"Bakit ba hindi mo maramdaman na mahal kita, Luis?"Patuloy na umaagos ang luha ni Hana sa kanyang pisngi sa mga oras na iyon habang sinusubukan naipahayag ang tunay nitong nararamdaman para kay Luis.Napangaga si Luis sa gulat, hindi niya inaasahan na maririnig niya ang salita na iyon mula kay Mahana. Hindi siya naging handa. Mas lalong hindi niya inaasahan na sa kabila ng lahat ay may pagmamahal pa rin na natira sa kanya ang babae.Hindi siya nakapagsalita habang nakatitig sa mukha ni Mahana. Sa sobrang gulat ay hindi na niya alam ang nararapat niyang sabihin. Pakiramdam niya ay tinakasan siya ng sarili niyang katinuan."Potangina naman, Luis, inulit mo na namang ipinaramdam 'yong sakit na binigay mo sa'kin nong highschool tayo. Ako naman 'yong palaging nandito pero bakit siya pa rin 'yong hinahanap-hanap mo?" Humahagulgol na sambit ni Mahana. Sobra siyang nasasaktan nong mga oras na iyon sa kadahilanang mas mahal pa rin ni Luis si Misty."Si Misty, kahit hindi mo nakikita, mahal mo
"Akala ko ayaw mo na sa'kin. At akala ko din hindi mo na 'ko kakausapin."Sinalubong siya ng apir saka mahigpit na yakap ni Kenneth pagpasok niya sa condo nito. After ng ilang araw na walang pansinan sa kanilang magtotropa, sa wakas ay nakapag-usap na sila. Tanging si Kenneth lamang ang alam niyang matatakbuhan kapag ganoon na nilalamon siya ng problema. Mas madali siyang mag-open up ng problema dito kaysa sa dalawa."Oh, inom ka." Iniabot ni Kenneth ang kabubukas niya lang na bote ng alak kay Luis na noon ay makaupo na sa pang-isahang sofa sa may sala. "Ano ng balita sa'yo? Ano na namang problema mo at nandito ka?" Pagtatanong ni Kenneth nang makaupo na siya.Lumagok muna si Luis sa hawak niyang bote ng alak bago sinagot ang tanong na iyon ni Kenneth. Tinitigan niya ito saka marahan na pinunasan ang gilid ng labi gamit ang likod ng palad niya."Tsk! Sa inyong tatlo, ikaw ang madaling suyuin kaya sa'yo ako nagpunta. Alam mo naman na dinaig pa ng babae kung magtagpo ang dalawa." Pagtut
"What if magpadrug test ka na, Luwi? Malala ka na yata e." Suhestiyon ni Kenneth nang malaman ang tungkol sa nadiskubre ni Luis sa kanyang nililigawan na si Misty na halos nagpagulo sa kanyang katinuan."Tangina! Ken, seryoso ako. Matino pa 'ko sa lagay ko na 'to, hindi ako nasisiraan ng ulo." Depensa ni Luis na hindi mapakali sa harapan ni Kenneth na nagpabalik-balik ng lakad. Nasa iisang sofa naman na nakaupo sina Chris na nakadekwatro habang nilalamutak ang hawak na bote ng alak at si Rhaiven na may nakakandong na laptop sa kanya. Hindi lubos akalain ni Luis na darating 'yong dalawa kahit pa man hindi pa niya bati ang mga ito."Sa dinami-rami ng tao dito sa mundo, hindi lang naman siya ang may ganon klase ng pabango e. 'Yong mga nakausap niyang mga tao, malay mo mga relatives niya lang." Komento naman ni Chris na naging dahilan para mapunta sa kanya ang atensyon ng lahat maliban kay Rhaiven na abala pa rin sa pagscroll sa kanyang laptop."Kilala ko ang bawat myembro ng pamilya niy
