All Chapters of Lost in the Maze: Elias de Marcel: Chapter 1 - Chapter 10

42 Chapters

Simula

SIMULAWARNING: MATURE CONTENT!Habang abala ako sa pagtatapos ng memorandum sa aking laptop, biglang bumukas ang pinto ng aking opisina dito sa restaurant. Kailangan kong maghanda para sa isang mahalagang business meeting sa susunod na linggo, kaya naman puspusan ang aking pagtatrabaho upang maipadala ito sa pamamagitan ng email."Shang, hindi ka pa ba tapos?" tanong ni Elias, na pumasok na sa loob."May lakad ba tayo?" tanong ko, hindi pa rin tumitigil sa pagtipa sa keyboard. "Hindi ko maalala na inaya mo ako sa isang date," pabiro kong dagdag.Lumapit siya sa akin at niyakap ako mula sa likuran habang nakaupo ako sa swivel chair. Naramdaman ko ang kakaibang kilabot sa aking katawan nang amuyin ni Elias ang aking batok at banayad na hinalikan ito."Tara, magpunta tayo sa isang lugar," sabi niya, ang kanyang labi ay bahagyang dumampi pa sa aking leeg, na nagpahinto sa akin sa aking ginagawa."Saan?" tanong ko, puno ng kuryosidad ang aking boses."Basta, sumama ka na lang sa akin at ma
last updateLast Updated : 2024-01-22
Read more

Kabanata 1

KABANATA 1Pauwi kami ni Elias ngayon dahil natapos na ang aming reunion. Dalawang oras din kaming nagdiwang doon, at ipinagdiwang namin ang engagement nina Wildrich at Kazimie. Hindi ko maiwasang mainggit kay Kaz habang kinakausap ko siya kanina, dahil kitang-kita ko ang kanyang kasiyahan sa sorpresang proposal ni Wildrich. Hindi niya ito inasahan dahil akala niya ay aasikasuhin muna ni Kaz ang kanyang kontrata sa fashion company bago sila magplano ng kasal.Habang nakikinig ako sa kanyang kwento, hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit, dahil alam kong matutupad na ang kanilang matagal nang pangarap. Bigla akong napaisip at nagtanong sa aking sarili tungkol sa amin ni Elias. Kailan kaya niya planong mag-propose sa akin?Sa totoo lang, mas matagal na ang relasyon namin ni Elias kumpara kina Wildrich at Kazimie. Pitong taon sila, ngunit sila ay engaged na. Marami na rin, kabilang ang ilang lumang kaibigan, ang nagtatanong kung kailan kami ni Elias magtatake ng susunod na hakbang sa ami
last updateLast Updated : 2024-01-22
Read more

Kabanata 2

KABANATA 2WARNING: MATURE CONTENT!"Elias, nasaan ka na ba?" Paulit-ulit ko siyang tinatawagan pero walang sumasagot, ring lang nang ring ang telepono niya. Marami na rin siyang missed calls mula sa akin pero ni isa wala siyang binalikan.Simula nang umalis siya kagabi, hindi na siya umuwi. Buong gabi siyang wala. Nagtanong-tanong ako kay Alphonsus para malaman kung nasaan si Elias, pero wala rin siyang alam dahil hindi naman sila magkasama kagabi. Kaya ngayon, hindi ako mapakali, hindi ko alam kung nasaan siya. Baka may nangyari nang masama sa kanya?Tinawagan ko ulit siya, dalawang ring lang ang narinig ko nang biglang may kumatok sa pintuan ng condo. Si Elias, dumating na rin sa wakas. Dumeretso siya sa sofa at doon naupo. Tumigil ako sa pagta-type sa laptop at lumapit sa kanya.Tumayo ako sa harap niya, kamay sa bewang at tumaas ang kilay. "Saan ka galing, Elias? Bakit hindi ka umuwi kagabi?" tanong ko sa kanya, halata ang pag-aalala.Dahan-dahan siyang dumilat at tumingin sa akin
last updateLast Updated : 2024-01-22
Read more

