Home / Romance / Contractual Marriage With My Ex / Kabanata 21 - Kabanata 30

Lahat ng Kabanata ng Contractual Marriage With My Ex: Kabanata 21 - Kabanata 30

95 Kabanata

CHAPTER 20

BRENNA'S POV"L*ngyang lalaki 'yan. Hinayaan talaga akong mag-isa," dismayadong sabi ko at saka ininom ang alak na in-order ko."Ikaw naman kasi, Brenna. Masyado mong minamadali ang lahat. Parang hindi mo kilala ang team captain natin noon," sabi ni Cheska, ang owner ng NotAMidnight Bar at ang isa sa mga kaibigan ko noong highschool."Alam mo, kahit noon pa man ay hindi ko na talaga siya maintindihan. I mean, excuse me, isang Brenna Villafuente na ang lumalapit sa kaniya noon pa. Then what, mas pinatos pa niyang ligawan ang Emerald na 'yan noon," inis kong sabi.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na binabalewala lang ako ni Trevor. Napakatagal kong nagpapansin sa kaniya noon, tapos bigla ko na lang nalaman na nililigawan niya ang magaling kong half-sister. At ang mas nakakagulat pa, sinagot naman siya nito. Akala siguro ni Emerald noon ay aangat din siya kapag naging boyfriend niya ang team captain ng basketball team namin noon."E 'di ba nga, pinagpustahan lang naman ang
Magbasa pa

CHAPTER 21

Brenna's POV"Girl, tama na 'yan. Baka magkatotoo na malasing ka talaga. Paano ka makaka-score niyan kay Trevor mamaya?"Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Tumingin ako sa relo ko. Halos mag-iisang oras na akong naghihintay dito sa bar ni Cheska at hanggang ngayon ay hindi pa rin dumadating si Trevor. Naiinip na ako kaya napapadalas ang pag-order ko ng alak. Medyo nahihilo na nga ako pero alam kong kaya ko pa naman."Why is he taking so long?" iritableng sabi ko."E sure ka bang pupunta siya? Baka mamaya naghihintay lang tayo sa wala," baritonong sagot naman ni Cheska.Mabilis akong umiling. "Kahit malamig sa akin ang lalaking 'yon, alam kong hindi niya ako matitiis. Wala pang tumatanggi sa akin, no!""Alam mo, lasing ka na. Ihahatid na kita sa inyo," sabi pa ng kaibigan ko.Nang akmang kukuhanin niya ang kamay ko ay mabilis akong umiwas. "No. Hindi ako aalis dito hanggang hindi si Trevor ang kasama ko," sabi ko pa."Brenna, naririnig mo ba ang mga sinasabi mo?" hindi makapaniwa
Magbasa pa

CHAPTER 22

Brenna's POVYamot kong pinunasan ang mga luha ko at muling tumingin sa sasakyan ni Trevor. Hindi ako pwedeng matalo ngayon. Lahat ay nakaayon na sa gusto ko at hindi ako papayag na masira pa iyon."Let me meet her," walang emosyong sabi ko sa kaniya."No," mariing sagot naman sa akin ni Trevor.Tipid akong napangiti. "Sa oras na makilala ko ang babae mo, titigilan ko na kayo. Ako na mismo ang magdadahilan sa mga magulang natin," sabi ko pa."I know you, Brenna. Hindi mo masasaktan ang girlfriend ko."Napatawa naman ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko akalain na dala-dala pa rin niya ang pangamba sa kayang gawin ko. Hindi ko akalain na maaalala pa niya ang ginawa ko noon kay Emerald nang malaman kong sila na."As long as she's not Emerald, wala akong gagawin. And for sure, hindi naman siya ang girlfriend mo ngayon, 'di ba?" nakangising sabi ko pa.Wala akong dapat balak na banggitin pa sa kaniya ang hilaw kong kapatid. Ngunit nagulat na lamang ako sa reaksyon niya. Seryoso lang siyang
Magbasa pa

