Wedding Day. “Bat ba kasi hindi tayo puwedeng pumasok? Sayang naman itong outfit ko, bakla.” Napakaraming hinaing ni Zusie habang nasa loob kami ng kotse, sa labas ng simbahan kung saan nagaganap ang kasalan nina Patrick at Liset. “Hindi talaga tayo invited, girl. Ano ka ba!” pagpapaalala ko sa kaniya. “Gano’n ba ‘yon? Kahit makikain pala ay hindi natin magagawa?” Dismayadong sambit niya habang nakanguso pa. “Ano, gutom ka lang? Mamaya kakain tayo sa labas.” “Pero iba pa rin ang pagkain sa kasalan, bakla. Bongga ‘yon.” “Oh, edi sige na mag gate crash ka na do’n, bahala ka.” “Ito naman charot-charot lang, pero maiba ako. Puwede ka naman sumama kayDreyk sa loob. Wife ka na niya kaya kung invited siya ay sabit ka na ro’n.” Naisip ko rin naman ‘yon, ako pa nga ang nagsabi na isama niya ako eh. Kaso, bigla ko ring naisip na ayaw ko na ng gulo. Tama na ‘yong pangbabalik ko sa kaniya sa fitting day niya, pass na ako sa sakit ng ulo. “Bored kasi ako ngayon, baka nextime ko na lang
Marami ang dumalo sa kasal ni Liset. I was invited, hindi naman sana ako sisipot kung hindi lang din sa pamimilit sa akin ng asawa ko. Pumayag ako, ang dahil ang akala ko’y makakasama ko naman siya. Kaso ang ending ay ako lang ang pumasok sa simabahan. Nagpaiwan lang siya sa kotse kasama si Zusie. Kung nalaman ko lang talaga agad na ganito ang balak niya ay hindi na ako nagpadala pa sa paglambing-lambing siya sa akin. Nakakainip din, sa totoo lang. Napakaraming seremonyas ang pari sa kasalan. Bakit hindi na lang iannounce agad na ‘you may now kiss the bride’ o di kaya’y ‘you are now husband and wife’. Maganda ang set up ng church, halatang ginastusan. Mula sa decors at sa mga isusuot ng mga may ganap sa okasyon. Naisip ko bigla ang asawa ko, kinasal kami sa harapan lang ng isang judge. Does she dream to have our own church wedding? “Dreyk, I need go out first,” bulong ni Jeriko sa tabi ko. “Why?” “I just need to check on Tiff,” sagot pa nito. Nagulat ako sa sinabi niya, I was
“Nakalimutan mo bang ikuwento sa akin ang lalaki na ‘yon?” Naningkit ang aking mga mata, nakatutok ang tingin ni Dreyk sa daan pero halata sa higpit ng hawak nito sa manibela na hindi maganda ang mood nito. “Oo eh, nakalimutan ko. Sorry.” Sincere na paghingi ko ng tawad sa kaniya. Pero sa kabila no’n ay naisip ko pa rin naman, kailangan ko pa nga bang ikwento ‘yon? Parang hindi naman kasi importante para pag-usapan pa namin. Isa pa, hindi naman namin talaga personal na kakilala si Leon para pag-isipan niya ng masama. “Wait? Pinag-iisipan mo ba ako ng masama?” tanong ko. “No.” tipid niyang sagot. “You’re lying, Dreyk.” “I am not.” “Sus.” Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa, hindi ko naman alam kung napapano naman siya, tinotoyo lang, gano’n? Nanahimik na lang din ako, kung hindi niya ie-elaborate ang problema ay bahala siya. Ipinilig ko na nga lang ang ulo sa likuran ng aking kinauupuan, nakatutok ang mga mata sa labas. “Nextime, bring food kapag aalis tayo. Ayaw
Ilang mainit at mapupusok na halik ang pinagsaluhan namin ni Dreyk sa loob ng sasakyan. Matapos kumain at gumala ng kaunti ay ginabi na kami pauwi ng bahay. Ilang beses siyang kinontak ng kaniyang ina para bumalik sa reception ng kasal nina Liset at Patrick ngunit ayaw talaga niya, mas gusto nitong ubusin ang kaniyang oras kasama ko.Itinabi namin ang sasakyan sa isang madilim na parte ng kalsada, pauwi na dapat kami sa bahay dahil alas onse na rin ng gabi ngunit dahil sa labis na panggigigil ko sa hita ng asawa ko habang nagdadrive siya ay naghanap siya ng tyempo upang ilabas ang init na naramdaman niya.Mabuti na lang at tinted ang kotse namin, hindi mapapansin basta-basta kung doon kami gumawa ng milagro ngayon.Ibinaba ni Dreyk nang kaunti ang nauupuan pahiga, nakaupo ako sa kaniya habang magkalapat ang aming mga labi.Mailis ang bawat kilos ng kamay ng asawa ko, kung saan-saang parte ng katawan ko siya nakakarating. Pinsiil-pisil niya ang puwetan ko’t hita habnag ako ay iniisa-is
