Home / Urban / The Girlboss Begs for Remarriage / Chapter 151 - Chapter 160

All Chapters of The Girlboss Begs for Remarriage: Chapter 151 - Chapter 160

1082 Chapters

Kabanata 151

Tinitigan ni Neil si Robert, halatang siya makapaniwala, at sa sobrang diin ng pagkakaskasan ng kanyang mga ngipin ay halos madurog na ang mga ito. Iniligtas ni Frank ang anak ng gobernador ng Riverton?! Kasabay nito, nagmamadaling binati ni Walter si Robert. “Karangalan namin ang makita ka, Mr. Quill!”“Masyado mo akong pinupuri.” Masayang inunat ni Robert ang kanyang mga kamay. “Pumunta ako dito upang makita ang lalaking nagligtas sa buhay ng aking anak.” Agad na tinuro ni Yara si Frank. “‘Yun si Mr. Lawrence, Dad—siya yung sinasabi ko sayo.”Lumingon si Robert kay Frank, at tumango si Frank nang magtagpo ang kanilang mga mata. “Mr. Quill.”Pinagmasdan siyang maigi ni Robert, ngunit di kalaunan ay tumango si Robert. “Marami na akong narinig tungkol sayo, iho. Tama talaga ang mga sinabi ng anak ko tungkol sayo.”Sa sandaling iyon, nagmadaling pumunta si Vicky sa tabi ni Yara, at pabulong siyang nagtanong, “Paano mo siya nakumbinsing pumunta dito?”Alam na alam ni Vicky ang
last updateLast Updated : 2024-03-19
Read more

Kabanata 152

Hindi itinago ni Neil ang kanyang galit. “Buti na lang, napaghandaan ng tatay ko na magkakaroon ng mga problema at pinadala niya si Mr. Keaton dito. Isa siyang sikat na apothecary mula sa capital—kami na ang hahawak sa mga operasyon ng Grande Corp.”Sumimangot si Vicky—nag-invest siya ng pera at tauhan upang buuhin ang kumpanya, at kukunin lang ito ni Neil ng ganun-ganun na lang? Anong maiiwan sa kanya?“Hindi mo kailangang gawin ‘yun,” ang sabi niya. “Kaya naming kunin ang Riverton market kahit wala ang Beauty Pill recipe. Bakit hindi ka magsimula ng sarili mong kumpanya kasama si Mr. Keaton kung gusto mo ng parte sa market?”Humalakhak si Neil. “Paano ka makikipag kompetensya sa mga Salazar kung hinayaan mo na manakaw nila ang recipe mo?”“May ginawang mas maganda si Mr. Lawrence,” ang kampanteng sinabi ni Vicky. “Huwag kang mag-alala.”“Ano ‘yun? Ipakita mo ito sa’kin,” ang sabi ni Neil.“Nagbibiro ka ba?” Natatawang sumagot si Vicky. “Top secret ito—hindi makakabuti kung lala
last updateLast Updated : 2024-03-19
Read more

Kabanata 153

Biglang humalakhak si Paul. “Paano natin ito gagawin, Mr. Lawrence?”Tumayo si Frank, kampante niyang inilagay ang kanyang mga kamay sa likod niya. “Ayos lang ang kahit ano. Pwede mong piliin kung saan ka pinakamahusay.”Itinikom ni Paul ang kanyang mga labi—napakayabang talaga ng lalaking ito!Pagkalipas ng mahabang sandali, sinabi niya na, “Pinakamahusay ako sa mga lason. Bakit hindi natin subukan ang mga kakayahan natin gamit nun? Pareho tayong pipili ng isang lason at susubukan natin itong lunasan.”“Walang problema.” Tumango si Frank.Ngumisi si Neil sa tabi nila. “Tutal kampante ka, bakit hindi natin taasan ang pusta natin? Direkta niyong inumin ang lason, at makikita natin ang hangganan ng mga kakayahan niyong dalawa.”Buo ang tiwala niya kay Paul, at pwede rin nila itong gamitin na dahilan upang patayin si Frank.“Inumin ng direkta ang lason? Ano kamo?” Kumunot ang noo ni Vicky.“Mismo. Parehong iinumin ni Mr. Lawrence at ni Mr. Keaton ang lason ng direkta at lulunasan
last updateLast Updated : 2024-03-19
Read more

