All Chapters of The Girlboss Begs for Remarriage: Chapter 1051 - Chapter 1060

1080 Chapters

Kabanata 1051

Mas lalong naging aligaga si Helen pagkatapos maitalaga bilang head ng Lane family. Naglaho siya nang isang buong linggo habang nakipag-usap siyang muli kay Trevor Zurich. Kahit na ganun, bigla siyang nagpakita sa hilltop mansion ni Frank sa Skywater Bay isang araw. Hinila niya siya mula sa mesa at tinulak siya papasok ng kotse sa harapan. “Sasama ka sa'kin sa Zamri,” sabi niya habang pinaandar niya kaagad ang kotse, at nanood sina Winter Lawrence at ang iba pa sa pagtataka. “Sa Zamri? Bakit?” Tanong ni Frank, hindi pa siya masyadong nahihimasmasan. “Hihiramin kita kay Vicky,” sabi ni Helen, sabay nag-itsa sa kanya ng isang kasunduan at ballpen at nag-utos, “Ikaw ang magiging head of security ng Lane Holdings at ang personal bodyguard ko. Pumirma ka lang dito at pumayag sa kasunduan.”“Pumayag sa kasunduan?” Tumawa si Frank habang tinitigan niya ang mga gamit sa harapan niya. “Anong binabalak mo, mahal kong Ms. Lane? Pipirmahan ko ba ang sarili kong kamatayan rito, at pwede ba
last updateLast Updated : 2024-12-09
Read more

Kabanata 1052

Tumawa si Frank. “Ayan, Ms. Lane. Pinirmahan ko ang kontrata ng pang-aalipin mo.”“Wag kang magulo. Nagmamaneho ako!” Sigaw ni Helen, ngunit hindi niya napigilang mapangiti nang bahagya nang sinilip niya ang kasunduan. Pagkatapos ng higit dalawang oras ng pagmamaneho, nakarating sina Frank at Helen sa Zamri at dumiretso sa isang thirty-floor building. Pagkatapos niyang bumaba at iitsa ang mga susi niya sa isang security guard na naroon para salubungin siya, sa wakas ay pinaliwanag na ni Helen kung bakit niya siya dinala rito. “Isa itong billion dollar investment company na pagmamay-ari ng Lane family at ang pangunahing yaman nila. Bilang head ng pamilya, natural na kailangan kong mamuno, ngunit maraming board members ang nagsama-sama laban sa'kin, hindi sila pumapayag na makisama dahil isa akong mahinang babae.”“Isang mahinang babae?” Singhal ni Frank habang tinignan si Helen mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng isang business suit kung saan nakasilip ang parte ng collarbon
last updateLast Updated : 2024-12-09
Read more

Kabanata 1053

Tumingin si Kallum Gaetz sa board members na nakaupo sa paligid ng mesa at kalmadong ngumiti. Tinawag niya pa ang magandang sekretarya niya para sindihan ang tabako niya, pagkatapos ay bumuga ng malaking usok bago tumingala at tumawa. “Ano bang dapat nating ipag-alala? Isang babae at malayong kamag-anak ng Lane family… Iniisip niya bang pwede natin siyang maging boss dahil lang bigla siyang dumating? Sino ba siya sa tingin niya?”Pagkatapos ay dumilim ang ngiti niya. “Basta’t magtutulungan tayo, ano bang magagawa ng babaeng iyon sa'tin? Kailangan lang natin siyang kalabanin nang sama-sama, magprotesta at tumangging sumunod sa kahit na anong polisiyang gawin niya… Duda talaga akong tatagal siya nang isang buwan laban sa'tin. Sa huli, mapagtatanto niya ang katotohanan at babalik siya sa pinagmulan niya!”Tinaas ng ibang board member ang mga hinlalaki nila sa suhestiyon ni Kallum. Siya talaga ang boss dito!Kahit na ganun, tumayo ang isang nakasalaming lalaking mukhang medyo mahina a
last updateLast Updated : 2024-12-10
Read more

