LIKE 👍 COMMENT 💬
[Gail] Sa gilid ay magkayakap na lumuluha ang magulang ni Nerissa. Kung makikita ito ng kaibigan niya ay tiyak na matutuwa ito dahil sa kauna-unahang pagkakaon ay nagkasundo ang dalawa. Iyon nga lang sa hindi magandang dahilan pa sila nagkasundo. "Gail, mabuti pa ay umuwi ka na. Kapag nagising si Nerissa ay tatawagan nalang kita. Baka nag aalala na ang daddy mo sa’yo, iha. Saka hindi ka dapat umabsent sa classes mo.” Dalawang araw ng hindi gumigising si Nerissa. Ayon naman sa doktor ay ligtas na ito, pero dahil sa matinding bugbog na tinamo ay hindi pa rin ito nagkakamalay. Bumuntong-hininga ang mommy ni Nerissa ng umiling siya. Hinawakan nito ang kamay niya. "Salamat sa pagiging mabuting kaibigan sa anak ko, Gail... salamat..." Hindi niya mapigilan ang mapaiyak. Hinawakan siya nito sa balikat sa pag-aakalang ang iniiyakan niya ay ang sinabi nito. Ang totoo ay sobrang sinisisi niya ang sarili niya ng sobra. Walang dapat sisihin kundi siya. "Gising na ang anak natin!" Maluha-luhan
[Gail] "Paano mo nagawa sa akin 'to, Gail? Bakit, Gail? B-bakit?" Hinahabol niya ang hininga ng magising siya. Sa panaginip niya ay duguan si Nerissa at galit na galit sa kanya. "Gail, ayos ka lang?" "Ahhh!!!" Malakas siyang napatili sa sobrang gulat ng pagpihit niya ay nakita niya si Nerissa, nakatabi ito sa kanya. "Nerissa?!" Niyakap niya ito ng mahigpit. "O-ouch! B-bitiwan mo na ako, Gail." Umirap ito sa kanya pagkatapos niyang bitiwan. "Kung makayakap ka naman parang hindi tayo nagkita kahapon, ah." "I'm sorry... natakot lang ako. Sa panaginip ko kasi ay... may nangyari na naman sayong hindi maganda." "Gail, okay na tayo, di'ba? Hindi kita sinisisi sa nangyari kaya wag mong sisihin ang sarili mo." Bumuntong-hininga ito. Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa kamay. "Oo, inaamin ko na nagtatampo ako noong una, pero hindi na ngayon." Dinukot nito ang bulsa sa cellphone ng tumunog. "Oh my god!" Kulang nalang ay mangisay ito habang binabasa ang text na dumating. P
[Gail] Mas lalong nagtawanan ang dalawa sa sinabi niya. Nakahawak pa sa tiyan ang mga walanghiya. 'Mukha ba akong sinungaling?!' "Kinukulit niyo akong sabihin sa inyo. Tapos ngayong sinabi ko na, tatawanan niyo lang ako?" Inis na tumingin siya kay Nerissa. "At isa ka pa. Diba hindi mo ako tinantanan simula pa noong nasa hospital ka. Sabi mo pa 'sige na, Gail, aminin mo na para mapatawad kita," panggagaya niya sa boses ng kaibigan. Pinahid ni Nerissa ang luha at tumatawa pa rin na nagsalita. "It's your fault, Gail. Tinanong ka namin ng maayos, pero nagbibiro ka pa haha. Malay ba namin na magbibiro ka ng ganyan! Hahaha!" Siniko ni Sandy si Gail, natatawa pa rin ito. "Ngayon alam ko na kung bakit halos magwala siya ng mabasa niya ang article tungkol kay Miguel at Pia... patay ba patay na pala siya kay Miguel." Kumunot ang noo ni Nerissa sa narinig. "She what?" Bumaling ito sa kanya nang nakaawang ang labi—the after ilang segundo ay tumawa na naman ito. "Great!" Naging kata