Kabanata 3

KABANATA 3Nahuli ko ang aking sarili na malalim ang iniisip habang nakaupo sa swivel chair sa aking opisin. Ang inventory na pinagtutuunan ko ng pansin ay tila naglaho sa aking isipan dahil hindi ko maiwasang mag-isip tungkol sa artikulong nabasa ko sa social media. Nag-aalinlangan akong maniwala dito, dahil sa dami ng pekeng balita na kumakalat ngayon.Ngunit hindi ko ito maaaring balewalain nang hindi pa nasisiyasat nang husto. Mabilis akong nag-navigate sa website at hinanap ang pangalang Jocelle Sadejas. Nagulat ako na hindi ko pa siya naririnig dati, lalo na't marami akong kaibigan sa industriya ng pagmomodelo.Habang binubrowse ko ang iba't ibang larawan ni Jocelle, hindi ko mapigilang mapansin ang kanyang kagandahan at kayumangging kutis. Ang kanyang mukha ay banayad, may tuwid na ilong at buhay na buhay na mga mata na lalong pinatingkad ng mahahabang pilikmata. Ang kanyang tindig ay nagpapahiwatig na siya ay matangkad at may katamtamang pangangatawan, at isang larawan niya sa
last updateLast Updated : 2024-02-14
Read more

Kabanata 4

KABANATA 4Naghintay ako sa pagdating ni Elias, at pagkalipas ng isang oras, narito na siya. Mukha siyang nagtataka, pinagmamasdan ang kapaligiran ng kusina, lalo na ang aking mga paghahanda. Tumayo ako at lumapit sa kanya."Anong nangyayari? May napalampas ba akong espesyal?" tanong niya bago ako hinalikan sa pisngi."Wala namang espesyal. Gusto ko lang gawing espesyal," sabi ko na may mapang-akit na ngiti. "Dinner date."Isang natatanging ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi habang sinisipat niya ako. "Well, nagustuhan ko," sabi niya, habang dumudulas ang kanyang kamay sa aking baywang at hinila niya ako palapit. Hinalikan niya ang aking balikat at saka inamoy ang likod ng aking leeg. "Damn it, Shang. You always make me fall in love with you," bulong niya.Isang ngiti ang sumilay sa aking mga labi, ngunit agad din itong nawala. Gusto kong maramdaman ang saya, ngunit ang mga iniisip ko tungkol sa article na nabasa ko tungkol sa kanya ay sumagi sa aking isipan. Damn! Sinabi ko sa sari
last updateLast Updated : 2024-02-15
Read more

Kabanata 5

KABANATA 5Matapos ang aming pag-uusap ni Elias, umalis ako sa aming kuwarto at bumaba papunta sa isa pang kuwarto. Nagpapasalamat ako na sinabi niya sa akin ang totoo at hindi niya ito pinalawig pa ng ilang araw. Tama ako, hindi niya kayang maglihim sa akin ng matagal, dahil kilala niya ang ugali ko. Kapag may nalaman ako at nakita kong wala siyang balak sabihin ito, hindi ako magiging bukas sa kanya.Sa halip, hahanap ako ng paraan para siya mismo ang umamin sa akin, maliit man o malaking bagay. Tulad ng ginawa ko kanina, kung paano ko siya inilagay sa isang sitwasyon kung saan alam kong kakainin siya ng kanyang konsensya. Kaya wala siyang nagawa kundi sabihin sa akin ang totoo.At ngayon na alam ko na ang katotohanan tungkol sa sinabi sa article tungkol sa kanya at kay Jocelle, pakiramdam ko ay trinaydor niya ako. Oo, sinabi ko na maiintindihan ko anuman ang sabihin niya, ngunit hindi katanggap-tanggap ang kanyang dahilan sa pakikipaghalikan sa iba. Nakipaghalikan siya sa ibang baba
last updateLast Updated : 2024-02-18
Read more

Kabanata 6

KABANATA 6Unti-unting lumitaw ang pagkagulat sa mukha ni Jocelle, maliwanag na hindi inaasahan ang mga sinab ko. Ngunit hindi nagtagal, nagbago na naman ang ekspresyon niya. Isang ngisi ang sumilay sa kanyang mga labi, tila ba walang epekto sa kanya ang mga sinabi ko.Lumapit siya nang may tapang. "Oh, so you are the girlfriend? It was nice meeting you then," matapang niyang sabi bago ako sinuri mula ulo hanggang paa. "Nice. I would never expect na may ibubuga ka pala, I was expecting is that you are just a nobody," dagdag pa niya."Tumahimik ka nga, pwede ba?!" biglang singit ni Elias at pumagitna sa amin. "At, ano'ng ginagawa mo rito?!" tanong pa ni Elias. "Akala ko ba napag-usapan na natin 'to?"Bigla akong napatingin kay Elias matapos kong marinig ang kanyang sinabi. "Kaya pala hindi ka sumasagot sa mga message ko, dahil may iba ka palang katext. Grabe!" hindi makapaniwalang sabi ko."Shang, hindi! Mali ang iniisip mo!" agad na pagpupumilit ni Elias, tila gusto pang magpaliwanag.
last updateLast Updated : 2024-02-21
Read more