"Stop fucking fooling me, Misty!"Takot na takot si Misty sa hindi maipintang galit sa mukha ni Luis nang nasa labas na sila ng coffee shop na iyon. Ipinagkatiwala muna ni Misty si Nick sa mga staff ng naturang shop na iyon upang mapakalma si Luis. Kahit binabalot siya ng takot upang harapin ang lalaki, nilakasan na lamang niya ang kanyang loob."Luis, ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo, ha?" Singhal niya sa lalaki. Gustuhin man na pigilan ni Misty ang kanyang galit dahil mas inaalala niya ang kalayagan ni Luis pero hindi siya makapagpigil. She felt disappointed at hindi niya mapapalagpas ang pagbubugbog na iyon na ginawa ni Luis."Tangina! After how many years that I waited for you, ipagpapalit mo lang ako don? Bakit, porket ba mas matangkad ba 'yon sa'kin? Mas gwapo sa'kin? Ha?" Nangigigil na usal ni Luis at kapansin-pansin sa kamao nito na handa na kahit na anong oras para sumuntok.Taas kilay ang ginawa ni Misty na titig sa lalaki. "What are you talking about, Luwi?""Pocha! Huwa
"Kung ako sa'yo, 'di ko na itutuloy 'yong annulment. Mas pipiliin ko nalang na ayusin 'yong relasyon naming mag-asawa dahil baka sakaling may chance pa." Komento ni Kenneth na naging dahilan para mapasulyap sa kanya si Luis na noon ay nakatulala lang sa kawalan.Napailing si Luis saka ibinaba sa center table iyong bote ng alak na kanyang iniinom. "Tangina! Katatapos lang ng heartbreak ko sasabihin mo 'yan sa'kin?" Iritableng tugon ni Luis.Bahagyang natawa si Kenneth saka pinunasan ang gilid ng kanyang labi gamit ang likod ng kanyang palad. "Langya! Kahit umiyak ka ng dugo 'dyan, maglaklak ng araw buong araw, at lumuhod sa pagmamakaawa, hindi ka na non babalikan. Wala na e, tinapos na niya. Siya pa nga ang nagtutulak sa'yo na huwag ituloy 'yong annulment niyo ni Mahana e. Doon pa lang, dapat ramdam mo ng ayaw na ni Misty sa'yo.""Tsk! Sinabi niyang mahal niya ako tapos ngayon, pinagtutulakan niya ako kay Mahana. Tangina! Siya ang mahal ko e. Siya ang gusto kong pakasalan. Siya ang gu
"Hindi ba't sinabi ko na sayo na huwag mo na 'kong sunduin?"Tanging ngisi lamang ang naisagot ni Luis sa singhal na iyon ni Mahana sa kanya. Hindi inaasahan ni Mahana na pagkabukas niya ng pinto ay mukha ni Luis ang makikita niya. Pinagtaasan niya ito ng kilay habang nakatitig sa mukha ng lalaki. Walang pasabi na pumasok sa loob si Luis saka tahimik na naupo sa sofa ng apartment ni Mahana. Pinanood lamang siya ng babae habang nakapameywang. Papalayasin sana niya ang lalaki kaso sobrang ganda na ng upo nito sa may sofa. "Tapos ka na bang mag-ayos?" Pagtatanong ni Luis na animoy nagkaamnesia sa mga nangyari. "If hindi pa, okay lang. I'm willing to wait." Kumuha siya ng magazine sa kaharap nitong center table.Pinanood ni Mahana kung paano umayos ng upo ang lalaki. Nanatili pa rin na nakakunot ang kanyang noo dahil sa presensya nito. Iyong excitement niya sa birthday party ni Lola Lucita ay para bang nalusaw. "Pwede ba, huwag mo na 'kong hintayin. Mauna ka na. Magtataxi nalang ako pa
"Anong kasunduan? Anong napag-usapan, ha, Luis?"Parang tuta na nakasunod si Mahana kay Luis palabas ng resort matapos ang munting program na ginanap para sa birthday party ni Lola Lucita. Matapos magsinungaling ni Luis, hindi na mapalagay si Mahana. Gustong-gusto niyang komprontahin si Luis pero wala siya sa lugar. Tiniis niya ang kanyang inis hanggang sa may pagkakataon upang kausapin ang binata."Kausapin mo nga 'ko." Naiiritang singhal ni Mahana nang hindi pa rin siya pinapansin ni Luis. Tuloy-tuloy pa rin ito sa paglakad palabas. Hindi ininda ni Mahana ang sakit ng kanyang paa sa suot nitong high heel. Kating-kati na siyang komprontahin ang lalaki lalo na't hindi niya nagustuhan ang sinabi nito na may plano silang sumali sa renewal of vows ng kanyang mga in laws."Luis, ano ba, pwede ba, kausapin mo 'ko? Pag 'di ka pa huminto sa kakalakad, babatuhin na kita ng sandal ko dyan." Pagbabanta niya dahil nag-aapoy na siya sa inis.Bahagyang napahinto si Luis hindi dahil natatakot siya
