PAGDATING sa loob ng unit ni Danilo, hindi naman magawang magsalita ni Kana dahil sa nadatnan malapit sa elevator. Wala siyang ginawa doon kung hindi ang maupo at ipikit ang mata. Masuyo namang nag-aabang si Danilo sa kanya.“May problema ba?” untag ni Danilo kay Kana.Nagmulat ng mata si Kana at diretsong tumingin kay Danilo. Parang hindi pa niya kayang harapin pala ito. Nawala na siya sa mood. Literal na nasira ang mood niya.Ngumiti si Kana kay Danilo. “Oh, dumaan lang ako para pag-usapan ang tungkol sa project natin sa Cebu.” At ‘yon nga ang nangyari. At least, nabago kahit papaano ang mood niya. Nakalimutan niya ang nakita sa labas. Mahigit tatlong oras na nag-stay si Kana sa unit ni Danilo. Sa sala lang siya tumambay. Ayaw pa niyang lumabas dahil baka makita niya ang dalawa doon. Siguro, sa ibang elevator siya mamaya dadaan, kung pwede maglakad siya, maglalakad gamit ang hagdan.Pero hindi akalain ni Kana na nasa labas ng unit ni Danilo si John. Masuyong nagbabantay at naghihin
NGUMITI si John pero sa loob-loob niya, parang may mga karayom na tumutusok. Paisa-isa sa una hanggang sa sabay-sabay na. Hindi na niya tuloy napigilan ang sarili na hindi magpakawala nang buntonghininga. Kaya lumunok muna siya bago nagsalita.“C-congrats.” Sumubo siya ng kanin pero hindi na niya nasundan ng ulam. Bumara na nga sa lalamunan niya kaya nagbaba siya nang tingin para bahagyang hagurin ang lalamunan. Isa pa, ayaw niyang makita ni Kana ang mata niya. Sabi nga nila, sa mata kadalasan nakikita kung nagsasabi ng totoo ang tao, o ‘di kaya sincere sa mga binibitawang salita. Sigurado siyang hindi niya maitatago ang sakit na nararamdaman. Kaya hindi siya sincere sa sinabi rito.Nang mapansing nakatingin sa kanya si Kana, nag-angat siya nang tingin dito. Seryoso lang ito. Hindi niya alam ang nasa isipan nito. Pero umiling ito kapagkuwan at tumayo.“I’m full. Thanks,” anito, at bumalik na sa upuan nito.Nawalan na rin siya nang gana kaya niligpit na rin iyon at nagpaalam na dito na
NAGPUMIGLAS si Kana kaya binitawan siya ni John. Pero muli din siyang kinabig nito dahil kamuntik na siyang mawalan nang balanse. “Pwede bang itigil mo na ang pag-iinom? Kagabi ka pa. Malapit mo na akong masagad, Kana.” May pagbabanta na sa mata ni John. Oh, yes. Naalala niya ang sunod-sunod na rant nito nang sunduin siya nito kila Mera. Walang bago, tinakasan na naman niya ito. Pero wala siyang pakialam dito. Hindi naman niya ito boyfriend, kaya wala itong pakialam sa mga ginagawa niya. Pinilig niya ang ulo pagkuwa’y nilakihan ng mata. Ramdam na niya ang kalasingan talaga kasi. “H-hindi kita boyfriend para pagbawalan ako. Si Grant lang ang may karapatan. U-understand?” Nagsalubong ang kilay ni John pero hindi niya ito pinansin. Kumuha siya nang suporta sa pader at humakbang papunta sa opisina niya. Panay pa ang pagbulong niya. Namura pa nga niya ito. Ewan lang niya kung narinig siya nito. Hindi pa man siya nakakalapit nang pangkuin siya ni John. Sinubukan niyang magpumiglas ulit