Kabanata 154

Napanganga si Vicky, namutla ang kanyang mukha dahil hindi niya inasahan na iinumin ni Frank ang lahat ng limampung gramo ng Heartblazer!Sa tabi niya, hindi makaimik si Yara.Itinupi ni Susan ang kanyang mga braso sa harap ng kanyang dibdib, umiling siya habang natatawa—may problema talaga sa pag-iisip ang lalaking ito!Maging si Paul ay nagulat sa pagiging mapusok ni Frank. “P-Pinatay mo ang sarili mo! Kaya kitang gamutin kung limang gramo lang ang ininom mo, pero ininom mo ang buong bote! Wala ka nang pag-asang mabuhay!”Humalakhak si Neil. “Haha! Katapusan mo na—wala nang makakapagligtas sayo!”Agad na lumingon si Vicky sa kanyang mga tagapagsilbi. “Tawagan niyo si Mr. Zimmer. Dali!”Itinaas ni Frank ang kanyang palad, at pinigilan niya siya. “Huwag na—isa lang ‘tong neurotoxin. Kaya kong pagalingin ang sarili ko.”“Tigilan mo na ang pagbibiro mo, Frank!” Sumigaw si Vicky, at sumimangot.“Mukha ba akong nagbibiro?” Seryosong sumagot si Frank. “Lumayo ka muna.”Pagkatapos n
last updateLast Updated : 2024-03-20
Read more

Kabanata 155

Habang nagpapagulong-gulong si Neil at sumisigaw, naging yelo ang kanyang pawis habang umiikot ang vapor sa paligid niya.Nakakatakot ang eksenang ito—maging si Vicky ay natulala habang pinagmamasdan niya ang nangyayari, dahil naranasan niya ang parehong sintomas noong nalason siya ng Snowshade.Gayunpaman, ngumiti si Paul pagkatapos niyang suriin ang mga sintomas ni Neil. “Huminahon ka, Mr. Turnbull. Malamig ang lason na ininom mo—kaya kitang tulungan.”Nakahinga ng maluwag si Neil—hindi problema ang lason na ito para kay Paul!Inilabas niya ang isang kahon ng mga karayom noong sandaling iyon, itinusok niya ang isang karayom sa gitna ng solar plexus ni Neil.Natuwa si Neil sa sandaling iyon—naglaho na ang lahat ng sakit na nararamdaman niya!Pagkatapos ay itinusok niya ang labing dalawa pang mga karayom sa iba pang mga pressure point ni Neil, habang unti-unti namang gumaling si Neil na para bang hindi siya nalason.Nagulat si Vicky na totoong kasing husay si Paul ng gaya ng sin
last updateLast Updated : 2024-03-20
Read more

Kabanata 156

”Anong…”Nagngitngit ang mga ngipin ni Neil at dismayado siya, ngunit di nagtagal ay tiningnan niya ng masama si Frank. “Nanalo ka sa pagkakataong ito. Ngayon, ibigay mo na sa'kin ang antidote.”“Ano?” Nagkibit-balikat si Frank. “Wala tayong napagkasunduan na magbibigay tayo ng mga antidote.”“A-Anong sinasabi mo?” Tinitigan ni Neil si Frank at hindi siya makapaniwala—hahayaan ba ni Frank na mamatay siya?! Umiling si Frank. “Pasensya na, Mr. Turnbull. Pero wala akong obligasyon na tulungan ka.”“Frank Lawrence!” Lumapit sa kanya si Paul, at nagsalita, “Dapat mong malaman ang mga limitasyon mo—isipin mo ang kinabukasan mo, pakiusap.”“Haha!” Humalakhak si Frank ng walang pakialam. “Talaga bang iniisip mo ang kinabukasan? Isang malaking tanong na kung makakaligtas ba siya ngayong gabi.”“Guh…” Agad na nanahimik si Paul. Kasabay nito, naluluha na si Neil sa sobrang sakit at gumapang siya palapit kay Walter upang yakapin ang kanyang binti habang umiiyak siya, “Pakiusap, Tito Walt
last updateLast Updated : 2024-03-20
Read more

Kabanata 157

Si Neil ang pangalawang anak ni Glen, at kailanman ay hindi siya humingi ng tawad sa ibang tao! “Ako, hihingi ng tawad sa kanya?!” Ang sigaw niya. “Ako ang ikalawang tagapagmana ng pamilya!”Nagkibit-balikat si Vicky. “Kung ayaw mo, mukhang wala ka nang magagawa kundi ang mamatay.”Biglang sinigawan ni Susan si Frank noong sandaling iyon, “Ano pa ang hinihintay mo? Ibigay mo na sa kanya ang antidote!”Itinupi ni Frank ang kanyang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib ng walang pakialam. “Pasensya na, pero wala akong magagawa dahil ayaw niyang humingi ng tawad.”“Anong…” Namula ang mukha ni Susan—ito ang unang pagkakataon na nakakita siya ng isang tao na ganito kataas ang tingin sa kanyang sarili!Sa kabilang banda, tumayo si Vicky sa tabi ni Frank. “Si Neil ang nagsimula ng paligsahan na ‘to. Natalo siya ngunit hindi niya kayang pilitin ang sarili niya na humingi ng tawad pagkatapos ng lahat ng iyon. Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang mamatay—ginawa ko na ang lahat ng kaya k
last updateLast Updated : 2024-03-21
Read more

