Share

Kabanata 298

”Maraming salamat sa tulong mo, Dr. King,” emosyonal na nagsalita si Brock. “Nasa isang normal ward pa rin sana ang nanay ng empleyado ko kung hindi dahil sayo.”

Lumingon siya kay Fred at pinalapit niya siya, “Halika dito, Fred. Ipapakilala kita sa kanila—ito si Dr. Walter King.”

Nagmadaling lumapit si Fred at agad niyang hinawakan ang kamay ni Walter King, at masaya niya itong kinamayan. “Ako si Fred Lawrence, empleyado ni Mr. Summer. Maraming salamat sa tulong mo.”

Tumango si Walter at tinapik niya siya sa balikat. “Iho, alagaan mong mabuti ang nanay mo… Pero hindi ako ang tumulong sayo dito. Nag-iisa lamang ang special care ward, na nakareserba para sa mahahalagang tao na mayroong malulubhang kondisyon. Walang makakapasok dito maliban na lang kung personal silang pinahintulutan ng chief.”

Inisip lamang ni Brock na nagpapakumbaba lang si Walter. “Oh, hindi mo kailangang mahiya, Dr. King. Hindi namin makakausap ang chief niyo! Ang lahat nang ito ay dahil sayo!”

Umirap si Walter,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status