LIKE 👍 COMMENT 💬
[Gail] Tunog ng pagbagsak ng kubyertos at tunog ng upuan ang maririnig sa buong paligid ng marahas na tumayo ang kanilang ama mula sa kinauupuan. “Tama ba ang narinig ko, Gail? Nakipagrelasyon ka kahit wala ka pa sa tamang edad?!” “Daddy—“ natuptop niya ang bibig sa gulat ng ibato ng daddy niya ang basong hawak. Rinig ang pagkabasag niyon sa paligid. Ang mga kasambahay ay agad na nagsilapitan. Halatang nagulat ang mga ito ng makita ang nagkalat na bubog sa paligid. Hindi lang siya ang natakot, maging ang mga ito at ang ate Zera niya. Huling beses na nagalit ito ay noong nalaman nito na nakipagrelasyon ang ate Marian niya kay Junli noon. “Daddy, please hear me out—“ “No, Gail! Ikaw ang makinig sa akin!” Dinuro siya nito. “Bakit umaamin ka sa akin ngayon? Akala mo ay papayagan kitang makipagrelasyon dahil umamin ka at hindi kita nahuli? Paano mo nagawa ang bagay na ito? N-nagkulang ba ako sa paalala sa inyo na unahin ninyo ang pag aaral niyo? Bata ka pa, anak. You are just s
Pilit na ngumiti si Gail. Hindi masisira ng fake news na ito ang tiwala niya kay Miguel. Kahapon lang ay magkasama silang dalawa at parehong masaya sa piling ng isa’t isa. Humawak siya sa dibdib. Bakit ganito? Kahit fake news lang ay masakit pa rin 'to dibdib? “Siya ba ang lalaking sinasabi mo?” “Daddy, look… sigurado ako na fake news lang ito—“ “I don’t care, Gail! Fake news man ito o hindi. Hindi dapat siya gumagawa ng bagay na ikasasakit ng kalooban mo kung talagang mahal ka niya!” “No, dad. Hindi mo ako naiintindihan. Hindi ganitong klase ng tao si Miguel, dad. He is a good man—“ “Then call him and let him explain himself in front of me! Hindi mo siya kailangan ipagtanggol sa harapan ko. Kung talagang mahal ka niya ay magkukusa siya na pumunta dito upang magpaliwanag tungkol sa nangyari. Sa lahat ng lalaki ay artista pa talaga ang napili mo. Masyado mo akong dinismaya, Gail. Akala ko ay matalino ka. Pero katulad ka rin ng ate Marian mo. Call him now, Gail. Now!” Hindi n
“Please, i-ihinto mo ang sasakyan.” Hindi makapaniwalang tumingin sa kanya si Nerissa. “Wag mong sabihin na magmamakaawa ka sa kanya na balikan ka. My god, Gail! Gamitin mo nga ang utak mo!” Agad na hinawakan siya nito sa braso ng bababa na sana siya ng sasakyan pagkatapos nitong ihinto ito. “Stop it, Gail. Hindi ka bababa ng kotse. Iuuwi na kita—“ “I want to hear his explanation. H-hindi ko kayang hindi malaman sa kanya ang totoo.” “Para ano pa? Para marinig mismo sa bibig niya na hindi ka niya mahal ng harap-harapan? Ano ka? Manhid? Tanga gano’n? Hindi pa ba sapat na narinig mo ang mga sinabi niya sa Pia na ‘yon at kailangan mo pang sampalin ang sarili mo ng katotohanan?” Muli nitong pinaandar ang sasakyan. “Bahala ka basta ako hindi ako papayag na makipag usap ka pa sa kanya. Hindi ako tanga para hayaan ang kaibigan ko na mapunta sa lalaking gaya niya.” Kinuha niya ang cellphone at sinubukan na tawagan si Miguel. Subalit katulad kanina ay hindi ito sumasagot. “M-my god… a-