[Gail] "Marami kang iku-kwento sa amin, Gail." Ito ang mensahe nina Sandy at Nerissa kanya. Iniwan na muna niya ang dalawa sa Coffee Shop. Si Miguel kasi bigla nalang siyang binuhat paalis. Talagang gusto siyang masolo ng nobyo niya. "M-Miguel, baka may makakita sa atin dito." Aniya ng makitang papasok sila sa isang mamahaling restaurant. "Don't worry, this restaurant is exclusively for us for today. Walang makaka-istorbo at makakakita sa atin kung 'yan ang kinakatakot mo." Nakahinga siya ng maluwag. She gasped when they finally entered the resto. Maganda ang ambiance ng lugar. Every design was made with high-class materials. Ang lahat ng kagamitan sa lugar ay may estilo, disenyo, at napakalinis at mahal ang dating. Ang unang nakaaakit sa kanyang mata ay ang magagandang wood crafts na naroon. 'Quinn Restaurant .' Ito ang pangalan ng restaurant. Kung hindi siya nagkakamali ay sikat at kilalang restaurant ito. Madalas itong mabalita sa telebisyon bilang nangungunang restaura
[Gail] "Damn those crazy cults!" Mura ni Nickolas bago paandarin ang kotse. Nanginginig ang katawan niya. Akala niya ay wala nang mas sosobra pa sa pagiging agresibo ng mga fans ni Miguel no'ng nasa shooting ang binata, pero mali siya. Bago sila nakasakay sa kotse ay narinig niya ang pagkabasag ng salamin ng resto. "Thank you po!" Aniya pagkababa sa kotse ng kaibigan ni Miguel. Tumango lang sa kanya ang lalaki at agad na iniwan siya. Hindi niya mapigilan ang mapangiwi—napakalayo ng personality ng lalaking 'to kay Miguel. Mukha itong hindi marunong ngumiti. Sabagay, lahat naman yata ng kaibigan ni Miguel at ganito ang personality maliban kay Liam na napakadaldal. Napangiwi siya ng makita sina Nerissa at Sandy na naghihintay sa kanya sa sala. May hinala siya kung bakit nandito ang dalawa. "Oh, nariyan na pala si Gail." Tumayo ang daddy niya at hinalikan siya sa pisngi. Napansin niya na hindi maipinta ang mukha ni Nerissa habang panay ang irap. Mukhang hanggang ngayon ay galit
[Gail] Umikot siya sa harapan ng salamin. Isang sky blue dress na lagpas tuhod ang suot niya ngayon, terno ng isang flat sandals. Ito ang laman ng kahon na pinabigay ng daddy nila. Nang makababa ay nakita niya ang ate Zera niya na kapareho niya ng suot. Nang makita siya nito ay agad na rumehistro ang galit sa mukha nito. Halatang hindi nito gustong pareho ang suot nilang dalawa. "Dad, malaki na kami ni Gail. Bakit naman kailangan pareho kaming dalawa ng suot? Arghh! Mukha kaming twinning, eh!" Reklamo nito. "Oh, sorry, darling. Nawala sa isip ko na mga dalaga na nga pala kayong dalawa." Napakamot sa ulo ang daddy nila. "Come on, baka mahuli tayo." Hindi niya mapigilan ang mapaisip. Mukhang sobrang saya ng kanilang ama. Kakaiba ang kislap ng mga mata nito. Habang nagmamaneho ay kumakanta pa ito. Muntik na siyang mapangiwi ng makarating sila ng restaurant. Nagkatinginan pa silang dalawa ni Zera ng makita ang mg
[Gail] "Mamahalin ka pa rin kaya ng nobyo mo kapag nalaman niyang ampon ka, Gail." Hindi mawala sa isip niya ang sinabi ng ate niya. Nangingitim na ang ilalim ng mga mata niya dahil sa kakaisip tungkol sa bagay na 'yon. "Gail, alam mo kanina ka pa tulala. Wag mo sabihin sa akin na may LQ kayo ni fafa Migs—este ni jowa mo." Kung hindi pa siya hinila ni Sandy ay hindi siya matatauhan. "Alam mo mabuti pa ay kumain na tayo. Kanina pa ako nagugutom, eh!" Dahil nasa out of town si Nerissa kasama ang magulang ay silang dalawa lang ni Sandy ang magkasama ngayong dalawa. "Gail, di'ba ang daddy mo 'yon?" Nginuso ni Sandy ang nasa dulong bahagi ng restaurant. Tama nga ito, ang daddy niya ito. Mukhang may ka-meeting ito ngayon. Dahil mukhang may kinalaman sa business ang pinag uusapan ng mga ito ay pinili niyang hindi na ito lapitan at istorbohin. Nakakahiya naman kung bigla siyang lalapit sa mga ito at mang aabala. "Alam mo ba, Gail. Si Nerissa, napansin ko sa kanya na madalas siyang tul