Kabanata 7

KABANATA 7Buong araw akong abala sa restaurant, lalo na nang biglang may nagdaos ng business meeting sa La Cucina Celestine, ang aming Italian-American na restaurant. Madalas itong puntahan ng mga dayuhan at kilalang mga negosyante dahil palagi kong pinapanatili ang mahusay na serbisyo para sa mga kostumer.Hindi ko pinapayagan ang anumang pagkaantala o pagiging huli sa paghahain ng pagkain ng aking mga empleyado. Bukod dito, sinisiguro ko rin na mayroong pakiramdam na parang nasa bahay ang ambiance sa restaurant. Gusto ko komportable ang mga kostumer. Pati na rin ang pagkain, kailangan masarap ang lasa, tama ang pagkakaluto, at maganda ang pagkakapresenta.Abala rin ako sa kusina dahil binabantayan ko ang mga kusinero at ang pagkain na kanilang ihinahain. Kung may nakita akong maling paggamit ng mga kagamitan o hindi tama ang paghihiwa ng karne, karot, at iba pang sangkap, tinuturuan ko sila. Hands-on ako sa aking trabaho, at gusto ko lahat ay perpekto bago ihain sa mga tao.Hindi ak
last updateLast Updated : 2024-02-27
Read more

Kabanata 8

KABANATA 8Sa pagbukas ng pintuan ng malaking silid kung saan ginanap ang party, agad kaming sinalubong ng tugtog ng Latin na musika. Nakita namin ang mga tao na nakapangkat-pangkat, nag-uusap at nagbubulungan, habang hawak ang kanilang mga baso ng alak. Ang mga bisita ay nakasuot ng pormal, mga kilalang negosyante mula sa iba't ibang panig ng Pilipinas. May mga waiter din na nag-iikot, bitbit ang mga tray na may lamang champagne.Nakapalibot sa silid ang mga bilugan at saktong laki ng mga mesa kung saan nagtitipon ang ilang negosyante para mag-usap. Sa hangin ay halo-halo ang amoy ng mamahaling pabango, at lalo pang pinaganda ng malaking chandelier na nakasabit sa gitna ng kisame. Mayroon ding malaking entablado sa harap na may nakatayong screen monitor kung saan ipinapakita ang larawan at pangalan ng kumpanya ng mga de Marcels.Nang tumapak kami sa gitna, agad na napukaw ng aming presensya ang pansin ng mga tao. Napalingon sila at ngumiti bago lumapit ang ilang negosyante kay Elias
last updateLast Updated : 2024-02-28
Read more

Kabanata 9

KABANATA 9Atasha's POVBitbit ang bote ng champagne, nagtungo ako sa restroom ng hotel. Pagkapasok, agad kong ikinandado ang pinto at marahang naglakad patungo sa malaking salamin ng restroom. Dahan-dahan kong inilapag ang bote sa lababo at saka ko sinipat ang aking repleksyon sa salamin.Nang mapansin ko ang unti-unting pag-agos ng luha sa aking mga mata, agad akong yumuko patungo sa lababo at naghugas ng mukha. Kahit na hinugasan ko ang aking mukha upang hindi ko maramdaman ang init ng aking mga luha, hindi ko pa rin mapigilan ang marahang panginginig ng aking mga balikat at ang pigil na hikbi na sumisilip mula sa aking mga labi.Lalo kong hinigpitan ang kapit ko sa gripo habang nakayuko, at hinayaan ko ang aking sarili na lamunin ng pag-iyak at mahinang paghikbi. Halos hindi ako makahinga sa tindi ng pagpipigil ko na hindi sumambulat sa malakas na paghagulgol. Ang bigat na nadarama ko sa aking dibdib ay napakasidhi, gusto kong sumigaw, gusto kong magmura. Ngunit walang mga salita
last updateLast Updated : 2024-02-29
Read more
PREV
12345
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status