Kabanata 158

"Sige." Tumango si Frank at humarap siya kay Walter. "Magkikita tayo ulit, Mr. Turnbull."Pagkatapos nito, sumunod siya kay Robert papunta sa kanyang kotse at magkasama silang pumunta sa tirahan ni Robert.Ito ay isang mansyon sa silangan ng lungsod—isang lugar na puno ng mga biyaya ng kalikasan. Totoong-totoo ito para sa isang mansyon, na napapaligiran ng mga burol at mga anyong tubig.Napatitig si Frank sa isang mansyon—tiyak na dalawang beses na mas epektibo ang pagkucultivate doon kaysa sa karaniwan!Ang mga Quill ay isang kilalang angkan ng mga martial artist, na may mga disipulo na nag-eensayo sa paligid ng mansyon.Pagpasok ng kotse sa bakuran ng mansyon, nagmadaling lumapit si Yara upang buksan ang pinto para sa kanya. "Maligayang pagdating, Mr. Lawrence.""Salamat," sabi ni Frank at sumunod siya kay Robert papunta sa drawing room.May isang malaking lalaki na nakaupo roon, na matagal nang naghihintay.May pagkakahawig siya kay Robert at tumayo siya nang makita niya si R
last updateLast Updated : 2024-03-21
Read more

Kabanata 159

Namula si Yara at ibinaba niya ang kanyang tingin, iniwasan niya ang mga mata ni Frank.Wala siyang ibang pagpipilian—kailangan niyang magbigay ng katanggap-tanggap na dahilan sa kanyang ama, dahil maaaring saktan ni Neil si Frank. Gayunpaman, wala siyang maibigay na dahilan at kinailangan niyang sabihin sa kanyang ama na boyfriend niya si Frank upang sa wakas ay tulungan siya ng kanyang ama."Oh… Kasi…" Ang sabi ni Frank, hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya."Isang buwan pa lang kami, Dad," ang reklamo ni Yara. "Huwag ka nang magtanong."Ngumiti si Robert. "O sige, kung ‘yan ang gusto mo."Sa tabi niya, nagflex ng kanyang mga muscle si Stan. "Hindi magiging ganun kadali kung gusto mong maging brother-in-law ko, Mr. Lawrence. Kailangan mo munang dumaan sa’kin."Sumakit ang ulo ni Frank sa puntong iyon—kailanman ay hindi niya nagig intensyon ‘yun!Natawa si Robert. "Hayy, sinabi na ng anak ko. Kailangan magawa mo siyang talunin para maprotektahan mo si Yara, hindi ba?"N
last updateLast Updated : 2024-03-21
Read more

Kabanata 160

Subalit, lalo lamang nagalit si Stan sa paalala ng kanyang kapatid.Hindi na nagpigil si Stan, inihanda niya ang kanyang sarili upang gamitin ang buong lakas niya at umatake siya—napakalakas ng kanyang Boltsmacker, at nararamdaman ng mga tao sa paligid ang hanging dulot ng bawat suntok na kanyang ibinabato!Gayunpaman, nanatiling walang pakialam si Frank habang bahagya niyang sinasalag ang mga suntok ni Stan."Anong..." Nanlumo ang mukha ni Stan.Agad niyang ginamit ang lahat ng pitong estilo at animnapu’t tatlong suntok ng kanyang technique. Subalit, hindi man lang nag-react si Frank habang patuloy niyang sinasalubong ang bawat suntok ni Stan hanggang sa kahuli-hulihan.Matapos niyang basahin ang lahat ng galaw ni Stan sa puntong iyon, dahan-dahang sinabi ni Frank na, "Masyado kang nakatutok sa iyong atake, dahilan upang mapabayaan mo ang depensa mo nang hindi mo namamalayan."Ang kanyang tono ay tahimik at mahinahon, ngunit tumama ito kay Stan na parang isang kidlat!Hindi nag
last updateLast Updated : 2024-03-22
Read more
PREV
1
...
1415161718
...
109
DMCA.com Protection Status