Lahat ng Kabanata ng The Girlboss Begs for Remarriage: Kabanata 321 - Kabanata 330

917 Kabanata

Kabanata 321

Bukod kay Dan, tumigil sa pagngiti ang lahat nang makita nila si Frank—hindi ba siya yung lalaking itinaboy nila kanina?!Gayunpaman, hindi napansin ni Dan ang reaksyon ng magkabilang panig, at nagmadali siyang lumapit kay Frank. “Hayaan mong ipakilala kita kay Eron White ng Southdam. Nandito ang pamilya at mga kaibigan niya upang makiusap na gamutin mo ang anak niya—kapag ginawa mo ‘yun, sayo na ang Earthen Dragonheart.”Tumawa si Frank. “Hindi mo sila kailangang ipakilala. Magkakilala na kami.”“Ah, ganun ba?” Nagulat si Dan. “Maganda ‘yun!”Lumapit si Kuno noong sandaling iyon, at nagtanong, “Sigurado ka ba dito, Mr. Zimmer? Sinasabi mo na matutulungan ng batang ‘to si Kim?”Tumango si Dan. “Oo naman. Walang kapantay ang kaalaman ni Mr. Lawrence sa medisina—hangang-hanga ako sa kakayahan niya.”Nabigla ang lahat—walang pinagkaiba ang mga sinabi ni Dan tungkol kay Frank sa mga sinabi ni Hali! Ang isa ay ang chief ng Riverton City Hospital, habang ang isa naman ay ang may-ari
Magbasa pa

Kabanata 322

Humarap si Frank kay Kim at sinabing, “Pasok ka.”Napahinto sandali si Kim, ngunit pinigilan siya ni Jan noong papasok na siya. “Sandali. Si Kim lang ba ang papapasukin mo?”Tumango si Frank. Sumimangot si Jan. “Hindi pwede—hindi ako papayag, masyadong mapanganib ‘yun para kay Kim. Papasukin mo din ako, para mapigilan kita kung sakaling may gawin kang masama. Pwede rin akong tumulong sa pagbabantay kay Kim.”Ang malamig na sinabi ni Frank, “Bawal ang mga tanga sa loob ng bahay ko.” “Anong sabi mo?!” Sumigaw si Jan, nakahanda siyang sugurin si Frank. Gayunpaman, pinigilan siya ni Kuno. “Tigil. Huminahon ka.”"Dad…"“Tumahimik ka.” Tiningnan ni Kuno ng masama si Jan bago siya naglakad palapit kay Frank. “Gayunpaman, hindi maganda kung maiiwan kang mag-isa kasama si Ms. White,” ang sabi niya at humarap siya kay Liv. “Bakit hindi mo rin siya papasukin? Bilang isa rin siyang babae, makakatulong siya.”“Oo.” Paulit-ulit na tumango si Liv. “Hiningi mo ang tulong ko noong una, hi
Magbasa pa

Kabanata 323

Nang mahubad ang underwear ni Kim, humiga siya sa kama habang nakapikit ang kanyang mga mata. Umupo si Frank sa gilid, tumingin ang mga mata niya sa buong katawan ni Kim ng walang pakialam. Nang makita niya iyon, nagtanong si Liv, "Kailan mo ulit sisimulan ang acupuncture?” Hindi siya pinansin ni Frank at idiniin niya ang palad niya sa tiyan ni Kim. Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata, nag-aalala siya na magtatagpo ang mga mata nila ni Frank. Gayunpaman, hindi dumating ang sakit na inaasahan niya—ang tanging naramdaman niya ay ang pagdaloy ng init mula sa kanyang tiyan, na ginagabayan ni Frank pataas gamit ng kanyang palad. Maging siya ay napaamin na inalagaan nang maayos ni Kim ang kanyang kagandahan, dahil malambot, makinis, at maputi ang kanyang balat.Patuloy na umakyat ang palad ni Frank papunta sa kanyang dibdib at huminto, habang gamit naman niya ang kabilang kamay niya upang kumuha ng mga karayom mula sa kahon. Itinusok niya ang mga ito sa taas ng breastbon
Magbasa pa

