“H-HINDI na ba halata?” tanong ni Kana kay Maricel. Nasa loob pa sila ng sasakyan noon.Kapag wala siyang make up, halata sa mukha niya ang kaputlaan niya. ‘Wag lang tumingin sa balat niya sa braso at kamay si John. Siguradong mahahalata siya.“Hindi naman na. Basta ba ngumiti ka lang lagi.”Napasimangot si Kana.“Seriously, Ma! How can I smile kung tungkol sa kasal niya kay Simone ang topic? Huh? Tell me!”“Okay. Okay.” Tumitig ito sa kanya mayamaya. “Sabihin mo na nga kasi ang totoo. Malay mo, iwan niya ang feelingera mong pinsan.”Mapaklang ngumiti si Kana sa secretary. “Ano ka ba, sasayangin lang ni John ang sarili niya sa akin ‘pag nagkataon. Dapat na rin siyang magsimula na bumuo ng sariling pamilya. Alam mo namang walang kasiguruhan kung ako ang pipiliin niya. Sobra na nga nag paghihirap niya sa kulungan dahil sa pamilya ko. Tapos itatali ko pa siya sa akin?”Mapait na ngiti pa ang sunod na ginawa ni Kana.“Saka… hindi ko siya mabibigyan ng anak.”“Sa ngayon hindi. Pero darati
“S-SAAN mo ako dadalhin, John?” Kinakabahang tanong ni Kana kay John. Sinagot lang naman niya ang tanong nito kung totoo bang kasal siya kay Grant. Oo ang sagot niya. Wala namang masama. Ayaw niyang magmukhang kawawa. Saka mas mabuti na nga ito, ang malaman nitong kasal na siya. Para hindi na ito maghabol. Tatawagan na lang niya ulit ang ama na uuwi din siya, basta pauwiin nito si John kaagad. Hindi kayang itago ni Kana ang sakit kay John sa totoo lang. Ngayon pa bang palala na nang palala ang sakit niya. Kusa nang lumalabas ang sintomas. Minsan, sa mga hindi inaasahang pagkakataon ayon sa doctor. Ibig sabihin, hindi niya hawak. Kaya mas safe na nasa ospital siya. Kesa madagdagan pa ang stress niya.“Sakay,” ani ni John, matapos na pumara ng taxi. Tinakasan nilang dalawa si Grant at Simone. Pero nakita rin sila nito nang papalabas na sila ng restaurant.“John, ano ba! Balikan mo si Simone.” Humabol pa talaga ito sa kanila habang sapo ang tiyan. Kahit naman naiinis siya sa pinsan, a
WALANG ginawa si Kana nang araw na iyon kung hindi ang mahiga nang mahiga. Ramdam niya rin ang pagod. Lately talaga, konting activities lang hinihingal na siya. Saka umiiwas siya kay John dahil sa panaka-nakang pag-bleed niya sa ilong. Hindi naman ganoon kadami kaya hindi siya naalarma. Kaya nahiga siya para ipahinga ang sarili. Hinihintay niya rin si Maricel dahil kailangan niyang bumalik ng ospital ngayon.Ang dami niyang pwedeng itatanong sa doctor tungkol sa sakit ng anak niya. Gusto niyang marinig ang opinyon nito. Kilala na niya si Kenjie kaya hindi siya nagmamadali ngayon. Ang paghahanap ng lunas sa sakit nito ang priority ng isipan niya. Pero sa tingin niya, nakuha ng anak ang sakit nito sa kanya. Matagal na siguro ang sakit niya. At ang mga nararamdaman niya dati ay konektado sa kanyang sakit ngayon. Tapos nabuntis siya at nakuha ng anak niya? Hindi kaya? Pero hindi siya expose sa chemo noon. Saka bihira siya sa factory nila kung saan may chemical na tinatawag na benzene. Is
