ALAM niya na kanina pa gustong magtanong ni Dan sa kanya kaya hindi mapuknat ang tingin nito sa kanya kanina pa. Nagsindi siya ng sigarilyo bago tinanggap ang kape na inabot nito.Kauuwi lang niya at wala pa siyang tulog. At siyempre, alam niya ang tumatakbo sa isip ng kaibigan niya. Buong gabi ba naman siyang nasa bahay ni Miguel, eh. Malamang ay mag iisip talaga ito ng hindi maganda. Saka kilala siya nito. Hindi naman niya ugali ang pumunta sa bahay ng isang lalaki. Sa loob ng ilang taon na pakikipagdate ay hindi siya naisahan o naloko ng iba para maka-score sa kanya.‘Pero kay Miguel, oo?’ Arghh! Napasubsob siya ng ulo sa mesa habang sunod-sunod na humihithit ng sigarilyo. Daig pa niya ang naloko na naman ni Miguel dahil nakuha na naman nito ang gusto. Wala na ba itong ibang makita na ibang babae bukod sa kanya? ‘Hindi daw papakawalan’ pero niloko naman. Gag0 talaga.Napalunok si Dan ng makita ang masamang tingin niya. “Kasalanan mo talaga ito, eh. Naku, kung hindi lang talaga ki
Dalawang araw ng hindi nagpapakita si Miguel sa kanya. Simula ng itaboy niya ito ay hindi na ito nagpakita. Wala rin nagpunta sa bahay nila na pulis o abogado para ungkatin ang kasalanan ni Dan kaya naman nakahinga siya ng maluwag. Akala niya kasi ay dinamdam nito ang pagtaboy niya kaya hindi na nagparamdam. Mabuti nalang at mukhang wala itong balak idemanda si Dan sa kabila ng ginawa niya."So, ibig mong sabihin nagsawa agad siya sayo kaya hindi na siya nagpaparamdam?" Tanong ni Dan habang ngumunguya. Kumakain sila ng dinner ngayon at topic nilang magkaibigan ang babaero nilang kapitbahay.Tumango siya bago uminom ng tubig. "Kung hindi siya nagsawa, eh bakit hanggang ngayon hindi siya nagpaparamdam? Ibig lang sabihin no'n may babae siyang bago. At nando'n siya ngayon at nagpapakasasa kasama ang bago niya!" Natauhan siya ng makita na napapalunok si Dan habang nakatingin sa kanya. Saka lamang niya napansin na durog na durog na ang karne na nasa harapan niya at para na itong cornbeef
FEEL at home ang gag0. Naka-cross leg pa itong nakaupo habang nakaharap sa kanya. Habang abala si Dan sa pagtitimpla ng kape—abala din ang gag0 sa paninitig sa kanya. Tatlong kape ang nilapag ni Dan na tasa sa mesa. Napapikit siya sa inis ng makita ang pasimple na malanding ngiti nito sa labi habang nakaharap kay Miguel. At ito naman si Miguel—hihigop nalang ng kape, bakit kailangan pang nakatingin sa kanya?! Tapos wala pang pakialam si Dan. Baka mamaya isipin ni Miguel na walang pakialam si Dan sa kanya at hindi siya nito mahal. Oo hindi nga siya nito mahal in a romantic way, pero wag naman sana nito ipakita iyon sa harapan ng gag0 na 'to. Mabuti nalang at mukhang hindi napapansin ni Miguel na 'may something' sa kanila ni Dan. Kundi ay malilintikan talaga sa kanya ang kaibigan niya. Pakiramdam tuloy niya ay nababalewala ang pagtulong niya dito dahil hindi nito ginagawa ng maayos ang 'trabaho' nito—which is magpanggap na fiance niya. "We are glad to have you as our neighbor. H
