Home / Romance / Heiress Bodyguard / Kabanata 41 - Kabanata 50

Lahat ng Kabanata ng Heiress Bodyguard: Kabanata 41 - Kabanata 50

68 Kabanata

Chapter 41: How are they?

AKMANG hahawakan ni Kana ang kamay ni John para pigilan itong pumasok sa silid ni Simone nang tanggalin nito ang kamay niya. Napatingin siya sa kamay niya nang din napansin ni John.“Hindi ka pa sigurado na ikaw ang ama, ‘di ba?”“Saglit lang naman ako. Saka ayokong dumating ang araw na pagsisisihan ko ang bagay na ito, hon.”Hindi nakaimik si Kana. Napayuko lang ito.“Aalamin ko lang ang kalagayan ni Simone. Pangako, mabilis lang ako.” Nag-angat nang tingin si Kana. Wala siyang emosyon ng mga sandaling iyon, pero hindi man lang nakita ni John. Ang isipi nito ay nasa babaeng umuukupa ng silid na iyon.Mapaklang ngumiti si Kana pagkuwa’y tumango na lang. Wala naman siyang magagawa. Paano nga kung si John ang ama? Hindi naman niya ito masisi dahil nawalan ito nang ulirat. Kaya ang dapat na sisihin, si Simone lang. “S-sa cafeteria lang ako,” paalam niya kay John. Mabilis ang pagtango ni John sa kanya. Medyo disappointed lang siya. Gusto niya sanang pigilan siya nito at isama sa loob, p
Magbasa pa

Chapter 42: Filled with anger (Warning: Disturbing content! Reader discretion is advised)

NAKANGITING kumaway si Kana kay Grant nang makita itong nakasandal sa sasakyan. Nasa labas na siya noon ng ospital. Sabay silang nagtungo na naman dito ni John. Pero magkaiba ang sadya nila. Siya sa doctor na tumingin sa kanya nitong huli. Si John naman ay… Pinilig ni Kana ang ulo dahil sa isiping iyon. “Kumusta? Ano ang sabi ng pinsan ko?” Oh, yes. Napag-alaman niyang pinsan iyon ni Grant matapos makita ang full name nito sa hawak niyang result kanina. Kita ni Grant ang lungkot ni Kana kaya lumapit ito para yakapin ang kaibigan. Ilang beses pa nitong hinaplos ang likuran ni Kana kaya nakaramdam ang dalaga nang pag-iinit sa mata. Kaya tinulak niya ang kaibigan at tinampal sa dibdib. “‘Wag nga ako! Alam mo na ang result tapos tatanungin mo ako?” kunwa’y sabi ni Kana. Sinabi lang niya iyon para hindi na niya maramdaman ang pag-aalala nito. “Kaya ka nga nandito, tama ba?” Hindi naman magaling magsinungaling si Grant kay Kana kaya kamot sa ulo lang ang ginawa nito. “Actually, kinuli
Magbasa pa

Chapter 43: Diagnosed with...

“KAILANGAN mo nang pahinga, Ma’am.” Inilapag ni Maricel ang gamot sa mesa niya. “Tawagin ko ho ba si John—” “‘Wag!” pigil ni Kana nang marinig ang sinabi ng secretary niya. Hinilot niya ang braso niya dahil nangangalay din. “O-okay po.” Nagpaalam na sa kanya si Maricel kaya napasandal na siya sa upuan niya. Wala nang aircon pero nilalamig pa rin siya dahil sa lagnat. Hindi niya alam kung dahil sa naging tagpo nila ni John o dahil sa check up niya kanina. Umaalingawngaw pa rin sa isipan niya ang sinabi ng doctor. *** “I’m sorry, Miss Palma. Same pa rin ang diagnose. You have leukemia. Nagsasayang ka lang ng oras, hindi na mababago iyon. Kaya ang sinasabi mo sa akin na chest pain na nararamdaman mo lately ay isa sa symptoms. Hindi lang dahil sa nasasaktan ka sa mga nangyayari sa relasyon niyo ng boyfriend mo, iyon dahil sa sakit mo. Kahit ang pagsusuka mo, isa rin sa sintomas. Kaya dapat harapain na natin ito.” Umiling-iling siya rito. “Tell me, doc? Biro lang ito, ‘di ba?” Naroon
Magbasa pa