SA LIKOD ni John sumakay si Kana nang umuwi sila sa condo. Wala naman na gaanong tao kapag ganitong oras kaya ni-request iyon ng dalaga. Nakikita niya kasi sa mga palabas kaya gusto niyang maranasan iyon. “Hon, may tanong ako,” pukaw ni Kana sa katahimikan. Nasa loob sila ng silid niya ng mga sandaling iyon. “Ano ‘yon, hon?” tanong naman ni John nang ibaling nito ang mukha. Inayos din nito ang pagkakahawak nito sa kanya. “Pinangarap mo din bang magkaroon ng anak sa akin?” Lumabi pa si Kana. tuluyan na ngang nawala ang alak sa sistema niya. Nakapagpahinga na siya sa opisina kanina pa. At iniisip na niya ang reaksyon ni John kapag nalaman niyang nabutis ako at nakunan. Kita ni Kana ang pagsilay nang ngiti sa labi ni John “Oo naman. Mga sampu?” nakangiting sabi ni John. “Grabe ka sa sampu, hon! ‘Wag ganoon!” Tinampal pa ni Kana ang dibdib nito sa mahina lang habang ang isa ay nakakapit sa leeg nito. “Bata pa lang ako, pangarap ko na talaga ang malaking pamilya. Kaya paghandaan mo t
“WALA pa ba sila?” Hindi na naitago ni Atlas ang inis. Tumingin pa siya sa relong pambisig, pasado alas onse na ng gabi. Ang usapan, dito kakain ang anak at binilin niyang dalhin si John. Pero hanggang ngayon, wala pa rin sila. “I-I think, alam nilang nandito ako, Tito.” Tumingin si Atlas sa malungkot na si Simone. Kailangan niya ng eksplanasyon mula kay John, pero hanggang ngayon, hindi pa dumadating ang mga ito. “What if bumalik ka na lang bukas, Simone?” dinig niyang suhestiyon ng asawang si Keana. Tumingin din ito sa kanya at may pahiwatig na pauwiin na muna niya ang pamangkin. “Tama ang Tita Keana mo, Simone. Bumalik ka na lang bukas ng umaga rito. Sisiguraduhin ko sa ‘yong nandito na sila. Alright?” Mukhang seryoso naman ang Tito Atlas niya kaya tumayo si Simone kahit na yamot na yamot na. Sigurado naman ang Tito niya kaya kailangan niyang magtiwala. Alam niya kung gaano siya kalakas dito, kaya bukas pagbalik niya, nandito na si Kana. Hindi tuloy siya makapaghintay na makita
ANG buong akala ni John, hindi na nila pag-uusapan si Simone. Pero pagdating sa condo ni Kana ay hinarap siya nito, kagat ang labi at namumula ang gilid ng mata. “Alam mo bang naiinis ako, John?” Naikuyom din nito ang labi kapagkuwan. Mukhang pinipigilan nito ang nararamdaman nito. “I’m tired of her! Guess what kung ano ang nagpapataas ng dugo ko ngayon?”“A-ano ‘yon, hon?” nauutal na tanong ni John.“I know, hindi totoo ang video na ‘yon. Pero ang isiping ikaw ang kasiping niya that night? Ughh!! My heart hurts, John!” Tumingin pa ito sa kanya na at napaseryoso. “H-hindi ko alam ang gagawin kapag naging totoo ‘yon.”“H-hon,”“Hindi ‘yon totoo, right? Hindi mo naman gagawin ‘yon sa akin. I know you.”Natigilan si John. Paano ba niya sasabihin kay Kana na hindi siya sigurado? What if totoo nga ang nangyaring iyon? Anong gagawin niya? Matatanggap kaya siya nito?Imbes na sumagot niyakap na lang ni John nang mahigpit si Kana at hinalikan sa ulo. Hindi pa rin niya alam ang isasagot sa no
MATAGAL na tulala si Kana kaya naisipang lapitan ito ni John.“Hon?” untag ni John sa nobya.Mabilis na tinago ni Kana ang hawak na papel pero hindi iyon nakawala sa paningin ni John.“Ay, diyan lang pala naiwan ang kalahati ng resibo? Hinahanap kanina ni Astin ‘yan dahil kailangang mai-record daw.”Napatitig si Kana kay John. “K-kay Astin ‘to?” Tinaas niya ang resibo na iyon.Mabilis na tumango si John. Wala man lang siyang makita na kakaiba sa mga ikinikilos nito kaya pinalis na lang niya sa isipan. Baka gawa-gawa lang ni Simone iyon. Talagang desperada na ang pinsan niya.Binigay na lang niya kay John at nakangiting kumapit dito. Mabilis din niyang hinalikan ito sa labi nang mabilis na ikinawaang nito.“Let’s go,” nakangiting sabi ni Kana rito. Mukhang nagulat na naman niya si John. Hindi na nga nito namalayan na bumitaw siya sa pagkakakapit.Akmang iiwan ni Kana ang nobyo nang hilahin siya nito pabalik. Pumulupot sa maliit na bewang nito ang braso niya at mapusok na sinakop ang la
