“Hubby, gising!” “Hmm… bakit? Ano ‘yon?” “Ang sakit kasi ng tiyan ko.” “What?” Wala dapat balak na bumangon ni Dreyk kung hindi lang sinabi ng kaniyang asawa na may masakit sa kaniya. “Oo, kanina pa ‘to.” Alas dos na ng madaling araw kaya medyo may pag-aalinlangan ang lalaki na kumilos, sumakit ng kaunti ang ulo niya dahilan ng biglang pagtayo nito. “Ano ba kasing kinain mo na hindi maganda?” “Kung ano rin ang kinain mo, ‘yon din naman ang kinain ko, eh.” Nakahawak na sa kaniyang tiyan si Selene, may panlalamig na rin sa katawan nito. “Sigurado ka? Tignan mo nangangatal ka, baka naman kailangan mo lang magbanyo.” “Hindi.” “Oh sige, pupunta tayong Ospital. Wait lang, nasa’n ang cellphone ko, susi.” “Hubby…” “Oo na, heto na wife.” At dahil natataranta na nga rin siya ay binuhat na niya si Selene. Sumigaw siya para magising ang kaniyang mga kasambahay o kaya ay driver nila. Dumiretso na siya sa garahe, siya na lang ang magdrive kaysa maghintay pa. “Hold on, Wife. Bibilis
Huling Na-update : 2024-01-01 Magbasa pa