[Gail] Sa sabado na ang birthday niya. Hindi na siya makapaghintay na sumapit ang araw na 'yon. Ang totoo kasi ay may plano na siyang ipakilala si Miguel sa daddy niya. Oo, sasabihin na niya dito ang totoo. Hindi na niya kayang maglihim. Saka na niya iisipin ang galit nito sa oras na masabi na niya ang totoo. Patutunayan din naman niya na hindi hadlang ang pagkakaro'n ng nobyo kung desidido talagang magtapos ang isang tao. Kumunot ang noo niya nang makita na wala na ang cellphone niya sa ibabaw ng kama. Sigurado siya na dito lang niya nilagay 'to kanina bago siya pumasok ng banyo—natampal niya ang noo ng makita ito sa ibabaw ng drawer niya. Bata pa siya pero mukhang nagiging makakalimutin na siya. Humarap siya sa salamin at nakangiting nagpaikot-ikot dito. Pero agad din siyang napasimangot ng makita ang flat niyang dibdib. Nakakainis talaga. Bakit sila Nerissa at Sandy, pati ang ate Zera niya ay biniyayaan ng malaki? Tapos sa kanya ay maliit lang. Ang unfair naman talaga, oh.
WALANG patid ang pagluha niya habang nakatingin sa puntod ng mga ate niya. Akala nila ay napakaswerte nila dahil nakatagpo sila ng mabuting tao na umampon sa kanila, ngunit mali sila. Para sa mga batang iniwan at pinabayaan ng tunay na mga magulang, gusto lang naman nila magkaroon ng magulang na tatanggap at mamahalin sila. Kanina pa tahimik na umiiyak si Junli. Sobra itong nasaktan sa nalaman. Hindi pala ito iniwan ng ate niya. Doble ang sakit na naramdaman nito ng malaman na nagdadalantao pala ang ate niya. Alam niya na kung nasaan man ang ate Marian niya ay masaya ito dahil nakatagpo si Junli ng mabuting babae. Nakakabilib si Joana, kahit sa pagluluksa sa first love ng asawa ay kasa-kasama ito. Si Coby naman, nasa kalayuan. Masaya ito dahil nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ate Zera niya. Pero batid niya na nasasaktan parin ito sa sinapit ng ate niya. Mahal na mahal rin nito ang ate Zera niya dahil kung tutuusin ay pwede itong umalis ng bansa at tumakas. Pero hindi nito g
Sobra ang kaba niya na baka magduda ang mga lalaking kasama nila ngayon. Buti nalang at ‘mukhang hindi sineryoso ng mga ito ang sinabi ng anak ni Nerissa. Sino nga naman kasi ang tatawagin niyang ‘fafa’ dito bukod sa kanyang ama. “Hoy, lakad na! Kanina pa naghihintay sila ma’am at sir sa sala!” Pinigilan niya ang sarili na huwag sipain ang lalaki. “Mamaya ka lang talaga sa aking lalaki ka. Pababalatan talaga kita kay Miguel mamaya.” Mahinang bulong niya. “May sinasabi ka?!” Bulyaw pa nito sa kanya. Hindi lang siya ang napangiwi, maging ang lalaking papakasalan niya. Paano ay nagtalsikan ang mabahong laway ng lalaki sa mukha nila. “Patawad, oh Diyos ko.” Napapantastikuhang tumingin siya sa lalaking papakasalan niya na ngayon ay nauna ng umalis sa kanya. Kanina pa niya napansin na panay ang sign of the cross nito. Mukhang sobra ang takot nito at tinatawag na ang lahat ng santo. Pagdating sa sala ay naabutan niya si Nerissa na kasama ang daddy niya. Natigilan siya at nagp
