nito ng malaman na nagdadalantao pala ang ate niya. Alam niya na kung nasaan man ang ate Marian niya ay masaya ito dahil nakatagpo si Junli ng mabuting babae. Nakakabilib si Joana, kahit sa pagluluksa sa first love ng asawa ay kasa-kasama ito. Si Coby naman, nasa kalayuan. Masaya ito dahil nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ate Zera niya. Pero batid niya na nasasaktan parin ito sa sinapit ng ate niya. Mahal na mahal rin nito ang ate Zera niya dahil kung tutuusin ay pwede itong umalis ng bansa at tumakas. Pero hindi nito g
Sobra ang kaba niya na baka magduda ang mga lalaking kasama nila ngayon. Buti nalang at ‘mukhang hindi sineryoso ng mga ito ang sinabi ng anak ni Nerissa. Sino nga naman kasi ang tatawagin niyang ‘fafa’ dito bukod sa kanyang ama. “Hoy, lakad na! Kanina pa naghihintay sila ma’am at sir sa sala!” Pinigilan niya ang sarili na huwag sipain ang lalaki. “Mamaya ka lang talaga sa aking lalaki ka. Pababalatan talaga kita kay Miguel mamaya.” Mahinang bulong niya. “May sinasabi ka?!” Bulyaw pa nito sa kanya. Hindi lang siya ang napangiwi, maging ang lalaking papakasalan niya. Paano ay nagtalsikan ang mabahong laway ng lalaki sa mukha nila. “Patawad, oh Diyos ko.” Napapantastikuhang tumingin siya sa lalaking papakasalan niya na ngayon ay nauna ng umalis sa kanya. Kanina pa niya napansin na panay ang sign of the cross nito. Mukhang sobra ang takot nito at tinatawag na ang lahat ng santo. Pagdating sa sala ay naabutan niya si Nerissa na kasama ang daddy niya. Natigilan siya at nagp
DINALA siya ng mga lalaki sa kwarto sa itaas ng kwarto ng daddy niya. Padaskol siyang itinulak ng mga ito at hinagis ang isang malaking kahon sa kanya. “Suotin mo daw ang laman niyan sabi ni ma’am Nerissa. Wag mong subukan na sumuway kung ayaw mong kami pa ang magpalit ng damit mo.” Napaatras siya ng pasadahan nito ng tingin ang katawan niya. “Ayaw mo naman siguro na kami pa ang magbihis sayo?!” Malakas na sinara niya ang pinto ng kwarto. “Mga manyakis!” Kung may load lang sana ang simcard ng ate Zera niya ay nakahingi na sana siya ng tulong. Kung hindi lang sana dumating ang daddy niya ay nailagay niya sana ang simcard sa cellphone nito. Pero sadyang ang malas niya dahil naabutan siya ng daddy niya at ni Nerissa. Pinahid niya ang luha na hindi niya namalayan na naglandas sa kanyang pisngi. Nang mapatingin siya sa kamay ay saka lang niya napansin na sobrang nanginginig na pala siya. Sana pala ay nakinig siya kina Joana at Junli na wag magpadalos-dalos at pumunta dito. Hindi
NATUMBA ang daddy niya sa lakas ng hampas niya. Nabitiwan niya sa takot ang hawak na kawali ng makita niya na dumudugo ang ulo nito habang walang malay. Naghanap siya ng tali at ng makakita ay itinali niya ito. Baka kasi magising ito at makatakas. Kailangan niyang makasiguro na hindi ito makakatakas. Pagkatapos itali ng mahigpit ang kamay at paa ay kinapa niya ang bulsa nito para kunin ang cellphone nito. “Thanks god!” Aniya ng makuha ang cellphone nito. Kailangan niyang tawagan si Miguel para ipaalam kung nasaan siya. “Shit!” Napasigaw siya sa inis ng makitang may password ang cellphone nito. Hindi ito gumamit ng fingerprint o face unlock kaya hindi niya ito mabuksan. Sinubukan niyang buksan ito gamit ang lahat ng pwedeng i-password nito pero wala talaga. Ang malas naman! Nakakainis! Sandali siyang napaisip. “Sa kotse!” Tama! Sigurado na may charger ito sa sasakyan nito. Wala siyang sinayang na sandali. Agad siyang lumabas para puntahan ang sasakyan nito. Dahil nakuha niya a
‘WAG KANG magpapahalata na alam mo na ang lahat, Gail!’ Aniya sabay kagat ng malakas sa loob ng kanyang bibig. Kailangan niyang labanan ang takot at kaba niya para hindi ito makahalata. Kunwari ay bumuntonghininga siya. “Tama ka, dad. Hindi dapat paniwalaan ang lalaking ‘yon. Siya ang dahilan kaya naging gano’n ang ugali ni ate Zera. Biruin mo ‘sinabi niya sa akin na pinatay daw si ate Zera dahil may nalaman si ate na sikreto ng pamilya natin.” Kunwari ay tumawa siya. “Mukhang nababaliw na talaga ang lalaking ‘yon. Inutusan oa niya ako na kunin ang mga gamit ni ate Zera para patunayan sa akin na totoo ang mga sinabi niya. Anong akala niya sa akin? Tanġa na maniniwala sa mga sinasabi niya?” “Kung gano’n ay bakit mo dala ang mga gamit ng ate mo?” Walang kangiti-ngiti na tanong ni Hector na may duda sa ikinikilos ng anak. Lihim siyang napalunok. “Ah ito ba, dad? Pumunta kasi ako dito para alamin kung may pwede pa akong mapakinabangan na gamit dito. Nasunugan kasi ang pamilya ng d