TULALA si Gail habang nakatingin sa abo ng ate Zera niya. Sa buong bahay nila ay walang maririnig kundi ang mahina niyang hagulgol. Why of all people? Why her? Ang dami namang masamang tao sa mundo. Bakit ang ate pa niya? Hindi man lang ito umabot ng hospital—agad itong binawian ng buhay habang nasa bisig niya. “A-ate Zera?” Aniya habang nakaluhod na umiiyak sa altar kung saan nakapatong ang abo nito. “B-bakit mo ako iniwan? B-bakit, ate? Bakit? A-akala ko ba magtatapos tayo ng pag aaral? A-akala ko ba sabay nating tutuparin ang mga pangarap natin? E-eh bakit iniwan mo ako?” Halos mapugto ang hininga niya sa sobrang pag iyak. Sobrang sakit! Hindi niya ito matanggap! Nang dumating ang daddy niya ay agad na yumakap siya rito. “D-daddy, w-wala na si ate Zera. I-iniwan na niya tayo. A-ang sakit, daddy… sobrang sakit!” Parang pinipiga ang puso niya sa sakit. Kung maibabalik lang ang kapatid niya ay ginawa na niya. Kahit araw-araw pa siya nitong awayin ay ayos lang. Kung gusto ni
Nang magmulat ni Gail ng mata ay agad na gumuhit ang kirot sa dibdib niya. Tama ang daddy niya. Natatakot siya ba baka hindi dumating si Miguel—hindi dahil wala na siyang tiwala dito. Kundi dahil alam na niya ang totoo. Pero bakit ganito? Kahit narinig na nang dalawang tenga niya ay ayaw maniwala ng puso niya? “Bwisit! Siya na nga itong tinutulungan siya pa ang galit! Ahhh! Nakakainis talaga!” Nilingon niya si Nerissa na parang batang nagmamaktol sa gilid. Nang makita siya nito ay agad itong lumapit sa kanya. “Sorry kung nagising ka sa ingay ko. ‘Yung boyfriend ko kasi nakakainis! Tinulungan na nga siya sinisisi pa ako!” Nang mapansin nito ang pananahimik niya at bumuntong-hininga ito. “Pasensya ka na, ha. Hindi kita natulungan na umalis kanina. Ano nga pala ang plano mo ngayon?“ Hindi siya sumagot. “Kung ako sayo pumayag ka nalang, Gail. Tama naman si tito, di’ba? Kung mahal ka ng Miguel na ‘yon ay darating siya lalo na at ika-eighteenth birthday mo ‘yon. Kung hindi siya da
AWANG-AWA na nakatingin sina Sandy at Nerissa kay Gail na ngayon ay walang tigil sa pag iyak. Apat na oras na silang naghihintay subalit walang ‘Miguel’ na nagpakita kay Gail. Lumapit si Sandy sa kanya at niyakap siya. “Gail, tama na ang pag iyak. Hindi deserve ng isang gag0ng kagaya niya ang katulad mo. Magpasalamat nalang tayo dahil maaga palang ay lumabas na ang tunay na kulay ng lalaking ‘yan. Akala ko pa naman ay talagang naiiba siya sa lahat, pero pare-pareho lang pala sila.” Hindi siya nagsalita, nanatili siyang nakaupo habang nakasubsob ang mukha sa tuhod niya. " Gail, umuwi na tayo.” Umiling siya. "A-ayoko… h-hihintayin ko pa si Miguel… alam kong darating siya. T-tutuparin niya ang lahat ng pinangako niya sa akin…p-papakasalan niya pa ako… m-magsasama kaming dalawa!” "Gail, naman! Paano ka niya papakasalan kung hindi ka naman niya mahal!?” Daig pa niya ang sinampal sa sinabi ni Nerissa. "Ilang oras na tayong nandito. Madaling araw na. Pero nasaan siya? Wala
ANG inaasahan niya ay magagalit ang daddy niya ng dumating siya. Pero mahigpit na yakap ang sumalubong sa kanya pagdating niya. “Oh baby, nag alala ako sayo ng sobra. Akala ko ay hindi ka na babalik.” Tumingin ito kay Nerissa at Sandy. "Salamat sa paghatid sa kanya dito. Tutal tapos na ang celebration at alas dos na nang madaling araw ay dito na kayo magpalipas ng gabi.” Tumawag ito ng kasambahay. "pakihanda ang dalawang guest room dahil dito matutulog sina Nerissa at Sandy." Alam niyang alam ng daddy niya na gusto niyang mapag isa kaya ayaw niya muna na may kasama sa kwarto niya. Nang makapasok sa kwarto ay kinuha niya ang cellphone. Kumunot ang noo niya ng mapansin na wala na dito ang old messages nilang dalawa ni Miguel. Mapait siyang ngumiti. Hindi na dapat niya hinahanap ang puro kasinungalingang mensahe ng nobyo— Nobyo? Pagak siyang natawa. Baka siya lang ang kumu-consider na nobyo rito. Naalala niya bigla ang mga sinabi nito kay Pia. Ginamit lang siya nito… bakit ba