Chapter 44: Getting married

MAAGANG nagising kinabukasan si Kana para puntahan si John. Pero pagdating niya, nag-aayos na ng gamit si John. Lahat na ay isinilid nito sa isang bag. “S-saan ka pupunta?” nauutal niyang tanong. Kahit na alam ni Kana ang problema ng nobyo, nagawa pa rin niyang tanungin ito. Kagabi kahit na sinabi na niyang hahayaan ang nobyo, pero hindi niya pala kaya. Nagpadala siya nang text dito kagabi pero wala siyang reply na natanggap. Sinabi niyang puntahan siya nito sa silid niya, pero namuti lang ang mata ni Kana. Doon siya nagsimulang mag-alala. Hindi niya pala kayang ibigay si John kay Simone. Pero mukhang galit din ang nobyo sa kanya dahil sa pagkakulong nito noon. “Nagpaalam ako sa Daddy mo, may mahalaga lang akong gagawin sa Bicol. Babalik din naman ako kaagad. Baka kasi biglang tumawag din si Simone.” Parang gustong magsisi ni Kana na pumunta siya rito. Sana pala hindi na. Ang aga nitong manakit. “Simone,” bigla na lang inulit ni Kana ang pangalan ng pinsan niya. “S-schedule na b
Magbasa pa

Chapter 45: The reason

“HINDI talaga sumasagot ang pinsan ko, John. Kailangan na niyang malaman na ikakasal na tayo.” Halata ang iritasyon sa mukha ni Simone noon. “Ayokong magkaroon ng isyu tungkol dito. B-baka sabihin, inagaw kita sa kanya.”Natigilan si John sa pagtulak ng cart nang marinig ang sinabi ni Simone. Hindi niya alam na tinatawagan nito si Kana. Sabi niya rito, siya na ang bahalang magsabi. Ayaw niya namang biglain ang nobya.“Let me borrow your phone. I’m sure sasagutin niya kapag number mo ang gagamitin natin. Kailangan nating makuha ang blessing mula sa kanya.”Akmang kukunin ni Simone ang bag niya nang ilayo iyon ni John.“Ako na ang bahala sabi!” Ilang beses na rin niyang sinabi kay Simone pero ang hirap nito umintindi. Nagmamagaling. Ayaw niya pa naman pangunahan siya nito sa desisyon.Hindi ba nito alam na mahirap sa kanya ang desisyon na ito? Kung alam lang nito kung gaano kabigat sa kanya.“Sinigawan mo ba ako? Huh?” Nagsimulang sapuin at hilutin ni SIang ulo. “Kabilin-bilinan ng doc
Magbasa pa

Chapter 46: He's Here

NAGISING si Kana na hilong-hilo. Baka dahil sa gamot at mga naiturok sa kanya nang isugod siya rito. Wala rin siyang lakas ng mga sandaling iyon. Wala naman siyang ideya sa totoong kalagayan niya, basta nagising na lang siya na ganito. Pero alam niyang isa sa nagpahina sa kanya ang huling balita na natanggap niya. Para bang inubos nito ang lakas na natitira sa kanya. Nadala niya rin sa panaginip ang natanggap na text mula kay John kaya naman parang hindi rin siya nakapagpahinga. Paggising niya, halata sa mukha niya. Kaya kung titingnan siya ngayon, parang nadagdagan ang edad niya ng ilang taon. Mabuti na lang at wala rito ang magulang niya. Pilit na ngiti ang iginawad niya sa nurse na si Harper nang pumasok ito. Tsinek siya nito mayamaya. May mga ni-remind din ito sa kanya. Mamaya rin daw ang rounds ng doctor niya ayon dito. “Have you considered telling your family about your condition?” Mapakla siyang ngumiti sa naging tanong ng nurse. “They said this hospital takes good care of
Magbasa pa

Chapter 47: Is it true?

“H-HINDI na ba halata?” tanong ni Kana kay Maricel. Nasa loob pa sila ng sasakyan noon.Kapag wala siyang make up, halata sa mukha niya ang kaputlaan niya. ‘Wag lang tumingin sa balat niya sa braso at kamay si John. Siguradong mahahalata siya.“Hindi naman na. Basta ba ngumiti ka lang lagi.”Napasimangot si Kana.“Seriously, Ma! How can I smile kung tungkol sa kasal niya kay Simone ang topic? Huh? Tell me!”“Okay. Okay.” Tumitig ito sa kanya mayamaya. “Sabihin mo na nga kasi ang totoo. Malay mo, iwan niya ang feelingera mong pinsan.”Mapaklang ngumiti si Kana sa secretary. “Ano ka ba, sasayangin lang ni John ang sarili niya sa akin ‘pag nagkataon. Dapat na rin siyang magsimula na bumuo ng sariling pamilya. Alam mo namang walang kasiguruhan kung ako ang pipiliin niya. Sobra na nga nag paghihirap niya sa kulungan dahil sa pamilya ko. Tapos itatali ko pa siya sa akin?”Mapait na ngiti pa ang sunod na ginawa ni Kana.“Saka… hindi ko siya mabibigyan ng anak.”“Sa ngayon hindi. Pero darati
Magbasa pa

