THIRD PERSON POV “Tara na, babe,” hinila ni Jei ang kamay ni Monica. Mukhang wala ito sa mood. “Anong babe babe pinagsasabi mo?” agad na bara ni Monica sa kanya. Hindi pa rin kasi nawawala ang pagka-bitter ng dalaga sa binata matapos siya nitong makailang beses na sinaktan. “May date pa tayo, 'di ba?” pagsisinungaling ni Jei. Tinitigan niya nang masama ang lalaking nakahawak sa kamay ni Monica. “Pwedeng pakibitiwan ang girlfriend ko, brad? Baka ‘di kita matansya, basagin ko 'yang mukha mo,” pagbabanta niya sa lalaking nakahawak pa rin kay Monica. “Ano?” Tatayo sana ang lalaki pero nagsimula nang lumapit sa direksyon nila ang pitong bouncers na malalaki ang katawan. Kaya siyang pisain ng mga 'yon sa isang kamao lang. Napilitan tuloy siyang bumitaw na lang. “Tara na mga p're, masisira lang gabi natin,” yaya ng isa sa tatlong lalaki. Padabog naman na sumunod ang dalawa pa. Nang makaalis ang tatlo ay pinasadahan ng tingin ni Jei si Monica mula ulo hanggang paa. Agad na nakaramdam ng
SAMARA POV “So… ba't ang dami nitong binili mong braille papers? Ano ‘to? Buy and sell? O magpapatayo ka ng printing shop?” natatawang tanong ni Atty. Santivañez sa ‘kin. Tinulungan niya kami ni Manong Vonn na ilagay sa kotse ang mga pinamili kong kahon-kahon ng braille papers. Halata mo sa mukha niya na wala talaga siyang ideya sa kung ano mang trip ko sa buhay. Natawa na lang din ako sa naging reaksyon niya. “Hindi, ‘no. May balak kasi akong bigyan ng love letter. Medyo nahirapan akong mamili kanina kaya binili ko na lang lahat, afford ko naman,” confident kong sabi sabay kibit-balikat. “Ah, gano'n ba?” Lumapad ang ngiti sa labi ni Atty. Santivañez. “Ang swerte naman ng lalaking 'yon, mukhang importante talaga siya sa 'yo kasi nag-effort ka talaga,” tumango-tango siya. “Hmm, syempre, ako na ‘to, eh,” hirit ko na naman. Sabay kaming natawa. Wala, I love myself talaga. Patuloy pa rin kami sa pagkakarga ng mga kahon sa kotse nang may sumagi sa utak ko. Tutal, nag-uusap na rin nam
SAMARA POV “Woooah!” hiyawan ng mga katulong namin sa kusina. Alas singko pa lang ng umaga ay nagkukumpulan na sila. “Kendeng-kendeng… pak!” Nag-pose si Kakai na parang isang modelo. Suot niya 'yong black shoes na binigay sa kanya ni Monica. Aliw na aliw naman ang ibang mga katulong sa kanya at panay ang tawanan. Muli siyang rumampa. Napailing na lang ako at napangiti na rin. “Mukhang ang saya niya talaga, ah,” monologo ko at pinagkrus ang dalawa braso. Kumislap ang mga mata ni Kakai nang makita ako. Agad siyang pumunta sa gawi ko at ibinida ang bago niyang sapatos. “Ma'am, oh. Bagay ba?” nawiwili niyang sabi. Panay ang hagikgik niya. Nakangiti kong tinitigan ang sapatos na suot niya. “Bagay na bagay,” puri ko sa kanya. Tumango-tango pa ako. Nanlaki ang mga mata niya nang mapansin niya ang leeg ko. “Ay, hala, ang ganda po ng kwintas niyo, ah. Bago po 'yan?” namamangha niyang sabi. “Oh, ito?” hinawakan ko ang kwintas na suot-suot ko. “Bigay ni daddy,” nakangiting tugon ko sa
