“WALA pa ba sila?” Hindi na naitago ni Atlas ang inis. Tumingin pa siya sa relong pambisig, pasado alas onse na ng gabi. Ang usapan, dito kakain ang anak at binilin niyang dalhin si John. Pero hanggang ngayon, wala pa rin sila. “I-I think, alam nilang nandito ako, Tito.” Tumingin si Atlas sa malungkot na si Simone. Kailangan niya ng eksplanasyon mula kay John, pero hanggang ngayon, hindi pa dumadating ang mga ito. “What if bumalik ka na lang bukas, Simone?” dinig niyang suhestiyon ng asawang si Keana. Tumingin din ito sa kanya at may pahiwatig na pauwiin na muna niya ang pamangkin. “Tama ang Tita Keana mo, Simone. Bumalik ka na lang bukas ng umaga rito. Sisiguraduhin ko sa ‘yong nandito na sila. Alright?” Mukhang seryoso naman ang Tito Atlas niya kaya tumayo si Simone kahit na yamot na yamot na. Sigurado naman ang Tito niya kaya kailangan niyang magtiwala. Alam niya kung gaano siya kalakas dito, kaya bukas pagbalik niya, nandito na si Kana. Hindi tuloy siya makapaghintay na makita
Magbasa pa