PAGDATING na pagdating ni John sa tapat ng bahay ni Rogando ay agad siyang nag-doorbell. Hindi na siya nag-alangan. Wala siyang balak na patagalin pa. Hindi na siya natutuwa. Parehas na nasa picture si Rogando kahit na magkaibang pangyayari, kaya sinunod na niya ang nararamdaman. May mga ebidensya naman na sila, pero parang kulang pa kasi. Pero ngayon, malakas na ang pakiramdam niya. Kailangan lang niyang paaminin ito. Galing na si John a condo nito pero wala rin ito doon. Ilang araw na raw itong hindi umuuwi doon ayon sa natanungan niya. Kaya nagpasya siyang dumiretso dito sa bahay nito. Imbes na si Rogando, asawa nito ang humarap sa kanya na ikinagulat niya. “Matagal nang hindi umuuwi rito si Danilo,” mahina at seryosong sabi nito. Pero iba ang sinasabi ng mata nito kaya hindi niya maiwasang magduda. “S-sige ho, tatawagan ko na lang siya.” Tumango si Mrs. Rogando sa kanya. Nagpaalam na rin siya kapagkuwan. Umisang sulyap pa si John sa bahay na iyon bago bumalik sa sasakyan. Hin
Teaser:Akala ni Kana, tapos na ang isyu sa lupa nila sa Pangasinan. Natuklasan ni Kana na ang kasalukuyang nobya ng panganay na anak na si Kenjie ay anak ng babaeng iyon. Ang mismong ipinagbununtis ng babaeng sumugod sa kanila. At planado ang lahat ng mag-ina. Para makuha sa kanila ang lupang iyon. “Hinding-hindi niyo makukuha ang lupang iyon, Tania. Nakatakdang mapunta talaga sa amin ang lupang iyon. Dahil pag-aari ‘yon ng Mommy ko. Sa Lola ni Kenjie. Naiintindihan mo ba?”Ilang beses na bumalik noon ang anak ni Don Ignacio sa kanila para tangkaing bawiin ang lupa. Bago mamatay ang ama nito ay sinabi nito sa kanila ang dahilan kung bakit sa kanila nito naibigay ang bahagi ng lupang iyon. Yes, bigay lang. Dahil sa ina niyang si Keana. Dahil sa naudlot na pagmamahalan ni Don at ng ina niya.Ang lupang iyon ay pagmamay-ari pala ng ina, na sadyang binili nito para mapalapit kay Don. Pero dahil tutol ang magulang ng huli, nagkahiwalay din ang dalawa. Iniwan ng ina ang lupang iyon kasama
KASABAY nang pagpubog ng araw sa bahaging iyon ang muling pagbaon ni John ng sarili sa asawa.For John, mali na bigyan siya nang parusa dahil lamang sa hindi niya pagsabi, na siya ang nakatalik ng asawa sa hotel na iyon sa Texas. Lalo lamang siyang nanabik dito. Isa lamang ito sa hindi niya kayang pigilan kapag nasa paligid ang asawa. Kahit na anong pigil niya, hindi niya kaya. Sa pagkakaalam niya kasi, alam ni Kana na siy ang nakatalik nito nang gabing iyon. At kaya lang siya nawala sa tabi nito dahil sa urgent matter nila. “O-oh, husband. Hindi ka pa ba nagsasawa?” Nakangiting umiling si John sa asawa. “Kasalanan mo ito, hon. Pinag-diet mo ako. Naalala mo? ” Sasagot sana si Kana nang siilin ni John nang halik ang labi niya. Hindi na talaga siya nito hinayaang magreklamo pa.Kanina, sabi ni Kana, baka maapektuhan ang batang nasa sinapupunan niya. Pero hindi naman raw dahil masuyo ito. Baka lang naman makalusot siya. Totoo namang masuyo— no, mabagal. At dahil traydor ang katawan ni
