All Chapters of Accidentally Married to a Playboy (Playboy Series #2): Chapter 41 - Chapter 50

64 Chapters

Chapter 40: Surprise

"Ano itong sinusumbong ni Luis sa akin na para ka raw kakatayin na baboy sa lakas ng pag-iyak mo kagabi, Hana?"Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng umagahan nong araw na iyon. Kumpleto sila dahil maagang nakauwi si Megan mula sa kanyang trabaho at si Mamang naman ay sinadya na magising ng maaga dahil may lakad siya. Sa kabilang dako, hindi naman nakatulog si Luis kakaisip sa naging kalagayan ni Mahana kagabi. Para siyang lantang gulay nang magising kasabay non ang pagsakit ng kanyang ulo."Naku! Mang, kung narinig nyo lang kagabi, iisipin niyo talaga na kinakatay siya sa sobrang lakas ng hagulgol niya." Pagsusumbong ni Luis, abala siya na nagtitimpla ng kape.Napakamot si Mahana sa kanyang ulo at napapahiyang ngumiti. "Ay malakas ba? Sorry, nanonood kasi ako ng kdrama kagabi e. Sobrang intense ng episode kagabi kaya hindi ko na napigilan pa ang luha ko." Paliwanag ni Mahana saka siya naupo sa tabi ni Luis."Sigurado ka?" Hindi kumbinsidong tanong ni Luis."Oo.." mabilis ba depensa ni
last updateLast Updated : 2024-06-23
Read more

Chapter 41: Unexpected Info

"Kung makasabi ka ng sorry sa'kin kahapon akala mo naman may ginawa ka sa'kin na ikakaguho ng mundo ko. Yon pala nagsosorry ka sa mga pagpapahirap na ginawa mo sa'kin lately. Aba! Kahit papaano, deserve ko yong sorry mo."Natawa silang dalawa dahil sa nangyari kagabi na paghingi ni Mahana ng sorry. Inamin ni Luis na nakaramdam siya ng kakaiba nong binitawan ni Mahana ang salitang iyon. Kaya naman pinagtawanan siya ng malala ni Mahana."Sira! Tungkol man yon pagpapahirap ko sayo o hindi, parehas pa din na gumuho ang mundo mo." Depensa ni Mahana. "Tsaka, para kang natatae sa sobrang kaba mo kagabi." Nagpakawala pa siya ng tawa."Aba! Malamang, sinong 'di kakabahan sa eksena natin kagabi. Hello! Umiiyak ka kaya, sa tingin mo anong iisipin ko nong mga oras na yon, aber?" Patutsada ni Luis at talaga pinangatawan niyang kinabahan siya ng malala sa pagtutuos nila ni Mahana."Kakainom mo yan ng kape, uy!" Usal ni Mahana kaya nakatanggap siya ng pisil sa pisngi mula kay Luis. "Nga pala, magbi
last updateLast Updated : 2024-06-24
Read more

Chapter 42: Ang Pagbabalik

"Kahit na anong mangyari, huwag na huwag kang mananakit ng babae, Luis."Napaarko pataas ang kilay ni Luis matapos marinig iyon mula kay Kenneth. Nasa sala silang dalawa, minabuti nila na sila lang ang mag-usap. Magkaharap silang dalawa at hindi maipaliwanag ang kaba na nararamdaman ni Luis."Kenneth, nagpapatawa ka ba? Nakakalimutan mo yata kung ano tayo e. Pre, playboy tayo, malamang nananakit tayo ng babae." Patawa-tawang sambit ni Luis."Hindi yon ang ibig kong sabibin." Seryosong tugon ni Kenneth. Nawala ang ngiti sa labi ni Luis dahil sa seryosong mukha ng kanyang kaibigan. "Luis, pisikal na pananakit ang tinutukoy ko.""What do you mean by that, Ken?"Napabuntong-hininga ng malalim si Kenneth. "Pre, babae yong suspek ng pekeng kasal niyo."Namilog ang mata ni Luis sa gulat. "What?""Nakakagulat man pero yon ang totoo." Saad ni Kenneth. "Sinubukan naming gawan ng paraan ni Chris yong cctv footage. Hindi siya ganon kalinaw pero, pre, babae yong nakita namin.""Paanong...""Yong
last updateLast Updated : 2024-06-28
Read more

