SAMARA POV “So… ba't ang dami nitong binili mong braille papers? Ano ‘to? Buy and sell? O magpapatayo ka ng printing shop?” natatawang tanong ni Atty. Santivañez sa ‘kin. Tinulungan niya kami ni Manong Vonn na ilagay sa kotse ang mga pinamili kong kahon-kahon ng braille papers. Halata mo sa mukha niya na wala talaga siyang ideya sa kung ano mang trip ko sa buhay. Natawa na lang din ako sa naging reaksyon niya. “Hindi, ‘no. May balak kasi akong bigyan ng love letter. Medyo nahirapan akong mamili kanina kaya binili ko na lang lahat, afford ko naman,” confident kong sabi sabay kibit-balikat. “Ah, gano'n ba?” Lumapad ang ngiti sa labi ni Atty. Santivañez. “Ang swerte naman ng lalaking 'yon, mukhang importante talaga siya sa 'yo kasi nag-effort ka talaga,” tumango-tango siya. “Hmm, syempre, ako na ‘to, eh,” hirit ko na naman. Sabay kaming natawa. Wala, I love myself talaga. Patuloy pa rin kami sa pagkakarga ng mga kahon sa kotse nang may sumagi sa utak ko. Tutal, nag-uusap na rin nam
Huling Na-update : 2024-03-05 Magbasa pa