Kabanata 324

Nang makita niya ang kanyang anak, nagmadaling lumapit si Eron kay Kim at nagtanong, “Kamusta ang pakiramdam mo, Kim?”Ngumiti si Kim. “Napakahusay ni Mr. Lawrence. Maayos na ang pakiramdam ko—binigyan din niya ako ng prescription na kailangan kong sundin sa loob ng isang linggo, at tuluyan na akong gagaling.”Nakahinga ng maluwag si Eron. “Oh, magandang balita ‘yun.”Tumawa ng malakas si Dan, “Haha! Gaya ng sinabi ko—magiging maayos ang kalagayan niya kapag tinulungan siya ni Mr. Lawrence.”Nagmadaling lumapit si Eron kay Frank noong sandaling iyon. “Maraming salamat sa tulong mo, Mr. Lawrence. Ligtas na ang anak ko dahil sayo.”Ng walang pakialam sa mga pormalidad, biglang sinabi ni Frank na, “Wala ‘yun, Mr. White. Ginagawa ko ito para sa Earthen Dragonheart. Pwede ko bang malaman kung saan ka tumutuloy ngayon? Pupuntahan kita bukas para kunin ito.”“Sa Creak Orchard ako tumutuloy ngayon—isa ito sa mga pag-aari namin dito sa Riverton,” ang agad na sinabi ni Eron. “Pwede ko iton
Magbasa pa

Kabanata 325

”Hinawakan ni Frank si Kim?”Kumuyom ng mahigpit ang mga kamao ni Jan habang nagsasalita siya. “Anong ibig mong sabihin?”Umirap si Liv. “Kinapakapa niya ang dibdib ni Ms. White, diniin at pinisil niya ito, at sumuka pa ng dugo si Kim!”“Ano?!” Naglabasan ang mga ugat sa leeg ni Jan—papatayin niya si Frank doon mismo!Napakaganda ni Kim, ngunit kailanman ay hindi pa niya siya nahawakan…At sa hindi malamang dahilan, tapos hinipuan at hinawakan lang siya ng isang siraulong gaya ni Frank?Sa katunayan, wala siyang pakialam na sumuka ng dugo si Kim—ang tanging alam lang niya ay may nakauna sa kanya kay Kim.Subalit, hindi niya ito maaaring ipakita dahil ginagamit ni Frank na dahilan ang panggagamot kay Kim!“Ayos lang ‘yun, Mr. Yaffe,” ang sabi sa kanya ni Liv noong sandaling iyon. “Ayos na si Ms. White ngayon, at maaaring ituloy ang kasal niyo ayos sa schedule.”“Totoo ‘yan,” tumango si Jan. “Pasensya na sa abala. Aalis na ako.”-Dumating si Frank sa Creek Orchard kinabukasan
Magbasa pa

Kabanata 326

At higit sa lahat, tinawagan ni Kuno si Eron kahapon, sinabi niya na gusto niyang makuha Earthen Dragonheart. Nasa kabilang dulo ang tagapagligtas ng kanyang anak, at nasa kabila naman ang future in-laws niya, nagdesisyon si Eron na isakripisyo si Frank dahil isa lang naman siyang manggagamot. Kailangan lang niyang bigyan si Frank ng mas maraming pera, at tapos na ‘yun. Gayunpaman, biglang tumayo si Frank noong sandaling iyon. “Mr. White, nagkasundo tayo na ibibigay mo sa'kin ang Earthen Dragonheart kapalit ng pagtulong ko sa anak mo. Tinatalikuran mo ba ang pangako mo?” Kumunot ang noo ni Eron, naglaho ang kanyang ngiti dahil malinaw na hindi sumasang-ayon sa kanya si Frank. “Hindi ba sinabi ko sayo, Mr. Lawrence? Pwede mong kunin ang kahit ano maliban sa Earthen Dragonheart. At kung ayaw mo ng mga gamit, kaya kitang bayaran ng pera.”“Ayaw kong sayangin ang oras ko sayo, Mr. White,” ang sabi ni Frank. “Ang tanging hiling ko lang ay ibigay mo sa’kin ang Earthen Dragonheart, a
Magbasa pa

Kabanata 327

Makikitang ayaw ni Eron ang ginagawa niya habang tinatawag niya ang isang katulong upang kunin ang Earthen Dragonheart.Sinuri ito ng maigi ni Frank nang kunin niya ito.Isa itong halaman na tumutubo sa mga liblib na lugar sa dulong kanluran, na hindi naaabot ng sikat ng araw.Ang tangkay at ugat nito ay may kapansin-pansing pagkakahawig sa mga dragon, na pinagmulan ng pangalan nito.Natural, nabawasan ang galit ni Frank nang makumpirma niyang ito ang halaman na hinahanap niya.Nakita ni Eron ang reaksyon ni Frank at nagsalita siya, "Hindi ‘yan sayo, bata. Huwag mong isipin na magtatagal ‘yan sa mga kamay mo.""Wala kang dapat alalahanin, Mr. White. Aalis na ako." Binalewala ni Frank ang pagbabanta ni Eron at wala na siyang balak na manatili pa sa lugar na iyon kasama si Eron."Ihahatid na kita palabas, Mr. Lawrence," ang agad na sinabi ni Kim.Habang personal niyang inihatid si Frank sa labas ng Creek Orchard residence, bigla siyang yumuko. "Pasensya na talaga sa nangyari ngay
Magbasa pa

