All Chapters of Accidentally Married to a Playboy (Playboy Series #2): Chapter 31 - Chapter 40

67 Chapters

Chapter 30: Usapan

"Why did you stole my wallet? Alam mo bang pwede kitang kasuhan dyan sa ginawa mo for stealing someone's property?" Nag-uusok ang ilong ni Luis na kinompronta si Mahana pagkarating nila sa bahay.Walang pakialam na naupo si Mahana sa may sala ng kanilang bahay. Napasandal siya roon saka bahagyang napapikit habang si Luis ay nasa harapan nito, nakatayo at nag-aalburuto sa galit."Hindi ko naman ninakaw e." Simpleng sagot ni Mahana, dumilat pa siya ng bahagya upang tignan si Luis.Napakunot-noo si Luis sa sinabi ng babae. Hindi siya kumbinsido sa sagot nito dahil wala siyang makitang ibang rason kung bakit na kay Mahana iyong wallet niya kundi sa paraang ninakaw niya ito."E bakit nasa 'yo?""Napulot ko nga lang, hindi ko naman alam na sa'yo pala yon e." Depensa nito, umayos ng upo si Mahana saka pinagkrus ang mga braso sa may dibdib nito.Napailing-iling si Luis. "So, sa akin man 'yon o hindi, wala ka talagang balak ibalik 'yon? Ang malala pa don, winaldas mo pa 'yong pera."Napangiwi
last updateLast Updated : 2024-05-08
Read more

Chapter 31: Who?

"Tangina! 'Di pa sinabi kung sino e. Papatayin pa 'ko sa pag-iisip."Nag-uusok na reklamo ni Luis matapos mabasa iyong sulat na kanyang natanggap mula may Jade. Padabog niyang ibinaba sa center table iyong papel at napasandal sa kanyang kinauupuan. Sa labis na inis ay nakaramdam siya bahagya ng kirot sa ulo kaya napahilot sya sa kanyang sentido."Bakit, anong sabi?" Kuryosidad na tugon ni Mahana. Hindi nya nabasa iyong nilalaman ng sulat kanina dahil nakaharang ang ulo ni Luis. Wala siyang natanggap na sagot mula sa lalaki kaya naman kinuha ni Mahana iyong papel at kanyang binasa ang nilalaman nito.Mag-ingat ka sa mga nakapaligid sa'yo dahil hindi lahat sayo ay totoo. -jade"Ke laki-laki ng papel tapos yan lang sinulat niya?" Iritableng tugon ni Mahana. Sinilip niya pa sa likod ng papel, nagbabakasakali siyang may nakasulat pa doon pero wala na talaga. Tanging sa harap nito na ang may sulat, kakarampot pa."Argh! Sino ba kasi ang mga potanginang tinutukoy
last updateLast Updated : 2024-05-15
Read more

Chapter 32: Kasunduan

"Alam ba ng nag-aantay sa'yo na ikinasal ka sa'kin?"Halos mapatalon si Mahana sa gulat nang lumitaw sa kanyang likuran ang boses na iyon ni Luis. Abala na nagkakape sa kusina si Mahana dahil hindi siya madalaw-dalaw ng antok. Lumabas din si Luis ng kwarto upang magpahangin sana sa labas pero nakita niya si Mahana sa kusina kaya nilapitan niya ito."Luis naman, uso mangalabit o pumeke ng ubo hindi 'yong nanggugulat ka." Iritableng tugon ni Mahana saka mahinang hinampas ang braso ni Luis noong dumaan ito sa side niya. "Fine! Sorry." Hinila ni Luis ang upuan na nakatapat kay Mahana. Gusto niya itong makausap dahil ang babae naman ang dahilan kung bakit hindi siya nakakaramdam ng antok. Naupo na siya at pinagkrus ang mga braso sa dibdib nito habang diretsong nakatitig sa babae."Anong sadya mo dito? Bakit gising ka pa? Akala ko ba pagod ka?" Tanong ni Mahana, pagkatapos ay sumimsim sa tasa ng kape."Hindi ako makatulog." Sagot ni Luis."Gusto mo ba ipagtimpla kita ng kape?" Prisinta n
last updateLast Updated : 2024-05-21
Read more