Hindi ko rin naman gusto na puntahan pa si Dreyk matapos ng lahat, oo, pinadalhan ko siya ng imbitasyon sa kasal ko, pero ‘yon ay dahil sa mga magulang niya. Ayaw kong malungkot ang mga ito, lalo na si tita. Ngunit ngayon ay para bang nilulunok ko ang lahat ng mga sinabi ko na puputulin ko na nang tuluyan ang ugnayan sa kaniya, kanina habang naghahanda ako sa pag-alis namin ni Patrick para sa honeymoon namin sa France ay nagulat ako sa isang package na narecive ko. May lamang pictures iyon na kuha sa insidente, five years ago. Kung saan ay kumuha nga ako ng mga tao para kidnapin si Selene at kuhaan siya ng video. “Liset?” Kunot ang noo na bungad niya sa akin. Kasama niya sa loob ng malawak niyang Opisina si Jeriko kaya medyo napaatras ako. Makikipag-usap pa ba ako sa kaniya? “Ano’ng ginagawa mo rito, Liset?” si Jeriko naman ang nagtanong. Na estatwa ako sa aking kinatatayuan pero mas tinatagan ko ang aking loob para matapos na ito. “Mag-usap tayo.” “For what? At sino ang nagpapa
Gusto ko nang dumiretso sa Opisina ni Dreyk ngunit ang isip ko ay nakikipagtalo pa rin na kay Liset pumunta. Sa kaniya ko gustong malaman kung ano ang pakay niya sa asawa ko. Kaya naman bago pa ito makapasok sa elevator ay hinabol ko na agad siya. “Liset.” Taas kilay siyang tumugon sa pagtawag ko sa kaniya, na akala mo naman ay labis niyang ikinaganda ‘yon. “Naayos mo na ang problema mo sa asawa ko?” deretsahan kong tanong sa kaniya. Hindi naman ito kaagad nakasagot, napatuon muna siya sa pagbukas ng elevator sa harapan namin. “Bakit gusto mong malaman. Kung interesado ka, ba’t di mo direktang itanong sa asawa mo?” Medyo nanggigil ako sa sagot niyang ‘yon, kahit hanggang ngayon ay nakikipagmatigasan pa rin siya sa akin. Bakit hindi na lang niya i-point out kung ano nga ba ang labis na ikinapuputok ng butsi niya sa akin? Sa umpisa naman ay siya ang may kasalanan sa akin. “Sa sobrang aggresive mo kanina na makapasok dito, na halos lumuhod ka na sa mga gwardiya na mukhang sobrang
Napapatunganga na nga lang ako sa bawat sinasabi at ikinikilos ng mama ni Dreyk, para kasi itong ibang tao ngayon. Simula pagkarating ko’y hindi pa niya ako nagagawang tarayan o di kayang maliitin sa mga bagay na maiisipan na lang niya. Halos lahat ng ipinapakita nito ay good sides. “Hmm. The best talaga ang menudo mo ma.” Puna ni Dreyk sa isa sa naging putahe sa hapag. Hindi ako masyadong umiimik sa usapan nila habang nasa harapan ng pagkain, ang topic kasi ng dalawang lalaki ay tungkol sa business paminsan-minsan ay sumusingit ang mama ni Dreyk sa usapan. Ako na wala naman alam sa gano’ng takbo sa buhay ay tumutok na lang sa pagkain. Tinikman ko nga rin ang menudo, and infairness ay masarap nga. “Masarap ba Selene?” Nabilaukan pa nga ako ng magtanong si Mrs. Sebastian kung naging masarap naman daw ba ang luto niya. And take note, in a nice tone pa niya ako in-approach. “Oh, wife, are you okay?” Iniabot ni Dreyk ang isang basong tubig sa akin. “Ahh, oo, ayos lang.” “Naku, m
“Hubby, ano’ng napansin mo sa mama mo kanina?” Nasa kotse na kami pauwi sa bahay, malapit na ring dumilim at tumila na rin sa wakas ang ragasang ulan kanina. Napatanong nga ako sa asawa ko dahil sa kakaibang mga kilos ng mama niya kanina. May pagbigay pa nga ng kuwintas ang lola mo sa akin, medyo nakakatakot pero kinuha ko na rin. “Hmm. Wala naman, Wife? Bakit?” “Grabe, hindi mo man lang napansin ang pakikitungo sa akin ng mama mo? Hindi siya galit hubby? Hindi siya nagtataray at nagsasabi ng kung ano-ano kanina. Akala ko nga’y nasa ibang dimension ako ng mundo sa nangyari eh.” Natawa nga naman si Dreyk sa pahayag ko na ‘yon, he must admit it na may kakaiba talaga sa mama niya. “Pabayaan mo na lang, baka biglang narealize ni mom na wala naman patutunguhan kung kukuwestyonin niya pa ang mga kilos ko. Lalo pa’t kasal na tayo, they should accept t now.” Nakatutok nga lang ang paningin ni Dreyk sa daan, ngunit ang isang kamay nito ay nakadaop sa kamay kong nakapatong naman sa may la