Home / Romance / BROKEN HEARTS AND PROMISES / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of BROKEN HEARTS AND PROMISES: Chapter 31 - Chapter 40

112 Chapters

31. TRAPPED SERIES#5

[Gail] Nang makarating sa bahay ni Miguel ay agad siya nitong pinagluto. Tamang-tama gutom na gutom na talaga siya. Kasalanan ‘to nila Nerissa, eh. Sundan ba naman siya ng halos dalawang oras. Tuwang-tuwa si Miguel habang pinapanood siyang kumain. Halos maubos kasi niya ang niluluto nito. Hindi lang ito talented pagdating sa pag aartista, talented din ito sa ibang bagay. “Ihahatid kita after an hour. Sapat na sa akin na makita ka ngayong araw.” Nang mapasimangot siya ay mahina itong natawa na siyang ikinatulala niya. “Bakit? Gusto mo pa ba akong makasama? Well, if that case… dito ka ulit matulog sa bahay ko. Hindi lamg ikaw ang may gustong makasama ako, Gail… I want to be with you as well.” May panunuksong turan pa nito. Noon, walang epekto sa kanya ang napakagwapong mukha ni Miguel. Pero ngayon, gusto niya itong titigan lang maghapon. Hindi siya magsasawa. Ganito siguro kapag mahal mo na ang isang tao. Wala kang ibang nakikita kundi siya lang. Gusto pa sana niya makasama n
last updateLast Updated : 2024-07-22
Read more

32. TRAPPED SERIES#5

[Gail] Habang kumakain sila ay mabilis na tumayo si Zera at nagpaalam. Hindi siya mapalagay dahil napansin niya na kakaiba ang tingin nito sa kanya. Pagkatapos kumain at mabilis siyang umakyat ng kwarto. Gano’n nalang ang panlalaki ng mata niya ng makitang hawak nito ang cellphone niya. Mabilis na hinablot niya sa kamay nito ang cellphone niya. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” Kabadong tanong niya. Pilit siyang nagpapakahinahon kahit ang totoo ay sobra at gusto na niyang sumigaw sa inis. Ngumisi ito ng may pagdududa. “Bakit parang kabado ka agad? Dati naman hindi ka kinakabahan ng ganyan kapag pinakikialamanan ko ang cellphone. May tinatago ka ba?” Kumuyom ang kamao niya. Sobra ang pagpipigil niya na huwag itong sagutin. Mas lalo lang kasi siyang mahahalata kapag ginawa niya iyon. “Ano, bakit hindi ka makapagsalita? Tama ako, di’ba? May tinatago ka— oops, hindi na pala sikreto ‘yon kasi alam ko na ang tungkol sa kanya.” Nang makita nito ang pamumutla niya ay mahina itong
last updateLast Updated : 2024-07-22
Read more

33. TRAPPED SERIES#5

[Gail] Nagkaro’n ng pagtatalo. Pumayag ang direktor sa gusto ni Miguel pero hindi si Pia. “Miguel, bakit mo ipapatanggal ang scene na ‘to? This scene is the most important in our movie. Inaabangan ito ng mga fans ko!” “Tama ang alaga ko, direk! Aba, hayaan ninyo naman na matikam ni Pia ang labi ni Miguel nang sa gano’n ay makatulog siya ng mahimbing—“ natuptop ng manager ni Pia ang bibig ng hindi sinasadyang mabuking nito ang alaga. Samantalang ang mga fans ni Miguel ay iba-iba ng reaksyon. May umiiyak at naglulumpasay habang sumisigaw ng “Hindi kami papayag na mapunta ka sa iba, fafa Miguel, amin ka lang!” May nagdadasal, “Lord, sana maghiwalay sila agad! Amin lang si fafa Miguel.” May naglabas pa ng voodoo doll habang tinutusok-tusok ito sa bandang leeg habang binubulungan ng “Hindi ka sasaya sa iba, fafa Miguel… amin ka lang, ikaw ang future future ama ng aming mga anak.” Nangingilabot na lumayo siya sa fans ng binata. Ngayon palang ay parang aatakihin na siya sa puso dahil
last updateLast Updated : 2024-07-22
Read more

