Natulala ang lahat sa dramatikong pagpasok ng mga tauhan. Gayunpaman, malinaw na inihanda sila ni Kallum na maghintay malapit sa conference room, pagkatapos ay susugod sila kapag binigay na niya ang hudyat at papatayin silang lahat. Mas lalong namutla ang board members na tinalikuran siya sa nakita nila habang nakaramdam sila ng panganib. Tumawa nang malakas si Kallum, na para bang mas mababa sa kanya ang lahat ng tao roon. “Wag kang mag-alala, Helen.” Pagyayabang niya. “Hindi ka mamamatay nang mag-isa—sasama sa'yo ang mga duwag na hayop na'to! Mangarap kayo nang malaki hanggang sa kamatayan! Hahaha!!!”Ang hindi niya inasahan, hindi nataranta si Helen habang pinanood niyang sumugod sa loob ang mga tauhan. Ang totoo, nakangisi pa siya. “Hindi ba ikaw ang mababaw rito, Mr. Gaetz? Sa tingin mo ba talaga hindi ako handang lumaban? Syempre inasahan ko to!”Sa isang banda, pinagaan niya ang loob ng mga natatarantang board members para hindi sila magbago ulit ng isip. Sa kabila
Nang makita ang kakapalan ng mukha ni Frank, nagalit ang lahat ng mga tauhan. “Sama-sama tayong sumugod!” sabay-sabay nilang sigaw at magkakaisang sumugod papunta kay Frank. Klang!Tumutok si Frank nang eksaktong-eksakto, sabay sinipa ang isa pang sumugod na tauhan palabas ng isa pang bintana. Natural na hindi rin nakaligtas ang iba pang tauhan at nanatiling nakatayo si Frank sa mesa habang pinigilan niya lang lahat na makalampas sa kanya. Higit sampung tauhan ang tumalsik nang wala pang kalahating minuto, at dahil pinalipad sila palabas ng bintana mula sa ika-dalawampung palapag, walang dudang hindi sila makakaligtas. Nakakapangilabot ang mga sigaw nila. Nanahimik nang sobra ang mga board member na nangako ng katapatan kay Helen nang nakita nila ang kawalan ng pakialam ni Frank kasabay ng lahat ng ito. Gayunpaman, palihim silang nagdiriwang na mabuti na lang at hindi sila nagmatigas na manatili sa panig ni Kallum laban sa bagong board chairman nila. Kung hindi, tinapon
“Suhestiyon ko ay burahin na natin siya kaagad para maging babala sa iba!”“Hindi, kailangan nating bawiin sa kanya ang bawat isang sentimong ninakaw niya mula sa kumpanya nang maraming taon!”“Oo! Gagawin natin yan, pagkatapos ay buburahin natin siya!”Talagang nagalit si Kallum na marinig ang board members na napakamatapat sa kanya kanina ay handa na ngayong patayin siya. Gayunpaman, takot siyang magsalita, kahit na palihim siyang sumilip kay Frank habang iniisip kung kaya niyang gawing bitag si Helen bago ito mapansin ni Frank. Sa kabilang banda, palihim na tumawa si Helen habang nakinig siya sa mga sigaw ng board members habang nilaglag nila si Kallum. Lumingon siya kay Kallum, naningkit ang mga mata niya at nagtanong, “Ano, Mr. Gaetz. Sumusuko ka na ba, o hindi?”Lumingon palayo si Kallum—paanong nakapagtanong pa rin siya nang walang kwentang bagay sa puntong ito?!Pero handa na siya sa landas niya, at ipaglalaban niya ito hanggang sa huli!“Hindi, tumatanggi ako!” mal