CHAPTER 23

Emerald's POVDahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang maamong mukha ni Trevor. Hindi ako agad nakagalaw dahil nakayakap siya sa akin at sobrang lapit pa ng mukha niya. Mabuti na lamang at mahimbing pa ang tulog niya.Napakagat na lamang ako sa aking labi. Tinotoo ko talaga na dito matulog sa condo niya.Flashback"Sanay naman ako sa sahig matulog, basta may latag," nakangiting sabi ko kay Trevor nang makabalik kami sa condo niya.Kumunot naman ang noo niya. "What? No. Tabi tayong matutulog ngayong gabi," seryosong sabi naman niya.Kanina pa seryoso si Trevor simula nang umalis kami sa parking lot ng bar. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang nag-iba ang mood niya. Hindi ko tuloy alam kung anong dapat isipin o gawin. At sa halip na maging komportable ako sa kaniya ay nakakaramdam na naman tuloy ako ng pagkailang.Lumapit siya sa bed niya at inayos ang bedsheet na nagulo kanina. Hindi ko tuloy naiwasang maisip ang mga nangyari kanina. Pakiramdam ko ay namumul
Magbasa pa

CHAPTER 24

Brenna's POVIsang malakas na sampal ang nakapagpagising sa akin. Mabilis akong bumangon at hinarap ang lapastangang umabala sa pagtulog ko. Ngunit biglang nawala ang lahat ng inis ko nang makitang si Mama pala iyon."Mabuti naman at nagising kita agad," galit na sabi pa niya sa akin.Napahawak ako sa aking ulo dahil sa biglaang pagkirot nito. Wala pa ako sa huwisyo dahil sa paggising niya sa akin at hindi ko pa naiintindihan kung bakit galit siya."Hindi mo maalala ang nangyari kagabi?" dugtong na sabi pa ni Mama.Ano bang nangyari kagabi? Pilit kong inalala ang lahat. Sa pagkakatanda ko ay kasama ko si Cheska kagabi sa bar niya. At simula doon ay unti-unting naging malinaw sa akin ang lahat. Nanigas ako sa kinauupuan ko dahil hindi ko alam kung nananaginip ba ako o hindi."Mama, nasaan po si Emerald?" mabilis kong tanong kay Mama.Kumunot naman ang noo niya. "At ang babaeng iyon pa talaga ang naalala mo?"Agad kong hinawakan ang kamay ni Mama. "Ma, makinig ka sa akin. Hindi ko alam k
Magbasa pa

CHAPTER 25

Emerald's POV"Hija, bumalik ka doon at humingi ka ng tawad sa kapatid at Papa mo upang hindi ka na paalisin ng bansa," umiiyak na sabi sa akin ni Nanay Linda.Marahan akong umiling. Tinulungan ako ng driver na ilagay sa sasakyan ang dalawang maleta na naglalaman ng mga gamit ko habang ako ay nakatayo lamang sa labas ng bahay."Ano po bang inimbentong kwento ni Brenna?" imbes ay tanong ko kay Nanay Linda.Galit na galit si Papa kaya imposibleng walang ibang sinabi si Brenna. Buong akala ko ay isusumbong lang niya ako tungkol kay Trevor ngunit tila nagkamali ako. Ayokong itakwil ako ni Papa, ngunit ayoko rin namang umalis ng bansa dahil hindi ko maisasagawa ang mga plano ko. Kaya ngayon ay nagdadalawang isip ako kung anong gagawin ko.Hindi ko kasama si Trevor. Inihatid lamang niya ako at hindi ko muna siya pinayagan na humarap kay Papa. Pumayag naman siya sa kahilingan ko kaya nang maihatid niya ako ay umuwi na rin siya agad."May inilagay ka raw na kung ano sa inumin ni Brenna kagabi
Magbasa pa

CHAPTER 26

Brenna's POVHindi pwede. Hindi pwedeng nagkabalikan na silang dalawa at hindi pwedeng madaig na naman ako ni Emerald. Akin lang dapat si Trevor."Just calm yourself, Brenna," bulong sa akin ni Mama na mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ko.Ngunit hindi ko siya pinansin. Masamang nakatingin lang ako kay Emerald. Siya ang dahilan kung bakit ipinagtatabuyan ako lagi ni Trevor. Hanggang ngayon ay siya pa rin pala ang balakid sa mga plano ko."Trevor, anong ibig sabihin nito?" naguguluhang tanong ni Papa kay Trevor.Tumingin din sa akin si Emerald at nginitian ako kaya mas lalo akong nanggagalaiti ngayon. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at mabilis na sumugod sa kaniya. Gustong gusto ko siyang saktan at gagawin ko iyon ngayon. Sa paglalakad ko palapit kay Emerald ay nahawakan ko ang flower vase ni Mama. Dinampot ko iyon at malakas na ibinato kay Emerald.Ngunit mas mabilis si Trevor dahil nagawa niyang iiwas si Emerald. Isang malakas na pagkabasag ang umalingawngaw sa buong bahay. Ba
Magbasa pa