Chapter 43: Priority

"Let's go home na, Luis. Uwi ka na sa'kin." Walang kahirap-hirap na yumakap si Misty sa matipunong braso ni Luis. Para itong isang higad na wagas makadikit sa katawan ng lalaki. Taas-kilay ang naibatong tingin ng pamilya ni Mahana rito. Habang si Mahana ay hindi maipaliwanag ang lungkot na kanyang nadarama nong mga oras na yon. Ang totoong nagmamay-ari kay Luis, ayon at sinusundo na siya."Misty, how did you know na nandito ako? I didn't tell you about this right?" Nagtatakang tanong ng lalaki. May tuwa siyang nararamdaman dahil nakita na niya sa wakas ang babaeng pinakamamahal niya pero mas nanaig ang kanyang pagtataka."Nalaman ko kay Rhaiven, so napasugod na 'ko agad dito para sunduin ka." Sagot ng babae.Nagtama ang tingin nina Luis at Mahana na nagulat sa pagdating ni Misty. Nawala tuloy sa isip ni Luis na may gusto sanang sabihin sa kanya si Mahana."Anyway, Misty, this is---""Mahana, yeah, I already know her.." pamumutol ni Misty sa sasabihin ng lalaki. Kumalas ito sa pagkaka
last updateLast Updated : 2024-07-02
Read more

Chapter 44: Cancel

"Adik ka ba? Aayain mo siya ng kasal e ni label wala kayo."Pinagtawanan ng malala nina Rhaiven, Chris at Kenneth ang kanilang kaibigan na si Luis matapos ipaalam sa kanila ang binabalak nitong proposal kay Misty mamayang gabi. Suportado naman sila rito pero hindi nila maiwasang pagtawanan ito dahil hindi pa naman sila magjowa."Sus! Doon lang din naman ang punta namin e. Aksaya lang sa panahon yang pagiging magirlfriend/ boyfriend na yan. Kung talagang mahal mo ang isang tao, pakasalan mo na agad." Depensa ni Luis saka lumahok sa nakalatang alak pagkatapos ay kumuha ng pulutan nilang kornik."Hindi naman sa basher ako ah, sobrang pangit talagang tignan, Luwi. Ni hindi ka pa nga sigurado kung handa na siya e." Komento ni Rhaiven na pinaglalaruan sa kanyang kaliwang kamay ang hawak na alak."Agree ako kay Rhai, tsaka hindi naman porket mahal mo e papakasalan mo na agad e. Pre, dinadaan lahat yan sa proseso." Sabat naman ni Chris sa usapan."Hindi kaya dala lang yan ng pagkamiss mo kay
last updateLast Updated : 2024-07-03
Read more

Chapter 45: Sugod

"Gago! Seryoso ka ba?"Hindi maipinta ang kaba sa mukha ni Kenneth habang tinititigan ang kanyang kaibigan na si Luis na naroon sa sofa, nakaupo. Kaagad siyang pinuntahan ni Luis dahil kinakain ito ng sobrang takot."Pre, seryoso ako. Mukha ba kong nagbibiro?""Shit! Paano kapag nasundan ka nya dito sa condo ko? Pocha! Baka patayin rin nila ako, Luwi. Hoy! Kakasagot pa lang ni Alona sa'kin, hindi pa ko pwedeng mamatay." Aligagang usal ni Kenneth dahil masyado siyang kinakain ng pag-ooverthink."Kumalma ka nga. Kita mo na ngang kinakabahan ako dito, ginagatungan mo pa. Pwedeng mag-isip ka nalang ng paraan?""Paraan? Anong paraan naman ang gusto mong gawin ko? Pre, ultimo mata nila hindi namin kabisado e. Kumbaga, para tayong nakikipaglaban sa multo na nararamdaman natin pero hindi natin nakikita.""Kenneth, wala na tayong oras. Ano, hihintayin ba natin na may kitilin muna silang buhay bago tayo kumilos?""Shit naman e!"Nagplano sila ng gagawin dahil masyado ng delikado ang sitwasyon.
last updateLast Updated : 2024-07-04
Read more

Chapter 46: Bukingan

"You're just pretending, right? All the sweet moments infront of me with Mahana is FAKE!"Napalunok siya nang marinig ang madidiin na salitang binitawan ng kanyang Lola nang malaman nito ang buong katotohanan sa likod na pagiging mag-asawa nila ni Mahana."Lola, everything is pure. Ba-bakit naman kita lololohin?" Sinusubukan ni Luis na magsinungaling alang-ala sa reward na inaasam nito."I already know the whole truth, Luis. Huwag mo ng subukang magsinungaling." Matalim ang tingin na itinapon ng matanda sa kanya. "Mahana confess everything to me."Doon na bumagsak ang mundo ni Luis nang tuluyan na siyang inilaglag ni Mahana. Nakaramdam siya ng galit dahil hindi sumunod si Mahana sa napag-usapan nila. Hindi niya alam kung anong dahilan ni Mahana at bigla na lamang siyang inilaglag nito."La, let me explain..""No! You don't have to. Bawat detalye, bawat pangyayari, naipaliwanag na ni Mahana sa'kin. I just want you to be honest with me, Luis.""I-i'm sorry, Lola.." napayuko si Luis sa s
last updateLast Updated : 2024-07-06
Read more