"Pamine mga bhie, bra, cup B size thirty two. Bagay 'to sa mga malalaki ang dyoga. Pamine na, bilis." Pang-aakit ni Luis sa mga viewers nila sa kanilang live selling ng mga produkto ni Mahana. Nakatanggap siya ng malakas na hampas mula kay Mahana na nakaupo sa likod nito. Natawa si Mahana pero mas nanaig ang kanyang inis sa mga sinabi ni Luis."Ang baboy mo talaga. Ayusin mo naman." Suway ng babae sa kanya sabay pinagdilatan siya ng mata."Bakit? Anong baboy don? E sa bra 'tong binebenta ko e. Maaakit ko ba sila kung sasabihin kong bagay 'to sa flat chested? Hindi naman, 'di ba?" Depensa ni Luis habang hawak-hawak iyong bra na kanyang binebenta."Oo nga pero ifilter mo naman 'yang sasabihin mo. Ma-ban pa 'yong account ko sa'yo e." Napakamot si Mahana sa kanyang ulo."Tsk! Ikaw na nga 'tong tinutulungan." Bulong ni Luis saka humarap ulit sa selpon upang ipagpatuloy ang kanyang ginagawa."Anong sabi mo?""Wala, sabi ko, icheck mo na baka may nagmine na." Palusot nito. "Okay, next item
"Mahana, anak ko..."Maririnig sa kuwadradong silid na kinaroroonan nila ang masakit na paghagulgol ni Meredith habang yakap-yakap nito ang kanyang anak na si Mahana na walang malay na nakahiga sa hospital bed.Sa tinig ng pag-iyak nito ay sapat lamang upang maramdaman nila ang sakit na dumudurog sa dibdib ng ginang. Walang nagawa ang apat na lalaki kundi ang panoorin na lamang ang ginang at hayaan na maramdaman ang yakap nito mula sa kanyang anak.Napayuko si Luis dahil nahawa siya sa pagiging emosyonal ni Meredith. Sinubukan niyang itago ang emosyon nito pero habang naririnig niya ang pag-iyak ng ginang ay nadadala siya. Naramdaman niyang hinagod-hagod ni Rhaiven ang kanyang likod, nakatulong naman iyon ng konti para gumaan ang kanyang pakiramdam. Malaking pasasalamat niya na sa kabila ng hindi nila pagkakaintindihan ni Rhaiven ay nagawa pa rin siya nitong tulungan."Sir...patawarin niyo po ang anak ko..."Napunta ang kanilang tingin kay Meredith na dahan-dahan na naglakad palapit
"She's a cancer patient, Luis.."Halos malaglag ang panga ni Luis matapos marinig ang balitang iyon mula sa Lola Luisa niya. Ang salitang cancer rin ang tumatak sa mata niya pagkakita sa iniabot nitong envelope kanina na naglalaman ng impormasyon sa totoong karamdaman ng babae.Nakaramdam ng panlulumo si Luis matapos malaman ang totoo. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang tumayo kaagad upang puntahan si Mahana pero ramdam niyang wala siyang lakas. Mas nanaig ang kalasingan na kanyang nararamdaman."No...you're joking, La. She's not..." napailing-iling pa si Luis na pilit hindi pinapaniwalaan ang kanyang nalaman. Nag-unahang bumagsak ang mga butil ng luha sa kanyang pisngi. "Apo, kaya siya pumayag sa gusto ng mama mo ay dahil gusto niyang makita ang tatay niya bago siya mawala. Ang kapalit ng pagpapanggap niya at panloloko sa'yo ay ang pagkikita nila ng tatay niyang matagal na niyang hinahanap. Nararamdaman na kasi niya na hindi na siya magtatagal. She take risk, Luis." Pagpapaliwanag n
