THIRD PERSON POV Lumagaslas ang tubig mula sa shower sa matipuno at hubad na katawan ni Aldric. Malalim ang iniisip niya at makailang beses na tinitigan ang singsing sa daliri na ibinigay ng misteryosong tao sa kanya. Bahagya siyang natawa.“Isang daang milyon kapalit ng pagsusuot ko ng singsing na ‘to? Ang wirdo talaga ng taong 'yon,” napapailing niyang sabi. Nangako pa ang misteryosong tao na pababalikin nito si Samara sa piling niya basta sundin lang niya ang gusto nito. Tinanggap ni Aldric ang panibago nilang deal. Hindi naman siya lugi sa usapan nila dahil puro naman 'yon pabor sa kanya. Kailangan niya ng pera at kailangan niya rin si Samara. Ang utos lang naman sa kanya ng misteryosong tao ay maghintay. Pinatày ni Aldric ang shower at isinandal ang dalawang kamay sa dingding. Hindi niya napigilang ngumiti dahil sa wakas ay tila umaayon na sa kanya ang tadhana. “Iba talaga ang epekto kapag may pera ka na naman at alam mong hindi ka pa mauubusan. Kay gaan sa pakiramdam,” mas
THIRD PERSON POV “Great job, napabilib mo ‘ko ro'n. Pang-FAMAS. Muntik na akong maiyak,” puri ni Mandy kay Emily saka siya mahinang pumalakpak. Malakas na natawa si Emily. “Ikaw rin, ang lakas mong maka-main character. Impromptu ba 'yon?” tukso niya kay Mandy. Magkakilala ang dalawa dahil magkasama sila sa Photography Club. Alam din ni Emily na peke lang ang pakikitungo ni Mandy kay Samara at may malalim itong galit sa dalaga. Hindi nga lang idinetalye ni Mandy sa kanya ang totoong dahilan. Inihagis ni Mandy ang bag ng pera sa patawa-tawa pa ring si Emily. Agad naman itong nasalo ng dalaga. “Bilangin mo,” nakangiting utos ni Mandy. “May bonus pa 'yan kasi napaiyak mo si Ara. Mula sa usapan nating five million, ay eight million na lahat-lahat 'yan,” paglalahad nito. Nanlaki ang mga mata ni Emily. “Eight million? For real?” napapasinghap nitong sabi. Mabilis niyang binuksan ang bag na binigay ni Mandy at hindi magkamayaw sa pagbibilang ng perang nasa loob no'n. Sumagi agad sa isip
THIRD PERSON POV Bumalik si Mandy sa reyalidad nang tumunog ang phone niya. Pagkatingin niya rito ay nakita niya ang pangalan ni Candice. Napairap siya bago niya sinagot ang tawag. ‘Hello, Mandy. Pwede bang mag-sorry ka na lang sa nasabi mo kay Ara? Mukhang naging apektado kasi talaga siya ro'n. It bothers me. Ayoko rin na magkalamat ang pagkakaibigan niyo dahil lang kay Marco,’ nag-aalalang sabi ni Candice sa kabilang linya. Lihim na natawa si Mandy. 'Yon nga ang gusto niya. Ang ipamukha kay Samara na bawal itong sumaya. Pero kailangan niya munang magbait-baitan kasi hindi pa tapos ang lahat ng plano niya. “Candice, alam mo namang gusto ko lang protektahan si Marco. Lagi na lang siyang napapahamak nang dahil kay Ara. Alam mong gusto ko siya kaya nasasaktan ako sa t'wing nangyayari 'yon. Valid din naman siguro ang nararamdaman ko, 'di ba?” pagpapa-awang tugon ni Mandy. Magaling din talaga siyang magmanipula. Hindi agad na nakasagot si Candice. Naniwala rin ata. ‘Fine, I'll call
THIRD PERSON POV Nakatitig lang si Samara kay Aldric habang kumakain sila sa isang kalapit na mamahaling restaurant. Pinili talaga ni Aldric ang mga paboritong pagkain ng dalaga kahit na mahal. Nagpapabilib kasi siya para makuhang muli ang loob ng dati niyang nobya. “I heard he was shot. I'm sorry for that. Nakapagpahinga ka na ba?” paninimula ng usapan ni Aldric. Kailangan niyang magtunog concern para maisip ni Samara na mabuti siyang tao. “I did, nakaidlip na ako kanina,” tugon ni Samara sa tipid na ngiti. Mukhang naiilang pa nga itong makipag-usap. Agad naman 'yong napansin ni Aldric. Napahinga nang malalim ang binata at hindi na nakapagpigil pa na sabihin kung ano talaga ang pakay niya sa pagkikita nilang dalawa. “I want to fix what's between us. Nakailang tawag, chats at texts ako sa 'yo pero ni isa ay wala kang sinagot. Gusto ko lang naman na bigyan mo ‘ko ng second chance, Ara,” sinserong sabi ni Aldric. Sa totoo lang ay nahulog na rin talaga siya sa dalaga. Hindi agad na