Chapter 33: Success

"Luisa Adriana Arevalo, 23 years old, Baresbes!"Napahilamos ng mukha si Mahana matapos marinig ang pagpapraktis ni Luis sa kanyang pagpapakilala mamaya sa stage. Abala si Megan na inaayusan ito, naglalagay ito ng konting makeup sa pagmumukha ni Luis. Inayos din nito ang wig na isinuot ni Luis para talagang magmukha itong babae. "Ang pangit, sobrang cringe pakinggan, promise." Itinaas ni Mahana ang kanyang kanan na kamay habang iyong isa ay napahilot sa kanyang sentido. "E anong magagawa ko, mababa nga talaga 'tong boses ko." Alyansa ni Luis, napakamot pa siya ng bahagya sa kanyang braso dahil ramdam na ang pangangati doon dulot ng suot na gown. "Ipitin mo pa ng konti." Suhestiyon ni Mahana.At sinubukan nga ni Luis na ipitin pa ng konti ang kanyang malalim na boses. Nagpaulit-ulit siya hanggang sa makuha niya ang gusto ni Mahana. Sumasakit na ang kanyang lalamunan kakaipit sa kanyang boses. Hindi pa man nagsisimula ang pageant ay ramdam na niya ang pagod. Gusto nyang tumakbo paali
last updateLast Updated : 2024-05-22
Read more

Chapter 34: Suspicion

"Fuck! Talagang sinasagad nila ang pasensya ko." Napatalon ang puso ni Mahana sa gulat matapos marinig ang di inaasahang pagsuntok ni Luis sa pader ng kanilang likod bahay. Kinabahan siya ng sobra noong makita ang kabuuan ng lalaki na nag-aalburuto ito sa galit."Luis, kumalma ka." Kinakabahan na usal ni Mahana. Sinusubukan niyang pakalmahin si Luis dahil natatakot siya sa pwede nitong gawin.Hinarap siya ng lalaki, nasindak siya sa binigay na titig ni Luis. "Tangina! Iniipit nila tayo, Hana. Ginagawa nila lahat para hindi matuloy yong annulment natin.""E, hi-hindi naman tayo sigurado kung sila yong may kapakanan sa pagkamatay ni Jade e. Ayon naman kay Kenneth, under investigation pa, wala pang suspek." Depensa ni Mahana, nanginginig ang bawat sulok ng kanyang labi habang nagsasalita. Hinihimas nito ang kanyang mga palad at ramdam na ramdam niya ang panlalamig ng mga iyon dala ng kaba."Tsk! Sino pa ba ang aasahan natin na gagawa non kay Jade? Hana, alam ni Jade kung sino ang may ka
last updateLast Updated : 2024-05-25
Read more

Chapter 35: To the Rescue

"Sanay na sanay na ah." Tinugon ni Luis ang apir ni Mahana sa ere saka iniabot ang bottled water na binili nito. Katatapos lang ng raket nila bilang dispatcher sa terminal ng jeep. Habol nila parehas ang kanilang hininga at naliligo sila sa sarili nilang mga pawis."Konti nalang e. Damn! Ang init." Napatango-tango si Mahana saka iniiwas ang tingin sa lalaki. Itinuon nalang niya ang pansin sa bottled water na hawak dahil uhaw na uhaw na siya. Pinihit niya ito para mabuksan pero sobrang higpit ng pagkakalock non kaya nakaramdam siya ng inis. Nakailang subok siya na buksan ito pero namaga na lahat at sumakit ang kanyang palad ay wala pa rin."Ponyeta! Ba't ayaw mabuksan?" Bulong niya pero rinig na rinig ni Luis dahilan para mapalingon ito sa gawi ng babae. Nasa kalagitnaan siya ng pagpihit sa takip ng bottled water para makainom na siya noong biglang umeksena si Luis. Inagaw niya ng marahan may Mahana iyong bote saka walang kahirap-hirap na binuksan ito para sa babae."Here.." iniabot
last updateLast Updated : 2024-06-08
Read more

Chapter 36: Hero

"Mang! Ang daya mo naman e. Bakit hindi ka manlang nagsabi?"Umiiyak na hawak-hawak ni Mahana ang kamay ng kanyang Mamang na nakahiga sa may hospital bed na walang malay. Kaaalis lamang ng doctor na tumingin sa kanya at ipinaalam ang kalagayan nito. Hindi normal ang pagdaloy ng dugo nito sa buong katawan niya dahilan para manghina siya't unti-unting naubos ang kanyang lakas. Itinago niya iyon kina Mahana dahil ayaw niyang mag-alala ang mga ito."She's going to be fine, Hana." Pagpapakalma ni Luis sa kanya. Hinahaplos-haplos ni Luis ang kanyang likuran, dinadamayan siya nito.Kahit gusto niyang pumunta sa bayan upang maghanap ng raket, hindi kakayanin ng konsensya ni Luis na iwan si Mahana at ng Mamang nito. Siya ang kasama ni Mahana sa pagbabantay, umaga hanggang gabi. Nakita niya kung paano nalungkot si Mahana sa loob ng ilang araw. Hindi niya ito makausap ng maayos. Nag-aalala siya ng sobra. Gayunpaman, sinisikap na lamang ni Luis na huwag ipahalata ang kaba at takot niya sa babae.
last updateLast Updated : 2024-06-09
Read more

