[Gail] “Mukhang puyat ka yata, Gail. Magkausap ba kayo ng boyfriend mo kagabi?” Namutla siya sa tanong ng ate niya. Kasalukuyan silang nag-almusal ngayon kasama ang mabuti nalang at tumayo saglit ang daddy nila dahil may kausap ito sa cellphone. “A-ano bang sinasabi mo di’yan, ate. M-maaga ako natulog kagabi saka wala naman akong nobyo.” Tumawa ito, tawang masakit sa tenga. “Relax, Gail, binibiro lang naman kita. Parang hindi ka naman sa akin noon pa.” Bumaling ito sa ama ng makabalik. “Dad, may lakad ako mamaya, baka pwede naman na hindi mo na ako pabuntutan sa bodyguard. Sige na, dad, please. Promise magbi-behave na ako.” ‘Pagkakataon ko na ‘to!’ “Dad, ako rin. Hindi niyo naman kami kailangan pabantayan. Malaki na kami, dad. Saka nakakailang ang may nakabuntot na bantay, nakakailang po. Napagkakamalan pa tuloy akong anak ng politicians sa unibersidad.” Kailangan niyang makumbinse ang daddy niya. Para naman magkaro’n na sila ng maraming oras ni Miguel na magkita. Napa
Last Updated : 2024-07-26 Read more