“Kumain ka na, Gail. Walang magagawa ang pagmamaktol mo dahil nakatakda na ang araw ng kasal mo.” Sumenyas ang daddy niya sa kasambahay na ilapag ang tray ng pagkain sa bedside table. Kasunod naman na inilapag ng isa pang kasambahay ang isang malaking kahon sa gilid ng kanyang kama. “Sukatin mo ito pagkatapos mong kumain. Gusto kong makita kung bagay sayo ang wedding dress na ito.” Hindi siya sumagot at nanataling nakatingin lang sa kisame ng kanyang kwarto. Hindi niya alam kung ilang oras siyang tulala. Basta ang alam lang niya ay wala siya sa sarili ngayon. Bakit ba ang malas niya? Una, namatay ang ate Zera niya. Pangalawa, durog na durog ang puso niya dahil kay Miguel. Tapos dumagdag pa ito? Pinahid niya ang luhang dumaloy sa pisngi. ‘I’m sorry sa paglilihim ko sayo, Gail. Pero hiwalay naman na kayo ni Miguel. Sundin mo nalang ang gusto ng daddy mo. Magpakasal ka nalang at magmove on.’ Naalala niyang sabi ni Nerissa sa kanya kanina. Ang dali nitong sabihin na magpakasal s
WALANG patid ang pagluha niya habang nakatingin sa puntod ng mga ate niya. Akala nila ay napakaswerte nila dahil nakatagpo sila ng mabuting tao na umampon sa kanila, ngunit mali sila. Para sa mga batang iniwan at pinabayaan ng tunay na mga magulang, gusto lang naman nila magkaroon ng magulang na tatanggap at mamahalin sila. Kanina pa tahimik na umiiyak si Junli. Sobra itong nasaktan sa nalaman. Hindi pala ito iniwan ng ate niya. Doble ang sakit na naramdaman nito ng malaman na nagdadalantao pala ang ate niya. Alam niya na kung nasaan man ang ate Marian niya ay masaya ito dahil nakatagpo si Junli ng mabuting babae. Nakakabilib si Joana, kahit sa pagluluksa sa first love ng asawa ay kasa-kasama ito. Si Coby naman, nasa kalayuan. Masaya ito dahil nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ate Zera niya. Pero batid niya na nasasaktan parin ito sa sinapit ng ate niya. Mahal na mahal rin nito ang ate Zera niya dahil kung tutuusin ay pwede itong umalis ng bansa at tumakas. Pero hindi nito g
Sobra ang kaba niya na baka magduda ang mga lalaking kasama nila ngayon. Buti nalang at ‘mukhang hindi sineryoso ng mga ito ang sinabi ng anak ni Nerissa. Sino nga naman kasi ang tatawagin niyang ‘fafa’ dito bukod sa kanyang ama. “Hoy, lakad na! Kanina pa naghihintay sila ma’am at sir sa sala!” Pinigilan niya ang sarili na huwag sipain ang lalaki. “Mamaya ka lang talaga sa aking lalaki ka. Pababalatan talaga kita kay Miguel mamaya.” Mahinang bulong niya. “May sinasabi ka?!” Bulyaw pa nito sa kanya. Hindi lang siya ang napangiwi, maging ang lalaking papakasalan niya. Paano ay nagtalsikan ang mabahong laway ng lalaki sa mukha nila. “Patawad, oh Diyos ko.” Napapantastikuhang tumingin siya sa lalaking papakasalan niya na ngayon ay nauna ng umalis sa kanya. Kanina pa niya napansin na panay ang sign of the cross nito. Mukhang sobra ang takot nito at tinatawag na ang lahat ng santo. Pagdating sa sala ay naabutan niya si Nerissa na kasama ang daddy niya. Natigilan siya at nagp
