MARCO POV “Ahh, dahan-dahan,” pagdàing ko kay Dos habang ginagamot niya ang sugat sa ulo ko. Napapikit ako sa hapdi sa kung ano mang gamot ang nilalagay niya. Ayon sa resulta ng CT scan ay mild injury lang ang natamo ko at hindi napa'no ang bungo ko. Gayunpaman, kailangan akong ma-check from time to time para masigurado na hindi ako nagkaroon ng brain injury o head trauma. May pagkakataon kasi na hindi agad-agad na nakikita ang epekto ng pinsala sa ulo o mas kilala bilang delayed post-concussion syndrome. “Alam mo, Sir. Kung ordinaryong tao lang ang hinampas ng fire extinguisher nang gano'n kalakas, baka pinaglalamayan na ngayon,” napapailing na sabi ni Vien. Ikunwento ko na kasi sa kanila ang nangyaring engkwentro sa pagitan namin ng ng babaeng hindi ko pa rin kilala hanggang ngayon. “Mabuti na rin at ako ang nurse mo, Sir. Military nurse kasi ako rati na naka-assign sa paggamot sa mga sundalong sumabak sa gyera. Easy lang ‘to sa ‘kin,” pagyayabang ni Dos. Bahagya akong nata
Last Updated : 2024-05-21 Read more