MATINDING pagod para kay Kana at John nitong nagdaan kaya nagpasyang magpahinga silang dalawa. Sa wakas ay may nag-match na rin para sa anak niya. Kahit ang mag-asawang Atlas at Keana ay ganoon din. Isang linggo din ang hiningi ni Atlas na leave, na agad namang inaprubahan.Kasama si Kenjie nang magpasyang mag bakasyon ang pamilya nila Kana sa Caramoan. At para makasama na rin ang pamilya ni John na siyang tumulong din sa paghahanap ng donor. Kaya ilan cabin at suite din ang inupahan ng mga Palma para sa isang linggong bakasyon na iyon.Dalawang doctor at tatlong nurse din ang kasama nila para sa anak. May naka-antabay din na chopper sakaling magkaroon ng problema. Maliban dyan, may isang chopper din mula sa Hotel De Astin— mismong si Astin ang nag-talaga no’n para umantabay din.Halata ang saya sa mukha ni Kenjie nang dalhin ni Kana at John sa dalampasigan. Mukhang gustong magtampisaw nito sa dagat kaya gumamit sila ng speedboat para makapag-tampisaw ito bandang ilalim. Para hindi ni
WALA na si Grant pero tulala pa rin si Kana. Si Kenjie ang nasa isipan niya ng mga sandaling iyon. Anong gagawin niya? Dapat willing si Grant na ibigay ang kailangan ng anak niya. Ginawa na niya ang lahat, nakiusap na sa kaibigan pero hindi nito willing na ibigay sa anak niya. Sa kanya lang if ever. At naiintindihan niya si Grant. It’s because hindi nga nito anak si Kenjie. Pero anak niya si Kenjie at kaibigan siya nito. Hindi ba pwedeng sa pagkakaibigan na lang nila ito magpokus? Hindi niya kasi talaga kayang turuan ang puso. Magkaiba ang nararamdaman niya rito at kay John. Talagang kaibigan lang ang kaya niya.Bago siya lumabas sa ospital na pinagdalhan sa kanya ni Grant, tinawagan niya si Maricel. Kailangan na niyang makabalik sa ospital kung saan naroon si Kenjie kaya nagpatulong na siya rito. Nagpapadala na rin siya ng long coat para matakpan ang braso at kamay niya.“How is Kenjie?” tanong niya kay John nang makarating sa ospital room ng anak.Matagal na tinitigan siya ni John
“N-nothing, John. J-just kiss me. Please?”Masuyong tumango si John. At kasunod niyon ang masuyong halik din nito sa kanya. Masuyong halik din ang tinugon niya kay John. Just like before, binuhay na naman ni John ang apoy sa pagitan nila. Ni isa sa kanila, walang may kakayahang umapula. Pero dahil nasa ospital sila usual na position lang sila, tapos nasa sofa pa.Magkahinang ang labi nilang dalawa habang patuloy si Kana sa pagtaas-baba sa kaibigan ni John na galit na galit. Always. Basta nasa paligid ang nobya. Bumitaw ang labi nila pero patuloy lang sa pagkilos si Kana. Nakaalalay na si John sa bewang niya habang iginigiya siya pataas-baba. Mabuti na lang tulog ang anak, dahil dinig na dinig na naman ang salpukan ng katawan nila ng mga sandaling iyon. Hanggang sa sabay na marating nila ang climax.Isang masuyong halik ang muling namagitan sa kanila bago tuluyang umalis si Kana sa kandungan ni John. Hinang-hina na siya pero hindi niya pinahalata dito. Sumandal lang siya sa sofa at nak
“DO you think, magiging masaya ang pagsasama natin bilang mag-asawa kapag pinagpilitan mo ang kasalang ito?” walang buhay na tanong ni Kana kay Grant.Nakaupo siya noon sa kama pero balot na balot ang sarili ng kumot dahil sa lagnat na nararamdaman. Bukas na ang kasal nila pero heto, masama ang pakiramdam niya.“No, Grant. I’m dying. Can’t you see?” Ngumiti pa siya nang ipakita ang mga braso. Pero gaya nang sabi niya, walang buhay. Walang kulay. “No! You will not die, Kana! Hindi ako makakapayag.” Umiling-iling pa si Grant. “Hindi.”“Nang ibigay mo ang kondisyon na ‘to kapalit ng bone marrow mo, para mo na akong pinatay. Hindi na rin kita kayang tingnan bilang kaibigan, Grant. Kaya hindi ko mapapangako sa ‘yo magiging masaya ang pagsasama natin gaya nang hiling mo. Pakiramdam ko, nasa libingan na ako”“Ganoon ba talaga ako kahirap mahalin?” puno nang hinanakit na tanong ni Grant.Natawa si Kana nang pagak. “Isa lang ang puso natin, kaya hanggang isang tao lang ang kayang i-accommodat