DINALA siya ng mga lalaki sa kwarto sa itaas ng kwarto ng daddy niya. Padaskol siyang itinulak ng mga ito at hinagis ang isang malaking kahon sa kanya. “Suotin mo daw ang laman niyan sabi ni ma’am Nerissa. Wag mong subukan na sumuway kung ayaw mong kami pa ang magpalit ng damit mo.” Napaatras siya ng pasadahan nito ng tingin ang katawan niya. “Ayaw mo naman siguro na kami pa ang magbihis sayo?!” Malakas na sinara niya ang pinto ng kwarto. “Mga manyakis!” Kung may load lang sana ang simcard ng ate Zera niya ay nakahingi na sana siya ng tulong. Kung hindi lang sana dumating ang daddy niya ay nailagay niya sana ang simcard sa cellphone nito. Pero sadyang ang malas niya dahil naabutan siya ng daddy niya at ni Nerissa. Pinahid niya ang luha na hindi niya namalayan na naglandas sa kanyang pisngi. Nang mapatingin siya sa kamay ay saka lang niya napansin na sobrang nanginginig na pala siya. Sana pala ay nakinig siya kina Joana at Junli na wag magpadalos-dalos at pumunta dito. Hindi
NATUMBA ang daddy niya sa lakas ng hampas niya. Nabitiwan niya sa takot ang hawak na kawali ng makita niya na dumudugo ang ulo nito habang walang malay. Naghanap siya ng tali at ng makakita ay itinali niya ito. Baka kasi magising ito at makatakas. Kailangan niyang makasiguro na hindi ito makakatakas. Pagkatapos itali ng mahigpit ang kamay at paa ay kinapa niya ang bulsa nito para kunin ang cellphone nito. “Thanks god!” Aniya ng makuha ang cellphone nito. Kailangan niyang tawagan si Miguel para ipaalam kung nasaan siya. “Shit!” Napasigaw siya sa inis ng makitang may password ang cellphone nito. Hindi ito gumamit ng fingerprint o face unlock kaya hindi niya ito mabuksan. Sinubukan niyang buksan ito gamit ang lahat ng pwedeng i-password nito pero wala talaga. Ang malas naman! Nakakainis! Sandali siyang napaisip. “Sa kotse!” Tama! Sigurado na may charger ito sa sasakyan nito. Wala siyang sinayang na sandali. Agad siyang lumabas para puntahan ang sasakyan nito. Dahil nakuha niya a
‘WAG KANG magpapahalata na alam mo na ang lahat, Gail!’ Aniya sabay kagat ng malakas sa loob ng kanyang bibig. Kailangan niyang labanan ang takot at kaba niya para hindi ito makahalata. Kunwari ay bumuntonghininga siya. “Tama ka, dad. Hindi dapat paniwalaan ang lalaking ‘yon. Siya ang dahilan kaya naging gano’n ang ugali ni ate Zera. Biruin mo ‘sinabi niya sa akin na pinatay daw si ate Zera dahil may nalaman si ate na sikreto ng pamilya natin.” Kunwari ay tumawa siya. “Mukhang nababaliw na talaga ang lalaking ‘yon. Inutusan oa niya ako na kunin ang mga gamit ni ate Zera para patunayan sa akin na totoo ang mga sinabi niya. Anong akala niya sa akin? Tanġa na maniniwala sa mga sinasabi niya?” “Kung gano’n ay bakit mo dala ang mga gamit ng ate mo?” Walang kangiti-ngiti na tanong ni Hector na may duda sa ikinikilos ng anak. Lihim siyang napalunok. “Ah ito ba, dad? Pumunta kasi ako dito para alamin kung may pwede pa akong mapakinabangan na gamit dito. Nasunugan kasi ang pamilya ng d
Bumuga ng hangin si Gail habang nakatingin sa bahay-bakasyunan nila dito sa Zambales. Padilim na. Pagod pa siya dahil sa biyahe pero wala siyang panahon para magpahinga. Kailangan niyang malaman kung ano ba ang meron dito para matakot ang ate Zera niya para sa kanya, ano ba ang nalaman nito na humantong sa pagkamatay nito. Tinatanggi ng utak at puso niya ang mga sinabi ni Coby tungkol sa daddy niya. Patutunayan niya na hindi iyon totoo. Patutunayan niya na walang dapat ikatakot sa lugar na ito. Ito talaga ang tunay na dahilan kaya siya narito—ang patunayan na hindi magagawa ng kanyang ama ang bintang nito. Mabilis na nagtago siya sa likuran ng sasakyan ng makarinig ng yabag. “Aalis na ako, Hector. Pumunta lang ako dito para bigyan ka ng babala. Makabubuti kung susundin mo ang mga sinabi ko sayo. Hindi ka na ligtas sa bansang ito.” Hindi siya pwedeng magkamali. Ito ang kaibigan na doktor ng daddy niya na pinakilala sa kanila noon. “Bye, daddy!” Napaawang ang labi niya ng mak