Malamig na sabi ni Kallum, “May tatlong gawain ang Lanecorp na kailangang magawa kaagad. Tuparin mo ang lahat ng iyon, pagkatapos ay babayaran ko ang bawat isang sentimong kinuha ko at isusuko ko ang sarili ko sa pulis.”Pagkatapos, namumuhi niyang tinitigan si Helen mula sa gilid at nagsabing, “Ano? Matapang ka ba?” “Bakit ako dapat sumunod sa'yo?” Tinitigan naman siya ni Helen nang nagtataka. “Ipapadala kita kaagad sa awtoridad. Sa tingin mo may karapatan ka pang makipagnegosasyon?”“Hahaha!” Tumawa si Kallum, na sa gulat nila ay mukhang hindi naapektuhan. “Masyado kang mababaw, Ms. Lane! Kagaya ng sabi ko, may lulusutan ako—ang lahat ng perang kinuha ko ay binigay ko bilang donasyon sa isang charity organization na ako mismo ang may-ari. Gayunpaman, nasa ibang bansa ang headquarters nito. Oo nga, mapapatay ako kapag dinala mo ko sa pulis, pero wala kang kahit na anong mababawi!”Napatitig si Helen sa mayabang na mukha ni Kallum nang may masamang ekspresyon. Hindi nya inasahan
“Oh!” Sigaw ni Cindy habang pinalo niya ang sarili niyang noo nang napagtanto niya ito. “Pasensya na, Helen. Naging aligaga ako sa date ko kasama ng nobyo ko, kaya nakalimutan ko…”“Urgh…” Walang nasabi si Helen. Paulit-ulit siyang ginulo ni Gina Zonda—kung kaya’t binigyan ni Helen si Cindy ng trabaho. Gayunpaman, nagawang maakit ni Cindy ang isang lalaki mula sa urban development department ng Zamri. Nang nagtanong siya tungkol sa trabaho niya, sabi ni Cindy ay nagtatrabaho siya para sa Lane family para makaiwas sa pagkapahiya. Inisip ng lalaki na sa Lanecorp ng Zamri siya nagtatrabaho at hindi sa Lane Holdings ng Riverton. Kung kaya't pinakiusapan ni Cindy ang Tita Gina niyang magmakaawa kay Helen na ipasok siya sa Lanecorp. Si Helen na ngayon ang head ng Lane family—napakadali na lang maghanda ng trabaho para sa iba. Gayunpaman, sumakit ang ulo ni Helen sa isyu. Totoong madaling maghanda ng trabaho para kay Cindy, pero ang problema ay walang ibang alam gawin si Cind
At sa mga salitang iyon, hindi huminto si Helen para makinig sa sasabihin ni Gina at tinapos niya ang tawag. “Ano?!” Sumigaw si Cindy roon nang hindi makapaniwala. “May hindi ba ako nabalitaan rito?! Bakit ang babaw-babaw mo, Helen?! Nalate kang ako at nakalimutan ko ang laptop ko, tapos nagwawala ka na?! Pinsan mo ko, at personal na ipapadala ni Will ang laptop mo! Ano pa bang gusto mo?! Marami siyang ginagawa, at nagbigay na nga siya nang respeto sa pagsauli niya nito sa'yo!”Muntik pumutok ang ugat sa sentido ni Helen sa mga sinabi ni Cindy. Suminghal siya sa dismaya at pumasok sa opisina niya habang umiiling. Ayaw na niyang magsayang ng hininga kay Cindy. “Ano ba talagang problema mo?!” Nanatili si Cindy sa kinatatayuan niya habang pumapadyak. Sa malapit, nanood lang si Frank nang may mukhang nagpapakitang wala siyang pakialam. Security lang ang hawak niya at wala nang iba pa, pero naramdaman niyang tumaas ang presyon ni Helen at malapit na siyang sumabog. Bilang isang
Huminto si Helen bago nagpatuloy, “Gayunpaman, ngayong ako na ang head ng Lanecorp, kailangang kong bawiin ang pera natin. Naiintindihan mo?”“Oo, pero…”Nag-aalala pa rin si Owen—nagmula si Owen sa Riverton at hindi pa siya masyadong nagtatagal sa Zamir para malaman kung gaano kasama ang Victorget. Lalo na't walang iisang kategorya ang trabaho nila—marami silang propesyonal na bodyguard at tauhan, kasama ng ilang martial artists. Ang totoo, ang utang na binabanggit ni Kallum ay ang biennial fee na binigay niya kamakailan bilang paunang bayad. At ngayon, dapat bawiin ni Helen ang perang iyon mula sa kanila? Para na rin siyang dumiretso sa lungga ng lobo. “Ayos lang. Wag kang mag-alala—kasama ko ang head of security ko,” sabi ni Helen nang may malinaw na kaguluhan. “Seryoso ka ba, Helen?!” Sigaw ni Cindy. “Aasahan mo talaga si Frank na labanan ang isang buong kumpanya ng mga siga? Alam kong magaling siya, pero—”Bigla siyang huminto nang tinitigan na siya nang masama ni Hel