NANG umalis si Miguel ay agad na isinara niya ang pintuan. Pinaningkitan niya ng mata si Dan na ngayon ay todo nguso na parang bata. "Mahal," lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Alam nito na kanina pa masama nag loob niya. "Wag ka na magalit. Promise, paglabas ko sa 'Reality show' magpapakasal tayo agad paglabas ko." "Kailan pa? Baka paglabas mo ay nakahanap na ako ng ibang papakasalan. Alam mo naman ang reason ko di'ba? Gusto ko ng makabalik sa daddy ko, Dan. At ikaw naman, kailangan mo rin magpakasal para sa daddy mo. Gagawin natin 'to kasi pareho tayo na may malalim na rason." Nagpapadyak ito ng paa. "Gail, minsan ko lang ito mararanasan, ang mapaligiran ng mga hot na fafa. Saka hindi lang iyon. Hindi mo na rin kailangan makipaglaro di'yan sa ex mo para mabayaran ang utang ko. Makukuha ko pa ang kotse na pangarap ko. Sige na,mahal. Pagbigyan mo na ako. Hmm?" Hindi siya sumagot. Iniwan niya ito na masama ang loob. 'Hindi mo na kailangan makipaglaro di'yan sa e
DUMIIN ang hawak niya sa cellphone. 'Kalma, Gail.' Aniya sa kanyang sarili. Kaunting tiis nalang. Kapag nagsimula na ang 'Reality show' ay hindi mo na siya kailangan makita. Bumuga siya ng hangin bago nakangiting tumango na para bang kaharap lang niya ito. Okay, fine. I will come." Aniya. Dahil naka-nighties lang naman siya ng kulay puti ay pinatungan nalang niya ito ng puting roba. Matatanggal din naman mamaya kaya bakit pa siya magbibihis. Mahina na kumatok siya ng makarating sa bahay ni Miguel. Inikutan niya ito ng pagbuksan siya nito ng pinto. Hindi man lang ito nakapaghintay. Agad siya nitong hinila papasok at malakas na isinarado ang pinto. Pagkasara ng pinto ay saka nito pinalibot ang matipunong braso sa baywang niya. Inangat nito ang katawan niya sabay siil ng halik sa labi niya. At katulad nitong nakaraan, tinugon niya ang mapusok na halik nito. "I've miss you, my angel." Paos na sambit nito sa pagitan ng paghalik sa puno ng tainga niya habang buhat ang maliit n
"MABUTI pa kumain ka na, Miguel. L-lalamig ang pagkain mo." Mabuti pa ay wag na siyang magtanong o magsalita dahil baka saan pa umabot ang usapan nila. Ito ang iniiwasan niya—ang mapag usapan ang tungkol sa nakaraan nila. Hindi na niya gusto na balikan pa iyon. Para saan pa? Pagkatapos ng masayang alaala nila—susunod naman ang mapait na sinapit ng relasyon nila. Naglagay si Miguel ng plato sa harapan niya. Naglagay din ito ang pagkain dito. Hindi siya nagsalita upang pigilan ito. Pakiramdam niya kasi ay 'way' ito ni Miguel para sabihin na sabay silang kumain. At wala siyang lakas ng loob para ayawan ito. Kinagat niya ang labi ng madiin para pigilan ang sarili niya na wag magsalita. Gustong-gusto niyang magtanong kung bakit ngayon lang ito kakain. Shit! 'Wag kang magtatanong, Gail!' Sita ng isip niya. Ayaw niya na bigyan na naman nito ng ibang ibig sabihin ang pagtatanong niya. Tanging tunog lang ng pagkain ni Miguel ang maririnig sa buong kusina. Nang mapansin nito na hindi siy
"Arghh damn!" Rinig niya na mura ni Miguel pagkatapos niyang sipain ang kinabukasan nito. Pagkauwi ay agad siyang nagkulong sa kwarto niya. Dumapa siya sa kama at sinubsob sa unan ang mukha niya. Iyak siya nang iyak. Halo-halo ang nararamdaman niya ngayon. Nagagalit siya at nasasaktan sa pagpapanggap ni Miguel na para bang wala talaga itong alam kaya nasira ang kanilang relasyon. Ang kapal ng mukha! Ito pa ang galit at may lakas ng loob na tanungin siya kung ano ang dahilan niya. Hindi ba talaga nito o wala ba talaga itong hinala na nalaman niya ang totoo tungkol dito at kay Pia? Lalo siyang naluha ng maalala si Pia. Ang babae na talagang mahal ni Miguel. Sobrang tanga niya noon dahil umasa pa siya na hindi totoo ang narinig niya. Nagpakatanga pa siya at handang marinig ang paliwanag nito noon. Na kahit kasinungalingan pa ito ay handa siyang maniwala. Gano'n siya katanga kay Miguel. Bakit kasi sumulpot itong muli sa buhay niya? She thought 'she is strong enough to face