CHAPTER 27

Emerald's POVKatulad nang napag-usapan namin ni Trevor ay sumama na ulit ako sa kaniya pabalik sa condo niya. Nag-send na lang ako ng message kay Papa at sinabi ko na pansalamantalang aalis na muna na ako ng bahay. Base na rin naman sa reaksyon niya kanina, alam kong hindi na niya ako pipigilan na umalis. Mas mabuti na rin iyon para sa pansamantalang katahimikan sa bahay.Buong biyahe ay tahimik lang kami ni Trevor. Hindi niya ako kinukulit dahil alam din niya siguro na hindi talaga ako okay sa mga nangyari kanina. Don't get me wrong. Masaya ako sa naging reaksyon ni Brenna at alam kong kahit papaano ay nagimbal ko ang mundo niya, ngunit hindi ako masaya sa naging reaksyon ni Papa. Sanay na dapat ako na si Brenna ang kakampihan niya ngunit hindi ko pa rin maiwasan ang hindi masaktan tungkol doon.Napagdesisyunan ko na rin na huwag na munang pumasok sa trabaho ngayong araw. Nagsabi naman ako kay Chloe ngunit nang tinatawagan na niya ako ay pinatay ko na muna ang cellphone ko. Hindi ko
Magbasa pa

CHAPTER 28

THIRD POVMaayos na ang lagay ni Brenna na ikinapanatag ng mag-asawang Ricky at Haidee. Wala pa ring malay ang kanilang anak ngunit ligtas naman na ito. Sobrang stress lang daw ang nangyari kaya nawalan ng malay ang dalaga."Anong gagawin mo, Ricky?" seryosong tanong ni Haidee sa kaniyang asawa."Hindi natin pwedeng pakialaman o diktahan ang mga bata pagdating sa mga ganyang bagay," sagot naman ni Ricky.Hindi makapaniwalang tumingin si Haidee sa asawa. "Hahayaan mo na lamang na magdusa si Brenna habang masayang masaya si Emerald? Matitiis mong maging miserable ang buhay ng anak ko?""Haidee, mas magiging miserable ang buhay ni Brenna kung itutuloy pa natin ang pakikipagkasundo. Hindi siya kayang mahalin ni Trevor, mas lalo lamang siyang masasaktan.""Kung hindi magiging masaya ang anak ko, dapat lang din na hindi maging masaya si Emerald," galit na sabi niya."Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Haidee? Anong gusto mong gawin ko? Paghiwalayin ang dalawa? Ang dami ko nang pinoproblema sa
Magbasa pa

CHAPTER 29

Emerald's POVNapamulat ako ng mga mata ko nang maramdaman kong may humalik sa noo ko. Bumungad sa akin si Trevor na nakatingin sa akin. Ngumiti siya sa akin kaya bigla akong napabangon. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako."Kanina ka pa?" tanong ko sa kaniya."Kararating ko lang," maiksi niyang sagot sa akin."Sorry, nakatulog ako. Si Audrey?" tanong ko pa sa kaniya."Bumaba lang siya saglit."Napatingin ulit ako kay Trevor. Nakasuot pa rin siya ng polo niya pero wala na siyang necktie. Gulo gulo ang buhok niya at lukot na rin ang suot niya. Ang mga ngiti niya ay hindi umaabot sa mga mata niya kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko."May problema ba?" tanong ko sa kaniya."Teka, nagugutom ka na ba? Tara, kumain tayo," pag-iiba niya ng usapan.Maglalakad na sana siya palabas ng kwarto ngunit mabilis kong hinawakan ang kaniyang kamay. Napatigil siya ngunit hindi siya humarap sa akin."Trev, tell me," lakas loob kong sambit sa kaniya.Humarap siya sa akin at lumuhod para magkapant
Magbasa pa
PREV
123456
...
10
DMCA.com Protection Status