Bumuga ng hangin si Gail habang nakatingin sa bahay-bakasyunan nila dito sa Zambales. Padilim na. Pagod pa siya dahil sa biyahe pero wala siyang panahon para magpahinga. Kailangan niyang malaman kung ano ba ang meron dito para matakot ang ate Zera niya para sa kanya, ano ba ang nalaman nito na humantong sa pagkamatay nito. Tinatanggi ng utak at puso niya ang mga sinabi ni Coby tungkol sa daddy niya. Patutunayan niya na hindi iyon totoo. Patutunayan niya na walang dapat ikatakot sa lugar na ito. Ito talaga ang tunay na dahilan kaya siya narito—ang patunayan na hindi magagawa ng kanyang ama ang bintang nito. Mabilis na nagtago siya sa likuran ng sasakyan ng makarinig ng yabag. “Aalis na ako, Hector. Pumunta lang ako dito para bigyan ka ng babala. Makabubuti kung susundin mo ang mga sinabi ko sayo. Hindi ka na ligtas sa bansang ito.” Hindi siya pwedeng magkamali. Ito ang kaibigan na doktor ng daddy niya na pinakilala sa kanila noon. “Bye, daddy!” Napaawang ang labi niya ng mak
“NARITO ANG MGA IMPORMASYON TUNGKOL SA AMA NI GAIL.” Inabot ni Zandro ang folder na hawak sa kaibigan na si Miguel. “This is beyond my expectations, fvcker. Tiyak kong magugulat ka sa nilalaman ng mga ito.” Napatiimbagang si Miguel ng makita ang nilalaman ng folder. “Fvck!” Napasabunot siya sa buhok. Malayo ito sa inaasahan niya na malalaman. “Hindi basta paninisi lang ang dahilan ni Coby Peralta para pagtangkaan ang buhay ni Gail. Ang nakakagulat, hindi lamang si Gail ang involved sa mga ito kundi mayron pang mas malalim na dahilan.” Pabagsak na umupo si Zandro sa couch at dumekwatro ng upo. Dinampot nito ang baso ng alak at nilagok ito. Kagagaling lamang nito sa misyon. Dumiretso ito sa restaurant ni Nick upang sabihin at dalhin ang impormasyon na kailangan malaman ng kaibigan. Dumating si Nickolas na may dalang panibagong bote ng alak. Pagkatapos lagyan ang baso nito ay tumingin ito sa kanya. “Kung iniisip mo ang mararamdaman ng babae mo, kay Tres mo siya ipatumba. Halang nama
UMILING-ILING siya. Galit ang mga mata na sinalubong niya ang tingin nito. May kinalaman sa pamilya niya? Anong klaseng biro ito? No, hindi ito biro, isa itong bintang na walang katuturan. “Gail, saan ka pupunta?” Tanong nu Joana ng buksan niya ang pinto. “Uuwi na ako.” Masama niyang tiningnan si Coby. “Sa tingin ko kasi ay masyadong napasama ang tama sa ulo ng lalaking iyan kaya kung ano-ano ang sinasabi niya.” “Nasa date kami ni Zera noon sa Zambales, Gail. Nakita namin ang daddy mo kasama ang isang babae. Nagtago kami kasi natakot kami na baka makita niya kami.” Napahinto siya sa pagtangkang pag alis. Umiwas ito ng tingin. “Alam naman namin pareho na bawal siya makipagrelasyon… pero mahal namin ang isa’t isa kaya pinili namin na sumuway. Nang gabi na ‘yon ay nagtaka si Zera. Ang sinabi daw kasi ng daddy niyo ay nasa ibang bansa siya for business.” Sumilay ang ngiti ni Coby bigla sa labi ng maalala ang nobya. “Tuwang-tuwa si Zera ng time na ‘yon kasi mukhang nakita na daw
“Sandali, Gail.” Pigil ni Junli sa kanya. Nginuso nito ang mga bodyguards niya. “Ang sabi ni Coby ay hindi siya makikipag usap kapag may ibang tao tayong isinama. Kaya mas maganda sana kung wag kang magpapasama ng bodyguards.” “Pero kasi- “Tama ang asawa ko, Gail. Mas mabuti kung wala tayong ibang kasama kapag kinausap natin siya. Sa palagay ko kasi ay may trust issue si Coby, Gail.” Naalala niya ang sinabi ng mga nurse kanina. Mukhang tama si Joana. Dahil kung hindi, bakit ito tatakas diba? Nahirapan siyang takasan ang mga tauhan ni Miguel. Inabot pa siya ng dalawang oras bago tuluyan na matakasan ang mga ito. ‘I’m sorry, guys. Pero ngayon lang naman ito.’ pagdating sa restaurant kung saan nasaan ang mag asawa ay sumama siya sa mga ito. Sa isang maliit na village nakatira ang mag asawa. Hindi kalakihan ang bahay ng mag asawa pero malinis naman ang loob at labas. Dahil may kaliitan ay halos mapuno ito ng mga gamit. “Pasensya ka na sa bahay namin ha. Maliit lang ito kumpara s