All Chapters of The Girlboss Begs for Remarriage: Chapter 291 - Chapter 300

917 Chapters

Kabanata 291

Nakatitig pa rin si Iker kay Winter. “So? Ano sa tingin mo, miss?”Nag-isip si Winter ng ilang sandali ngunit ‘di kalaunan ay sinabi niya ng may pag-aalinlangan, “I-Isa ‘tong regalo mula kay Mr. Lawrence. H-Hindi ko ito ipagbibili.”Siguro nga maaari niya itong ibenta at yayaman siya sa isang iglap, ngunit iyon na nga mismo ang dahilan—masyado ito mahalaga para ipagbili niya ito.Higit pa rito, anong iisipin ni Frank tungkol sa kanya kapag ipinagbili niya ito? Natuwa si Frank sa naging desisyon ni Winter—anu't ano pa man, hindi siya yung tipo ng tao na mabibili ng pera.Malungkot na umiling si Iker. “Hayy, sayang naman. Huwag kang mag-alala—hindi kita pipilitin na ipagbili ito, bagaman malulungkot ako na hindi ko nakuha ang isang obra maestrang gaya nito.”Gayunpaman, hindi siya yung tipo ng tao na madaling sumuko at bumaling siya kay Frank. “Maaari ko bang malaman kung saan mo nabili ang pendant, Mr. Lawrence? Isa itong obra na nilikha ni Carl Weaver—Gusto ko siyang makilala ng
Read more

Kabanata 292

Marahang tinapik ni Fred ang ulo ni Winter. “Huwag kang mag-alala. Magiging ayos lang siya—kumuha na ako ng isang espesyalista para sa kanya.”Sa tabi ni Fred, nagsalita ang babae na may makapal na makeup. “Matanda na lang talaga siya. Bakit kailangan mo pang mag-abala na gawin ang lahat ng ‘yun? Nagsasayang ka lang ng pera.”Kumunot ang noo ni Frank sa mga sinabi ng babae at lumingon siya sa babae.Agad niya siyang nakilala—ito ang top sales girl mula sa dealership na pinuntahan niya noon.Subalit, binalewala niya sila Frank at Janet Zimmer…“At ikaw si?” Ang tanong ni Frank.Ipinakilala sila ni Fred, “Ito ang girlfriend ko, si Marian Henley, at ito naman si Frank Lawrence… Isang kaibigan.”Nagulat si Marian noong tumingin siya kay Frank. “Ikaw…?”“Oo. Nagkita tayo ulit,” ang sabi ni Frank, walang emosyon ang kanyang tono.“Oh… Magkakilala kayo?” Nagtanong si Fred ng may pagtataka.“Oo naman,” ang sabi ni Marian, agad siyang tumayo at walang tigil niyang kinindatan si Frank.
Read more

Kabanata 293

Tinitigan ni Frank si Marian habang nilalandi niya siya ng parang isang pokpok, at bumuntong-hininga siya. “Ayusin mo ang relasyon mo kay Fred, at gagawin kong mas maayos ang buhay mo—o mas maganda kaysa sa buhay mo ngayon. Pero kung walang ibang nasa isip mo maliban sa pakikipagsiping sa mga lalaki hanggang sa marating mo ang tuktok, mas mabuti pang layuan mo na siya.”Hindi inasahan ni Marian na napakatibay ni Frank, at hindi niya papansinin ang mga pang-aakit niya!“Masyado kang mapagpanggap…” Suminghal si Marian. “Walang makakaalam kung walang magsasalita sa’ting dalawa, hindi ba?”Nang makita niya na hindi nagsisisi si Marian, nagalit si Frank, “Umalis ka sa paningin ko.”“Ano?” Hindi rin inasahan ni Marian na sasabihin iyon ni Frank.Gayunpaman, dumating si Fred sa may pintuan, at agad na lumayo si Marian mula kay Frank.“Oh, anong ginagawa mo dito, Marian? Nandito si Mr. Summer,” ang sabi ni Fred.Naglaho ang galit sa mukha ni Marian noong sandaling iyon, at napalitan ito
Read more

