LIKE 👍
“Ipabuhat nalang natin si ma’am Gail, manang! Baka hindi na siya umabot sa hospital kapag hinintay pa natin na dumating si Sir!” Narinig niya na umalis pala ang daddy niya kasama ang lalaking papakasalan niya. Mabuti nalang. Kilala kasi siya ng daddy niya—kung narito ito ay baka mahalata nito na umaarte lang siya. Pinagbuti niya ang pag arte na walang malay. Naramdaman niya ang pagbuhat sa kanya hanggang sa makarating ng sasakyan. Narinig din niya ang pakikipag usap ni manang sa daddy niya. Nagbilin pa ang daddy niya na bantayan siya ng maigi dahil pabalik na ito. Kailangan niyang makatakas bago pa ito makabalik! Narinig niya na ipapakasal agad siya nito sa sunod na linggo. Hindi niya hahayaan na mangyari ‘yon kahit ito pa ang kagustuhan ng daddy niya. Oo, ito ang nagpalaki sa kaniya, at malaki ang utang na loob niya dito. Pwede nitong pakialamanan ang lahat—wag lang ang buhay pag ibig niya. Hindi ba nito inaalala ang pwedeng mangyari sa kanya sa oras na magpakasal siya sa hin
SA BAWAT hakbang ni Gail, sumasabay ang pag-indak ng kanyang balakang. Hindi nakaligtas sa mata ng dalaga ang mga naglalaway na tingin ng mga kalalakihan, na tila nagpipigil na huwag siyang sunggaban. Who wouldn’t be? She looked so hot on her bodycon ribbed spaghetti dress above her knee. Hapit na hapit ito sa kanyang katawan kaya bakas ang perpektong hugis ng kanyang katawan. At dahil mababa ang neckline ng suot ay halos pumutok ang malaki niyang dibdib na gustong kumawala sa kanyang suot. Sa gilid ng dress ay may slit na lagpas ng kanyang bewang—dahilan para makita ang buong hita niya at suot na panty sa bawat paghakbang niya. Napalunok ang mga lalaki ng ipatong niya ang isang paa sa mesang naroon. “Mahal, what took you so long? I’ve been waiting for you for almost 2 hours now. Aren’t we going back home now?” Tumaas ang sulok ng labi ni Gail ng makita kung paano umawang ang labi ng mga taong naroon—lalo na ng mga kalalakihan. “Dan, g-girlfriend mo ang babaeng ‘to?” Nakan
NANG makarating sa tinutuluyang apartment ay nagmamadaling bumaba si Dan ng kotse. Halos magkandarapa pa itong pumasok para maabutan ang male fashion show na inaabangan nito sa telebisyon. Nang makababa ng kotse si Gail ay sumandal siya sa hood nito at saka naglabas ng isang stick ng sigarilyo. Habang naninigarilyo ay hindi niya maiwasan na isipin ang sinabi ng kaibigan niya. Siya isinumpa? Pagak siyang natawa habang napapailing. Siya na nga itong niloko, siya pa ang isusumpa? Hindi ba pwedeng wala lang talagang lalaki na makakuha ng atensyon niya? Lahat kasi nang nakikilala niya ay halatang mga sinungaling at manloloko. Pero ayon naman kay Dan ay tamang hinala lang siya. Epekto daw ito sa naranasan niya sa past relationship niya. Tinapon niya ang sigarilyo sa lupa at saka ito inapakan. “Ahhh ang hot talaga!” Napailing siya ng marinig ang malakas na tili ni Dan. Mabuti nalang at walang nakatira sa dalawang bakanteng bahay sa gilid niya. Kung hindi ay tiyak na malalaman na
