“CRASH!” Walang nagawa si Mr. Harachi kundi ang pumikit nang wasakin ng isang lalaki ang lamesa sa kanyang harapan. Nanggagalaiti ito sa galit na wari mo ay gusto na nitong patayin si Mr. Harachi. “Ilang buwan ka ng hindi nagbibigay sa amin ng interest. Napakinabangan mo naman ang pera namin kaya oras na para magbayad ka naman!” Galit na sabi nito habang dinuduro ang mukha ng kawawang si Mr. Harachi na kasalukuyang nakaluhod sa harapan nito. “Pakiusap bigyan n’yo pa ako ng konting panahon, g-gagawa ako ng paraan para mabayaran ko kayo.” Nagmamakaawang pakiusap ng niya sa limang lalaki na nakatayo sa kanyang harapan. “Siguraduhin mo lang, dahil alam mo na kung ano ang mangyayari sayo sa oras na hindi ka makapagbayad.” Nagbabanta na pahayag ng lalaki bago nito sinipa ang isang upuan na nasa gilid ng pobreng si Mr. Harachi. Mr. Harachi Point of view “Malungkot akong nakatingin sa pintuan na nilabasan ng mga lalaking collector ng isang illegal lending company. Para akong pinagsaklub
Sa pagmulat ng aking mga mata ay ang maputing kisame ang bumungad sa akin. Nangangalumata na bumangon ako, malungkot na ibinaling ko ang aking tingin sa labas ng bintana. Mataas na ang sikat ng araw at ang liwanag nito ay nagbibigay buhay sa buong paligid. Sa kabila ng maganda panahon ay tila walang buhay ang lahat ng nakikita ng aking mga mata. Ilang araw na kasi ang lumipas simula ng magtangka akong tumakas ngunit wala namang nangyari. Pakiramdam ko ay bumalik muli ako sa dati na tila naghihintay sa wala. Madalas naman na umuwi si Mr. Storm dito sa mansion ngunit tuwing hatinggabi ko lang siya nakaka-daupang palad at iyon ay sa tuwing nais niyang sumiping sa akin kaya halos hindi ko na siya makausap. Nanghihina na umalis ako sa higaan at lumapit sa may bintana. Tulad ng nakasanayan kong gawin araw-araw ay nakapangalumbaba na pinagmasdan ko ang magagandang tanawin sa labas ng Mansion. Minsan iniisip ko kung ano bang klase ng buhay ang mayroon sa labas ng Mansion. Halos wala nama
Storm Point of view “Get out!” Galit kong sabi sabay turo sa may pintuan, ngunit natigilan ako sa ginawa ni Mio, dahil imbes na matakot at tumakbo palabas ng kwarto ko ay mabilis iting umupo sa kandungan ko. Kahit nahihirapan na s’ya ay ipinagpilitan pa rin nitong pagkasyahin ang sarili kaya pasimple kong itinulak ang swivel chair paatras gamit ang aking paa. Upang magkaroon ng sapat na espasyo sa pagitan ng table at nang bangko na kinauupuan ko. Hindi ko inaasahan ang pagpasok niya sa silid ko, ngunit imbes na matuwa sa presensya ng babaeng ito ay lalo lang nasira ang araw ko. Wala na itong ginawa kundi ang ipamukha sa akin ang agwat ng edad namin. I think hindi pa naman ako ganun katanda, pero sa tuwing pinapaalala niya ito sa akin ay nag-iinit talaga ang ulo ko. “Huwag ka ng magalit, hm?” Promise tatahimik na ako.” Tila nakikiusap niyang sabi sa malambing na tinig. Batid ko na may kailangan sa akin ang babaeng ito kaya hindi ako nito tinitigilan. “Why are you here?” Seryoso ko
Halos ilang segundo na ang lumipas simula ng dumating si Mr. Harachi sa opisina ni Storm. Nanatiling tahimik ang dalawang lalaki habang kapwa seryoso na nakatitig sa mukha ng isa't-isa. Kanina pa gustong sipaǐn ni Storm palabas ng kanyang kumpanya si Mr. Harachi ngunit hindi niya magawa dahil ama ito ng kanyang asawa. Ilang sandali pa ay kumilos si Mr. Harachi mula sa dala nitong bag ay inilabas niya ang isa pang bag. Iniabot nito ang bag kay Mr. Lee na kasalukuyang nakatayo sa gilid ni Mr. Harachi. Tahimik naman na tinanggap ito ni Mr. Lee at dinala sa lamesa ni Storm. Sunod na inabot ni Mr. Harachi ang isang envelope kung saan nakapaloob ang mga dokumento ng kanilang ari-arian. Nanatili lang na tahimik si Storm habang blanko ang ekspresyon ng mukha nito, naghihintay lang sa kung ano ang sasabihin ng kanyang kaharap. “Mr. Hilton, ibinabalik ko na ang perang nawala sayo, hindi man sapat ang salapi na ‘yan ay nandyan naman ang mga dokumento ng aming lupain. Ngayon din ay kukunin ko
