MARCO POV “Shadow Raven,” bungad sa akin ng lalaking nakaupo sa swivel chair nang makaharap siya sa ‘kin. Mababakas mo ang katandaan sa boses niya. Malalim akong napahinga bago ko siya nginitian. “Mr. Sanchez,” sambit ko sa pangalan niya saka bumukas ang ilaw. Mag-uusap pa sana kami nang sabay kaming nakarinig ng pagputok. Napapikit ako dahil sa gulat. “Happy birthday, Sir Marius!” bati sa akin ng dalawang nurses. Bumagsak ang makukulay na confetti sa akin. Napahalakhak si Mr. Sanchez. “Oh, meet Dos and Jack, mga bagong Veilers ng pamilya Silvestre. Makukulit talaga ang dalawang ‘yan. Katatapos lang ng training nila sa Netherlands,” pagpapakilala niya sa ‘kin sa dalawang nurses na nasa tabi ko. Pabiro silang sumaludo sa akin. “Hi, Sir…” sambit nila saka sila nagtawanan. Ang mga Veilers ay mga tauhan ng pamilya Silvestre na nagkalat sa iba't ibang parte ng Asia. Mga piling scholar sila na nakapasa sa mahihirap na test na binibigay namin nang taunan. Isa itong programa na pinangun
MARCO POV Lumabas na muna ng secret room sina Vien, Dos at Jack para hayaan kami ni Mr. Sanchez na makapag-usap nang masinsinan. Naglalaan talaga siya ng oras na makapagkwentuhan kami sa t'wing sasapit ang kaarawan ko. Pinagsaluhan namin ang natitirang alak. Nagsimulang magbukas ng panibagong diskusyon si Mr. Sanchez. “Nagpahanda ng malaking salo-salo ang mommy mo sa mansyon. Hindi ka ba hahabol? Inimbitahan niya ang mga bigating business partners ng pamilya Silvestre para ianunsyo na ano mang araw ay babalik ka na sa pamamahala ng Silvestre Business Empire. Sabik na sabik ang mommy mo sa pagbabalik mo,” masigla niyang sabi. Napailing ako at tipid na napangiti. “Kapag nagpakita ako sa kanya ngayon ay siguradong tatambakan niya agad ako ng maraming responsibilidad sa pamamahala ng negosyo namin. Gusto ko munang magliwaliw at sulitin ang isang linggong pagdiriwang ng Sportsfest ng Northford University,” tugon ko sa kanya. “Oh, sportsfest,” tumango si Mr. Sanchez. “Na-miss ko tuloy an
MARCO POV Mag-isa akong naglalakad sa madilim na hallway ng ospital. Nakasunod sa akin ang isang nurse na may hawak na bàril. Sumagi sa isipan ko ang pinag-usapan namin ni Mr. Sanchez sa loob ng secret room kanina. ‘It's Eli Delgado. Ang lalaking bumàril sa ‘yo sa Northford University. Bali-balita na matindi ang pagkagusto niya sa fiancée mong si Samara kaya nais ka niyang paslangin. Mag-iingat ka sa kanya,’ nag-aalalang payo ni Mr. Sanchez sa akin. Gumuhit ang ngiti sa labi ko habang nakikiramdam sa paligid. Tahimik ang pasilyong tinatahak namin ng lalaking pinangalanan ni Mr. Sanchez na Eli at tanging ang yabag lang ng sapatos naming dalawa ang maririnig. Huminto ako sa tapat ng pinto ng fire exit at pumasok roon. Iniwan kong nakabukas ang pinto na tila ba nag-aanyaya kay Eli na sundan ako. Nanatili akong nakatayo sa loob. Naramdaman ko ang pagpasok ni Eli na tila ba kampanteng-kampante na nasa kanya ang alas. Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang anino niya na unti-unting