34. ‼️WARNING SPG‼️

[Gail] Akala niya, hindi totoo ang pakiramdam na para kang nakalutang sa alapaap kapag masaya ka. Pero totoo pala. Habang magkasama silang dalawa ni Miguel ay walang hiling ang puso niya kundi ang makasama pa ito ng matagal. Sa tuwing titingin ito sa kanya ng may pagmamahal ay kinikiliti ang puso niya. At sa tuwing hinahawakan nito ang kamay niya ay nangangarap siya at nakikita ang sarili na makakasama ito hanggang sa kanilang pagtanda. Marami silang ginawa sa bahay ni Miguel bukod sa paghaharutan. Nalaman niya na mahilig talaga ito sa dagat— at sa mga kotse. Isa sa hobby nito ang makipag karera. Nag iisang anak pala ito ng magulang na nasa ibang bansa. Nalaman din niya na half-italian at half filipino ito. La russo? Bakit parang pamilyar sa kanya ang apelido nito? Saan nga ba niya narinig iyon? Napaawang ang labi niya ng makita ang malaking Great White Shark sa malaki pool na sinadyang pinagawa ni Miguel para sa alaga nito. Narito siya ngayon sa terrace ng kwarto nito— at sa b
last updateLast Updated : 2024-07-22
Read more

35. TRAPPED SERIES#5

[Gail] “Saan ka galing?” Nanigas ang katawan niya ng marinig ang boses ni Zera. Bigla nalang itong sumulpot ng paakyat na siya ng hagdan na parang inaabangan talaga siya. “Gail, tinatanong kita. Saan ka galing?” Nang hindi siya sumagot ay ngumisi ito. “Mukhang gulat na gulat ka, ah. Ang sabi mo kay dad pupunta ka sa bahay nila Nerissa. But obviously you lied. Nakita ko siya kanina sa mall with her friend, Sandy… hindi ka nila kasama. Now tell me, saan ka ngayon? Sa nobyo mo ba?“ “Ate Zera, please… ayoko ng gulo—“ “Pwes, ako gusto ko.” Tumalim ang mga mata nito. “Sinabi ko naman sayo, di’ba. Hindi ako titigil hangga’t hindi ka napapalayas ng bahay na ‘to. At kung kinakailangan kong ibulgar ang pagiging malandi mo ay gagawin ko… mawala ka lang sa bahay na ‘to.” Kanina lang ay masaya siya habang kasama si Miguel. Pero ngayon ay napakasama ng loob niya. Ang kapatid na lagi niyang kakampe sa lahat ay parang ibang tao na… hindi na niya ito makilala. “Tama na ang pagiging good
last updateLast Updated : 2024-07-23
Read more

36. TRAPPED SERIES#5

[Gail] Pababa na siya ng hagdan ng makita niya ang daddy niya na nakasabunot sa buhok. Mukha itong problemado habang may kausap sa cellphone. “Yes… sa susunod na linggo ka na pumunta. Magulo ang sitwasyon ngayon dahil sa ginawa ni Zera. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang nag-iba ang ugali niya… hindi ko na siya makilala pa. She is a sweet girl before,” tumango-tango ang daddy niya. “Iyan din ang naiisip ko… pero imposible.” Huminto siya habang nakikinig. Awang-awa siya sa kanilang ama. Halatang masama ang loob nito at nasasaktan sa ginagawang pagrerebelde ng ate niya. Kahit siya ay nagtataka sa pagbabago ng ate niya. Narinig niya pa ang usapan ng mga kasambahay na baka gumagamit daw ito ng pinagbabawal na gamot. Pinilig niya ang ulo. ‘Ano ba ‘tong naiisip ko. Hindi magagawa ni Ate Zera ‘yon.’ Siguro nga ay matalas ang dila nito at may hindi magandang ugali. Pero kilala niya ito—hindi nito magagawang gumamit ng pinagbabawal na gamot. Isa iyon sa dahilan kaya namatay ang tuna
last updateLast Updated : 2024-07-23
Read more

37. TRAPPED SERIES#5

[Gail] Bumuga siya nang hangin. Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang nagpagulong-gulong sa higaan. Mabuti nalang at nakaalis na si Miguel. Mukhang nakakaintindi naman ito kaya hindi ito nangungulit para tawagan siya. Kinabukasan…. “Manang, ano ang meron?” Nagtatakang tanong niya ng mapansin na napakaraming kalalakihan na nagkalat sa paligid. “Ah, ma’am, hindi ba nabanggit ng daddy mo sayo? Galing ng security agency ang mga lalaking ‘yan. Simula ngayon magdadagdag na nang bantay para masiguro ang seguridad ng bahay. Inaalala kasi ng daddy mo ang magnanakaw na umaaligid sa bahay nitong nakaraan. Naku, buti nalang nasabi mo agad na magnanakaw ang lalaking ‘yon sa daddy mo. Akala ko ay napapadaan lang siya ri’yan… aba, kawatan pala—teka, ayos ka lang ba, ma’am?” Tanong ng matanda ng magkasamid-samid siya. “A-ayos lang ho ako.” Mabilis na inubos niya ang pagkain at para puntahan ang ama. “Simula ngayon gusto kong bantayan ninyo nang mabuti ang buong bahay. Kayong dalawa,
last updateLast Updated : 2024-07-23
Read more