"My god, Gail! Anong nangyari sayo?!" Eksaheradang tanong ni Dan habang pinapagpag ang maliit na isda na nasa balikat niya. "Nakita ko siya." nagtutunugan ang mga ngipin na wika niya, napaatras naman ang kaibigan niya sa takot ng makita kung gaano kadilim ang kanyang mukha. "S-sino? Uy, Gail, ha. Tinatakot mo ako." Wika nito habang himas ang braso na tila kinikilabutan. "Mabuti pa maligo ka na, parating na si mommy. Bakit kasi ang tagal mo, hindi pa tayo nakakapagluto—" Parehong nanlaki ang mata nilang dalawa ng makarinig ng paghinto ng sasakyan sa harapan ng kanilang bahay. "S-si mommy!" Dahil late siyang nakauwi, hindi na sila nakapagluto, kaya nag order nalang sila ng pagkain sa labas habang nagmamadali siyang naligo. Katulad ng araw-araw niyang suot, isang Spaghetti black dress ang halos umabot sa kanyang talampakan ang haba. Nagpahid din siya ng makapal na red lipstick sa labi at nagwisik ng pabango. Katulad ng kaninang inaasahan, hindi maipinta ang mukha ng ina ni Dan h
Pumasok si Gail sa loob, paglabas ay nanlaki ang mata ni Dan ng makita ang hawak niya. "O-Oh my gosh, mahal! H-Huminahon ka!" Tinapon niya ang upos ng sigarilyo bago ikinasa ang shotgun na hawak niya. "Ipapakita ko lang sa gag0ng driver ni'yan na pipiliin niya kung sino ang pinagti-tripan niya." Lalo siyang nakadama ng inis ng umandar palapit ang kotse palapit sa kanya. Balak ba nito na sagasaan siya? Mukhang naghahanap ito ng away dahil talagang tinutumbok nito ang kinatatayuan niya. Ikinasa ni Gail ang shotgun at saka ito itinutok sa sasakyan- "Ihhh!" Takot na tili ni Dan ng magpaputok siya. Sumabog ang gulong ng sasakyan at nagpagewang-gewang ito bago bumangga sa malaking puno na nagsisilbing boundary nila sa kabilang bahay. Tumaas ang kilay niya pagkatapos makita na walang nagmamaneho ng sasakyan. Ang kapal ng mukhang ng gunggong na ‘yon na takasan siya. "Mahal, naman! M-masyado kang hot ngayon... S-sasabog ang matres ko sa takot dahil sayo!" Hindi niya pinansin si D
Sa tindi ng tensyon na nararamdaman ni Gail, sunod-sunod siyang napahíthít ng sigarilyong hawak. Shit naman, oh. Sa dinami-dami ng gag0ng tao sa mundo. Bakit si Miguel pa ang kaharap niya ngayon? Pinasadahan niya ng tingin sa Miguel na nasa kanyang harapan. He looked more matured than the last time she saw him six years ago. Bakas ang magandang katawan nito sa suot na itim long sleeve na sinadyang tupiin ang dulo. Mas lalo itong tumikas at kumisig sa nakalipas na mga taon. Gumapang ang tingin niya sa balikat at dibdib nito na mas lumapad, matangos na ilong, medyo hindi kapulahan na labi, magandang mata at... bumalik ang tingin niya sa labi nito. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanya ngayon—o mas tamang sabihin na nakangisi ito. Sumandal ito sa kinauupuan at mayabang na nagsalita. "Still handsome for you?" Humithit muna siya ng sigarilyo bago binuga ang usok nito, at saka tumango. "Oo naman, gwapo ka parin naman, kaso mukhang gag0 parin." Napa-ohh ang ilang naro'n. Nang tum
HUMINTO ang sinasakyan nila sa isang hotel. Nauna nang bumaba si Miguel. Nang pagbuksan siya nito ng pinto, malakas niya itong sinipa sa binti at hinead-butt sa ulo. Hinubad niya ang suot na heels at mabilis na tumakbo. Nanlaki ang mata niya ng may mga sasakyan na humarang sa dinaraanan niya. "Shit naman talaga, oh." Akala niya ay makakatakas siya, subalit mukhang pinaghandaan ito ng gag0ng ex niya. Mula sa kinatatayuan ni Gail, tanaw niya si Miguel na palapit na sa pwesto niya. Mukhang hindi man lang ito nasaktan sa ginawa niya kanina. Tumigil si Miguel sa harapan niya, nakapamulsa itong nakatingin sa kanya ng madilim ang mukha. "So, that was your plan, huh. Ang takasan uli ako?" Matalim niya itong tiningnan. "Hindi ko lang talaga kayang tumagal na kasama ka." Tumaas lang ang sulok ng labi nito ng marinig ang sinabi niya. "Is that so? Paano 'yan, Gail. Wala akong balak pakawalan ka ngayong gabi?" Naglakbay ang mata nito sa kabuohan niya. "Wala naman masama kung singilin k