SAMARA POV Nadatnan ko sina Mandy at Candice na nagtatawanan habang nanonood ng K-Drama pagkarating ko sa locker room. “Ara, dali, watch mo ‘to. Ang funny ng guy,” yaya ni Candice. Si Mandy naman ay panay rin ang tawa. May hawak siyang phone sa isa niyang kamay pero nakapatay, lowbat ata. “Tingin nga,” tumabi ako sa kanila. Pagkaupo ko ay bumungad agad ang mukha ng bidang lalaki. Nakakatawa nga ang mukha niya, tama nga si Candice. Natawa na rin ako kasabay nila. Sa sobrang aliw ng pinapanood namin ay hindi ko namalayan ang oras. Muntik ko pang makalimutan na naghihintay pala si Marco sa garden. Mabilis akong tumayo at pumunta sa locker ko nang mahimasmasan ako. Matapos pihitin ang susi ay agad kong kinalkal 'yon at naroon nga ang ginawa kong love letter para kay Marco. Nakahinga ako nang maluwag. “Girls, puntahan ko lang si Marco,” paalam ko sa kina Candice at Mandy. Agad na lumapad ang ngiti sa labi ni Candice. “Oyyy, ano 'yan? May date na naman kayo, ‘no?” tukso niya sa ‘k
SAMARA POV Nanlalamig ang dalawa kong kamay habang nasa labas ng emergency room. Mahigpit pa rin ang pagkakahawak ko sa bag ni Marco. Kanina pa ako pabalik-balik sa paglalakad at pasilip-silip sa salamin ng pinto ng emergency room para i-monitor ang ginagawang operasyon sa kanya ng apat na doktor at limang nurses. Gaya ng inaasahan, ay naging delikado ang kalagayan ni Marco. Nagdulot ng severe bleeding ang pagtama ng bala sa kaliwang bahagi ng dibdib niya kaya maraming dugo ang nawala sa kanya. May posibilidad ring nasira ang electrical system ng puso niya, at maging ang normal rhythm nito. I don't want to interpret things negatively, pero maaaring huminto ang pagtibok ng puso niya dahil sa traumatic injury na kanyang natamo. Napatakip ako sa bibig ko dahil sa ideyang 'yon. Nagsisimula na naman kasing manikip ang dibdib ko at mangilid ang luha ko. Shìt! Hindi ko kakayanin kapag nawala sa akin si Marco. Ikadudurog 'yon ng puso ko. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa ECG machine at
SAMARA POV “Sinong Poncio Pilato 'yang kapatid mo? Anong motibo niya sa pagbàril kay Marco? At bakit ang kapal ng mukha mong humarap pa sa ‘kin?” tahasan kong tanong sa babaeng kaharap ko. Napalunok siya at napaatras sa takot. Mariin ko pa siyang tinitigan. Mabuti naman at nakuha niya agad na kumukulo ang dugo ko sa kanya. Gayunpaman ay pinilit niya pa ring magsalita. “S-Si Eli… s-siya 'yong nanghampas ng upuan kay Marco dati. S-Siya rin ang bumàril sa kanya ngayon. Nakita na ng admin ang cctv footage. My brother is there, holding a gun. Ayokong maeskandalo ang kapatid ko, Samara, or worse makulong pa. Papaano na ang future niya? He's just madly in love with you. Sa tingin ko ay nadala lang siya ng damdamin niya. H-Hindi niya naman 'yon sinasadya,” nagkukumahog niyang paliwanag sa akin. Mas lalong uminit ang ulo ko sa walang kwenta niyang sagot. “Ano?” Lalapitan ko sana siya para sabunutan at kalbuhin pero pinigilan ako ni Candice. Dinuro ko na lang siya. “What if bàrilin din k
THIRD PERSON POV Lumagaslas ang tubig mula sa shower sa matipuno at hubad na katawan ni Aldric. Malalim ang iniisip niya at makailang beses na tinitigan ang singsing sa daliri na ibinigay ng misteryosong tao sa kanya. Bahagya siyang natawa.“Isang daang milyon kapalit ng pagsusuot ko ng singsing na ‘to? Ang wirdo talaga ng taong 'yon,” napapailing niyang sabi. Nangako pa ang misteryosong tao na pababalikin nito si Samara sa piling niya basta sundin lang niya ang gusto nito. Tinanggap ni Aldric ang panibago nilang deal. Hindi naman siya lugi sa usapan nila dahil puro naman 'yon pabor sa kanya. Kailangan niya ng pera at kailangan niya rin si Samara. Ang utos lang naman sa kanya ng misteryosong tao ay maghintay. Pinatày ni Aldric ang shower at isinandal ang dalawang kamay sa dingding. Hindi niya napigilang ngumiti dahil sa wakas ay tila umaayon na sa kanya ang tadhana. “Iba talaga ang epekto kapag may pera ka na naman at alam mong hindi ka pa mauubusan. Kay gaan sa pakiramdam,” mas