“ANO? Teka nga, Dan? Bukas na agad ang alis mo? Ano ba ang nakalagay sa contract niyo ni Miguel?” Naging mailap ang mata nito. Pero ng makita ang nagdududa niyang tingin ay ngumiti ito. Pero alanganin na ngiti. Pakiramdam niya tuloy ay may kinalaman sa kanya ang nasa contact ng dalawa. “Don’t worry, okay. Wala naman kinalaman sayo ang pinirmahan kong kontrata sa kanya. Nakasaad lang do’n na hindi ako pwedeng umuwi sa loob ng isang taon. Ihhh! Hindi na ako makapaghintay na masama ang lahat ng fafa na nando’n!” Tili nito na halos ikatakip niya ng tenga. Nang makitan nito ang kalungkutan niya ay yumakap ito sa kanya. “Wag kang mag alala dahil babalik naman ako. Nakapagpaalam na rin ako kila mommy kaya naman good to go na ako. Basta, mahal, wag mo san kalimutan na dalawin sila mommy, ha.” Naiiyak na bilin nito. Naiiyak na tumango siya. “Wag kang mag alala, ako ang bahala kila tita at tito habang nando’n ka. Hinay-hinay sa panlalaki ha. Baka matanggal ka agad ng maaga sa elimin
WALANG patid ang pagluha niya habang nakatingin sa puntod ng mga ate niya. Akala nila ay napakaswerte nila dahil nakatagpo sila ng mabuting tao na umampon sa kanila, ngunit mali sila. Para sa mga batang iniwan at pinabayaan ng tunay na mga magulang, gusto lang naman nila magkaroon ng magulang na tatanggap at mamahalin sila. Kanina pa tahimik na umiiyak si Junli. Sobra itong nasaktan sa nalaman. Hindi pala ito iniwan ng ate niya. Doble ang sakit na naramdaman nito ng malaman na nagdadalantao pala ang ate niya. Alam niya na kung nasaan man ang ate Marian niya ay masaya ito dahil nakatagpo si Junli ng mabuting babae. Nakakabilib si Joana, kahit sa pagluluksa sa first love ng asawa ay kasa-kasama ito. Si Coby naman, nasa kalayuan. Masaya ito dahil nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ate Zera niya. Pero batid niya na nasasaktan parin ito sa sinapit ng ate niya. Mahal na mahal rin nito ang ate Zera niya dahil kung tutuusin ay pwede itong umalis ng bansa at tumakas. Pero hindi nito g
Sobra ang kaba niya na baka magduda ang mga lalaking kasama nila ngayon. Buti nalang at ‘mukhang hindi sineryoso ng mga ito ang sinabi ng anak ni Nerissa. Sino nga naman kasi ang tatawagin niyang ‘fafa’ dito bukod sa kanyang ama. “Hoy, lakad na! Kanina pa naghihintay sila ma’am at sir sa sala!” Pinigilan niya ang sarili na huwag sipain ang lalaki. “Mamaya ka lang talaga sa aking lalaki ka. Pababalatan talaga kita kay Miguel mamaya.” Mahinang bulong niya. “May sinasabi ka?!” Bulyaw pa nito sa kanya. Hindi lang siya ang napangiwi, maging ang lalaking papakasalan niya. Paano ay nagtalsikan ang mabahong laway ng lalaki sa mukha nila. “Patawad, oh Diyos ko.” Napapantastikuhang tumingin siya sa lalaking papakasalan niya na ngayon ay nauna ng umalis sa kanya. Kanina pa niya napansin na panay ang sign of the cross nito. Mukhang sobra ang takot nito at tinatawag na ang lahat ng santo. Pagdating sa sala ay naabutan niya si Nerissa na kasama ang daddy niya. Natigilan siya at nagp