“Oh my god, mahal! Ano ang nangyari sayo?!” Nag aalalang tanong ni Dan ng mapagbuksan si Gail ng pinto. Hindi siya kumibo at dumiretso sa banyo, naligo siya at nagbabad ng matagal. Pagkalabas ay inabutan siya ni Dan ng isang tasa na mainit na kape. “Alam mo ba na balak ko na magreport sa mga pulis kung hindi ka pa umuwi ngayon. Ano ba ang nangyari at inumaga ka ng uwi? Wag mo sabihin sa akin na magdamag kang nagsugal dahil galing ako do’n kagabi para sana sunduin ka, hindi kita do’n nakita kaya hindi ka makakapagsinungaling sa akin.” Lumapit si Dan sa kanya at pinitik ang leeg niya na may pulang marka. “Anak ng bakla! Ano ‘yan?! Chinupa ng lamok?!” Sumimsim muna siya ng kape bago ito sinagot. “Ex kong gag0 ang may gawa n’yan.” “Ex? Sinong ex?” “May iba pa ba akong ex bukod sa gag0ng ‘yon?” Nanlaki ang mata ni Dan. “You mean si fafa Miguel?!” Nang tumango siya ay napanganga ito. “OMG! Nakipagbalikan ka na sa kanya?!” “Ako makikipagbalikan sa gag0ng ‘yon? Nag-sex lang kami
WALANG patid ang pagluha niya habang nakatingin sa puntod ng mga ate niya. Akala nila ay napakaswerte nila dahil nakatagpo sila ng mabuting tao na umampon sa kanila, ngunit mali sila. Para sa mga batang iniwan at pinabayaan ng tunay na mga magulang, gusto lang naman nila magkaroon ng magulang na tatanggap at mamahalin sila. Kanina pa tahimik na umiiyak si Junli. Sobra itong nasaktan sa nalaman. Hindi pala ito iniwan ng ate niya. Doble ang sakit na naramdaman nito ng malaman na nagdadalantao pala ang ate niya. Alam niya na kung nasaan man ang ate Marian niya ay masaya ito dahil nakatagpo si Junli ng mabuting babae. Nakakabilib si Joana, kahit sa pagluluksa sa first love ng asawa ay kasa-kasama ito. Si Coby naman, nasa kalayuan. Masaya ito dahil nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ate Zera niya. Pero batid niya na nasasaktan parin ito sa sinapit ng ate niya. Mahal na mahal rin nito ang ate Zera niya dahil kung tutuusin ay pwede itong umalis ng bansa at tumakas. Pero hindi nito g
Sobra ang kaba niya na baka magduda ang mga lalaking kasama nila ngayon. Buti nalang at ‘mukhang hindi sineryoso ng mga ito ang sinabi ng anak ni Nerissa. Sino nga naman kasi ang tatawagin niyang ‘fafa’ dito bukod sa kanyang ama. “Hoy, lakad na! Kanina pa naghihintay sila ma’am at sir sa sala!” Pinigilan niya ang sarili na huwag sipain ang lalaki. “Mamaya ka lang talaga sa aking lalaki ka. Pababalatan talaga kita kay Miguel mamaya.” Mahinang bulong niya. “May sinasabi ka?!” Bulyaw pa nito sa kanya. Hindi lang siya ang napangiwi, maging ang lalaking papakasalan niya. Paano ay nagtalsikan ang mabahong laway ng lalaki sa mukha nila. “Patawad, oh Diyos ko.” Napapantastikuhang tumingin siya sa lalaking papakasalan niya na ngayon ay nauna ng umalis sa kanya. Kanina pa niya napansin na panay ang sign of the cross nito. Mukhang sobra ang takot nito at tinatawag na ang lahat ng santo. Pagdating sa sala ay naabutan niya si Nerissa na kasama ang daddy niya. Natigilan siya at nagp