MARCO POV Sinikap kong panatilihin ang huwisyo ko sa kabila ng bahagyang pagkahilo. Nanlalabo ang paningin ko pero pinilit ko pa rin na ituon ang atensyon ko para analisahin ang kalaban at ang kabuuan ng fire exit. Parang namamanhid ang ulo ko sa sobrang sakit ng natamo kong sugat pero tiniis ko ang pangingirot nito. Sa likod ng maskara ay naramdaman ko ang pagngisi ng babaeng nakatitig sa akin. “Tayo!” pagmamando niya. Sa pagkabingi ng tenga ko ay halos malabo na rin sa akin ang totoong boses niya. Sinusuri ko pa rin ang paligid at kinukwenta ang mga posible kong pag-atake base sa natitira kong lakas. “Sampung minuto,” mahina kong naiusàl. “Ano?” nagtatakang tanong ng babaeng kaharap ko. Mariin ko siyang tinitigan. “Sampung minuto at magkukumahog ka nang lumabas mula rito,” saad ko sa kanya saka tumaas ang sulok ng labi ko. Bahagya siyang natawa at isinentro sa noo ko ang hawak niyang bàril. “Talaga? Wala pang sampung minuto ay mapapatay na kita.” Bang! Ipinutok ni
THIRD PERSON POV “AHHHH!” sigaw ni Mandy. Tinanggal niya ang suot na maskara na nanggagalaiti niyang tinapon sa sahig. Nagpupuyos siya sa galit at pinagbabasag ang kung ano mang mahawakan niya. Nagwala siya at pinagtutumba ang mga gamit sa silid kung saan siya naroroon. Binalak niyang patayin si Marco, ang lalaking nagpapaligaya kay Samara, pero nabigo siya, …at mukhang mahihirapan siya. Kinuha niya ang camcorder na nakapatong sa mesa at plinay ang video na kinunan niya sa rooftop. Usapan nila ‘yon ni Samara. ‘How are you feeling now, Mrs. Samara Licaforte Villaflor?’ ‘Hmm, ano ba? Ah, I'm happy.’ ‘Oh, really?’ ‘Yes.’ Nanginginig ang kamay ni Mandy habang pinapanood ‘yon. Halos mawasak na niya ang hawak na camcorder. Mabibigat ang paghinga niya at tila may kung anong poot sa kaloob-looban niya na gustong sumabog. Hindi masukat ang nararamdaman niyang galit. Hindi niya gustong nakikitang masaya si Samara. It's like a dose of hell to her. She'll do everything to
THIRD PERSON POV Days after the tragedy. Dinala si Mandy ng DSWD sa isang bahay ampunan. The nuns changed her surname from Valdez to Saldivar para hindi na maungkat sa ala-ala niya ang masasakit na nangyari sa dating katauhan. Akala ng mga madre ay gano'n lang kadali ang lahat, pero kahit anong gawin ng mga tao sa paligid ni Mandy ay mananatili ang sugat sa puso niya. Nakabaon na ang poot at galit sa kanya na dulot ng taong nagpasunog sa pabrika at pumatay sa Daddy niya. “She's always staring blankly. Palaging wala sa sarili,” nag-aalalang sabi ng isang madre. “Hay, Sister. Iniwan ng ina tapos namatayan pa ng ama. Grabe rin kasi ang dinanas ng batang ‘yan,” tugon ng isa pang madre na kausap niya. Lagi lang nakaupo sa parke ng bahay ampunan si Mandy. Mag-isa at walang kinakausap. Nakatanaw lang ito sa ‘di kalayuan tapos bigla na lang iiyak. She experienced severe depression. Regular din itong chini-check ng psychiatrist ng bahay ampunan dahil ilang beses na nitong sinubukang
MARCO POV “Ahh, dahan-dahan,” pagdàing ko kay Dos habang ginagamot niya ang sugat sa ulo ko. Napapikit ako sa hapdi sa kung ano mang gamot ang nilalagay niya. Ayon sa resulta ng CT scan ay mild injury lang ang natamo ko at hindi napa'no ang bungo ko. Gayunpaman, kailangan akong ma-check from time to time para masigurado na hindi ako nagkaroon ng brain injury o head trauma. May pagkakataon kasi na hindi agad-agad na nakikita ang epekto ng pinsala sa ulo o mas kilala bilang delayed post-concussion syndrome. “Alam mo, Sir. Kung ordinaryong tao lang ang hinampas ng fire extinguisher nang gano'n kalakas, baka pinaglalamayan na ngayon,” napapailing na sabi ni Vien. Ikunwento ko na kasi sa kanila ang nangyaring engkwentro sa pagitan namin ng ng babaeng hindi ko pa rin kilala hanggang ngayon. “Mabuti na rin at ako ang nurse mo, Sir. Military nurse kasi ako rati na naka-assign sa paggamot sa mga sundalong sumabak sa gyera. Easy lang ‘to sa ‘kin,” pagyayabang ni Dos. Bahagya akong nata
