"Kung makasabi ka ng sorry sa'kin kahapon akala mo naman may ginawa ka sa'kin na ikakaguho ng mundo ko. Yon pala nagsosorry ka sa mga pagpapahirap na ginawa mo sa'kin lately. Aba! Kahit papaano, deserve ko yong sorry mo."Natawa silang dalawa dahil sa nangyari kagabi na paghingi ni Mahana ng sorry. Inamin ni Luis na nakaramdam siya ng kakaiba nong binitawan ni Mahana ang salitang iyon. Kaya naman pinagtawanan siya ng malala ni Mahana."Sira! Tungkol man yon pagpapahirap ko sayo o hindi, parehas pa din na gumuho ang mundo mo." Depensa ni Mahana. "Tsaka, para kang natatae sa sobrang kaba mo kagabi." Nagpakawala pa siya ng tawa."Aba! Malamang, sinong 'di kakabahan sa eksena natin kagabi. Hello! Umiiyak ka kaya, sa tingin mo anong iisipin ko nong mga oras na yon, aber?" Patutsada ni Luis at talaga pinangatawan niyang kinabahan siya ng malala sa pagtutuos nila ni Mahana."Kakainom mo yan ng kape, uy!" Usal ni Mahana kaya nakatanggap siya ng pisil sa pisngi mula kay Luis. "Nga pala, magbi
"Kahit na anong mangyari, huwag na huwag kang mananakit ng babae, Luis."Napaarko pataas ang kilay ni Luis matapos marinig iyon mula kay Kenneth. Nasa sala silang dalawa, minabuti nila na sila lang ang mag-usap. Magkaharap silang dalawa at hindi maipaliwanag ang kaba na nararamdaman ni Luis."Kenneth, nagpapatawa ka ba? Nakakalimutan mo yata kung ano tayo e. Pre, playboy tayo, malamang nananakit tayo ng babae." Patawa-tawang sambit ni Luis."Hindi yon ang ibig kong sabibin." Seryosong tugon ni Kenneth. Nawala ang ngiti sa labi ni Luis dahil sa seryosong mukha ng kanyang kaibigan. "Luis, pisikal na pananakit ang tinutukoy ko.""What do you mean by that, Ken?"Napabuntong-hininga ng malalim si Kenneth. "Pre, babae yong suspek ng pekeng kasal niyo."Namilog ang mata ni Luis sa gulat. "What?""Nakakagulat man pero yon ang totoo." Saad ni Kenneth. "Sinubukan naming gawan ng paraan ni Chris yong cctv footage. Hindi siya ganon kalinaw pero, pre, babae yong nakita namin.""Paanong...""Yong
Breath in....Breath out....Breath in....Breath out....Hindi mabilang na buntong-hininga ang nagawa ko matapos buksan ang bagong dating na papel sa akin na ngayon ay hawak-hawak ko na nagiging dahilan para manginig ang kamay ko sa kaba.Titig na titig ako sa kapirasong papel na hawak ko na hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Gusto ko itong punitin pero naubusan ako ng lakas. Hindi maalis ang tingin ko sa dalawang salita na alam kong makakapagpabago sa buhay ko.Sinusubukan kong iproseso ng maayos kung tama ba ang pagkakabasa ko sa dalawang salita na malalaki na nakasulat sa pinakaitaas ng papel. Marunong naman ako magbasa pero bakit nabobo ako bigla sa papel na ito? Bakit biglang hindi gumana ang utak ko?Sa isang iglap, hindi ko akalain na biglang magbabago ang buhay ko. Isang gabi na puno ng saya pero nabahiran nito ang nananahimik kong buhay ng kaba at pangamba.Paano ko haharapin ito? Hindi ako naging handa sa bagay na ito. Wala pa ito sa plano ko pero dumating ito sa pan
LUIS'S POV"Yeah! Inom pa! Magpakalasing tayo ngayong gabi..."Walang kahirap-hirap ko na itinungga ang bagong bukas na wine na kinuha ko mula sa cabinet ng condo ko. Oo, nandito kami sa condo ko, hindi dahil nagtitipid kami kundi dahil dito mas komportable kaming uminom, iwas pa sa gulo.Kumuha rin ako ng ilang plato dahil sakto na kararating din ng inorder kong pulutan namin sa isang fastfoodchain. I was with my friends, Kenneth and Chris, Rhaiven's presence is absent, as usual. Dinadamdam niya pa rin hanggang ngayon 'yong pagkawala ni Haila sa kaniya. Although, hindi naman namin siya masisisi kung bakit ganoon katagal siya magmoveon.After our graduation, wala na yata kaming ginawa kundi ang icelebrate ang achievement na nalagpasan namin ang college life. Almost one month na rin mula nong grumaduate kami. And yes, hanggang ngayong nagcecelebrate pa rin kami. Ganito kami kasaya na sa wakas ay mga degree holder na kami. College life is one of the worst part of my life as a student.