THIRD PERSON POV “Oh, no, 'yong waiter, kawawa naman,” bulungan ng mga nakasaksing customers sa paligid nina Samara at Aldric. Nagtungo ang manager ng restaurant sa table nilang dalawa matapos mapansin ang nasabing kaguluhan. “I'm sorry for the inconvenience, sir. Hindi na po mauulit,” hinging paumanhin ng manager. Agad-agad itong kumuha ng tissue para ipunas sa nabasang damit ni Aldric. Aldric hissed. “Stop it, lumayo ka nga! Mga bwìsit!” pabulyaw nitong sabi. Napalunok ang mga staff sa paligid nilang dalawa. Muling nagsalita ang manager. “H-H'wag niyo naman ho akong sigaw-sigawan, sir. Pati ang mga empleyado rit—” “What?” agad na pagputol ni Aldric sa sinasabi niya. Pinasadahan niya ng tingin ang kausap. “You're servers. Ako pa ba mag-a-adjust para sa inyo? Kung hindi dahil sa aming mga customers ay wala kayong kakainin. Palpak naman kasi talaga ang trabaho niyo. You deserve such treatment,” pangungutya ni Aldric. Mariin siyang tinitigan ni Samara dahil sa inasta niya. A thou
SAMARA POV “What's goin—” “IT'S A PRANK!” masiglang bungad ni Candice sa akin nang makapasok ako sa kwarto. Nag-appear pa silang dalawa ni Marco habang ako naman ay kamuntikan nang mapaiyak. Naghagikgikan sila. “Ha Ha,” hilaw akong natawa saka ko sila pinandilatan ng mga mata. “I'm leaving,” sambit ko sa kanila. Nataranta si Candice. “Hoy! Teka lang!” Mabilis siyang tumakbo para iharang ang sarili niya sa pinto. “D’yan ka lang, bawal lumabas,” utos niya sa ‘kin sabay turo sa direksyon ko. Nababagot ko siyang tinitigan. “Alam mo naman, 'di—” “Wala, wala akong alam, wala talaga,” bara niya sa ‘kin saka siya mabilis na lumabas ng pinto at sinirado 'yon. Nanlaki ang mga mata ko. “Hoy! Candice!” Sinubukan kong pihitin ang doorknob pero kinadena niya pa talaga sa labas. Nakita ko siya sa salamin ng pinto na nakangisi at sinisenyasan ako na lapitan si Marco. Mukhang nanunukso pa nga. Pinandilatan ko siya ng mga mata pero tanging maarteng pagba-bye lang ang iginante niya sa akin. Na
SAMARA POV It's a bit funny. Plinano ko pa namang lumayo kay Marco pero parang kami na ata. We were lying on the bed, side by side, holding each other's hands. Napuno ng hickeys ang leeg namin. Nilingon ko siya sabay tawa nang mahina. Akala niya ata aatrasan ko siya. Ayan, hinang-hina siya. Nagparamihan ba naman kami ng kagat. “Ang wild mo pala, love,” sambit niya habang nakatulala sa kisame. Hindi pa rin siya makapaniwala. “Love,” bigkas ko. Parang kay sarap na ulit-ulitin. Inayos ko ang higa ko paharap sa kanya. “Do you promise to tell me everything?” Naningkit ang mga mata niya saka siya bumaling sa akin. "What would you like to know?" malambing niyang tanong. Mabigat akong napahinga. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Nag-aalala rin kasi ako sa kanya kaya gusto kong malaman. “Why are you… poisoning yourself?” pagpapaamin ko sa kanya. Natigilan siya. Tila rumaragasang tren ang tanong kong 'yon sa kanya na hindi niya inaasahan. *** MARCO POV “Why are you… poisoning
THIRD PERSON POV Nakasandal si Aldric sa kotse niya habang malalim pa ring iniisip ang tuluyang pakikipaghiwalay sa kanya ni Samara. Naikuyom niya ang palad sa sobrang inis. Gusto niyang magbitiw ng sunod-sunod na mura dahil sa nangyari. Hindi ito ang plinano niya. Ang pinakanakakaasar pa ay natalo lang siya ng isang bulag. “Bullshit,” malutong niyang mura sabay hampas sa kotse niya. Binuksan niya ang pinto nito at papasok na sana nang biglang may tumawag sa pangalan niya. “Aldric.” Napalingon siya at agad niyang nakilala ang babaeng nasa harapan. It's Mandy, ang best friend ng ex niyang si Samara. Ngayon pa lang sila mag-uusap na sila lang dalawa kaya medyo nanibago siya. Na-curious siya kung anong pakay nito sa kanya. “You need… anything?” nakakunot noong tanong ni Aldric kay Mandy. Ngumiti ang dalaga at tinagilid ang ulo niya bilang pagsenyas na pumasok muna sila sa kalapit na café. “I’ll tell you something,” sambit niya bago siya pumaunang maglakad. Nagugulu