THIRD PERSON POV Nakakunot ang noo ni Jill habang tinitipa ang telepono niya. She's been dialing Marius’ number consecutively. At ni isa, ay hindi man lang sinagot ng binata. “He's so rude,” nakanguso niyang sabi at inilagay na lang sa bag niya ang telepono saka niya iginala ang paningin sa paligid. Napatitig sa kanya ang iilang bisita na tila ba namamangha sa presensya niya. Her full name is Mary Jill Costova. Nag-iisang tagapagmana ng tanyag na angkan ng mga Costova na nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaking kompanya ng mga alahas sa buong Asia at America. Nakasuot siya ng mamahaling pink dress na pinapalamutian ng mga lehitimong dyamante. Sa fashion pa lang niya at postura ay agad mo nang kababakasan ng pagiging anak mayaman. “Oh, Jill, hija. Kanina ka pa?” bati sa kanya ni Ms. Grace na siyang nag-held ng party para sa kaarawan ni Marius. Nagbeso-beso ang dalawa. Parang anak na ang turing nito sa kanya. “Kararating ko lang, Tita. Hindi lang ako nakalapit sa ‘yo agad kasi
MARCO POV“Ito na ang pinabili niyong Korean food, Sir Mar—”Mariin kong tinitigan si Dos na may halong pagbabanta. Mukhang madudulas pa ata. “I-I mean… Marco, haha, bro,” paglilihis niya at ngumisi sa akin. Mabuti naman at nakuha niya agad.Tumikhim siya at umupo para sumalo sa mesa. Si Jack naman ay inayos ang paper plates at kubyertos.Matamis na ngumiti si Ara at nilabas ang wallet. Maglalabas sana siya ng pera pero hindi niya napansing magkasabay pala sila ni Jill. “Ako na ang magbaba—” Natigilan ang dalawa at napasipat sa isa't isa. Sa pagkakasabay nilang magsalita ay parang may kuryenteng dumaloy sa pagitan nila.Lihim na natawa sina Dos at Jack sa nagbabadyang pagkokompetens’ya. Parang gusto pa nga nila akong tuksuhin ng, ‘Ang gwapo mo naman, Sir Marius, ikaw na.’Tumikhim ako para maagaw ang atensyon nilang dalawa. “Ako na, binigyan naman ako ng paunang bayad ni Sir kanina,” nakangiti kong saad para ‘di na sila mag-alitan pa. Kumalma sila. Mabuti naman.Tahimik kaming kuma
THIRD PERSON POVNais kaltukan ni Marco ang sarili. Oo, sinabihan niyang pakakasalan niya si Jill pero mga bata pa sila no'n. Akala niya ay nabaon na sa limot ang mga katagang ‘yon at klaro na sa dalaga na hanggang magkaibigan lang sila.Pamartsang lumapit si Samara sa kanila. Mabibigat ang paghakbang. Hindi naman umawat at sumunod lang ang dalawang kaibigan.Napalunok si Marco. Ano ba ang dapat niyang gawin? Para sa kanya ay mas nakakatakot pa ang hagupit ng galit ng fiancée niya kaysa sa talim ng sampung katana.“Bee? Gusto mo beeg-wasan kita?” sarkastikong dugtong ng dalaga sa tawagan ng dalawa. Nakadilat pa ang dalawang mga mata. Nanggigigil itong i-landing ang palad sa mukha ng babaeng humalik sa lalaking pakakasalan niya.“Excuse me? Sino ka?” Kahit mahinhin ay bakas sa boses ng huli ang pagiging palaban. Sa paniniwala niya ay kanya si Marco at hindi siya welcome sa ideya na may aagaw rito.Napansin ni Samara ang katana sa likuran ni Jill at ang suot niyang itim. Doon rumehistro