DINALA siya ng mga lalaki sa kwarto sa itaas ng kwarto ng daddy niya. Padaskol siyang itinulak ng mga ito at hinagis ang isang malaking kahon sa kanya. “Suotin mo daw ang laman niyan sabi ni ma’am Nerissa. Wag mong subukan na sumuway kung ayaw mong kami pa ang magpalit ng damit mo.” Napaatras siya ng pasadahan nito ng tingin ang katawan niya. “Ayaw mo naman siguro na kami pa ang magbihis sayo?!” Malakas na sinara niya ang pinto ng kwarto. “Mga manyakis!” Kung may load lang sana ang simcard ng ate Zera niya ay nakahingi na sana siya ng tulong. Kung hindi lang sana dumating ang daddy niya ay nailagay niya sana ang simcard sa cellphone nito. Pero sadyang ang malas niya dahil naabutan siya ng daddy niya at ni Nerissa. Pinahid niya ang luha na hindi niya namalayan na naglandas sa kanyang pisngi. Nang mapatingin siya sa kamay ay saka lang niya napansin na sobrang nanginginig na pala siya. Sana pala ay nakinig siya kina Joana at Junli na wag magpadalos-dalos at pumunta dito. Hindi
NATUMBA ang daddy niya sa lakas ng hampas niya. Nabitiwan niya sa takot ang hawak na kawali ng makita niya na dumudugo ang ulo nito habang walang malay. Naghanap siya ng tali at ng makakita ay itinali niya ito. Baka kasi magising ito at makatakas. Kailangan niyang makasiguro na hindi ito makakatakas. Pagkatapos itali ng mahigpit ang kamay at paa ay kinapa niya ang bulsa nito para kunin ang cellphone nito. “Thanks god!” Aniya ng makuha ang cellphone nito. Kailangan niyang tawagan si Miguel para ipaalam kung nasaan siya. “Shit!” Napasigaw siya sa inis ng makitang may password ang cellphone nito. Hindi ito gumamit ng fingerprint o face unlock kaya hindi niya ito mabuksan. Sinubukan niyang buksan ito gamit ang lahat ng pwedeng i-password nito pero wala talaga. Ang malas naman! Nakakainis! Sandali siyang napaisip. “Sa kotse!” Tama! Sigurado na may charger ito sa sasakyan nito. Wala siyang sinayang na sandali. Agad siyang lumabas para puntahan ang sasakyan nito. Dahil nakuha niya a
‘WAG KANG magpapahalata na alam mo na ang lahat, Gail!’ Aniya sabay kagat ng malakas sa loob ng kanyang bibig. Kailangan niyang labanan ang takot at kaba niya para hindi ito makahalata. Kunwari ay bumuntonghininga siya. “Tama ka, dad. Hindi dapat paniwalaan ang lalaking ‘yon. Siya ang dahilan kaya naging gano’n ang ugali ni ate Zera. Biruin mo ‘sinabi niya sa akin na pinatay daw si ate Zera dahil may nalaman si ate na sikreto ng pamilya natin.” Kunwari ay tumawa siya. “Mukhang nababaliw na talaga ang lalaking ‘yon. Inutusan oa niya ako na kunin ang mga gamit ni ate Zera para patunayan sa akin na totoo ang mga sinabi niya. Anong akala niya sa akin? Tanġa na maniniwala sa mga sinasabi niya?” “Kung gano’n ay bakit mo dala ang mga gamit ng ate mo?” Walang kangiti-ngiti na tanong ni Hector na may duda sa ikinikilos ng anak. Lihim siyang napalunok. “Ah ito ba, dad? Pumunta kasi ako dito para alamin kung may pwede pa akong mapakinabangan na gamit dito. Nasunugan kasi ang pamilya ng d
Bumuga ng hangin si Gail habang nakatingin sa bahay-bakasyunan nila dito sa Zambales. Padilim na. Pagod pa siya dahil sa biyahe pero wala siyang panahon para magpahinga. Kailangan niyang malaman kung ano ba ang meron dito para matakot ang ate Zera niya para sa kanya, ano ba ang nalaman nito na humantong sa pagkamatay nito. Tinatanggi ng utak at puso niya ang mga sinabi ni Coby tungkol sa daddy niya. Patutunayan niya na hindi iyon totoo. Patutunayan niya na walang dapat ikatakot sa lugar na ito. Ito talaga ang tunay na dahilan kaya siya narito—ang patunayan na hindi magagawa ng kanyang ama ang bintang nito. Mabilis na nagtago siya sa likuran ng sasakyan ng makarinig ng yabag. “Aalis na ako, Hector. Pumunta lang ako dito para bigyan ka ng babala. Makabubuti kung susundin mo ang mga sinabi ko sayo. Hindi ka na ligtas sa bansang ito.” Hindi siya pwedeng magkamali. Ito ang kaibigan na doktor ng daddy niya na pinakilala sa kanila noon. “Bye, daddy!” Napaawang ang labi niya ng mak