38. TRAPPED SERIES#5

[Gail] Hindi natuloy ang plano niyang pakikipagkita kay Miguel ngayon dahil mayro’n siyang mas ‘mahalagang’ lakad. “My gosh! Hindi ko alam kung bakit natin ginagawa ‘to.” Reklamo ni Sandy habang nagbibihis silang tatlo sa isang cubicle. Ang sikip, para silang sardinas na nagsisiksikan. Nang matapos magbihis ay sabay-sabay silang lumabas. Todo-ngiwi ang dalawa habang nakatingin sa mga suot nila. Dumaan sila kanina sa isang shop at bumili ng kapareho ng baon niyang damit at sumbrero. “Gail, parang awa mo na… bilisan mo kung hindi ay pare-pareho tayong malalagot kay Tito. Baka sa galit no’n hindi na ako papuntahin sa bahay niyo.” Ang plano nila ay lilituhin ng dalawa ang bantay niya habang bumibili siya ng Pregnancy Test—kailangan kasi niyang makatiyak kung buntis ba siya o hindi bago uminom ng pills. Pagkatapos bumili ay magkikita silang tatlo sa entrance ng Z-mall. Kailangan dalawa ang pagpilian na sundan ng bantay para makapagdahilan siya sa daddy niya na hindi niya kasalan
last updateLast Updated : 2024-07-25
Read more

39. TRAPPED SERIES#5

[Gail] Pigil nilang tatlo ang hininga habang hinihintay ang resulta. Kung mamutla sina Nerissa at Sandy daig pang sila ang mabubuntis. Dahan-dahan niyang binuhos ang laman na sampong Pregnancy Test ng brown paper bag na dala pagkatapos itong gamitin sa restroom ng kinaroroonan nilang Coffe Shop. “Woah… now let see.” Ilang beses siyang bumuga ng hangin bago nanginginig ang kamay na dumampot ng isa. “O-oh my god… oh… my god!” “Wahhh congrats!” Bati ni Nerissa na naiiyak pa. “Thanks god, congrats!” Nagtatalon silang tatlo kasama si Sandy habang magkakahawak pa ang kamay na parang mga bata. Lahat ng costumer ng shop ay napapantastikuhang nakatingin sa kanila. Negative ang resulta—at aaminin niya na masaya siya. Matutuloy siya sa pag-aaral at hindi masisira ang pangako niya sa daddy niya. Napatigil siya sa pagpahid ng luha ng mapatingin kay Nerissa. “I’m happy for you, Gail,” natigilan siya ng mapansin na umiiyak si Nerissa. “N-natakot ako na baka buntis ka talaga. A-akala k
last updateLast Updated : 2024-07-25
Read more

40. TRAPPED SERIES#5

[Gail] Nagmamadali siyang pumasok sa kwarto niya pagkarating sa bahay sa kaba na baka makita siya ng kapatid niya. Sigurado na gagawa na naman ito ng gulo kapag nakita siya. ‘I’ve missed you so much, my angel’ ‘Please, let’s meet’ ‘Where are you?’ Napalabi siya ng mabasa ang mga messages ni Miguel. ‘Gustong-gusto kitang makita, Miguel. Pero wag muna sa ngayon.’ Reply niya sa binata. Ilang beses siyang bumuga ng hangin habang iniisip ang relasyon nilang dalawa. Hindi pala gano’n kadali ang lahat. Akala niya no’ng una ay madali lang itago ang relasyon nilang dalawa. Pero wala pang taon ay nahihirapan na siyang maglihim. Paano kapag nalaman ito ng daddy niya? Sigurado na ang mas ma-aapektuhan ng sobra ay si Miguel. Alam niya na gagawin ng daddy niya ang lahat para masira si Miguel katulad ng ginawa nito sa boyfriend ng ate Marian niya noon na si Junli. ‘Hindi ako papayag na mangyari ‘yon. Kaya kailangan kong protektan ang lihim namin ni Miguel. Hindi lamang para sa saril
last updateLast Updated : 2024-07-25
Read more
PREV
123456
...
12
DMCA.com Protection Status