3 YEARS LATER…AUSTIN, TEXASMasigabong palakpakan ang sunod na narinig ni Kana pagkatapos ng inspirational message niya. Naimbitahan siya ng dating doctor niya rito sa Texas para magbigay nang mensahe sa mga pasyente nito. Isa siya sa mapalad na napili para mag-share ng karanasan. Kung paano ba niya nalagpasan ang mga pagsubok na iyon.Halos isang taon din silang naghanap ng bonemarrow donor para sa kanya. Naglabas na ng malaking pera ang Daddy niya para mapadali umano ang paghahanap. Pero inabot pa rin ng taon bago sila nakakuha. Sa loob ng dalawang taon din after ng transplant, bumalik agad ang sigla at ang lahat sa kanya. Pati ang buhok niya. Bob cut lang ang kaya ng buhok niya sa ngayon. Pero kapag kinakailangan, nagsusuot siya ng wig hair kapag haharap sa media. Gaya ng buhok niya dati. Iilan lang kasi ang nakakaalam sa naging sakit niya. Ayaw naman niyang maging usap-usapan.“Mama!”Agad na pinangko ni Kana ang limang taong gulang na anak nang tumakbo ito palapit sa kanya. Pina
Teaser:Akala ni Kana, tapos na ang isyu sa lupa nila sa Pangasinan. Natuklasan ni Kana na ang kasalukuyang nobya ng panganay na anak na si Kenjie ay anak ng babaeng iyon. Ang mismong ipinagbununtis ng babaeng sumugod sa kanila. At planado ang lahat ng mag-ina. Para makuha sa kanila ang lupang iyon. “Hinding-hindi niyo makukuha ang lupang iyon, Tania. Nakatakdang mapunta talaga sa amin ang lupang iyon. Dahil pag-aari ‘yon ng Mommy ko. Sa Lola ni Kenjie. Naiintindihan mo ba?”Ilang beses na bumalik noon ang anak ni Don Ignacio sa kanila para tangkaing bawiin ang lupa. Bago mamatay ang ama nito ay sinabi nito sa kanila ang dahilan kung bakit sa kanila nito naibigay ang bahagi ng lupang iyon. Yes, bigay lang. Dahil sa ina niyang si Keana. Dahil sa naudlot na pagmamahalan ni Don at ng ina niya.Ang lupang iyon ay pagmamay-ari pala ng ina, na sadyang binili nito para mapalapit kay Don. Pero dahil tutol ang magulang ng huli, nagkahiwalay din ang dalawa. Iniwan ng ina ang lupang iyon kasama
KASABAY nang pagpubog ng araw sa bahaging iyon ang muling pagbaon ni John ng sarili sa asawa.For John, mali na bigyan siya nang parusa dahil lamang sa hindi niya pagsabi, na siya ang nakatalik ng asawa sa hotel na iyon sa Texas. Lalo lamang siyang nanabik dito. Isa lamang ito sa hindi niya kayang pigilan kapag nasa paligid ang asawa. Kahit na anong pigil niya, hindi niya kaya. Sa pagkakaalam niya kasi, alam ni Kana na siy ang nakatalik nito nang gabing iyon. At kaya lang siya nawala sa tabi nito dahil sa urgent matter nila. “O-oh, husband. Hindi ka pa ba nagsasawa?” Nakangiting umiling si John sa asawa. “Kasalanan mo ito, hon. Pinag-diet mo ako. Naalala mo? ” Sasagot sana si Kana nang siilin ni John nang halik ang labi niya. Hindi na talaga siya nito hinayaang magreklamo pa.Kanina, sabi ni Kana, baka maapektuhan ang batang nasa sinapupunan niya. Pero hindi naman raw dahil masuyo ito. Baka lang naman makalusot siya. Totoo namang masuyo— no, mabagal. At dahil traydor ang katawan ni