Kabanata 294

Naging napakagalang ni Brock habang nagtatanong siya, “Hello, Dr. King? Mayroon bang mga bakanteng special care ward sa Riverton City Hospital… Ano kamo, may nagbook na ng huli? Kung ganun, hindi ka ba pwedeng gumawa ng paraan para sa'kin—”Ibinaba ng doktor sa kabilang linya ang tawag bago pa matapos sa pagsasalita si Brock, at naiwan siyang nakatitig sa blankong screen at nagreklamo siya sa inis niya, “P*ta! Ang dami kong binigay sayo… Walang kwenta!” Biglang pumasok si Marian sa men's room noong sandaling iyon. “Mr. Summer…”Napatalon si Brock kasabay ng paglingon niya. “Oh, ikaw pala, Marian… Anong meron?”“Nakuha mo ba yung special care ward, Mr. Summer?” Ang tanong ni Marian. Kampanteng tinapik ni Brock ang dibdib niya. “Kwarto lang naman ‘yun. Madali lang ‘yun.”Ngumiti si Marian at agad niyang idiniin ang sarili niya kay Brock habang nakangisi siya. “Napakahusay mo, Mr. Summer…”“Ano, may iba ka pa bang sasabihin?” Ngumisi si Brock, pinagmamasdan niya siya ng may tuwa
Read more

Kabanata 295

Nagtaka si Fred at naguluhan siya. “Uh… Bakit?”Pinag-isipan ni Frank ang tungkol dito. “Magkaibang-magkaiba kayong dalawa ng girlfriend mo.”Napasimangot si Fred noong sandaling iyon. “Anong sinasabi mo? Wala kang pakialam sa buhay ng pamilya ko—huwag mong subukang mangialam.”Wala siyang kaalam-alam sa panloloko sa kanya ni Marian, naniniwala si Fred na mabait, maalaga, at tapat si Marian. Higit pa rito, tanggap siya ni Marian sa kabila ng maliit niyang sahod—ang lakas ng loob ng isang tagalabas na gaya ni Frank na punahin si Marian! Nabigla si Frank. Muli siyang nag-alinlangan ngunit sinubukan pa rin niyang kumbinsihin si Fred, “Ayaw ko ring mangialam. Pinapayuhan lang kita.”“Tama na! Umalis ka na dito, hindi ka kailangan dito!” Nagalit si Fred kay Frank, at inirapan niya siya. Bumalik si Winter noong sandaling iyon, at nang makita niya na sinisigawan ni Fred si Frank, agad siyang nagtanong, “Anong problema, Fred?”“Wala,” ang sabi sa kanya ni Fred bago siya tumalikod
Read more

Kabanata 296

Subalit, biglang napansin ni Fred na bukas ang kolyar ng damit ng kanyang girlfriend.“Anong nangyari sa blouse mo?” Ang tanong niya.Nanigas si Marian at agad siyang tumingin sa baba.“Oh… Hindi ko naramdaman na natanggal ang butones ko,” ang agad niyang sinabi habang isinasara niya ang kanyang kolyar.Sa sobrang pagmamadali nila ni Brock ay natanggal ang butones niya noong hinubad ni Brock ang blouse niya.Nanatiling nagtataka si Fred, ngunit bago pa siya makapagtanong ulit, pumasok sa ward ang isang nurse. “Nandito ba ang pamilya ni Carol Zims?”Agad na lumapit sa kanya si Fred. “Oo, anak niya ako.”Tumango ang nurse. “Ililipat na sa special care ward ang nanay mo ngayon.”Hindi nagulat si Fred dahil iyon din ang sinabi ni Brock. “Saan kami pwedeng magbayad?”“Bayad? Anong bayad?” Nagtaka ang nurse. “Ang chief mismo ang nag-approve ng kwarto para sa nanay mo. Sumama na lang kayo sa'kin.”“Ang chief? Si Hali King mismo?” Hindi makapaniwala si Fred. Nagtaas ng kilay ang nu
Read more

Kabanata 297

”Hindi natin kailangan ang pagbisita niya, at hindi natin siya pinapunta dito.”Malamig ang ekspresyon ni Fred, at determinado siyang paalisin si Frank.Naiilang na tumayo doon si Winter, bagaman hindi na nagpumilit si Frank, nang makita niya na determinado si Fred.“Ayos lang ‘yun. Aalis na ako,” ang sabi ni Frank at tumalikod siya para umalis.Nagmadali si Winter na habulin siya. “Pasensya ka na sa nangyari, Mr. Lawrence. Sa tingin ko tensyonado si Fred dahil kay Mom, kaya medyo mainit ang ulo niya. Huwag sanang sumama ang loob mo sa kanya.”Ngumiti si Frank at tinapik niya ang ulo ni Winter. “Huwag kang mag-alala. Hindi ako ganun kababaw—sige na. Tawagan mo na lang ako agad kapag may nangyari.”Pinagmasdan ni Winter si Frank at nagdesisyon siya base sa mabait na ngiti ni Frank na hindi talaga siya nagalit.Tumango siya at bumalik siya sa ward ng kanyang ina.Nagpatuloy si Frank sa pag-alis at kararating lang niya sa entrance noong huminto sa labas ang kotse ni Janet.Di nag
Read more

