“A-Ate…” naluluha na tawag sa akin ni Maurine, isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan upang mabawasan ang bigat ng dibdib ko. Labag man sa kalooban ko ngunit wala akong magagawa kundi ang gawin ito. “Listen, Maurine, you’re still young, at kailangan mong magsimula muli ng panibagong buhay hindi para sa sarili mo kundi para sa magiging anak mo. Sa America ay nakasisigurado ako na magiging maayos ang buhay mo dun. Don’t worry, nag-usap na kami ni Tita Marga, siya na ang bahala sayo run. Basta pangako mo sa akin na babangon kang muli at ipagpapatuloy mo ang pag-aaral mo dun. I’m still supporting you kahit na anumang mangyari.” Madamdamin kong pahayag at hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko, dahil masakit para sa akin ang mawalay sa kapatid ko. Mahigpit na yumakap sa akin si Maurine habang umiiyak kaya masuyo kong hinagod ang likod nito. “Tama ang ate mo Maurine, hindi pa huli ang lahat, at may pagkakataon pa tayo na itama ang lahat. Magpakabait ka sana
Huling Na-update : 2024-05-03 Magbasa pa