THIRD PERSON POVAlistong sinundan ng mga mata ng binata ang direksyong pinuntahan ng taong ‘yon. Saka niya ito nakita sa itaas ng puno. Kumislap ang hawak nitong katana. Sa kuro-kuro niya ay isang ninja.Ilang beses pang nagpalipat-lipat ng posisyon ang taong ‘yon na parang pinag-aaralan ang lokasyon nila. Napabaling na rin ang tatlo sa pagkilos ng mga sanga sa ibabaw ng puno. Nakaramdam sila kaba at napatayo.“A-Ano ‘yon?” nauutal na tanong ni Jack dahil bahagyang nakadama ng takot. Nakatingalang sinuyod ng tingin ang paligid. Sina Dos at Vien ay hindi rin mapakali.Mariin lang na nagmasid si Marco. Pamilyar sa kanya ang kilos ng taong nakaitim pero nais niya munang makasiguro.“Labas!” mariing utos ng binata na tila nagbabanta.Bahagyang tumahimik ang paligid. Tanging mga ibon lang ang maririnig. Tila huminto ang oras sa pagpipigil nila ng paghinga. Tinatansya ang kasunod na mangyayari ano mang oras.Mabilis na napalingon si Marco sa bandang kanan nang may kumilos roon. Isang papar
THIRD PERSON POV Nakasuot ang tatlo ng school ID ng Northford University. Napangiti na lang sabay iling si Marco nang maalala ang pinagbilin ni Mr. Sanchez sa mga ito na bantayan siya. Parang batang paslit pa rin ang turing ng ginoo sa kanya. “Hala, bumibilis ang pagtaas-baba ng mga linya rito sa tracker. Ibig sabihin, nasa malapit lang si Sir Marius!” manghang sabi ni Vien sa dalawang kasama. May hawak itong gadget na nakakonekta sa satellite para madaling ma-locate ang kinaroroonan ng binata. Isa ito sa bagong teknolohiya na dini-develop ang mga Veilers. Mabilis na sumilip sina Dos at Jack sa hawak ng dalaga at nilibot ang paningin sa paligid. Lihim na natawa si Marco dahil wala silang kamalay-malay na kay lapit lang ng distansya nila. Tinanggal niya ang suot na relo na iniregalo ni Mr. Sanchez. Sa ospital pa lang ay malakas na ang kutob niya na may kasama itong locator. Binalot niya ‘yon ng makapal na aluminum foil at isinilid sa isang Faraday bag bago ito inilagay sa loob ng
SAMARA POVNapakunot ang noo ko at ibinaba ang phone para suriin ang taong nakaitim. Kinalabit ko si Candice. “Kasali ba sa show ang isang ‘yan?” tanong ko sa kanya.“Saan?” pagdungaw niya pero humalo na sa audience area ang taong ‘yon kaya hindi niya nakita.“‘Yong nakasuot ng nin—”“Samara, Candice, nandito lang pala kayo. Nagtawag ng practice si Sir para sa performance natin mamaya. Biglang kinabahan kasi mukhang magagaling daw ang kalaban,” natatawang saad ni Adelle sabay irap. Isa siya sa kasamahan namin sa cheerleading squad. Sinapo niya ang noo at mukhang kanina pa kami hinahanap.“As in, now na? Nanonood pa kami, oh,” maarteng tugon ni Candice. Mukhang nabibitin pa sa dance showdown.Mabigat na nagbuntong-hininga si Adelle. “Yes, now na, urgent,” pagdidiin nito sa huling salita. “Tara na, tara na, baka umusok na naman ang ilong ni Sir,” pag-aapura niya sa amin ni Candice. Nagliwanag naman ang mukha niya nang mapansin na kasama namin si Mandy. “Hey, girl! ‘Di ba nasa Photograph
SAMARA POV‘Oh, that's the way, uh-huh, uh-huhI like it, uh-huh, uh-huhThat's the way, uh-huh, uh-huhI like it, uh-huh, uh-huh’Napuno ng matitingkad na kulay ng banners, light sticks at flaglets ang kabuuan ng open field. Nagkanya-kanyang hiwayan at indakan ang mga estudyante mula sa anim na naglalakihang universities sa opisyal na pagbubukas ng pagtatagisan ng mga kalahok sa iba't ibang larangan ng sports at events. "Welcome, everyone, to the grand opening of this year's Inter-University Sportsfest! Palakpakan naman d'yan!” anunsyo ng emcee na siyang mas nagpaingay sa paligid. “Dito ba banda ang taga-Northford University? Kaway-kaway!” pang-eengganyo nito sa amin. Syempre, hindi kami nagpatalo. Kami kaya ang champion last year. Kinalampag namin ang buong open field.“Dito naman tayo sa Saint Therese University, gusto ko mas maingay!” pagtawag niya sa kabilang side na nagpahiyaw rin sa mga ito. Kasunod niyang tinawag ang Harrison University, Golden East University, Valoria Univ