“NARITO ANG MGA IMPORMASYON TUNGKOL SA AMA NI GAIL.” Inabot ni Zandro ang folder na hawak sa kaibigan na si Miguel. “This is beyond my expectations, fvcker. Tiyak kong magugulat ka sa nilalaman ng mga ito.” Napatiimbagang si Miguel ng makita ang nilalaman ng folder. “Fvck!” Napasabunot siya sa buhok. Malayo ito sa inaasahan niya na malalaman. “Hindi basta paninisi lang ang dahilan ni Coby Peralta para pagtangkaan ang buhay ni Gail. Ang nakakagulat, hindi lamang si Gail ang involved sa mga ito kundi mayron pang mas malalim na dahilan.” Pabagsak na umupo si Zandro sa couch at dumekwatro ng upo. Dinampot nito ang baso ng alak at nilagok ito. Kagagaling lamang nito sa misyon. Dumiretso ito sa restaurant ni Nick upang sabihin at dalhin ang impormasyon na kailangan malaman ng kaibigan. Dumating si Nickolas na may dalang panibagong bote ng alak. Pagkatapos lagyan ang baso nito ay tumingin ito sa kanya. “Kung iniisip mo ang mararamdaman ng babae mo, kay Tres mo siya ipatumba. Halang nama
UMILING-ILING siya. Galit ang mga mata na sinalubong niya ang tingin nito. May kinalaman sa pamilya niya? Anong klaseng biro ito? No, hindi ito biro, isa itong bintang na walang katuturan. “Gail, saan ka pupunta?” Tanong nu Joana ng buksan niya ang pinto. “Uuwi na ako.” Masama niyang tiningnan si Coby. “Sa tingin ko kasi ay masyadong napasama ang tama sa ulo ng lalaking iyan kaya kung ano-ano ang sinasabi niya.” “Nasa date kami ni Zera noon sa Zambales, Gail. Nakita namin ang daddy mo kasama ang isang babae. Nagtago kami kasi natakot kami na baka makita niya kami.” Napahinto siya sa pagtangkang pag alis. Umiwas ito ng tingin. “Alam naman namin pareho na bawal siya makipagrelasyon… pero mahal namin ang isa’t isa kaya pinili namin na sumuway. Nang gabi na ‘yon ay nagtaka si Zera. Ang sinabi daw kasi ng daddy niyo ay nasa ibang bansa siya for business.” Sumilay ang ngiti ni Coby bigla sa labi ng maalala ang nobya. “Tuwang-tuwa si Zera ng time na ‘yon kasi mukhang nakita na daw
“Sandali, Gail.” Pigil ni Junli sa kanya. Nginuso nito ang mga bodyguards niya. “Ang sabi ni Coby ay hindi siya makikipag usap kapag may ibang tao tayong isinama. Kaya mas maganda sana kung wag kang magpapasama ng bodyguards.” “Pero kasi- “Tama ang asawa ko, Gail. Mas mabuti kung wala tayong ibang kasama kapag kinausap natin siya. Sa palagay ko kasi ay may trust issue si Coby, Gail.” Naalala niya ang sinabi ng mga nurse kanina. Mukhang tama si Joana. Dahil kung hindi, bakit ito tatakas diba? Nahirapan siyang takasan ang mga tauhan ni Miguel. Inabot pa siya ng dalawang oras bago tuluyan na matakasan ang mga ito. ‘I’m sorry, guys. Pero ngayon lang naman ito.’ pagdating sa restaurant kung saan nasaan ang mag asawa ay sumama siya sa mga ito. Sa isang maliit na village nakatira ang mag asawa. Hindi kalakihan ang bahay ng mag asawa pero malinis naman ang loob at labas. Dahil may kaliitan ay halos mapuno ito ng mga gamit. “Pasensya ka na sa bahay namin ha. Maliit lang ito kumpara s