Emerald's POV "Salamat sa paghatid, Trevor," nakangiting sabi ko nang tumigil ang sasakyan ni Trevor sa harap ng building kung saan ako nagtatrabaho. Ngumiti rin naman siya sa akin. "Siguradong kaya mo nang magtrabaho?" tanong pa niya. "Oo naman. Hindi ako pwedeng tumigil sa pagtatrabaho dahil ayokong mawalan ng pera lalo na ngayon na hindi ko malalapitan si Papa," pabirong sabi ko naman. Totoo iyon. Ayokong tumigil sa pagtatrabaho dahil noon pa man ay ayokong umasa kay Papa pagdating sa pinansyal na pangangailangan ko. Lalo na ngayon na maraming problema sa bahay. "Kayang kaya naman kitang suportahan. Hindi mo na kailangang magtrabaho," nakangiting sabi pa niya sa akin. "Baliw. Hindi mo ako obligasyon. Sige na, kita na lang tayo mamaya. Bye." Akmang bababa na sana ako ng sasakyan ngunit bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Napalingon naman ako sa kaniya na nakakunot ang noo ko. Sa pagkakaalala ko kasi ay wala naman akong nakakalimutan na kahit na ano. "I love you, Emerald," s
Magbasa pa