Kabanata 298

”Maraming salamat sa tulong mo, Dr. King,” emosyonal na nagsalita si Brock. “Nasa isang normal ward pa rin sana ang nanay ng empleyado ko kung hindi dahil sayo.”Lumingon siya kay Fred at pinalapit niya siya, “Halika dito, Fred. Ipapakilala kita sa kanila—ito si Dr. Walter King.”Nagmadaling lumapit si Fred at agad niyang hinawakan ang kamay ni Walter King, at masaya niya itong kinamayan. “Ako si Fred Lawrence, empleyado ni Mr. Summer. Maraming salamat sa tulong mo.”Tumango si Walter at tinapik niya siya sa balikat. “Iho, alagaan mong mabuti ang nanay mo… Pero hindi ako ang tumulong sayo dito. Nag-iisa lamang ang special care ward, na nakareserba para sa mahahalagang tao na mayroong malulubhang kondisyon. Walang makakapasok dito maliban na lang kung personal silang pinahintulutan ng chief.”Inisip lamang ni Brock na nagpapakumbaba lang si Walter. “Oh, hindi mo kailangang mahiya, Dr. King. Hindi namin makakausap ang chief niyo! Ang lahat nang ito ay dahil sayo!” Umirap si Walter,
Read more

Kabanata 299

”Ano?” Nanigas si Winter—kaibigan niya lang si Frank, hindi sila magkapatid! Hindi na gaanong nagsalita si Janet habang pinagmamasdan niya si Winter. “Hmm. Magkahawig nga kayo,” ang sabi niya habang tumatango. “Anyway, lumabas muna kayo ng pamilya mo. Susuriin namin ni Chief King ang nanay mo.”Tumango silang lahat—kung sabagay, nandoon ang chief ng ospital! Noong nasa labas na sila, agad na kinagalitan ni Winter si Fred, “Sinabi ko na sayo sapat hindi mo pinaalis si Frank. Anong sasabihin mo sa susunod na makita mo siya?” Mukhang nahiya si Fred at mesyo nakonsensya siya, ngunit masama pa rin ang loob niya dahil sa mga sinabi ni Frank tungkol kay Marian. “Ano ngayon?” Nagmatigas si Fred. “Sa tingin mo ba hindi tayo mabubuhay kung wala siya? Tigilan mo na rin ang pakikipagkita mo sa kanya—sa nakikita ko, katawan mo lang ang gusto niya.”Alam niya na ‘yun ang totoo—mayaman at maimpluwensya si Frank. Bakit naman magiging mabait si Frank sa pamilya nila kundi dahil kay Winter?
Read more

Kabanata 300

Nagsalita si Fred. “Sa nakikita ko, gusto lang niyang ikama si Winter. Ano pa bang posibleng dahilan para gawin niya ‘yun?”Namula si Winter. “Tumigil ka na, Fred. Tsaka wala siyang ginawa kahit na may gusto siya sa'kin. Bakit ba ayaw na ayaw mo sa kanya?”Nautal si Fred bago niya pinatahimik si Winter. “Hindi ka karapatdapat sa kanya. Hindi mo ba nakita yung mga babaeng kasama niya? Ang bawat isa sa kanila ay mayaman o makapangyarihan. Sa tingin mo gusto ka talaga niya, tinatawag ka niyang kapatid o kung ano pa? Gagamitin ka lang niya at itatapon ka niya pagkatapos!”Hindi umimik si Winter at sumama ang loob niya noong sandaling iyon—tama ang mga sinabi ni Fred, dahil ang lahat ng mga babae sa paligid ni Frank ay mga pambihirang tao. Huminga ng malalim si Carol habang pinag-iisipan niya ng maigi ang tungkol sa mga sinabi ni Fred, bagaman may isang bagay siya na hindi sinang-ayunan.Kahit na napapaligiran si Frank ng naggagandahang mga babae—kagandahan na maging ang sarili niyang
Read more
PREV
1
...
2829303132
...
92
DMCA.com Protection Status