All Chapters of The Girlboss Begs for Remarriage: Chapter 1061 - Chapter 1070

1080 Chapters

Kabanata 1061

Natulala ang lahat sa dramatikong pagpasok ng mga tauhan. Gayunpaman, malinaw na inihanda sila ni Kallum na maghintay malapit sa conference room, pagkatapos ay susugod sila kapag binigay na niya ang hudyat at papatayin silang lahat. Mas lalong namutla ang board members na tinalikuran siya sa nakita nila habang nakaramdam sila ng panganib. Tumawa nang malakas si Kallum, na para bang mas mababa sa kanya ang lahat ng tao roon. “Wag kang mag-alala, Helen.” Pagyayabang niya. “Hindi ka mamamatay nang mag-isa—sasama sa'yo ang mga duwag na hayop na'to! Mangarap kayo nang malaki hanggang sa kamatayan! Hahaha!!!”Ang hindi niya inasahan, hindi nataranta si Helen habang pinanood niyang sumugod sa loob ang mga tauhan. Ang totoo, nakangisi pa siya. “Hindi ba ikaw ang mababaw rito, Mr. Gaetz? Sa tingin mo ba talaga hindi ako handang lumaban? Syempre inasahan ko to!”Sa isang banda, pinagaan niya ang loob ng mga natatarantang board members para hindi sila magbago ulit ng isip. Sa kabila
last updateLast Updated : 2024-12-14
Read more

Kabanata 1062

Nang makita ang kakapalan ng mukha ni Frank, nagalit ang lahat ng mga tauhan. “Sama-sama tayong sumugod!” sabay-sabay nilang sigaw at magkakaisang sumugod papunta kay Frank. Klang!Tumutok si Frank nang eksaktong-eksakto, sabay sinipa ang isa pang sumugod na tauhan palabas ng isa pang bintana. Natural na hindi rin nakaligtas ang iba pang tauhan at nanatiling nakatayo si Frank sa mesa habang pinigilan niya lang lahat na makalampas sa kanya. Higit sampung tauhan ang tumalsik nang wala pang kalahating minuto, at dahil pinalipad sila palabas ng bintana mula sa ika-dalawampung palapag, walang dudang hindi sila makakaligtas. Nakakapangilabot ang mga sigaw nila. Nanahimik nang sobra ang mga board member na nangako ng katapatan kay Helen nang nakita nila ang kawalan ng pakialam ni Frank kasabay ng lahat ng ito. Gayunpaman, palihim silang nagdiriwang na mabuti na lang at hindi sila nagmatigas na manatili sa panig ni Kallum laban sa bagong board chairman nila. Kung hindi, tinapon
last updateLast Updated : 2024-12-14
Read more

Kabanata 1063

“Suhestiyon ko ay burahin na natin siya kaagad para maging babala sa iba!”“Hindi, kailangan nating bawiin sa kanya ang bawat isang sentimong ninakaw niya mula sa kumpanya nang maraming taon!”“Oo! Gagawin natin yan, pagkatapos ay buburahin natin siya!”Talagang nagalit si Kallum na marinig ang board members na napakamatapat sa kanya kanina ay handa na ngayong patayin siya. Gayunpaman, takot siyang magsalita, kahit na palihim siyang sumilip kay Frank habang iniisip kung kaya niyang gawing bitag si Helen bago ito mapansin ni Frank. Sa kabilang banda, palihim na tumawa si Helen habang nakinig siya sa mga sigaw ng board members habang nilaglag nila si Kallum. Lumingon siya kay Kallum, naningkit ang mga mata niya at nagtanong, “Ano, Mr. Gaetz. Sumusuko ka na ba, o hindi?”Lumingon palayo si Kallum—paanong nakapagtanong pa rin siya nang walang kwentang bagay sa puntong ito?!Pero handa na siya sa landas niya, at ipaglalaban niya ito hanggang sa huli!“Hindi, tumatanggi ako!” mal
last updateLast Updated : 2024-12-15
Read more