Kabanata 328

Hindi na nagulat si Frank na dumating si Fred sa Hilton Hotel pagkalipas ng sampung minutong sakay ng kanyang electric scooter.Pulang-pula ang kanyang mga mata, at nakakatakot ang kanyang presensya.Ipinahiwatig ni Frank ang panloloko ng kanyang kasintahan noon, at inaway niya si Frank dahil doon!Natural, nagalit siya nang mabasa niya ang anonymous na tip na natanggap niya!Nakita niyang pumasok ang kanyang kasintahan at ang kanyang boss, at kasama pa sa tip ang isang larawan ng room number na naka-high definition!Paanong hindi magagalit si Fred dito?!Naglakad siya papasok sa hotel, balak niyang dumiretso sa Room 908.Nang makita ang galit sa kanyang mukha, pinigilan siya ng front desk receptionist. "Sir, nandito ka ba para kumuha ng room?""Tumabi ka!" Itinulak siya ni Fred at tumakbo siya paakyat sa hagdan, hindi na siya nag-abala pang maghintay ng elevator.Galit na galit siya at halos mawala na siya sa katinuan—kahit ang mga diyos ay hindi siya mapigilan ngayon, at huh
Magbasa pa

Kabanata 329

Pulang-pula ang mga mata ni Fred habang nakaturo siya sa kanila Marian at Brock, sumigaw siya, “Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?!”Umirap lamang si Marian sa inis niya sa kanya. "Pwede bang tumigil ka na? Nagre-research lang kami ni Mr. Summer, at sinira mo ang lahat ng progress namin.""Pu*angina mo!" Sigaw ni Fred. "Research? Sa isang kama sa isang hotel room?! Akala mo ba tanga ako?!"Subalit, hindi pinagsisihan ni Marian ang panloloko niya kay Fred, itinulak pa niya si Fred at sumigaw siya, "Bakit mo ako sinisigawan? Masyado kitang nirespeto, ano? Ano bang problema kung gusto naming magsaya ng kaunti ni Mr. Summer?""Kung ganun inaamin mo ang ginawa mo?" Dumugo ang labi ni Fred sa sobrang diin ng pagkagat niya dito. "Wala ka bang kahit kaunting dignidad, Marian?!""Dignidad?" Inirap ni Marian ang kanyang mga mata. "Anong silbi nun? Mapapakain ba ako ng dignidad? Jusko, dalawang libo lang kada buwan ang kinikita mo dahil sa dignidad na ‘yun—Binibigyan na kita ng freebie sa
Magbasa pa

Kabanata 330

Noong tumingin sa taas si Marian, nakita niya na sinugod ni Fred si Brock at hinawakan siya sa leeg!"Itinuring kita na parang kapatid ko!" Sumigaw siya sa galit. "Tapos kinantot mo ang girlfriend ko?! Papatayin kita!""Hinawakan mo ba ako?!" Galit na galit na sumigaw si Brock, na walang takot na itinaas ang kanyang baba. "Binabalaan kita—matalik kong kaibigan ang pinuno ng Flying Sword Sect! Kapag sinaktan mo ako, sisiguraduhin ko na hihilingin mo na sana patay ka na!"Huminto si Fred.Wala siyang gaanong alam tungkol sa Flying Sword Sect. Gayunpaman, narinig niya na isa silang makapangyarihang organisasyon sa Riverton, ipinagmamalaki nila ang hindi mabilang na mga apprentice nila.At nang makita niyang huminto si Fred, agad na naisip ni Brock na natakot siya at natawa. "Haha! Bakit nagpapanggap ka pa, bata? Nakikipaglaro lang ako sa girlfriend mo—hindi mo kailangang magalit. At hindi mo ba iisipin ang nanay at kapatid mo? Lalo na ang kapatid mo... at sa ganda niyang ‘yun, iniisi
Magbasa pa
PREV
1
...
3132333435
...
92
DMCA.com Protection Status