Smooth pa sa kumot niyo ang naging seremonya ng kasalang Kana at John. Walang naging problema. Masaya ang lahat ng nakasaksi sa pag-iisang dibdib na iyon. Pero ang higit masaya ay ang bagong kasal, lalo na si John.Nalaman ni Kana na pinapirma ni John si Hazel na wala na itong responsibilidad dito at wag na itong lalapit sa kanilang mag-asawa kapalit ng malaking halaga. Kaya pala talaga natagalan ito sa pakikipag-usap kay Hazel. “John! Saan na naman tayo pupunta?” Nagtatakang tanong ni Kana sa asawa nang bigla siyang hilahin nito palapit sa sasakyan. Halos kasing taas yata iyon ng bus. Pero hindi naman kasing haba. Kakatapos lang noon ang pictorial sa labas at ng paghagis niya ng bulaklak. “Honeymoon time, hon.” Kakaiba na ang ngiti sa labi ni John ng mga sandaling iyon.“P-pero kailangan pa tayo sa recep—”Hindi na natuloy ni Kana dahil pinangko na siya ni John at masuyong pinaupo sa loob ng sasakyan. Nilingon niya ang magulang at ang ina ni John, nakangiti ang mga ito. Kumaway din
“O-okay ka lang?”Matamis na ngumiti si Kana kay Maricel bago ito nilagpasan. Ganoon din kay Astin. Gustong manghina ni Kana. Nasasaktan siya dahil mas inuna ni John na puntahan si Hazel kesa sa seremonya ng kasal nila. As if kailangang kompirmahin muna nito ang nararamdaman kung gusto nga ba nitong magpakasal sa kanya.Pakiramdam din kasi ni Kana ng mga sandaling iyon nagmukha siyang tanga. Napagtanto niyang hanggang ngayon wala siyang alam sa nakaraan ni John kay Hazel. Hindi man lang ito naging open sa kanya.“Kana, magsisimula na ang seremonya. Dapat sabihan mo na si John. What if may schedule pa si father?”Nilingon ni Kana si Maricel. Hindi ba nito nakita ang mga nakita niya?“Kung gusto niyang matali sa akin habang buhay, darating siya. Pero kung ayaw niya, wala na akong magagawa, Maricel.”“Gusto mo bang hilahin ko siya papuntang simbahan?” tanong ni Astin na ikinatawa niya. Pero ang tawa na iyon ay saglit lang.“No need, Astin. Thanks.” Nakikita niya ang guilt sa mga mata ni
HANGGANG sa araw ng kasal ni Kana at John, nangungulit ang huli sa kanya. Gaya ng mga naunang sagot niya, walang honeymoon. Pero hindi niya naman iyon totohanin. Kailangan lang nitong pagdusahan ang ginawa nitong pagtago. “I’m so thrilled, anak. Sa wakas ay natupad rin ang pangarap ko na maikasal ka,” maluha-luhang sambit ng ina nang sabihin iyon. Suot na ni Kana ang wedding dress na pinili nila mismo ni John. Lace applique mermaid strapless wedding dress ang napili nilang dalawa. Iyon naman kasi ang unang pumukaw nang atensyon niya nang tumingin sa brochure. Nakita niya rin iyon noon sa isang boutique. Sabi nga niya, sana si John ang lalaking pakakasalan niya. At heto, nangyari nga— mangyayari pa lang pala.“Ako rin po, Mommy. Hindi ko maipaliwanag ang saya.” Hinimas pa niya ang tiyan niya. Dahil din sa magiging anak nila ni John.Napatingin siya kay Kenjie nang bigla nitong halikan ang umbok niya.“I’ll be good to her, Mama. Promise!”“Her?” halos makasabay na sambit nilang mag-in
“Talaga, hon? Buntis ka?” Saya ang sunod na makikita sa mukha ni John.“Oo, John. P-pero hindi—”Hindi na natuloy ni Kana ang sasabihin nang kabigin siya ni John. Mahigpit na yakap ang ginawa nito pagkuwa’y lumuhod pa para lang halikan ang baby bump niya.“Dapat na siguro na nating madaliin ang kasal, hon. Ayokong lumabas sa mundong ito ang ating anak na hindi mo dala ang apelyido ko.” Lalong lumapad ang ngiti ni John. “Bukas or sa susunod kaya?” Excitement na naman ang pumalit sa mukha ni John.Paano pa masasabi ni Kana ang nais sabihin kung saya na ang nakikita sa mukha ni John. Parang ang hirap na sirain ang sayang pinapakita ni John. Pero kailangan niyang sabihin ang problema niya. Para masolusyunan na.“J-John, before that, um, may aaminin ako sa ‘yo.”Biglang napalis ang magandang ngiti ni John. May kung anong kaba siyang naramdaman. Sa tono ni Kana, parang seryosong usapin iyon. “I-I love you. Really. God knows kung gaano kita mahal. I never loved a man like this before. Neve