THIRD PERSON POV “Great job, napabilib mo ‘ko ro'n. Pang-FAMAS. Muntik na akong maiyak,” puri ni Mandy kay Emily saka siya mahinang pumalakpak. Malakas na natawa si Emily. “Ikaw rin, ang lakas mong maka-main character. Impromptu ba 'yon?” tukso niya kay Mandy. Magkakilala ang dalawa dahil magkasama sila sa Photography Club. Alam din ni Emily na peke lang ang pakikitungo ni Mandy kay Samara at may malalim itong galit sa dalaga. Hindi nga lang idinetalye ni Mandy sa kanya ang totoong dahilan. Inihagis ni Mandy ang bag ng pera sa patawa-tawa pa ring si Emily. Agad naman itong nasalo ng dalaga. “Bilangin mo,” nakangiting utos ni Mandy. “May bonus pa 'yan kasi napaiyak mo si Ara. Mula sa usapan nating five million, ay eight million na lahat-lahat 'yan,” paglalahad nito. Nanlaki ang mga mata ni Emily. “Eight million? For real?” napapasinghap nitong sabi. Mabilis niyang binuksan ang bag na binigay ni Mandy at hindi magkamayaw sa pagbibilang ng perang nasa loob no'n. Sumagi agad sa isip
MARCO POV“Ito na ang pinabili niyong Korean food, Sir Mar—”Mariin kong tinitigan si Dos na may halong pagbabanta. Mukhang madudulas pa ata. “I-I mean… Marco, haha, bro,” paglilihis niya at ngumisi sa akin. Mabuti naman at nakuha niya agad.Tumikhim siya at umupo para sumalo sa mesa. Si Jack naman ay inayos ang paper plates at kubyertos.Matamis na ngumiti si Ara at nilabas ang wallet. Maglalabas sana siya ng pera pero hindi niya napansing magkasabay pala sila ni Jill. “Ako na ang magbaba—” Natigilan ang dalawa at napasipat sa isa't isa. Sa pagkakasabay nilang magsalita ay parang may kuryenteng dumaloy sa pagitan nila.Lihim na natawa sina Dos at Jack sa nagbabadyang pagkokompetens’ya. Parang gusto pa nga nila akong tuksuhin ng, ‘Ang gwapo mo naman, Sir Marius, ikaw na.’Tumikhim ako para maagaw ang atensyon nilang dalawa. “Ako na, binigyan naman ako ng paunang bayad ni Sir kanina,” nakangiti kong saad para ‘di na sila mag-alitan pa. Kumalma sila. Mabuti naman.Tahimik kaming kuma
THIRD PERSON POVNais kaltukan ni Marco ang sarili. Oo, sinabihan niyang pakakasalan niya si Jill pero mga bata pa sila no'n. Akala niya ay nabaon na sa limot ang mga katagang ‘yon at klaro na sa dalaga na hanggang magkaibigan lang sila.Pamartsang lumapit si Samara sa kanila. Mabibigat ang paghakbang. Hindi naman umawat at sumunod lang ang dalawang kaibigan.Napalunok si Marco. Ano ba ang dapat niyang gawin? Para sa kanya ay mas nakakatakot pa ang hagupit ng galit ng fiancée niya kaysa sa talim ng sampung katana.“Bee? Gusto mo beeg-wasan kita?” sarkastikong dugtong ng dalaga sa tawagan ng dalawa. Nakadilat pa ang dalawang mga mata. Nanggigigil itong i-landing ang palad sa mukha ng babaeng humalik sa lalaking pakakasalan niya.“Excuse me? Sino ka?” Kahit mahinhin ay bakas sa boses ng huli ang pagiging palaban. Sa paniniwala niya ay kanya si Marco at hindi siya welcome sa ideya na may aagaw rito.Napansin ni Samara ang katana sa likuran ni Jill at ang suot niyang itim. Doon rumehistro