DINALA siya ng mga lalaki sa kwarto sa itaas ng kwarto ng daddy niya. Padaskol siyang itinulak ng mga ito at hinagis ang isang malaking kahon sa kanya. “Suotin mo daw ang laman niyan sabi ni ma’am Nerissa. Wag mong subukan na sumuway kung ayaw mong kami pa ang magpalit ng damit mo.” Napaatras siya ng pasadahan nito ng tingin ang katawan niya. “Ayaw mo naman siguro na kami pa ang magbihis sayo?!” Malakas na sinara niya ang pinto ng kwarto. “Mga manyakis!” Kung may load lang sana ang simcard ng ate Zera niya ay nakahingi na sana siya ng tulong. Kung hindi lang sana dumating ang daddy niya ay nailagay niya sana ang simcard sa cellphone nito. Pero sadyang ang malas niya dahil naabutan siya ng daddy niya at ni Nerissa. Pinahid niya ang luha na hindi niya namalayan na naglandas sa kanyang pisngi. Nang mapatingin siya sa kamay ay saka lang niya napansin na sobrang nanginginig na pala siya. Sana pala ay nakinig siya kina Joana at Junli na wag magpadalos-dalos at pumunta dito. Hindi
NATUMBA ang daddy niya sa lakas ng hampas niya. Nabitiwan niya sa takot ang hawak na kawali ng makita niya na dumudugo ang ulo nito habang walang malay. Naghanap siya ng tali at ng makakita ay itinali niya ito. Baka kasi magising ito at makatakas. Kailangan niyang makasiguro na hindi ito makakatakas. Pagkatapos itali ng mahigpit ang kamay at paa ay kinapa niya ang bulsa nito para kunin ang cellphone nito. “Thanks god!” Aniya ng makuha ang cellphone nito. Kailangan niyang tawagan si Miguel para ipaalam kung nasaan siya. “Shit!” Napasigaw siya sa inis ng makitang may password ang cellphone nito. Hindi ito gumamit ng fingerprint o face unlock kaya hindi niya ito mabuksan. Sinubukan niyang buksan ito gamit ang lahat ng pwedeng i-password nito pero wala talaga. Ang malas naman! Nakakainis! Sandali siyang napaisip. “Sa kotse!” Tama! Sigurado na may charger ito sa sasakyan nito. Wala siyang sinayang na sandali. Agad siyang lumabas para puntahan ang sasakyan nito. Dahil nakuha niya a
‘WAG KANG magpapahalata na alam mo na ang lahat, Gail!’ Aniya sabay kagat ng malakas sa loob ng kanyang bibig. Kailangan niyang labanan ang takot at kaba niya para hindi ito makahalata. Kunwari ay bumuntonghininga siya. “Tama ka, dad. Hindi dapat paniwalaan ang lalaking ‘yon. Siya ang dahilan kaya naging gano’n ang ugali ni ate Zera. Biruin mo ‘sinabi niya sa akin na pinatay daw si ate Zera dahil may nalaman si ate na sikreto ng pamilya natin.” Kunwari ay tumawa siya. “Mukhang nababaliw na talaga ang lalaking ‘yon. Inutusan oa niya ako na kunin ang mga gamit ni ate Zera para patunayan sa akin na totoo ang mga sinabi niya. Anong akala niya sa akin? Tanġa na maniniwala sa mga sinasabi niya?” “Kung gano’n ay bakit mo dala ang mga gamit ng ate mo?” Walang kangiti-ngiti na tanong ni Hector na may duda sa ikinikilos ng anak. Lihim siyang napalunok. “Ah ito ba, dad? Pumunta kasi ako dito para alamin kung may pwede pa akong mapakinabangan na gamit dito. Nasunugan kasi ang pamilya ng d
Bumuga ng hangin si Gail habang nakatingin sa bahay-bakasyunan nila dito sa Zambales. Padilim na. Pagod pa siya dahil sa biyahe pero wala siyang panahon para magpahinga. Kailangan niyang malaman kung ano ba ang meron dito para matakot ang ate Zera niya para sa kanya, ano ba ang nalaman nito na humantong sa pagkamatay nito. Tinatanggi ng utak at puso niya ang mga sinabi ni Coby tungkol sa daddy niya. Patutunayan niya na hindi iyon totoo. Patutunayan niya na walang dapat ikatakot sa lugar na ito. Ito talaga ang tunay na dahilan kaya siya narito—ang patunayan na hindi magagawa ng kanyang ama ang bintang nito. Mabilis na nagtago siya sa likuran ng sasakyan ng makarinig ng yabag. “Aalis na ako, Hector. Pumunta lang ako dito para bigyan ka ng babala. Makabubuti kung susundin mo ang mga sinabi ko sayo. Hindi ka na ligtas sa bansang ito.” Hindi siya pwedeng magkamali. Ito ang kaibigan na doktor ng daddy niya na pinakilala sa kanila noon. “Bye, daddy!” Napaawang ang labi niya ng mak