Kabanata 1064

Malamig na sabi ni Kallum, “May tatlong gawain ang Lanecorp na kailangang magawa kaagad. Tuparin mo ang lahat ng iyon, pagkatapos ay babayaran ko ang bawat isang sentimong kinuha ko at isusuko ko ang sarili ko sa pulis.”Pagkatapos, namumuhi niyang tinitigan si Helen mula sa gilid at nagsabing, “Ano? Matapang ka ba?” “Bakit ako dapat sumunod sa'yo?” Tinitigan naman siya ni Helen nang nagtataka. “Ipapadala kita kaagad sa awtoridad. Sa tingin mo may karapatan ka pang makipagnegosasyon?”“Hahaha!” Tumawa si Kallum, na sa gulat nila ay mukhang hindi naapektuhan. “Masyado kang mababaw, Ms. Lane! Kagaya ng sabi ko, may lulusutan ako—ang lahat ng perang kinuha ko ay binigay ko bilang donasyon sa isang charity organization na ako mismo ang may-ari. Gayunpaman, nasa ibang bansa ang headquarters nito. Oo nga, mapapatay ako kapag dinala mo ko sa pulis, pero wala kang kahit na anong mababawi!”Napatitig si Helen sa mayabang na mukha ni Kallum nang may masamang ekspresyon. Hindi nya inasahan
last updateLast Updated : 2024-12-15
Read more

Kabanata 1065

“Oh!” Sigaw ni Cindy habang pinalo niya ang sarili niyang noo nang napagtanto niya ito. “Pasensya na, Helen. Naging aligaga ako sa date ko kasama ng nobyo ko, kaya nakalimutan ko…”“Urgh…” Walang nasabi si Helen. Paulit-ulit siyang ginulo ni Gina Zonda—kung kaya’t binigyan ni Helen si Cindy ng trabaho. Gayunpaman, nagawang maakit ni Cindy ang isang lalaki mula sa urban development department ng Zamri. Nang nagtanong siya tungkol sa trabaho niya, sabi ni Cindy ay nagtatrabaho siya para sa Lane family para makaiwas sa pagkapahiya. Inisip ng lalaki na sa Lanecorp ng Zamri siya nagtatrabaho at hindi sa Lane Holdings ng Riverton. Kung kaya't pinakiusapan ni Cindy ang Tita Gina niyang magmakaawa kay Helen na ipasok siya sa Lanecorp. Si Helen na ngayon ang head ng Lane family—napakadali na lang maghanda ng trabaho para sa iba. Gayunpaman, sumakit ang ulo ni Helen sa isyu. Totoong madaling maghanda ng trabaho para kay Cindy, pero ang problema ay walang ibang alam gawin si Cind
last updateLast Updated : 2024-12-16
Read more

Kabanata 1066

At sa mga salitang iyon, hindi huminto si Helen para makinig sa sasabihin ni Gina at tinapos niya ang tawag. “Ano?!” Sumigaw si Cindy roon nang hindi makapaniwala. “May hindi ba ako nabalitaan rito?! Bakit ang babaw-babaw mo, Helen?! Nalate kang ako at nakalimutan ko ang laptop ko, tapos nagwawala ka na?! Pinsan mo ko, at personal na ipapadala ni Will ang laptop mo! Ano pa bang gusto mo?! Marami siyang ginagawa, at nagbigay na nga siya nang respeto sa pagsauli niya nito sa'yo!”Muntik pumutok ang ugat sa sentido ni Helen sa mga sinabi ni Cindy. Suminghal siya sa dismaya at pumasok sa opisina niya habang umiiling. Ayaw na niyang magsayang ng hininga kay Cindy. “Ano ba talagang problema mo?!” Nanatili si Cindy sa kinatatayuan niya habang pumapadyak. Sa malapit, nanood lang si Frank nang may mukhang nagpapakitang wala siyang pakialam. Security lang ang hawak niya at wala nang iba pa, pero naramdaman niyang tumaas ang presyon ni Helen at malapit na siyang sumabog. Bilang isang
last updateLast Updated : 2024-12-16
Read more

Kabanata 1067

Huminto si Helen bago nagpatuloy, “Gayunpaman, ngayong ako na ang head ng Lanecorp, kailangang kong bawiin ang pera natin. Naiintindihan mo?”“Oo, pero…”Nag-aalala pa rin si Owen—nagmula si Owen sa Riverton at hindi pa siya masyadong nagtatagal sa Zamir para malaman kung gaano kasama ang Victorget. Lalo na't walang iisang kategorya ang trabaho nila—marami silang propesyonal na bodyguard at tauhan, kasama ng ilang martial artists. Ang totoo, ang utang na binabanggit ni Kallum ay ang biennial fee na binigay niya kamakailan bilang paunang bayad. At ngayon, dapat bawiin ni Helen ang perang iyon mula sa kanila? Para na rin siyang dumiretso sa lungga ng lobo. “Ayos lang. Wag kang mag-alala—kasama ko ang head of security ko,” sabi ni Helen nang may malinaw na kaguluhan. “Seryoso ka ba, Helen?!” Sigaw ni Cindy. “Aasahan mo talaga si Frank na labanan ang isang buong kumpanya ng mga siga? Alam kong magaling siya, pero—”Bigla siyang huminto nang tinitigan na siya nang masama ni Hel
last updateLast Updated : 2024-12-17
Read more