THIRD PERSON POVAlistong sinundan ng mga mata ng binata ang direksyong pinuntahan ng taong ‘yon. Saka niya ito nakita sa itaas ng puno. Kumislap ang hawak nitong katana. Sa kuro-kuro niya ay isang ninja.Ilang beses pang nagpalipat-lipat ng posisyon ang taong ‘yon na parang pinag-aaralan ang lokasyon nila. Napabaling na rin ang tatlo sa pagkilos ng mga sanga sa ibabaw ng puno. Nakaramdam sila kaba at napatayo.“A-Ano ‘yon?” nauutal na tanong ni Jack dahil bahagyang nakadama ng takot. Nakatingalang sinuyod ng tingin ang paligid. Sina Dos at Vien ay hindi rin mapakali.Mariin lang na nagmasid si Marco. Pamilyar sa kanya ang kilos ng taong nakaitim pero nais niya munang makasiguro.“Labas!” mariing utos ng binata na tila nagbabanta.Bahagyang tumahimik ang paligid. Tanging mga ibon lang ang maririnig. Tila huminto ang oras sa pagpipigil nila ng paghinga. Tinatansya ang kasunod na mangyayari ano mang oras.Mabilis na napalingon si Marco sa bandang kanan nang may kumilos roon. Isang papar
THIRD PERSON POV Nakasuot ang tatlo ng school ID ng Northford University. Napangiti na lang sabay iling si Marco nang maalala ang pinagbilin ni Mr. Sanchez sa mga ito na bantayan siya. Parang batang paslit pa rin ang turing ng ginoo sa kanya. “Hala, bumibilis ang pagtaas-baba ng mga linya rito sa tracker. Ibig sabihin, nasa malapit lang si Sir Marius!” manghang sabi ni Vien sa dalawang kasama. May hawak itong gadget na nakakonekta sa satellite para madaling ma-locate ang kinaroroonan ng binata. Isa ito sa bagong teknolohiya na dini-develop ang mga Veilers. Mabilis na sumilip sina Dos at Jack sa hawak ng dalaga at nilibot ang paningin sa paligid. Lihim na natawa si Marco dahil wala silang kamalay-malay na kay lapit lang ng distansya nila. Tinanggal niya ang suot na relo na iniregalo ni Mr. Sanchez. Sa ospital pa lang ay malakas na ang kutob niya na may kasama itong locator. Binalot niya ‘yon ng makapal na aluminum foil at isinilid sa isang Faraday bag bago ito inilagay sa loob ng
SAMARA POVNapakunot ang noo ko at ibinaba ang phone para suriin ang taong nakaitim. Kinalabit ko si Candice. “Kasali ba sa show ang isang ‘yan?” tanong ko sa kanya.“Saan?” pagdungaw niya pero humalo na sa audience area ang taong ‘yon kaya hindi niya nakita.“‘Yong nakasuot ng nin—”“Samara, Candice, nandito lang pala kayo. Nagtawag ng practice si Sir para sa performance natin mamaya. Biglang kinabahan kasi mukhang magagaling daw ang kalaban,” natatawang saad ni Adelle sabay irap. Isa siya sa kasamahan namin sa cheerleading squad. Sinapo niya ang noo at mukhang kanina pa kami hinahanap.“As in, now na? Nanonood pa kami, oh,” maarteng tugon ni Candice. Mukhang nabibitin pa sa dance showdown.Mabigat na nagbuntong-hininga si Adelle. “Yes, now na, urgent,” pagdidiin nito sa huling salita. “Tara na, tara na, baka umusok na naman ang ilong ni Sir,” pag-aapura niya sa amin ni Candice. Nagliwanag naman ang mukha niya nang mapansin na kasama namin si Mandy. “Hey, girl! ‘Di ba nasa Photograph
SAMARA POV‘Oh, that's the way, uh-huh, uh-huhI like it, uh-huh, uh-huhThat's the way, uh-huh, uh-huhI like it, uh-huh, uh-huh’Napuno ng matitingkad na kulay ng banners, light sticks at flaglets ang kabuuan ng open field. Nagkanya-kanyang hiwayan at indakan ang mga estudyante mula sa anim na naglalakihang universities sa opisyal na pagbubukas ng pagtatagisan ng mga kalahok sa iba't ibang larangan ng sports at events. "Welcome, everyone, to the grand opening of this year's Inter-University Sportsfest! Palakpakan naman d'yan!” anunsyo ng emcee na siyang mas nagpaingay sa paligid. “Dito ba banda ang taga-Northford University? Kaway-kaway!” pang-eengganyo nito sa amin. Syempre, hindi kami nagpatalo. Kami kaya ang champion last year. Kinalampag namin ang buong open field.“Dito naman tayo sa Saint Therese University, gusto ko mas maingay!” pagtawag niya sa kabilang side na nagpahiyaw rin sa mga ito. Kasunod niyang tinawag ang Harrison University, Golden East University, Valoria Univ