Chapter 48: It hurts

“S-SAAN mo ako dadalhin, John?” Kinakabahang tanong ni Kana kay John. Sinagot lang naman niya ang tanong nito kung totoo bang kasal siya kay Grant. Oo ang sagot niya. Wala namang masama. Ayaw niyang magmukhang kawawa. Saka mas mabuti na nga ito, ang malaman nitong kasal na siya. Para hindi na ito maghabol. Tatawagan na lang niya ulit ang ama na uuwi din siya, basta pauwiin nito si John kaagad. Hindi kayang itago ni Kana ang sakit kay John sa totoo lang. Ngayon pa bang palala na nang palala ang sakit niya. Kusa nang lumalabas ang sintomas. Minsan, sa mga hindi inaasahang pagkakataon ayon sa doctor. Ibig sabihin, hindi niya hawak. Kaya mas safe na nasa ospital siya. Kesa madagdagan pa ang stress niya.“Sakay,” ani ni John, matapos na pumara ng taxi. Tinakasan nilang dalawa si Grant at Simone. Pero nakita rin sila nito nang papalabas na sila ng restaurant.“John, ano ba! Balikan mo si Simone.” Humabol pa talaga ito sa kanila habang sapo ang tiyan. Kahit naman naiinis siya sa pinsan, a
Magbasa pa

Chapter 49: At last!

WALANG ginawa si Kana nang araw na iyon kung hindi ang mahiga nang mahiga. Ramdam niya rin ang pagod. Lately talaga, konting activities lang hinihingal na siya. Saka umiiwas siya kay John dahil sa panaka-nakang pag-bleed niya sa ilong. Hindi naman ganoon kadami kaya hindi siya naalarma. Kaya nahiga siya para ipahinga ang sarili. Hinihintay niya rin si Maricel dahil kailangan niyang bumalik ng ospital ngayon.Ang dami niyang pwedeng itatanong sa doctor tungkol sa sakit ng anak niya. Gusto niyang marinig ang opinyon nito. Kilala na niya si Kenjie kaya hindi siya nagmamadali ngayon. Ang paghahanap ng lunas sa sakit nito ang priority ng isipan niya. Pero sa tingin niya, nakuha ng anak ang sakit nito sa kanya. Matagal na siguro ang sakit niya. At ang mga nararamdaman niya dati ay konektado sa kanyang sakit ngayon. Tapos nabuntis siya at nakuha ng anak niya? Hindi kaya? Pero hindi siya expose sa chemo noon. Saka bihira siya sa factory nila kung saan may chemical na tinatawag na benzene. Is
Magbasa pa

Chapter 50:

MATINDING pagod para kay Kana at John nitong nagdaan kaya nagpasyang magpahinga silang dalawa. Sa wakas ay may nag-match na rin para sa anak niya. Kahit ang mag-asawang Atlas at Keana ay ganoon din. Isang linggo din ang hiningi ni Atlas na leave, na agad namang inaprubahan.Kasama si Kenjie nang magpasyang mag bakasyon ang pamilya nila Kana sa Caramoan. At para makasama na rin ang pamilya ni John na siyang tumulong din sa paghahanap ng donor. Kaya ilan cabin at suite din ang inupahan ng mga Palma para sa isang linggong bakasyon na iyon.Dalawang doctor at tatlong nurse din ang kasama nila para sa anak. May naka-antabay din na chopper sakaling magkaroon ng problema. Maliban dyan, may isang chopper din mula sa Hotel De Astin— mismong si Astin ang nag-talaga no’n para umantabay din.Halata ang saya sa mukha ni Kenjie nang dalhin ni Kana at John sa dalampasigan. Mukhang gustong magtampisaw nito sa dagat kaya gumamit sila ng speedboat para makapag-tampisaw ito bandang ilalim. Para hindi ni
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status