"Ang daming mga bata dito 'no, akala ko dahil sa baryo lang ito at medyo may kalayuan sa syudad ay kaunti lang ang madadatnan na'tin, hindi pala." "Ngunit kahit papaano ay may edukasyon sila, iyon ang mahalaga kahit wala sila sa syudad. Ang expected ko ay wala talaga, dahil iyon naman ang sinabi sa atin ni Ma'am Kheana, hindi ba?" Tinanguan ako ni Ria bago nagpatuloy na nagbalot ng mga ipapamahagi naming mga gamit. Laking gulat ko nga na may pa-ganito pala kami. Gayong malayong gawin ito ng school, dahil kuripot naman ang may-ari no'n. Isa pa, kung magbibigay man sila, hindi iyon aabot sa ilang karton, at ang mga bag at kagamitan ay dapat may tatak ng aming logo, ngunit wala akong nakitang gano'n. Lalo na ang mga bag na may barbie, hello kitty, at dora para sa mga babae at ben ten, spider man, at superman para naman sa mga lalaki. Hindi ba't kapag donation naman ay puro may tatak kung saang institution o kaninong tao iyon nanggaling? Ang sabi nila ay may isang mabuting loob daw na
Huling Na-update : 2024-01-31 Magbasa pa