“NARITO ANG MGA IMPORMASYON TUNGKOL SA AMA NI GAIL.” Inabot ni Zandro ang folder na hawak sa kaibigan na si Miguel. “This is beyond my expectations, fvcker. Tiyak kong magugulat ka sa nilalaman ng mga ito.” Napatiimbagang si Miguel ng makita ang nilalaman ng folder. “Fvck!” Napasabunot siya sa buhok. Malayo ito sa inaasahan niya na malalaman. “Hindi basta paninisi lang ang dahilan ni Coby Peralta para pagtangkaan ang buhay ni Gail. Ang nakakagulat, hindi lamang si Gail ang involved sa mga ito kundi mayron pang mas malalim na dahilan.” Pabagsak na umupo si Zandro sa couch at dumekwatro ng upo. Dinampot nito ang baso ng alak at nilagok ito. Kagagaling lamang nito sa misyon. Dumiretso ito sa restaurant ni Nick upang sabihin at dalhin ang impormasyon na kailangan malaman ng kaibigan. Dumating si Nickolas na may dalang panibagong bote ng alak. Pagkatapos lagyan ang baso nito ay tumingin ito sa kanya. “Kung iniisip mo ang mararamdaman ng babae mo, kay Tres mo siya ipatumba. Halang nama
UMILING-ILING siya. Galit ang mga mata na sinalubong niya ang tingin nito. May kinalaman sa pamilya niya? Anong klaseng biro ito? No, hindi ito biro, isa itong bintang na walang katuturan. “Gail, saan ka pupunta?” Tanong nu Joana ng buksan niya ang pinto. “Uuwi na ako.” Masama niyang tiningnan si Coby. “Sa tingin ko kasi ay masyadong napasama ang tama sa ulo ng lalaking iyan kaya kung ano-ano ang sinasabi niya.” “Nasa date kami ni Zera noon sa Zambales, Gail. Nakita namin ang daddy mo kasama ang isang babae. Nagtago kami kasi natakot kami na baka makita niya kami.” Napahinto siya sa pagtangkang pag alis. Umiwas ito ng tingin. “Alam naman namin pareho na bawal siya makipagrelasyon… pero mahal namin ang isa’t isa kaya pinili namin na sumuway. Nang gabi na ‘yon ay nagtaka si Zera. Ang sinabi daw kasi ng daddy niyo ay nasa ibang bansa siya for business.” Sumilay ang ngiti ni Coby bigla sa labi ng maalala ang nobya. “Tuwang-tuwa si Zera ng time na ‘yon kasi mukhang nakita na daw
“Sandali, Gail.” Pigil ni Junli sa kanya. Nginuso nito ang mga bodyguards niya. “Ang sabi ni Coby ay hindi siya makikipag usap kapag may ibang tao tayong isinama. Kaya mas maganda sana kung wag kang magpapasama ng bodyguards.” “Pero kasi- “Tama ang asawa ko, Gail. Mas mabuti kung wala tayong ibang kasama kapag kinausap natin siya. Sa palagay ko kasi ay may trust issue si Coby, Gail.” Naalala niya ang sinabi ng mga nurse kanina. Mukhang tama si Joana. Dahil kung hindi, bakit ito tatakas diba? Nahirapan siyang takasan ang mga tauhan ni Miguel. Inabot pa siya ng dalawang oras bago tuluyan na matakasan ang mga ito. ‘I’m sorry, guys. Pero ngayon lang naman ito.’ pagdating sa restaurant kung saan nasaan ang mag asawa ay sumama siya sa mga ito. Sa isang maliit na village nakatira ang mag asawa. Hindi kalakihan ang bahay ng mag asawa pero malinis naman ang loob at labas. Dahil may kaliitan ay halos mapuno ito ng mga gamit. “Pasensya ka na sa bahay namin ha. Maliit lang ito kumpara s