Nang mga sandaling ito ay para akong wala sa aking katinuan. Ang tanging naririnig ko lang ay pawang tunog ng mga ambulansya at bombero, at tunog ng isang linya na bumibingi sa aking pandinig. Halos panawan na ako ng ulirat at hindi na ako makahinga, pakiramdam ko ay unti-unti akong pinapatay ng aking mga nakikita. Habang nakaluhod sa kalsada ay walang humpay ang pagmamakaawa ko; “tulong! Ang daddy ko! Parang awa n’yo na! Iligtas ninyo ang daddy ko!” Pagsusumamo ko sa kanilang lahat, na halos mamaos na ako, ngunit wala ni isa man ang kumilos mula sa kanilang kinatatayuan. Nang mag-angat ako ng aking tingin ay sumalubong sa akin ang mga mata nilang hilam na sa luha. Tanging awa at labis na pagkahabag ang nakikita ko mula roon, tila nais nilang sabihin sa akin; “tama na, Misaki, tapos na… wala na ang daddy mo…” Ahhhh! Ahhhh…. D-Dad! Hindi, ang daddy ko!” Halos isigaw ko ang sakit na siyang pumapatay sa akin ng mga sandaling ito. Patuloy ako sa pagtangis habang walang humpay ang paghamp
Last Updated : 2024-03-26 Read more