Kabanata 1054

Nang bumukas ang pinto ng elevator, lumabas sina Helen at Frank. Narinig ni Helen ang maingay na tawanan mula sa conference room, ngunit nanatili siyang walang pakialam habang kalmado at determinado siyang naglakad sa hallway at pumasok. Kaagad na nanahimik ang conference room. Habang sinundan ni Frank si Helen, nakita niyang nagulat ang board members sa kagandahan ni Helen, at narinig pa nga niya ang iba na napabulalas. Narinig nilang maganda ang bagong chairwoman, pero hindi sa ganitong lebel!Isang malamig na dalagang may perpektong mukha? Isa siyang pangarap na makuha ng kahit na sinong lalaki! Kung kaya't nakatitig ang mga mata nila kay Helen nang hindi makatingin palayo. Para naman kay Helen, hindi siya nagmukhang nainis sa nakakasulasok na amoy ng tabako sa kwarto, at sa halip ay naglakad siya papunta sa upuan ni Kallum habang dala ang isang tambak ng document folders. “Mr. Gaetz, tama? Wala bang nagsabi sa’yong yan ang upuan ng chairperson?”Tanong niya kay Kall
last updateLast Updated : 2024-12-10
Read more

Kabanata 1055

Tumingin si Kallum sa iba pang board members at hinubad ang sapatos niya para ilagay ang paa niya sa mesa, nang para bang nasa sarili niya siyang bahay. Suminghal siya, pagkatapos ay nagtanong, Ano? Paano mo kukumpiskahin ang shares ko, Ms. Lane? Akala mo ba matatakot ako sa mga banta mo? Sige, gawin mo—tignan nating kung kaya mo talagang gawin ang banta mo.”Kaagad ding sumali ang iba pang board members at ipinahayag ang pagtutol nila. “Malayong kamag-anak ka lang ng Lane family, Helen Lane! Matagal nang si Mr. Gaetz ang nasusunod dito—magpakita ka naman ng respeto!”“Oo nga. Sinusubukan ng isang babaeng kagaya mong mamuno sa'min? Talagang masyado kang bilib sa sarili mo!”“Nagyabang ka kaagad sa sandaling pumasok ka at inutusan mo si Kallum na ibigay ang upuan niya?! Tumayo ka lang diyan at manahimik ka!”“Pwede mo kaming ipagtimpla ng kape dahil wala ka namang ginagawa… At gusto ko dagdagan mo ng gatas.”Habang tumawa nang malakas ang board members, lumamig ang mga mata ni
last updateLast Updated : 2024-12-11
Read more

Kabanata 1056

Mabilis na sumang-ayon ang ibang board members kay Kallum. “Oo nga! Imposibleng susunod kami sa'yo!”“Naiintindihan kong bigla kaming nagkakaroon ng bagong lider… pero isang babae at isang miyembro ng Lane family? At hindi pa nga nakakapunta sa Zamri?”“Hindi ka lang tumangging magpakabait sa unang araw mo sa trabaho, pinagyayabang mo pa ang awtoridad mo… Ano yun, may bago ka pang patakaran sa conference room? Binibiro mo ba ako?”“Wala kang kakayahan, impluwensya, at koneksyon. Ano, magpapasok ka ba ng bagong kliyente sa'min gamit ng magandang mukha mo?”"Pfft… Hahaha…"Patuloy na ininsulto ng board members si Helen, habang may isang manyak pang minamata siya dahil sa kabataan at kagandahan niya. “Tapos na ba kayo?”Nanatiling walang pakialam si Helen habang pinanood niya sila. Matatag pa rin siyang nakatayo sa tabi ng meeting table nang tumigil sila sa kakatawa. Pagkatapos, prangka siyang nagsalita, “Ang Lane family ang nagpasyang ako ang mamumumo sa investment company na
last updateLast Updated : 2024-12-11
Read more

Kabanata 1057

Naningkit ang mga mata ni Kallum at ngumisi siya nang mabangis. “Hmph. Wag mong isiping kaya mo kaming takutin! Aalis? Sige—tignan natin kung paano mo patatakbuhin ang kumpanya nang mag-isa!”“Oo! Sasama kami sa'yo, Kallum!”“Tignan natin kung anong magagawa niya nang wala tayo!”“Luluhod ka at magmamakaawa!”Tumayo ang lahat ng board members na pinamunuan ng kanilang senior members. Tanging ang mapayat na si Owen Briggs ang nanatiling nakaupo. Gusto niya ring tumayo, pero natakot siya dahil napansin niya ang matalim na titig ni Helen. Lalo na't nasa delikadong posisyon ang accounting department niya, dahil sila ang may hawak sa lahat ng financial data at ledgers para sa kumpanya. At dahil matagal nang nililinis ni Owen ang kalat ng iba pang board members nang walang katapusan, mas mabuting mamatay na lang siya kung talagang nagsimulang magtanong si Helen. Gayunpaman, hindi ganun ang kaso para sa ibang board members. Lalo na't siguradong-sigurado sila na sysuko si Helen
last updateLast Updated : 2024-12-12
Read more