MARCO POV “Oh, Marco. Ba't parang nakakita ka ng multo?” kaswal na tanong ni Mandy sa akin pero halata mong may ibig sabihin. Tila nang-aasar ang mga mata niya. “Girl, bulag si Marco. Ni ‘di nga ata alam n'yan ang itsura ng multo,” natatawang bara ni Candice. Napailing na lang din si Ara sa mamimilosopo ng kaibigan. Nanatili akong nakatayo. Ramdam ko ang tensyon sa paraan ng pagtitig sa akin ni Mandy. Palihim—pero parang inuudyukan niya ako na sugurin siya. Kung walang mga tao sa paligid ay baka nagsalpukan na rin kami na gaya ng ginawa namin sa fire exit no'ng isang araw. Tumaas ang sulok ng labi nito na wari'y nagbabanta. Sa kabila ng ginawa niya sa akin ay hindi man lang siya kababakasan ng pagkailang o pangamba. Parang mas ginaganahan pa nga siya sa ideyang kilala ko na kung sino man ang babaeng nasa likod ng maskara. Ikinuyom ko ang palad ko. Ayokong magkagulo kaya pinigil ko ang sarili ko. Isa pa, kaibigan siya ni Ara. Walang ideya ang nobya ko na muntik na akong map
MARCO POV Kahit nasa dressing room ay rinig na rinig ko pa rin ang malakas na musika ng banda at hiyawan ng mga estudyante. Ngayon ang unang araw ng sportsfest dito sa Northford University. Ngayon din ang unang araw ko bilang mascot na unang beses kong masusubukan sa buong buhay ko. Medyo excited ako. ‘Sir, ano ba kasing ginagawa mo r'yan at kailangan pa talagang naka-off cam?’ tanong ni Jack sa kabilang linya. Kahit kasi nakalabas na ako sa ospital ay pursigido pa rin sila na bantayan ako na gaya ng bilin ni Mr. Sanchez. Napailing na lang ako dahil masyado nilang siniseryoso ang tungkulin nila. ‘Jack, ano ka ba. Nagbibihis si Sir. ‘Di ba, sportsfest nila ngayon? Privacy,’ saway ni Dos sa kanya. ‘Oh? Sportsfest? Anong sinalihan mo, Sir? Basketball? Soccer? Tennis?’ panghuhula ni Jack, bigla itong nanabik. ‘O baka golf? Kasi, ‘di ba? Pangyaman ‘yon? Pwede ring car racing. Bagay na bagay ‘yong mamahaling kotse sa nag-iisang Shadow Raven,’ buong pagmamalaking sambit ni Dos. ‘A
THIRD PERSON POV Nakakunot ang noo ni Jill habang tinitipa ang telepono niya. She's been dialing Marius’ number consecutively. At ni isa, ay hindi man lang sinagot ng binata. “He's so rude,” nakanguso niyang sabi at inilagay na lang sa bag niya ang telepono saka niya iginala ang paningin sa paligid. Napatitig sa kanya ang iilang bisita na tila ba namamangha sa presensya niya. Her full name is Mary Jill Costova. Nag-iisang tagapagmana ng tanyag na angkan ng mga Costova na nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaking kompanya ng mga alahas sa buong Asia at America. Nakasuot siya ng mamahaling pink dress na pinapalamutian ng mga lehitimong dyamante. Sa fashion pa lang niya at postura ay agad mo nang kababakasan ng pagiging anak mayaman. “Oh, Jill, hija. Kanina ka pa?” bati sa kanya ni Ms. Grace na siyang nag-held ng party para sa kaarawan ni Marius. Nagbeso-beso ang dalawa. Parang anak na ang turing nito sa kanya. “Kararating ko lang, Tita. Hindi lang ako nakalapit sa ‘yo agad kasi