Umalis kaagad sina Helen at Frank at hindi nagtagal ay nakatayo na sila sa labas ng Victorget. Sa loob ng top floor office, nakipag-usap si Cid Gaetz, ang anak ni Kallum, sa isang kalbong lalaking may mabangis na itsura. Bata pa si Cid, pero malinaw na sanay na siyang makipag-negosasyon sa lalaking ito habang nagtulak siya ng tseke sa mesa niya. “Heto ang dalawampung milyon, Victor.”“Hmmm. Ano naman yan ngayon? O sa halip, sino naman yan ngayon?” Walang pakialam na tanong ni Victor habang nagsindi ng sigarilyo dahil matagal na niyang customer si Cid. “Hehe. Wala talaga akong takas sa'yo.” Ngumisi si Cid. “May problema ang tatay ko sa kumpanya niya at nakakulong siya ngayon sa sarili niyang opisina. Isa tong bagong board chairwoman na gustong kontrolin nang buo ang kumpanya, kaya nakaaway siya ng tatay ko… basta, nagpapasabi ang tatay ko na wag kang magsabi ng kahit na ano kapag sinabihan ka niyang magbayad ng utang. Pahiyain mo lang siya sa abot nang makakaya mo, pagkatapos…”
“Ano?!” Nabigla si Frank. Nagpasya ang mga Lionheart na makipaggiyera laban sa mga Turnbull?!Pero sabi ni Glen Turnbull, ang plano laban sa mga Turnbull ay plinano at sinagawa ni Titus Lionheart nang mag-isa. Kung nasa paligid ang head ng mga Lionheart, hindi sila susugal nang ganito ka-delikado. Ngunit sa kung anong dahilan, nagbago ang isip ng mga Lionheart pagkatapos ng isang buwan at handa na silang umatake?!Metikuloso pa nga sila at binalak nilang sirain ang Lane family… Mukhang habol din siya ng mga Lionheart!“Ganun pala… Iyon pala ang nangyayari…” Tumawa nang malamig si Frank pagkatapos isipin ang mga pagpipilian niya at kumuha ng isang mabahong itim na pill at sinaksak ito sa bibig ni Will. “Dahil kilala ako ako, alam mo dapat kung gaano ako kagaling sa medisina. Ang pill na pinainom ko sa'yo ngayon ay tinatawag na Veinbreaker, at kailangan mo ng antidote bawat linggo, kundi ay mamamatay ka nang nagdurusa habang pumuputok ang bawat isang ugat na mayroon ka.”Habang
“Sir, anong—”“Tabi.” Tinulak ni Frank ang mga attendant na nakaharang sa daan niya at naglakad papunta kay Will. Hinablot niya ang lalaki sa kwelyo, pagkatapos ay tinulak ito sa men's room at sinara nang malakas ang pinto para i-lock ito. “Ano bang gusto mo?!” Sumigaw si Will habang nagngitngit ang ngipin. Nagsimulang mag-apoy ang mga mata niya sa galit kay Frank habang pinanood niyang dumugo nang matindi ang palad niya. “Anong gusto ko? Ikaw ang dapat kong tanungin niyan.”Tinulak ni Frank si Will sa lapag nang nakangisi habang inapakan niya ang butas na kamay ni Will. Napasigaw siya ulit. Habang malamig na naningkit ang mga mata, sumigaw si Frank, “Unang-una, magsimula tayo sa kung sino ka ba talaga… Lumapit ka sa Lanecorp mula kay Cindy, para saan? Para may manatiling aligaga?! Sino yun?! Magsalita ka!”“A-Anong sinasabi mo?! Wala akong alam!”Nataranta si Will sa mga tanong ni Frank. Hindi niya alam kung paano ito nalaman ni Frank. “Hindi ka magsasalita, ha? Kung gan