Kabanata 1058

Binuksan ni Helen ang folder sa harapan ni Mr. Zork, na nagpatulala sa kanya. “Heto. Mga larawan mo sa security camera habang nasa akto.”Paanong nalaman yun ni Helen?!Top secret ito, at si Owen lang ang nakakaalam nito dahil iniulat ni Mr. Zork ang paggastos niya sa kanya!Dahil dito, tinitigan rin nang masama ni Mr. Zork si Owen. Para bang bubuga ng apoy ang mga mata niya. “Natural na ang pinakamalaking problema ng kumpanya natin ay ikaw, Mr. Kallum Gaetz. Bilang acting CFO, talagang nagbigay ka ng bagong pamantayan sa korapsyon.”Naglakad si Helen sa likod ni Kallum at binagsak ang isang dokumento sa mesa sa harapan niya, sabay mahinang nagsabi, “Nakikita bawat isang ledger kada taon na kumikita ang kumpanya… yun ay bago ito ipasa sa'yo para i-review. Pagkatapos nun, magiging pagkalugi ang lilitaw rito, at babayaran naman iyong Lane family… Sa totoo lang, aaminin kong matapang ka.”Pagkatapos, tinapik ni Helen si Kallum sa balikat at nagsabing, “Kahit ano pa yun, binasa ko a
last updateLast Updated : 2024-12-12
Read more

Kabanata 1059

Lalo na't kayang ipakulong ni Helen ang buong board kung gustuhin niya. Nakasimangot silang lahat—hindi talaga nila alam kung paano nakuha ni Helen ang ebidensya laban sa kanila, kasama ng bawat isang piraso ng detalye. Ang nagawa lang nila ay sisihin si Owen ngayon. Sa umpisa pa lang, dapat ay ipapakita nila ang awtoridad nila kay Helen habang kinuha niya ang bago niyang posisyon. Sa halip, binaliktad niya ang sitwasyon at binunyag ang lahat ng kasalanan nila. Malinaw na hindi lang siya isang magandang mukha—isa siyang mandirigmang kayang magbitaw ng suntok. “Kahit na ganun, tapos na ako.” Umiling si Helen. “Pwede na kayong umalis ngayon, at di ko pipigilan ang kahit na sino rito para magmakaawa kagaya ng inaasahan niyo. Sa halip, mailalathala ang mga dokumentong ito at magsasagawa ako ng shareholders meeting kung saan pagpapasyahan kung sinong papalit sa inyo. Pagbabayaran nitong lahat ang katangahan niyo.”Sa wakas ay naintindihan na nila mula sa prangkang mga salita niya,
last updateLast Updated : 2024-12-13
Read more

Kabanata 1060

Pagkatapos mapagtanto ng lahat ng board members na baka mas magaling si Helen kay Kallum, alam nilang ang magagawa lang nila ngayon ay hininging tawad at isuko ang awtoridad nila sa pag-asang panatilihin sila ni Helen rito. Ito lang ang paraan para panatilihin ang mayroon sila sa halip na mawala ang lahat sa kanila. Nakakainis ito, pero wala sa kanila ang may lakas ng loob na labanan si Helen ngayon. Ang lahat ng pagkamuhi at pambabastos kanina ay napalitan ng takot at respeto. “Hmph. Dahil matapat kayong lahat, siguro mapapatawad ko kayo.”Sinilip ni Helen si Frank bago tumingin sa board members. “Nangangako akong hindi ko kayo paparusahan para sa ginawa niyo noon, pero obligado pa rin kayong magbayad sa kumpanya para sa pinsalang dinala niyo. Kinuha ko ang kumpanyang to para sa layuning mas palaguin pa ito, at nangangako akong walang mawawalan rito kapag kasama niyo ako. Uulanin pa nga ng kayamanan ang lahat… Kaya, kaya niyo bang gawin yun?”Sobrang nagpasalamat ang board mem
last updateLast Updated : 2024-12-13
Read more
DMCA.com Protection Status