“NARITO ANG MGA IMPORMASYON TUNGKOL SA AMA NI GAIL.” Inabot ni Zandro ang folder na hawak sa kaibigan na si Miguel. “This is beyond my expectations, fvcker. Tiyak kong magugulat ka sa nilalaman ng mga ito.” Napatiimbagang si Miguel ng makita ang nilalaman ng folder. “Fvck!” Napasabunot siya sa buhok. Malayo ito sa inaasahan niya na malalaman. “Hindi basta paninisi lang ang dahilan ni Coby Peralta para pagtangkaan ang buhay ni Gail. Ang nakakagulat, hindi lamang si Gail ang involved sa mga ito kundi mayron pang mas malalim na dahilan.” Pabagsak na umupo si Zandro sa couch at dumekwatro ng upo. Dinampot nito ang baso ng alak at nilagok ito. Kagagaling lamang nito sa misyon. Dumiretso ito sa restaurant ni Nick upang sabihin at dalhin ang impormasyon na kailangan malaman ng kaibigan. Dumating si Nickolas na may dalang panibagong bote ng alak. Pagkatapos lagyan ang baso nito ay tumingin ito sa kanya. “Kung iniisip mo ang mararamdaman ng babae mo, kay Tres mo siya ipatumba. Halang nama
UMILING-ILING siya. Galit ang mga mata na sinalubong niya ang tingin nito. May kinalaman sa pamilya niya? Anong klaseng biro ito? No, hindi ito biro, isa itong bintang na walang katuturan. “Gail, saan ka pupunta?” Tanong nu Joana ng buksan niya ang pinto. “Uuwi na ako.” Masama niyang tiningnan si Coby. “Sa tingin ko kasi ay masyadong napasama ang tama sa ulo ng lalaking iyan kaya kung ano-ano ang sinasabi niya.” “Nasa date kami ni Zera noon sa Zambales, Gail. Nakita namin ang daddy mo kasama ang isang babae. Nagtago kami kasi natakot kami na baka makita niya kami.” Napahinto siya sa pagtangkang pag alis. Umiwas ito ng tingin. “Alam naman namin pareho na bawal siya makipagrelasyon… pero mahal namin ang isa’t isa kaya pinili namin na sumuway. Nang gabi na ‘yon ay nagtaka si Zera. Ang sinabi daw kasi ng daddy niyo ay nasa ibang bansa siya for business.” Sumilay ang ngiti ni Coby bigla sa labi ng maalala ang nobya. “Tuwang-tuwa si Zera ng time na ‘yon kasi mukhang nakita na daw
“Sandali, Gail.” Pigil ni Junli sa kanya. Nginuso nito ang mga bodyguards niya. “Ang sabi ni Coby ay hindi siya makikipag usap kapag may ibang tao tayong isinama. Kaya mas maganda sana kung wag kang magpapasama ng bodyguards.” “Pero kasi- “Tama ang asawa ko, Gail. Mas mabuti kung wala tayong ibang kasama kapag kinausap natin siya. Sa palagay ko kasi ay may trust issue si Coby, Gail.” Naalala niya ang sinabi ng mga nurse kanina. Mukhang tama si Joana. Dahil kung hindi, bakit ito tatakas diba? Nahirapan siyang takasan ang mga tauhan ni Miguel. Inabot pa siya ng dalawang oras bago tuluyan na matakasan ang mga ito. ‘I’m sorry, guys. Pero ngayon lang naman ito.’ pagdating sa restaurant kung saan nasaan ang mag asawa ay sumama siya sa mga ito. Sa isang maliit na village nakatira ang mag asawa. Hindi kalakihan ang bahay ng mag asawa pero malinis naman ang loob at labas. Dahil may kaliitan ay halos mapuno ito ng mga gamit. “Pasensya ka na sa bahay namin ha. Maliit lang ito kumpara s