DINALA siya ng mga lalaki sa kwarto sa itaas ng kwarto ng daddy niya. Padaskol siyang itinulak ng mga ito at hinagis ang isang malaking kahon sa kanya. “Suotin mo daw ang laman niyan sabi ni ma’am Nerissa. Wag mong subukan na sumuway kung ayaw mong kami pa ang magpalit ng damit mo.” Napaatras siya ng pasadahan nito ng tingin ang katawan niya. “Ayaw mo naman siguro na kami pa ang magbihis sayo?!” Malakas na sinara niya ang pinto ng kwarto. “Mga manyakis!” Kung may load lang sana ang simcard ng ate Zera niya ay nakahingi na sana siya ng tulong. Kung hindi lang sana dumating ang daddy niya ay nailagay niya sana ang simcard sa cellphone nito. Pero sadyang ang malas niya dahil naabutan siya ng daddy niya at ni Nerissa. Pinahid niya ang luha na hindi niya namalayan na naglandas sa kanyang pisngi. Nang mapatingin siya sa kamay ay saka lang niya napansin na sobrang nanginginig na pala siya. Sana pala ay nakinig siya kina Joana at Junli na wag magpadalos-dalos at pumunta dito. Hindi
NATUMBA ang daddy niya sa lakas ng hampas niya. Nabitiwan niya sa takot ang hawak na kawali ng makita niya na dumudugo ang ulo nito habang walang malay. Naghanap siya ng tali at ng makakita ay itinali niya ito. Baka kasi magising ito at makatakas. Kailangan niyang makasiguro na hindi ito makakatakas. Pagkatapos itali ng mahigpit ang kamay at paa ay kinapa niya ang bulsa nito para kunin ang cellphone nito. “Thanks god!” Aniya ng makuha ang cellphone nito. Kailangan niyang tawagan si Miguel para ipaalam kung nasaan siya. “Shit!” Napasigaw siya sa inis ng makitang may password ang cellphone nito. Hindi ito gumamit ng fingerprint o face unlock kaya hindi niya ito mabuksan. Sinubukan niyang buksan ito gamit ang lahat ng pwedeng i-password nito pero wala talaga. Ang malas naman! Nakakainis! Sandali siyang napaisip. “Sa kotse!” Tama! Sigurado na may charger ito sa sasakyan nito. Wala siyang sinayang na sandali. Agad siyang lumabas para puntahan ang sasakyan nito. Dahil nakuha niya a
‘WAG KANG magpapahalata na alam mo na ang lahat, Gail!’ Aniya sabay kagat ng malakas sa loob ng kanyang bibig. Kailangan niyang labanan ang takot at kaba niya para hindi ito makahalata. Kunwari ay bumuntonghininga siya. “Tama ka, dad. Hindi dapat paniwalaan ang lalaking ‘yon. Siya ang dahilan kaya naging gano’n ang ugali ni ate Zera. Biruin mo ‘sinabi niya sa akin na pinatay daw si ate Zera dahil may nalaman si ate na sikreto ng pamilya natin.” Kunwari ay tumawa siya. “Mukhang nababaliw na talaga ang lalaking ‘yon. Inutusan oa niya ako na kunin ang mga gamit ni ate Zera para patunayan sa akin na totoo ang mga sinabi niya. Anong akala niya sa akin? Tanġa na maniniwala sa mga sinasabi niya?” “Kung gano’n ay bakit mo dala ang mga gamit ng ate mo?” Walang kangiti-ngiti na tanong ni Hector na may duda sa ikinikilos ng anak. Lihim siyang napalunok. “Ah ito ba, dad? Pumunta kasi ako dito para alamin kung may pwede pa akong mapakinabangan na gamit dito. Nasunugan kasi ang pamilya ng d
Bumuga ng hangin si Gail habang nakatingin sa bahay-bakasyunan nila dito sa Zambales. Padilim na. Pagod pa siya dahil sa biyahe pero wala siyang panahon para magpahinga. Kailangan niyang malaman kung ano ba ang meron dito para matakot ang ate Zera niya para sa kanya, ano ba ang nalaman nito na humantong sa pagkamatay nito. Tinatanggi ng utak at puso niya ang mga sinabi ni Coby tungkol sa daddy niya. Patutunayan niya na hindi iyon totoo. Patutunayan niya na walang dapat ikatakot sa lugar na ito. Ito talaga ang tunay na dahilan kaya siya narito—ang patunayan na hindi magagawa ng kanyang ama ang bintang nito. Mabilis na nagtago siya sa likuran ng sasakyan ng makarinig ng yabag. “Aalis na ako, Hector. Pumunta lang ako dito para bigyan ka ng babala. Makabubuti kung susundin mo ang mga sinabi ko sayo. Hindi ka na ligtas sa bansang ito.” Hindi siya pwedeng magkamali. Ito ang kaibigan na doktor ng daddy niya na pinakilala sa kanila noon. “Bye, daddy!” Napaawang ang labi niya ng mak