Kalmadong naglakad si John palapit sa kanila. Lahat ng tauhan ni Danilo ay may baril at nakatutok mismo kay John. Siya ang kinakabahan sa pagiging kalmado ni John. Pero walang pakialam ang huli. Nakatingin lang ito sa kanya nang seryoso.“Ayos ka lang ba, hon?” tanong nito sa kanya.“Y-yes. I-I’m fine.” Hindi niya alam kung bakit siya nauutal habang nakatingin kay John.“Mabuti naman.” Tumango-tango si John sa kanya. Tumingin ito kay Rogando kapagkuwan.“Maaari mo nang pakawalan si Kana dahil nandito na ako. Ako naman talaga ang kailangan mo. Tama?” Tinaas ni John ang kamay pagkuwa’y hinawi ang jacket para ipakita sa kanila na wala itong dalang armas.“Bilib din ako sa inyo. Natunton niyo ang kinaroroonan namin nang walang kahirap-hirap.”Napangisi si John. “Hindi mo kasi ginalingang magtago. Saka malakas ang pang-amoy ko pagdating sa babaeng mahal ko.” Tumingin si John kay Kana at ngumiti. Blangko lang ang ekspresyon niya.Nang makita ni John ang pisngi ni Kana ay nag-alala si John.
ISANG malutong na mura ang pinakawalan ni John nang ibalita sa kanya ni Arvin ang nangyari.Nang i-report nito na may nag-approach kay Kana na hindi kilala ay nagmadali siyang bumiyahe papuntang Davao. Iniwan niya ang anak sa Lola nito na si Keana. Hindi rin naman siya makatulog kaya talagang binalak niyang sundan si Kana ngayon. Nagkaroon ng aberya sa helicopter na gagamitin kaya medyo natagalan ang paglipad nila.Sumalubong sa kanya sa harap ng pharmacy na iyon ang ama ni Kana na si Atlas. Galit na galit ito habang nakikipag-usap sa mga tauhan nitong napatumba lang ng mga tauhan ni Danilo Rogando. Walang nakasunod sa sasakyang dala ni Rogando dahil nakikipaglaban na rin ang mga ito. May back up kasi sila Rogando kaya talagang humarang sa mga daraanan, dahilan para hindi masundan ng mga tauhan ni Chief.“Chief, pwede pa namang ma-trace natin ang kinaroroonan ni Kana,” aniya rito para kumalma ito. Galit na rin siya noon pero walang mangyayari kung ilabas niya din ang galit. Kailangan
“UPDATE mo ako, hon, pag-uwi, huh. Kung anong oras ang alis niyo sa Davo airport. Ako na ang susundo sa ‘yo,” dinig ni Kana na sambit nito. “Okay, hon.” Mabilis na halik ang ginawad niya sa anak pagkuwa’y kay John naman. Saglit ding naghinang ang labi nila.Naglalaro ang dalawa noon sa sungkaan. Kakatapos lang din ng mga ito na maglaro ng bilyar. Tapos naisip na naman ni Kenjie na laruin ang binili ng ama nito na sungkaan. Kesyo iyon daw ang nakasanayan ng ama noong bata pa.“Si Kenjie, huh?!” aniy ulit kay John.“Opo. Sige na at male-late ka na.”Napaingos si Kana kay John. Ini-expect na niyang late siya dahil pinagod siya ni John kagabi. Kaya ayon, napasarap ang tulog niya dahil sa pagod.“Sige ka, baka hindi kita paalisin,” dugtong pa ni John.“Bye, Mama ko!” Nakangiting tiningnan ni Kana ang anak. Nakangiti rin si John nang balingan niya ito.“Ingat ka, hon.” Tumango siya rito.“Bye, anak! Bye, hon!” aniya sa dalawa matapos na talikuran ang mga ito.Bitbit ni Kana ang handbag niy