Kabanata 1068

Umalis kaagad sina Helen at Frank at hindi nagtagal ay nakatayo na sila sa labas ng Victorget. Sa loob ng top floor office, nakipag-usap si Cid Gaetz, ang anak ni Kallum, sa isang kalbong lalaking may mabangis na itsura. Bata pa si Cid, pero malinaw na sanay na siyang makipag-negosasyon sa lalaking ito habang nagtulak siya ng tseke sa mesa niya. “Heto ang dalawampung milyon, Victor.”“Hmmm. Ano naman yan ngayon? O sa halip, sino naman yan ngayon?” Walang pakialam na tanong ni Victor habang nagsindi ng sigarilyo dahil matagal na niyang customer si Cid. “Hehe. Wala talaga akong takas sa'yo.” Ngumisi si Cid. “May problema ang tatay ko sa kumpanya niya at nakakulong siya ngayon sa sarili niyang opisina. Isa tong bagong board chairwoman na gustong kontrolin nang buo ang kumpanya, kaya nakaaway siya ng tatay ko… basta, nagpapasabi ang tatay ko na wag kang magsabi ng kahit na ano kapag sinabihan ka niyang magbayad ng utang. Pahiyain mo lang siya sa abot nang makakaya mo, pagkatapos…”
last updateLast Updated : 2024-12-17
Read more

Kabanata 1069

Kalmadong nagsalin ng tsaa si Victor sa tasa niya. “Wag kang mag-alala, Cid. Tiyak na gagawin ko to dahil nabayaran na ako.”Pagkatapos ay lumingon siya sa tauhan niya at sumenyas. “Papasukin mo sila!”“Sige, boss.” Umalis ang tauhan. Hindi nagtagal, pumasok sina Frank at Helen. “Ikaw pala… Eh?!” Kikilos na sana si Victor nang bigla siyang huminto. Para bang pamilyar para sa kanya ang mukha ni Frank, pero hindi niya maintindihan kung saan niya nakita ang lalaking ito noon…Nang makitang nakatitig si Victor kay Frank, kumunot ang noo ni Cid at tinawag siya. “Victor? Hello? Anong nangyari? Bakit ka nakatulala diyan?”“Ano? Oh, wala lang,” bulong ni Victor. Naisip niyang kamukha ni Frank ang lalaking nabanggit ni Emilio Soriano na hindi pwedeng banggain ng pamilya nila kahit anong mangyari. Kahit na ganun, isinantabi niya ang mga tanong sa isipan niya at lumingon kay Helen. “Anong maipaglilingkod ko sa'yo, chairwoman? Kakaupo mo pa lang sa Lanecorp, hindi ba?”Umiling siya
last updateLast Updated : 2024-12-18
Read more

Kabanata 1070

Umiling si Cid, pagkatapos ay tumawa. “Hindi ka mula sa Zamri, ano? Hindi mo ba alam kung sino ang hindi mo dapat banggain sa lungsod na'to? O baka… Alam mo ba kung sino ang sumusuporta kay Victor?”“Hindi, hindi ko kilala,” prangkang sagot ni Frank. Natulala si Cid sa pagiging prangka ni Frank pero pinakalma niya ang sarili niya at ngumisi. “Ang mga Sorano ng Morhen! Ayos lang din sa'king sabihin sa'yo ito—ang buong pangalan niya ay Victor Sorano!”“Ang mga Sorano?!” Bumagsak ang ekspresyon ni Helen. Lalo na't ang mga Sorano ang pinakamalakas na pamilya sa Morhen kasunod ng mga Lionheart. Kung talagang sinusuportahan ng mga Sorano ang Victorget, hindi na talaga nila mababawi ang pera ng Lanecorp. “Hehe…” Nakangiti rin si Victor nang makita ang pagkataranta sa mukha ni Helen. Pinilit ni Cid ang pagkalamang niya, sabay nagyabang kina Helen at Frank gamit ng impluwensiya ni Victor. “Ngayon, magbayad kayo ng limampung milyon bilang danyos dahil nagulo nito si Victor dito… at b
last updateLast Updated : 2024-12-18
Read more
DMCA.com Protection Status