“NARITO ANG MGA IMPORMASYON TUNGKOL SA AMA NI GAIL.” Inabot ni Zandro ang folder na hawak sa kaibigan na si Miguel. “This is beyond my expectations, fvcker. Tiyak kong magugulat ka sa nilalaman ng mga ito.” Napatiimbagang si Miguel ng makita ang nilalaman ng folder. “Fvck!” Napasabunot siya sa buhok. Malayo ito sa inaasahan niya na malalaman. “Hindi basta paninisi lang ang dahilan ni Coby Peralta para pagtangkaan ang buhay ni Gail. Ang nakakagulat, hindi lamang si Gail ang involved sa mga ito kundi mayron pang mas malalim na dahilan.” Pabagsak na umupo si Zandro sa couch at dumekwatro ng upo. Dinampot nito ang baso ng alak at nilagok ito. Kagagaling lamang nito sa misyon. Dumiretso ito sa restaurant ni Nick upang sabihin at dalhin ang impormasyon na kailangan malaman ng kaibigan. Dumating si Nickolas na may dalang panibagong bote ng alak. Pagkatapos lagyan ang baso nito ay tumingin ito sa kanya. “Kung iniisip mo ang mararamdaman ng babae mo, kay Tres mo siya ipatumba. Halang nama
UMILING-ILING siya. Galit ang mga mata na sinalubong niya ang tingin nito. May kinalaman sa pamilya niya? Anong klaseng biro ito? No, hindi ito biro, isa itong bintang na walang katuturan. “Gail, saan ka pupunta?” Tanong nu Joana ng buksan niya ang pinto. “Uuwi na ako.” Masama niyang tiningnan si Coby. “Sa tingin ko kasi ay masyadong napasama ang tama sa ulo ng lalaking iyan kaya kung ano-ano ang sinasabi niya.” “Nasa date kami ni Zera noon sa Zambales, Gail. Nakita namin ang daddy mo kasama ang isang babae. Nagtago kami kasi natakot kami na baka makita niya kami.” Napahinto siya sa pagtangkang pag alis. Umiwas ito ng tingin. “Alam naman namin pareho na bawal siya makipagrelasyon… pero mahal namin ang isa’t isa kaya pinili namin na sumuway. Nang gabi na ‘yon ay nagtaka si Zera. Ang sinabi daw kasi ng daddy niyo ay nasa ibang bansa siya for business.” Sumilay ang ngiti ni Coby bigla sa labi ng maalala ang nobya. “Tuwang-tuwa si Zera ng time na ‘yon kasi mukhang nakita na daw
“Sandali, Gail.” Pigil ni Junli sa kanya. Nginuso nito ang mga bodyguards niya. “Ang sabi ni Coby ay hindi siya makikipag usap kapag may ibang tao tayong isinama. Kaya mas maganda sana kung wag kang magpapasama ng bodyguards.” “Pero kasi- “Tama ang asawa ko, Gail. Mas mabuti kung wala tayong ibang kasama kapag kinausap natin siya. Sa palagay ko kasi ay may trust issue si Coby, Gail.” Naalala niya ang sinabi ng mga nurse kanina. Mukhang tama si Joana. Dahil kung hindi, bakit ito tatakas diba? Nahirapan siyang takasan ang mga tauhan ni Miguel. Inabot pa siya ng dalawang oras bago tuluyan na matakasan ang mga ito. ‘I’m sorry, guys. Pero ngayon lang naman ito.’ pagdating sa restaurant kung saan nasaan ang mag asawa ay sumama siya sa mga ito. Sa isang maliit na village nakatira ang mag asawa. Hindi kalakihan ang bahay ng mag asawa pero malinis naman ang loob at labas. Dahil may kaliitan ay halos mapuno ito ng mga gamit. “Pasensya ka na sa bahay namin ha. Maliit lang ito kumpara s