Smooth pa sa kumot niyo ang naging seremonya ng kasalang Kana at John. Walang naging problema. Masaya ang lahat ng nakasaksi sa pag-iisang dibdib na iyon. Pero ang higit masaya ay ang bagong kasal, lalo na si John.Nalaman ni Kana na pinapirma ni John si Hazel na wala na itong responsibilidad dito at wag na itong lalapit sa kanilang mag-asawa kapalit ng malaking halaga. Kaya pala talaga natagalan ito sa pakikipag-usap kay Hazel. “John! Saan na naman tayo pupunta?” Nagtatakang tanong ni Kana sa asawa nang bigla siyang hilahin nito palapit sa sasakyan. Halos kasing taas yata iyon ng bus. Pero hindi naman kasing haba. Kakatapos lang noon ang pictorial sa labas at ng paghagis niya ng bulaklak. “Honeymoon time, hon.” Kakaiba na ang ngiti sa labi ni John ng mga sandaling iyon.“P-pero kailangan pa tayo sa recep—”Hindi na natuloy ni Kana dahil pinangko na siya ni John at masuyong pinaupo sa loob ng sasakyan. Nilingon niya ang magulang at ang ina ni John, nakangiti ang mga ito. Kumaway din
“O-okay ka lang?”Matamis na ngumiti si Kana kay Maricel bago ito nilagpasan. Ganoon din kay Astin. Gustong manghina ni Kana. Nasasaktan siya dahil mas inuna ni John na puntahan si Hazel kesa sa seremonya ng kasal nila. As if kailangang kompirmahin muna nito ang nararamdaman kung gusto nga ba nitong magpakasal sa kanya.Pakiramdam din kasi ni Kana ng mga sandaling iyon nagmukha siyang tanga. Napagtanto niyang hanggang ngayon wala siyang alam sa nakaraan ni John kay Hazel. Hindi man lang ito naging open sa kanya.“Kana, magsisimula na ang seremonya. Dapat sabihan mo na si John. What if may schedule pa si father?”Nilingon ni Kana si Maricel. Hindi ba nito nakita ang mga nakita niya?“Kung gusto niyang matali sa akin habang buhay, darating siya. Pero kung ayaw niya, wala na akong magagawa, Maricel.”“Gusto mo bang hilahin ko siya papuntang simbahan?” tanong ni Astin na ikinatawa niya. Pero ang tawa na iyon ay saglit lang.“No need, Astin. Thanks.” Nakikita niya ang guilt sa mga mata ni
HANGGANG sa araw ng kasal ni Kana at John, nangungulit ang huli sa kanya. Gaya ng mga naunang sagot niya, walang honeymoon. Pero hindi niya naman iyon totohanin. Kailangan lang nitong pagdusahan ang ginawa nitong pagtago. “I’m so thrilled, anak. Sa wakas ay natupad rin ang pangarap ko na maikasal ka,” maluha-luhang sambit ng ina nang sabihin iyon. Suot na ni Kana ang wedding dress na pinili nila mismo ni John. Lace applique mermaid strapless wedding dress ang napili nilang dalawa. Iyon naman kasi ang unang pumukaw nang atensyon niya nang tumingin sa brochure. Nakita niya rin iyon noon sa isang boutique. Sabi nga niya, sana si John ang lalaking pakakasalan niya. At heto, nangyari nga— mangyayari pa lang pala.“Ako rin po, Mommy. Hindi ko maipaliwanag ang saya.” Hinimas pa niya ang tiyan niya. Dahil din sa magiging anak nila ni John.Napatingin siya kay Kenjie nang bigla nitong halikan ang umbok niya.“I’ll be good to her, Mama. Promise!”“Her?” halos makasabay na sambit nilang mag-in
“Talaga, hon? Buntis ka?” Saya ang sunod na makikita sa mukha ni John.“Oo, John. P-pero hindi—”Hindi na natuloy ni Kana ang sasabihin nang kabigin siya ni John. Mahigpit na yakap ang ginawa nito pagkuwa’y lumuhod pa para lang halikan ang baby bump niya.“Dapat na siguro na nating madaliin ang kasal, hon. Ayokong lumabas sa mundong ito ang ating anak na hindi mo dala ang apelyido ko.” Lalong lumapad ang ngiti ni John. “Bukas or sa susunod kaya?” Excitement na naman ang pumalit sa mukha ni John.Paano pa masasabi ni Kana ang nais sabihin kung saya na ang nakikita sa mukha ni John. Parang ang hirap na sirain ang sayang pinapakita ni John. Pero kailangan niyang sabihin ang problema niya. Para masolusyunan na.“J-John, before that, um, may aaminin ako sa ‘yo.”Biglang napalis ang magandang ngiti ni John. May kung anong kaba siyang naramdaman. Sa tono ni Kana, parang seryosong usapin iyon. “I-I love you. Really. God knows kung gaano kita mahal. I never loved a man like this before. Neve