"Matagal na naming alam." Pambabasag ni Rhaiven sa katahimikan habang pinapanood nila si Luis na nilulunod ang sarili sa alak. Ni hindi na nila ito maawat at walang kahirap-hirap na inuubos ang mga alak na inorder nito. Napahinto si Luis sa paglagok ng bote ng alak na kanyang hawak. Diretso niyang tinapunan ng tingin si Rhaiven na seryosong nakatitig naman sa kanya. "What do you mean?"Nagkatinginan muna ang tatlo. Matagal na silang may alam pero nanatili silang tahimik at hinayaan na si Luis mismo ang makabisto kay Mahana. Palihim naman nila itong minamanmanan nang sa ganon ay may ebidensya sila kung sakaling pilit itong ideny ng babae.Sinenyasan ni Kenneth si Rhaiven na siya na lamang ang magpaliwanag kay Luis. Tutal siya naman ang unang nakaalam ng katotohanan dahil pasikreto itong kumuha ng imbestigador upang asikasuhin ang kaso nina Luis. Sa hindi inaasahang pagkakataon, may hindi kanais-nais siyang nalaman at iyon ay dawit si Mahana."Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin
"Let's talk, Mahana..."Malalaking hakbang ang ginawa ni Luis para maabutan si Mahana na dali-daling naglalakad papunta sa kwarto nila sa tinuluyan nilang hotel. Gusto niyang malaman ang katotohanan sa paratang ng kanyang pamilya laban kay Mahana. Hindi nag-antubili si Mahana na ipaliwanag ang kanyang sarili matapos ang hindi inaasahan na pagbubuking ng pamilya ni Luis sa kanya. Ang tanging paraan na naisip niya lang ay ang magwalk-out. Hindi siya nakapaghanda sa bagay na 'yon na matutuldukan ng biglaan ang kasinungalingan niya."Luis, please, huwag ngayon...." Mabilis na binawi ni Mahana ang braso niya na nahuli ni Luis pagdating nila sa tapat ng kanilang kwarto. Sinamantala ni Mahana na pihitin ang doorknob para makapasok na siya sa loob kahit ang totoo ay wala siyang takas kay Luis. "Hana, ano ba! Kausapin mo 'ko.." muling humakbang ng malaki si Luis upang maabutan si Mahana nang tuluyan na silang makapasok ng kwarto. Sinubukan niyang pakalmahin si Mahana upang makausap niya it
"Small world nga naman at dito pa tayo nagkita-kita. Kayo naman, hindi naman kayo nagsabi na pupunta pala kayo ng Baguio, e di sana nakisabay na kami para isahan na lang 'yong pagbyahe natin." Usisa ni Arlene, ang ina ni Luis."Unplanned rin po kasi 'tong pagpunta namin dito, Ma. Napaluwas lang kami ng biglaan ni Hana kahapon, right love?" Sagot ni Luis saka hinimas ang bandang balikat ni Mahana kung saan siya nakaakbay. Hindi makatingin ng diretso na tumango-tango si Mahana. "Yeah." Pilit pa itong ngumiti.Sa kabilang dako, pinasadahan ni Arlene ng tingin ang kaniyang daughter in law na si Mahana habang abala si Luis na kinakamusta ang Lola Luisa nito na noon ay bagong pasok lang ng hotel. Napangisi siya ng bahagya saka napabuga ng hangin."Hi, hija. Long time no see." Usisa ni Lola Luisa, lumapit naman si Mahana upang makipagbeso rito at kapansin-pansin ang pilit na pilit nitong pagngiti na animoy hindi komportable sa presensya ng pamilya ni Luis. "How are you, hija? Ang tagal ka n
"Luis, akin na 'yan, please."Sinubukang agawin ni Mahana ang hawak ni Luis na folder kung saan nakalagay ang mga dokumento na kaniyang ginamit upang ilakad ang kaniyang pag-alis ng bansa. Hindi niya inaasahan na mahahalungkat iyon ni Luis kahit pa man nakatago na iyon sa hindi masyadong napapansin na sulok.Kahit na anong pang-aagaw ang gawin ni Mahana, hindi niya makuha-kuha iyong folder dahil mabilis na iniilag ni Luis iyon gamit ang kaniyang kamay kasabay ng masamang titig nito sa kaniya. Doon na nakaramdam si Mahana ng kaba at takot lalo na at hindi siya handa sa panahon na iyon na malalaman ni Luis ang buong katotohanan sa madalas nitong paglabas at hindi pagsama sa lakad ng pamilya."Please, Luis, i-ibigay mo na 'yan sa akin." Pagmamakaawa ni Mahana, namumuo na rin ng luha sa gilid ng kaniyang mata dala ng kaba at takot. Nanginginig ang kaniyang buong katawan at hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag ang lahat sa lalaki. "No!" Pagmamatigas ni Luis sa maawtoridad na tinig