Mapagbantang sumagot si Helen, “Wag mo kong hawakan, Mr. Zeller, kundi ay baka hindi mo malaman ang mangyayari sa'yo.”“Talaga? Kilala mo ba kung sino ang mga kaibigan ko? Hehe… Aatakihin ka sa puso kapag sinabi ko sa'yo, pero iibahin ko ang usapan.”Madilim na ngumiti si Will, dinilaan niya ang mga labi niya habang hinarangan niya si Helen. “Samahan mo ko ngayong gabi, Ms. Lane, at nangangako ako sa karangalan ko na makukuha mo ang larawan at lahat ng files na kinopya ko… Kundi baka bukas, lumitaw sa mesa ng CEO ng karibal mong kumpanya ang lahat ng nasa larawan. Kaya ano ang pipiliin mo?”Pumikit si Helen sa kabila ng banta niya, at nanahimik sandali bago nagsabing, “Kung ganun, pwede ko bang isiping pinagbabantaan mo ko?”“Tama.” Nanatiling nakangiti si Will, na tuwang-tuwa dahil kumbinsido siyang sa kanya na si Helen. Nagsimula pa nga siyang magpantasya kung anong kayamanan ang nasa ilalim ng suit niya at tumindi ang init sa pagitan ng binti niya. Walang makakapigil dito, a
“Sige.” Tumango si Cindy at mabilis na bumalik sa mga dessert na nasa mesa. Sa kabilang banda, pinagpatong ni Frank ang mga braso niya sa dibdib niya habang pinanood niya si Will na pumunta sa banyo. Dumilim ang titig niya. “Hoy, anong tinitingin-tingin mo? Naiinggit ka lang, ano?”Nagmayabang si Cindy nang makitang nakatitig si Frank kay Will. “Iba ang boyfriend ko sa'yo—isa siyang tunay na department head na nagrereview ng bawat isang tender ng korporasyon. Alam mo ba kung gaano karaming tao sa Zamri ang kailangang sumunod sa kanya? Ang alam mo lang gawin ay masali sa away at kumapit kay Helen, para magmakaawang bigyan ka ng trabaho.”Hinampas niya nang paulit-ulit ang mesa habang tinawanan niya si Frank. “Walanghiya ka talaga—wala kang alam sa pagkakaroon ng trabaho, ano? At tinakda ka ni Helen bilang head ng health and safety department… Di ba ibig sabihin nun ay security guard ka lang? Oh, pinapatay mo ko sa kakatawa! Umaabot ba sa sampung libo ang buwanang sahod mo?!” Tum
Malamig na tumingala si Frank sa kanya. “Ano? Di ba ako pwedeng umupo rito?”Kaagad na nagalit si Will—matapang siya para sa isang hamak na bodyguard!“Hinanda kong maupo rito si Ms. Lane, dahil mayroon kaming malaking business deal na pag-uusapan.” Malamig na sabi ni Will. “Kaya bang akuin ng isang pinabangong security guard na kagaya mo ang mangyayari kapag sinira mo to para sa kanya?!”“Syempre naman.” Tinaas ni Frank ang mukha niya nang mukhang sinasadyang nagtataka. “Ano…” Nanggalaiti si Will. “Tama na yan.” Tinaas ni Helen ang isang kamay niya at pinigilan ang dalawang lalaki habang umupo siya sa tabi ni Frank. Habang nakatingin nang seryoso kay Will, sabi niya, “Kinuha ng pinsan kong si Cindy ang laptop ko. Pakibalik ito sa'kin kung nasa’yo pa rin ito.”Ito ang prayoridad niya dahil maraming sensitibong dokumento at papeles ng Lanecorp na naka-save sa laptop na iyon. Hindi ito dapat makita ng iba at masasaktan ang kumpanya kapag nalaman ito ni Will at ibenta niya ang
Namutla si Kallum habang nilamon siya ng kawalan ng pag-asa. Dumulas ang phone niya sa mga daliri niya at bumagsak ang malakas sa lapag. Talagang nakakatakot ang pagkamatay ni Cid, kagaya kung paanong hindi inasahan ni Kallum na aatakihin ni Victor ang anak niya nang hindi man lang siya binigyan ng tyansang manlaban.“Frank Lawrence… ang bodyguard ni Helen Lane? Ang head ng health and safety department?! S-Sino ba siya?!”Nakatulala niyang bulong bago nanahimik. -Samantala, nagmadaling bumalik sina Helen at Frank sa Lanecorp. Mananatili sila dapat sa labas, ngunit nakatanggap ng tawag si Helen mula kay Cindy, sinabi niyang dumating na ang bagong nobyo niya kasama ng laptop ni Helen. Gayunpaman, sa sandaling nakabalik sina Helen at Frank, lumapit sa kanila ang kalilipat lang na sekretaryang naghihintay sa pintuan at naiilang na nagsabi, “Ms. Lane, umalis ang pinsan mo kalahating oras ang nakaraan. Nag-iwan sila ng address at pinapapunta kayo sa kanila.”Kinuha ni Helen ang