"Luis, fix yourself na dahil sasama ka meeting namin with Mr. Choi para sa business natin. Dapat ngayon pa lang ay matuto ka na para incase ibigay na namin sa iyo ang negosyo ay alam mo na ang gagawin mo."Napatakip ako ng unan sa teinga ko dahil tanghaling tapat ay nandito na si Mama sa kwarto, nanenermon. Laking pagsisisi ko tuloy na umuwi dito dahil sa pagiging bungangera niya. Mas mainam pa sa condo, wala akong sermon na maririnig mula kay Mama."Bumangon ka na diyan." Hinila niya iyong kumot na nakatakip sa akin. "Saan ka na naman ba nagpunta kagabi at tinanghali ka na naman ng gising?""Ma, sa bar lang.." walang gana na sagot ko."Jusko, Luis, araw-araw na 'yang paglabas mo ng gabi para makipag-inuman ha. Imbes na 'yan ang atupagin mo, bakit hindi 'yang pag-aasawa mo ang asikasuhin mo.""Si Mama naman, kakagraduate ko pa lang, gusto mo na 'ko agad mag-asawa." Napakamot ako sa aking sentido."Aba! Kung puro barkada ang aatupagin mo, hindi ka magkakaroon ng inspiration na magsettl
"Tangina ka! Legal 'to, pre.."Pinagpapasa-pasahan nina Kenneth, Chris, at Rhaiven 'yong marriage contract upang makita nila ito at mahawakan. Hindi ako nag-aksaya ng oras para tawagan sila para makahingi ng tulong. Akala nila nong una ay nakikipagbiruan lang ako sa kanila hanggang sa nagpakita ako ng proof ay nagsitakbukhan na sila papunta dito sa condo ko."Sabi sa inyo e, ayaw nyo pang maniwala kanina." Tugon ko at inilapag 'yong mga bote ng alak sa center table dito sa may sala para may mapagsaluhan naman kami. Hindi ko nakalimutan syempre 'yong pulutan namin."Aba! Malay ba natin kung nantritrip ka lang? Kilala ka pa naman namin." Patutsada ni Chris at kinuha iyong iniabot kong bote ng alak matapos kong alisin ang takip nito.Isa-isa ko rin na inabutan sina Kenneth at Rhaiven ng bote ng alak na noon ay sinusuri pa rin 'yong marriage contract. Nakakatuwa dahil sa wakas naisama nila si Rhaiven.Matapos ko silang bigyan ng kani-kanilang mga iinumin, naupo na ako sa pang-isahang sofa
“Welcome to our family, Mahana…” Mula rito sa may main door ng bahay namin, rinig na rinig ko na ang masayang tugon na iyon ni Mama. Patakbo akong nagtungo sa may sala at nakita ko ang babaeng kayakap ni Mama, nakadress ito ng babypink ang kulay na may kabagsakan ang buhok. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil nakatalikod ito sa akin. Sumunod naman siyang winelcome ni Papa at huli sa pila si Alyssa na nagpipigil ng tili. “Anong welcome?” Pang-aagaw ko ng kanilang atensyon at doon ko na nakita ang kabuuan ng babae. Psh! Kagaya pa rin ng dati, ang pangit pa rin.“Hi there, son..” Lumapit si Mama sa akin saka niyakap ng sobrang higpit na talaga namang mararamdaman mo sa mga bisig nito ang tuwa. Kahit wala siyang sabihin, alam ko at ramdam ko na ang tuwa sa puso niya na sa wakas ay natupad na ang pinakamalaking pangarap niya sa akin at iyon ay ang makapag-asawa na.“Bakit niyo winewelcome ang babaeng ‘yan?" Taas kilay kong tanong, nagpalipat-lipat pa ako ng tingin sa kanilang tatlo at
"Ikaw na ang bahala sa Misis mo, Luis at kami ay matutulog na."Akay-akay ni Mama si Papa na halos lantang gulay na ang kalagayan dahil tinamaan na ng sobra ng kalasingan. Matapos kasi ang dinner ay nagyaya pa sila na uminom, go na go naman pati 'yong mga kamag-anak ko na pare-parehas din na lasing na, maliban kay Lola na nauna nang pumaroon sa may kwarto upang matulog. At kagaya ng sabi ni Lola, nagcelebrate nga sila pero hindi ako halos nakaramdam ng tuwa.Tinulungan ko si Mama na alalayan si Papa hanggang sa kwarto nila. Malakas kasi siyang uminom kagaya ko kaya wag na kayo magtama kung kanino ako nagmana sa pagiging lasinggero."Oh, saan ka pupunta?"Napansin ko na tinatahak ni Mahana ang daan palabas ng main door ng bahay namin nang pababa na ako sa may hagdanan."Uuwi na."Hinabol ko siya hanggang sa makalabas kami ng bahay. Tuloy-tuloy siya sa paglalakad at nakabuntot lang ako sa kanya."Ba't ka nakasunod sa'kin?" Huminto ito sa paglalakad at hinarap ako na makikita sa mukha