Misaki’s Point of view “Kanina pa ako hindi mapakali sa aking kinauupuan. Halos mamula na ang isang kamay ko dahil sa kakapisil ng kanang kamay ko. Wala ring humpay ang pag-usal ko ng isang dalangin na sana ay dito sa mansion umuwi si Mr. Storm. Sa totoo lang ay halos araw-araw naman akong ganito. Maya-maya ay nahinto ako sa paghakbang ng biglang bumukas ang pintuan na nagkokonekta mula sa basement. Nagulat ako ng tumambad sa akin ang nakakaawa na itsura ni Patricia, magulo ang kanyang buhok. At hanggang ngayon ay suot pa rin nito ang damit na suot niya ng huli ko siyang nakita sa pintuan ng library. Alam ko kung ano ang nangyari sa kanya base na rin sa itsura nito. Dahil isang linggo pa lang ako dito sa mansion noon ng maranasan ko ang makulong sa basement bilang parusa. Nahirapan kasi sila na pahintuin ako sa pag-iyak kaya ipinasok nila ako sa basement. Halos inabot din ng dalawang araw bago nila ako binalikan. Sa sobrang takot ko mula noon ay hindi na ako umiyak. Pero sa tingin
Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ni Storm habang nakatingin sa orasan. Halos hindi na mabilang sa daliri kung ilang beses na ba niyang sinipat ang oras. It’s a twelve midnight na ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya dalawin ng antok. Maya-maya ay naisipan niyang lumabas ng kwarto upang tumungo sa mini bar. Sakto namang natapat siya sa kwarto ni Misaki ay kusang huminto ang kanyang mga paa sa paghakbang. Wala sa sariling pinihit ang seradura ng pintuan at bahagya itong iniawang. “Otou-sama, even though you are old you are still the only handsome person in my eyes.” Narinig niyang wika ng kanyang asawa, mula sa siwang ng pintuan ay nakikita niya ang mag-ama na kasalukuyang nasa balkonahe. “Ikaw kang bata ka, hindi ka pa rin nagbabago, until now ang hilig mo pa ring bulahin ang ulo ko.” Natatawa na sabi ni Mr. Harachi habang yakap ang anak at masuyong hinahaplos ang buhok nito. “I am so proud of you, my Mio, dahil lumaki kang mabuting tao, sa kabila ng mga ka
Misaki’s Point of view “Hm, seems you look so happy?” Sarkastikong tanong ni Patricia na bigla na lang sumulpot sa aking likuran. Kahit na masungit siya sa akin ay nanatili pa ring maayos ang pakikitungo ko sa kanya. Ika nga kapag binato ka ng bato ay batuhin mo ng tinapay. “Ikaw pala, Patricia, bakit hindi mo ako samahan dito? Don’t worry, makikiusap ako kay Mr. Lee na huwag ka munang magtrabaho para makasama ko ngayong araw.” Malumanay kong pahayag, napansin ko na saglit siyang natigilan at maya-maya ay lumitaw sa kanyang bibig ang isang matamis na ngiti. Nakahinga ako ng maluwag nang paunlakan niya ang aking paanyaya. Nakadama ako ng awa para kay Patricia dahil ngayon ay suot nito ang isang uniporme ng katulong habang hawak ang isang basahan. “Sure ka na okay lang?” Tila naninigurado niyang tanong sa akin kaya isang matamis na ngiti ang naging tugon ko sa kanya. Kalaunan ay umupo na rin si Patricia sa bakanteng upuan na nasa aking harapan. “Pasensya ka na kung hindi naging ma
Storm Point of view Pagbukas ko ng pintuan ng kotse ay sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ng aking asawa. Wala sa sarili na napangiti ako, dahil masarap sa pakiramdam na may sasalubong sayo pagdating mo ng bahay galing trabaho. Nang makalapit sa pintuan ng mansion ay naglalambing na yumakap sa akin si Misaki buong pananabik na h******n ko ang mga labi nito. Mabilis namang tumalikod ang lahat ng tauhan ko upang maging pribado ang lahat sa amin ng aking asawa. Yumakap ang mga braso niya sa aking baywang kaya mahigpit ko siyang niyakap bago h******n sa ulo. Simula ng makausap niya ang kanyang ama ay nagbago ang pakikitungo sa akin si Misaki. Lagi na itong natutulog sa aking tabi at ramdam ko na sinisikap niyang gampanan ang kanyang tungkulin bilang may bahay ko. May time lang talaga na isip bata ito kaya pakiramdam ko ay para akong may kasamang bata. “How’s your day? I’m sure you're tired, but don’t worry later I will give you a massage.” Malambing niyang saad habang kinakalas a