[Gail] "Mamahalin ka pa rin kaya ng nobyo mo kapag nalaman niyang ampon ka, Gail." Hindi mawala sa isip niya ang sinabi ng ate niya. Nangingitim na ang ilalim ng mga mata niya dahil sa kakaisip tungkol sa bagay na 'yon. "Gail, alam mo kanina ka pa tulala. Wag mo sabihin sa akin na may LQ kayo ni fafa Migs—este ni jowa mo." Kung hindi pa siya hinila ni Sandy ay hindi siya matatauhan. "Alam mo mabuti pa ay kumain na tayo. Kanina pa ako nagugutom, eh!" Dahil nasa out of town si Nerissa kasama ang magulang ay silang dalawa lang ni Sandy ang magkasama ngayong dalawa. "Gail, di'ba ang daddy mo 'yon?" Nginuso ni Sandy ang nasa dulong bahagi ng restaurant. Tama nga ito, ang daddy niya ito. Mukhang may ka-meeting ito ngayon. Dahil mukhang may kinalaman sa business ang pinag uusapan ng mga ito ay pinili niyang hindi na ito lapitan at istorbohin. Nakakahiya naman kung bigla siyang lalapit sa mga ito at mang aabala. "Alam mo ba, Gail. Si Nerissa, napansin ko sa kanya na madalas siyang tul
Magbasa pa