“Jane, ikaw muna ang bahala kay Macoy at kay mama,” hindi ko alam kung ilang beses ko nang inuulit sabihin sa kanya iyon, pero hindi lang ako mapakali, pero naawa rin ako, first year college si Jane, at alam ko na hindi madali ang college, pero siya ang maiiwan ngayon para mag bantay sa bunso namin na kapatid at kay mama na nasa ospital.“Ate naman, four days mo na sinasabi yan, oo ako na bahala sa kanila, mag focus ka lang sa work mo, tsaka hindi na baby si Macoy, hindi sya kailangan bantayan 24/7, si mama naman, alam ko kahit di sya gising anririnig ka non, kaya don’t worry, okay?”“Nag aalala lang naman kasi ako, paano naman kung may mangyari habang wala ako?”“Ate,” tinignan ako ni Jane, “Mag trabaho at mag enjoy ka, ako nang bahala dito, pag uwi mo ganon pa rin, okay pa rin kami, at excuse me, three days ka lang mawawala, wag ka over dyan,” sabi niya at inirapan ako kaya natawa na lang din ako, maldita talaga minsan ang kapatid ko.“Basta, tawagan mo ko pag may problema,” inirapa
Last Updated : 2024-02-20 Read more