Kalmadong naglakad si John palapit sa kanila. Lahat ng tauhan ni Danilo ay may baril at nakatutok mismo kay John. Siya ang kinakabahan sa pagiging kalmado ni John. Pero walang pakialam ang huli. Nakatingin lang ito sa kanya nang seryoso.“Ayos ka lang ba, hon?” tanong nito sa kanya.“Y-yes. I-I’m fine.” Hindi niya alam kung bakit siya nauutal habang nakatingin kay John.“Mabuti naman.” Tumango-tango si John sa kanya. Tumingin ito kay Rogando kapagkuwan.“Maaari mo nang pakawalan si Kana dahil nandito na ako. Ako naman talaga ang kailangan mo. Tama?” Tinaas ni John ang kamay pagkuwa’y hinawi ang jacket para ipakita sa kanila na wala itong dalang armas.“Bilib din ako sa inyo. Natunton niyo ang kinaroroonan namin nang walang kahirap-hirap.”Napangisi si John. “Hindi mo kasi ginalingang magtago. Saka malakas ang pang-amoy ko pagdating sa babaeng mahal ko.” Tumingin si John kay Kana at ngumiti. Blangko lang ang ekspresyon niya.Nang makita ni John ang pisngi ni Kana ay nag-alala si John.
ISANG malutong na mura ang pinakawalan ni John nang ibalita sa kanya ni Arvin ang nangyari.Nang i-report nito na may nag-approach kay Kana na hindi kilala ay nagmadali siyang bumiyahe papuntang Davao. Iniwan niya ang anak sa Lola nito na si Keana. Hindi rin naman siya makatulog kaya talagang binalak niyang sundan si Kana ngayon. Nagkaroon ng aberya sa helicopter na gagamitin kaya medyo natagalan ang paglipad nila.Sumalubong sa kanya sa harap ng pharmacy na iyon ang ama ni Kana na si Atlas. Galit na galit ito habang nakikipag-usap sa mga tauhan nitong napatumba lang ng mga tauhan ni Danilo Rogando. Walang nakasunod sa sasakyang dala ni Rogando dahil nakikipaglaban na rin ang mga ito. May back up kasi sila Rogando kaya talagang humarang sa mga daraanan, dahilan para hindi masundan ng mga tauhan ni Chief.“Chief, pwede pa namang ma-trace natin ang kinaroroonan ni Kana,” aniya rito para kumalma ito. Galit na rin siya noon pero walang mangyayari kung ilabas niya din ang galit. Kailangan
“UPDATE mo ako, hon, pag-uwi, huh. Kung anong oras ang alis niyo sa Davo airport. Ako na ang susundo sa ‘yo,” dinig ni Kana na sambit nito. “Okay, hon.” Mabilis na halik ang ginawad niya sa anak pagkuwa’y kay John naman. Saglit ding naghinang ang labi nila.Naglalaro ang dalawa noon sa sungkaan. Kakatapos lang din ng mga ito na maglaro ng bilyar. Tapos naisip na naman ni Kenjie na laruin ang binili ng ama nito na sungkaan. Kesyo iyon daw ang nakasanayan ng ama noong bata pa.“Si Kenjie, huh?!” aniy ulit kay John.“Opo. Sige na at male-late ka na.”Napaingos si Kana kay John. Ini-expect na niyang late siya dahil pinagod siya ni John kagabi. Kaya ayon, napasarap ang tulog niya dahil sa pagod.“Sige ka, baka hindi kita paalisin,” dugtong pa ni John.“Bye, Mama ko!” Nakangiting tiningnan ni Kana ang anak. Nakangiti rin si John nang balingan niya ito.“Ingat ka, hon.” Tumango siya rito.“Bye, anak! Bye, hon!” aniya sa dalawa matapos na talikuran ang mga ito.Bitbit ni Kana ang handbag niy