Chapter 47: Options

"Bakit ba hindi mo maramdaman na mahal kita, Luis?"Patuloy na umaagos ang luha ni Hana sa kanyang pisngi sa mga oras na iyon habang sinusubukan naipahayag ang tunay nitong nararamdaman para kay Luis.Napangaga si Luis sa gulat, hindi niya inaasahan na maririnig niya ang salita na iyon mula kay Mahana. Hindi siya naging handa. Mas lalong hindi niya inaasahan na sa kabila ng lahat ay may pagmamahal pa rin na natira sa kanya ang babae.Hindi siya nakapagsalita habang nakatitig sa mukha ni Mahana. Sa sobrang gulat ay hindi na niya alam ang nararapat niyang sabihin. Pakiramdam niya ay tinakasan siya ng sarili niyang katinuan."Potangina naman, Luis, inulit mo na namang ipinaramdam 'yong sakit na binigay mo sa'kin nong highschool tayo. Ako naman 'yong palaging nandito pero bakit siya pa rin 'yong hinahanap-hanap mo?" Humahagulgol na sambit ni Mahana. Sobra siyang nasasaktan nong mga oras na iyon sa kadahilanang mas mahal pa rin ni Luis si Misty."Si Misty, kahit hindi mo nakikita, mahal mo
last updateLast Updated : 2024-07-13
Read more

Chapter 48: Decision

"Akala ko ayaw mo na sa'kin. At akala ko din hindi mo na 'ko kakausapin."Sinalubong siya ng apir saka mahigpit na yakap ni Kenneth pagpasok niya sa condo nito. After ng ilang araw na walang pansinan sa kanilang magtotropa, sa wakas ay nakapag-usap na sila. Tanging si Kenneth lamang ang alam niyang matatakbuhan kapag ganoon na nilalamon siya ng problema. Mas madali siyang mag-open up ng problema dito kaysa sa dalawa."Oh, inom ka." Iniabot ni Kenneth ang kabubukas niya lang na bote ng alak kay Luis na noon ay makaupo na sa pang-isahang sofa sa may sala. "Ano ng balita sa'yo? Ano na namang problema mo at nandito ka?" Pagtatanong ni Kenneth nang makaupo na siya.Lumagok muna si Luis sa hawak niyang bote ng alak bago sinagot ang tanong na iyon ni Kenneth. Tinitigan niya ito saka marahan na pinunasan ang gilid ng labi gamit ang likod ng palad niya."Tsk! Sa inyong tatlo, ikaw ang madaling suyuin kaya sa'yo ako nagpunta. Alam mo naman na dinaig pa ng babae kung magtagpo ang dalawa." Pagtut
last updateLast Updated : 2024-07-14
Read more

Chapter 49: Changes

"What if magpadrug test ka na, Luwi? Malala ka na yata e." Suhestiyon ni Kenneth nang malaman ang tungkol sa nadiskubre ni Luis sa kanyang nililigawan na si Misty na halos nagpagulo sa kanyang katinuan."Tangina! Ken, seryoso ako. Matino pa 'ko sa lagay ko na 'to, hindi ako nasisiraan ng ulo." Depensa ni Luis na hindi mapakali sa harapan ni Kenneth na nagpabalik-balik ng lakad. Nasa iisang sofa naman na nakaupo sina Chris na nakadekwatro habang nilalamutak ang hawak na bote ng alak at si Rhaiven na may nakakandong na laptop sa kanya. Hindi lubos akalain ni Luis na darating 'yong dalawa kahit pa man hindi pa niya bati ang mga ito."Sa dinami-rami ng tao dito sa mundo, hindi lang naman siya ang may ganon klase ng pabango e. 'Yong mga nakausap niyang mga tao, malay mo mga relatives niya lang." Komento naman ni Chris na naging dahilan para mapunta sa kanya ang atensyon ng lahat maliban kay Rhaiven na abala pa rin sa pagscroll sa kanyang laptop."Kilala ko ang bawat myembro ng pamilya niy
last updateLast Updated : 2024-07-21
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status