"Are you out of your mind, Luwi? Seryoso ka? Hindi ka tutuloy sa seminar na 'yon?"Inaasahan na ni Luis na ganoon ang magiging reaksyon ng kaniyang mga kaibigan sa pang-rereject na ginawa niya sa seminar na inalok sa kaniya. Nadismaya ang kaniyang mga tropa dahil pangarap niya noon pa man na mapasali sa seminar na iyon lalo na at nandon ang hinahangaan nitong businessman."Oo nga, pre, hindi ako tutuloy." Pagkumpirma nito. "Tsk!" Napailing-iling si Kenneth. "Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa mga pinaggagagawa mo, Luis. Una, inurong mo 'yong kaso dahil sa kahibangan mo na ayusin ang sa inyo ni Mahana kahit alam natin na konting panahon na lang ay malalaman na natin kung sino ang may kagagawan ng pekeng kasal niyo. Tapos ngayon, nireject mo ang seminar na pinapangarap mo simula pa nong highschool tayo, para ano? Para kay Mahana na naman? Pre, ang dami mo ng sinasayang na opportunity oh." Pamamaktol nito dahil hindi na siya natutuwa sa mga desisyon na ginagawa ni Luis.Sin
"Sino bang kikitain mo at isinama mo pa talaga kami? Walang hiya ka! Para kang batang bubwit na kinakailangan pang samahan sa lahat ng lakad mo." Walang humpay na pagrereklamo ni Kenneth dahil kinidnap na naman silang dalawa ni Chris upang samahan sa lakad na iyon ni Luis."Pre, I can't do this on my own. Mas maganda ang magiging kalabasan nito kapag sumama kayo incase na may gusto kayong isuggest." Sagot ni Luis saka ipinark na sa garahe ng restaurant iyong sinakyan nilang kotse. Pagkapatay niya ng makina ay inalis na niya ang nakasuklib na seatbelt sa kanyang katawan.Pakamot-kamot naman ang dalawa na napilitang tanggalin na rin ang kanilang seatbelt."Ulul! Pwede mo naman kaming tawagan incase tatanungin mo kami kung may maisusuggest kami dyan sa binabalak mong proposal kay Mahana e. Pwede rin na ilista mo nalang at hindi ganito na inabala mo pa kami." Iritableng singhal ni Chris saka padabog na isinarado ang pinto ng sasakyan."Chris, relax.." umakbay si Luis sa kaniya. "Incase na
"Nakakagulat naman 'tong gusto mong mangyari, Luis." Pag-uumpisa ni Attorney Robles ng usapan matapos makarating ni Luis sa coffee shop na meeting place nila.Natawa ng bahagya si Luis. "Oo nga po e, pati 'yong mga kaibigan ko, nagulat din.""So, anong nagtulak sa'yo na gawin ito? Luis, let me remind you, konti nalang malalaman niyo na kung sino ang may kapakanan ng pekeng kasal niyo ni Mahana. Ayaw mo bang ituloy na lang?" Suhestiyon ng abogado."Attorney, I don't know how to explain this pero I want to settle everything now sa amin ni Mahana. Hindi ko masabi yong eksaktong dahilan ko para iatras ng ganitong biglaan 'yong annulment namin. Basta, ang alam ko, gusto ko nang bumukod at bumuo ng masayang pamilya na kasama siya." Masayang paliwanag ni Luis.Napangiti si Attorney na kasabay noon ang kaniyang pagtango na animoy natuwa sa mga sinabi ni Luis. Napabuntong-hininga ng malalim si Attorney Robles saka may kinuha sa kaniyang suitcase na dala at muling humarap kay Luis."Well, kung