"Hehe…"Nakangiti si Victor habang nilapitan niya si Frank, inabutan siya ng tasa ng tsaa, at nagtanong, “Mr. Lawrence, nakausap ko mismo si Tito Emilio at pinapasabi niya ang pagbati niya.”“Ganun ba.”Tumango si Frank—hindi talaga siya takot kay Victor, ininom pa niya kaagad ang tsaa at tumango. “Masarap ang tsaang to.”“Hehe… Kung gusto mo, pwede ko tong ipadala sa'yo, Mr. Lawrence.”“Hindi kailangan yan.” Tumanggi si Frank, iniunat ang likod niya, at lumingon kay Helen. “Pag-usapan natin ang utang mo sa Lanecorp. Kung tama ang pagkakaalala ko, 200 milyong investment funds ito, at tungkol naman sa interes…”“Oh, wag mong alalahanin yun.” Ngumiti si Victor at pinigilan si Frank sa pagbibilang—matalino siya para maintindihan ito. “Kumuha na lang kayo ng 300 milyon mula sa'kin, nang may interes na 100 milyon. Isipin niyo na lang itong regalo para sa Lanecorp. Pwede na ba yun?”“Oo.” Tumango si Frank. Gayunpaman, kumunot ang noo ni Helen. “Hindi tama yun. Tumagal na ang utang,
Sumugod sa Sorano Estate at pinilit silang humingi ng tawad? Kahit mga bata ay di maniniwala sa ganitong pantasya!“Titignan natin!” Madilim na ngumiti si Cid kay Frank. Suminghal naman si Frank—hindi niya pipigilan si Cid kung talagang gusto niyang mamatay, at hindi rin naman siya obligadong pigilan siya. Hindi nagtagal, bumalik si Victor nang may dalang isang tray ng tsaa at magalang itong nilapag sa mesa niya. Gayunpaman, bago niya ito maisalin, tumakbo si Cid papunta sa kanya at tinuro si Frank. “V-Victor, ininsulto ng batang yan ang pamilya mo! Kailangan mo siyang turuan ng leksiyon!”“Talaga?”Tumingala si Victor at mahinang nagtanong, “At ano namang sinabi niya?”“Sabi niya…”Mukhang tuwang-tuwa si Cid habang lumunok siya. “Sabi niya nakaaway niya ang mga Sorano, pagkatapos, sumugod siya sa Sorano Estate sa Morhen, sinaktan si Willy Sorano, at pinilit ang main family na humingi ng tawad.”"Hah!" Dumura si Cid nang may huwad na galit. “Hindi man lang niya tinignan a
Habang aligaga si Victor na kumpirmahin ang pagkatao ni Frank sa labas ng pinto, nakangiwi si Cid sa isang sulok sa loob ng opisina ni Victor. Nakatitig pa rin siya kay Helen sa gulat. “M-Magkasabwat kayo ni Victor, ano?”“Ni Victor?” Nagtaka si Helen—ito ang unang beses niyang makita ang may-ari ng Victorget, kaya paano siya makikipagsabwatan sa kanya?Lumingon siya kay Frank na natatawang nakangiti kay Cid. “Kung talaga isang siyang Sorano, malamang ay narinig na niya ako… At kung talagang totoo iyon, katapusan mo na.”“Ano?! Imposible!” Sigaw ni Cid nang nakaturo kay Helen habang nagreklamo siya, “Head ka lang ng Lane family, isang pamilyang may katamtamang kayamanan mula sa Southstream!”Pagkatapos, tinuro niya si Frank. “At isa ka lang pinabangong security guard! Paano ka nagkaroon ng koneksyon sa mga Sorano ng Morhen?!”Nagtataka ring lumingon si Helen kay Frank at bumuntong-hininga siya habang nagpaliwanag siya, “Nakaaway ko ang mga Sorano. Nang pinadala ni Nash Yego ang