Chapter 37: Paliwanag

"Sasabihin mo ang totoo o tutuluyan kong sirain yang bungo mo, ha?"Mabilis na pinigilan ni Mahana si Luis na akmang susugurin na naman ang nakarambulan niya noong ipinagtanggol niya si Megan laban sa pambabastos ng mga ito."Kap, siya naman po talaga kasi ang nauna e. Hinusgahan niya po ako kaya ko po siya naisipang suntukin." Pagmamakaawa effect ng nakasapakan nito. "Aba! Sinabihan ka lang naman ng may mas gwapo sa'yo, napikon ka na?" Tawa-tawang usal ni Luis. Nakatanggap tuloy siya ng hampas mula kay Mahana. "Mawalang galang na po ah, kaya lang naman po ako nakipagsuntukan sa mga yan dahil below the belt po yong pambabastos nila kay Megan. Kung ano-anong mga hindi malunok na salita ang binitawan ng mga pangit na yan. Kahit naman po siguro kayo gagawin yong ginawa ko para lang maipagtanggol si Megan e. Kung hindi po sila sisitahin, malamang, mas marami pa silang mabubully dyan sa gawain nila. At isa pa, wala po silang karapatan para bastusin ang sister in law ko." Sa kuwadradong s
last updateLast Updated : 2024-06-11
Read more

Chapter 38: Open Up

"Mahal na mahal kita."Hindi mapigil ng lalaki ang kanyang pag-iyak habang ginaganap ang seremonya ng kanilang kasal. Kaharap niya ang kanyang magiging asawa at isinasambit nito ang kanyang marriage vows. Magkahawak ang kanilang mga kamay, nakatitig ng diretso ang kanilang mata sa isa't isa.Maraming tao ang dumalo sa kasal na iyon na naging raket nina Mahana dahil sinamahan nila si Megan sa pagmamakeup nito. Kahit pa man nanonood lamang sila, nagiging emosyonal si Mahana habang pinapanood ang ikinakasal sa may altar.Samantala, hindi alam ni Mahana na habang manghang-mangha siyang nanonood sa seremonya ay nasa kanya ang buong atensyon ni Luis. Hindi maipaliwanag ni Luis ang kanyang nararamdaman nong mga oras na iyon. Bigla siyang nakaramdam ng kakaiba na kahit na sinong matalinong tao ay hindi kayang ipaliwanag ito.Biglang nakaramdam ng inggit si Luis sa mga ikinakasal. Wala naman syang plano sa seryosohang kasal kaya natawa na lamang siya sa kanyang nararamdaman dahil sa biglang pa
last updateLast Updated : 2024-06-17
Read more

Chapte 39: Pain

"Hindi ko alam kung maaawa ba 'ko sa'yo o matatawa." Idinampi ng dahan-dahan ni Mahana ang basang bimpo na inilublob nito sa palanggana na may laman na tubig at alcohol. Inaapoy sa lagnat si Luis kinagabihan dahil sa pagligo nito sa ulanan. Napalitan ang excitement nito ng sakit ng katawan kaya hindi alam ni Mahana ang gagawin."Tsk! Alagaan mo nalang ako pwede? Dont laugh at me, hindi ko naman alam na ganito ang consequences sa pagligo ko sa ulan e." Naubo pa ng bahagya si Luis at halatang nanghihina ito na parang lantang gulay.Buong magdamag syang inalagaan ni Mahana, kahit papaano, nakakaramdam pa rin siya ng kaba sa kalagayan ng lalaki. Napapansin na rin niya ang bahagyang pagpayat ni Luis mula nong namalagi sila sa probinsiya. Dala na rin siguro iyon ng pagtatrabaho nito araw-araw at hindi sapat na pagtulog tuwing gabi."Kumain ka na muna para lumakas ka. Dahan-dahan at mainit ang sabaw na 'to."Ibinaba niya muna sa side table iyong dala ni Mahana na mangkok na may laman na sab
last updateLast Updated : 2024-06-18
Read more
PREV
1234567
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status