She roamed her eyes around. Maganda itong hotel na tinutuluyan nila. Well, it’s not a hotel. It’s more of a transient house. May mga gamit na katulad ng mga heater, rice cooker, gas stove, a fridge, and a television. Sinabihan niya nga itong mag-hotel na lang ngunit may transient house pala silang tutuluyan.Tahimik dito. Matapos kasi siyang ihatid ni Rhett dito ay agad siya nitong iniwanan. Hindi niya tuloy maiwasang mapairap sa hangin. Para lang siyang batang drinop-off ng ama sa school. Matapos kasing maipasok ng kanilang mga bagahe ay agad na itong umalis.Umupo siya sa couch at pinikit ang mga mata. Nakakapagod naman. Hindi niya tuloy gets kung ano ba talaga ang role niya rito. Ang maging interior designer o ang maging secretary nito? E halos lahat ng lakad nito ay nandoon siya, e. Baka hindi niya alam, secretary na pala siya nito.Tumingala siya sa kisame at sumagi sa kanyang isipan ang kanyang mga anak. She misses them a lot. Gusto na niyang umuwi sa France at tumabi sa kanyang
Huling Na-update : 2024-06-25 Magbasa pa