MARCO POV “Oh, Marco. Ba't parang nakakita ka ng multo?” kaswal na tanong ni Mandy sa akin pero halata mong may ibig sabihin. Tila nang-aasar ang mga mata niya. “Girl, bulag si Marco. Ni ‘di nga ata alam n'yan ang itsura ng multo,” natatawang bara ni Candice. Napailing na lang din si Ara sa mamimilosopo ng kaibigan. Nanatili akong nakatayo. Ramdam ko ang tensyon sa paraan ng pagtitig sa akin ni Mandy. Palihim—pero parang inuudyukan niya ako na sugurin siya. Kung walang mga tao sa paligid ay baka nagsalpukan na rin kami na gaya ng ginawa namin sa fire exit no'ng isang araw. Tumaas ang sulok ng labi nito na wari'y nagbabanta. Sa kabila ng ginawa niya sa akin ay hindi man lang siya kababakasan ng pagkailang o pangamba. Parang mas ginaganahan pa nga siya sa ideyang kilala ko na kung sino man ang babaeng nasa likod ng maskara. Ikinuyom ko ang palad ko. Ayokong magkagulo kaya pinigil ko ang sarili ko. Isa pa, kaibigan siya ni Ara. Walang ideya ang nobya ko na muntik na akong map
MARCO POV Kahit nasa dressing room ay rinig na rinig ko pa rin ang malakas na musika ng banda at hiyawan ng mga estudyante. Ngayon ang unang araw ng sportsfest dito sa Northford University. Ngayon din ang unang araw ko bilang mascot na unang beses kong masusubukan sa buong buhay ko. Medyo excited ako. ‘Sir, ano ba kasing ginagawa mo r'yan at kailangan pa talagang naka-off cam?’ tanong ni Jack sa kabilang linya. Kahit kasi nakalabas na ako sa ospital ay pursigido pa rin sila na bantayan ako na gaya ng bilin ni Mr. Sanchez. Napailing na lang ako dahil masyado nilang siniseryoso ang tungkulin nila. ‘Jack, ano ka ba. Nagbibihis si Sir. ‘Di ba, sportsfest nila ngayon? Privacy,’ saway ni Dos sa kanya. ‘Oh? Sportsfest? Anong sinalihan mo, Sir? Basketball? Soccer? Tennis?’ panghuhula ni Jack, bigla itong nanabik. ‘O baka golf? Kasi, ‘di ba? Pangyaman ‘yon? Pwede ring car racing. Bagay na bagay ‘yong mamahaling kotse sa nag-iisang Shadow Raven,’ buong pagmamalaking sambit ni Dos. ‘A
THIRD PERSON POV Nakakunot ang noo ni Jill habang tinitipa ang telepono niya. She's been dialing Marius’ number consecutively. At ni isa, ay hindi man lang sinagot ng binata. “He's so rude,” nakanguso niyang sabi at inilagay na lang sa bag niya ang telepono saka niya iginala ang paningin sa paligid. Napatitig sa kanya ang iilang bisita na tila ba namamangha sa presensya niya. Her full name is Mary Jill Costova. Nag-iisang tagapagmana ng tanyag na angkan ng mga Costova na nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaking kompanya ng mga alahas sa buong Asia at America. Nakasuot siya ng mamahaling pink dress na pinapalamutian ng mga lehitimong dyamante. Sa fashion pa lang niya at postura ay agad mo nang kababakasan ng pagiging anak mayaman. “Oh, Jill, hija. Kanina ka pa?” bati sa kanya ni Ms. Grace na siyang nag-held ng party para sa kaarawan ni Marius. Nagbeso-beso ang dalawa. Parang anak na ang turing nito sa kanya. “Kararating ko lang, Tita. Hindi lang ako nakalapit sa ‘yo agad kasi