MARCO POV“Ito na ang pinabili niyong Korean food, Sir Mar—”Mariin kong tinitigan si Dos na may halong pagbabanta. Mukhang madudulas pa ata. “I-I mean… Marco, haha, bro,” paglilihis niya at ngumisi sa akin. Mabuti naman at nakuha niya agad.Tumikhim siya at umupo para sumalo sa mesa. Si Jack naman ay inayos ang paper plates at kubyertos.Matamis na ngumiti si Ara at nilabas ang wallet. Maglalabas sana siya ng pera pero hindi niya napansing magkasabay pala sila ni Jill. “Ako na ang magbaba—” Natigilan ang dalawa at napasipat sa isa't isa. Sa pagkakasabay nilang magsalita ay parang may kuryenteng dumaloy sa pagitan nila.Lihim na natawa sina Dos at Jack sa nagbabadyang pagkokompetens’ya. Parang gusto pa nga nila akong tuksuhin ng, ‘Ang gwapo mo naman, Sir Marius, ikaw na.’Tumikhim ako para maagaw ang atensyon nilang dalawa. “Ako na, binigyan naman ako ng paunang bayad ni Sir kanina,” nakangiti kong saad para ‘di na sila mag-alitan pa. Kumalma sila. Mabuti naman.Tahimik kaming kuma
THIRD PERSON POVNais kaltukan ni Marco ang sarili. Oo, sinabihan niyang pakakasalan niya si Jill pero mga bata pa sila no'n. Akala niya ay nabaon na sa limot ang mga katagang ‘yon at klaro na sa dalaga na hanggang magkaibigan lang sila.Pamartsang lumapit si Samara sa kanila. Mabibigat ang paghakbang. Hindi naman umawat at sumunod lang ang dalawang kaibigan.Napalunok si Marco. Ano ba ang dapat niyang gawin? Para sa kanya ay mas nakakatakot pa ang hagupit ng galit ng fiancée niya kaysa sa talim ng sampung katana.“Bee? Gusto mo beeg-wasan kita?” sarkastikong dugtong ng dalaga sa tawagan ng dalawa. Nakadilat pa ang dalawang mga mata. Nanggigigil itong i-landing ang palad sa mukha ng babaeng humalik sa lalaking pakakasalan niya.“Excuse me? Sino ka?” Kahit mahinhin ay bakas sa boses ng huli ang pagiging palaban. Sa paniniwala niya ay kanya si Marco at hindi siya welcome sa ideya na may aagaw rito.Napansin ni Samara ang katana sa likuran ni Jill at ang suot niyang itim. Doon rumehistro
THIRD PERSON POVAlistong sinundan ng mga mata ng binata ang direksyong pinuntahan ng taong ‘yon. Saka niya ito nakita sa itaas ng puno. Kumislap ang hawak nitong katana. Sa kuro-kuro niya ay isang ninja.Ilang beses pang nagpalipat-lipat ng posisyon ang taong ‘yon na parang pinag-aaralan ang lokasyon nila. Napabaling na rin ang tatlo sa pagkilos ng mga sanga sa ibabaw ng puno. Nakaramdam sila kaba at napatayo.“A-Ano ‘yon?” nauutal na tanong ni Jack dahil bahagyang nakadama ng takot. Nakatingalang sinuyod ng tingin ang paligid. Sina Dos at Vien ay hindi rin mapakali.Mariin lang na nagmasid si Marco. Pamilyar sa kanya ang kilos ng taong nakaitim pero nais niya munang makasiguro.“Labas!” mariing utos ng binata na tila nagbabanta.Bahagyang tumahimik ang paligid. Tanging mga ibon lang ang maririnig. Tila huminto ang oras sa pagpipigil nila ng paghinga. Tinatansya ang kasunod na mangyayari ano mang oras.Mabilis na napalingon si Marco sa bandang kanan nang may kumilos roon. Isang papar
THIRD PERSON POV Nakasuot ang tatlo ng school ID ng Northford University. Napangiti na lang sabay iling si Marco nang maalala ang pinagbilin ni Mr. Sanchez sa mga ito na bantayan siya. Parang batang paslit pa rin ang turing ng ginoo sa kanya. “Hala, bumibilis ang pagtaas-baba ng mga linya rito sa tracker. Ibig sabihin, nasa malapit lang si Sir Marius!” manghang sabi ni Vien sa dalawang kasama. May hawak itong gadget na nakakonekta sa satellite para madaling ma-locate ang kinaroroonan ng binata. Isa ito sa bagong teknolohiya na dini-develop ang mga Veilers. Mabilis na sumilip sina Dos at Jack sa hawak ng dalaga at nilibot ang paningin sa paligid. Lihim na natawa si Marco dahil wala silang kamalay-malay na kay lapit lang ng distansya nila. Tinanggal niya ang suot na relo na iniregalo ni Mr. Sanchez. Sa ospital pa lang ay malakas na ang kutob niya na may kasama itong locator. Binalot niya ‘yon ng makapal na aluminum foil at isinilid sa isang Faraday bag bago ito inilagay sa loob ng
SAMARA POVNapakunot ang noo ko at ibinaba ang phone para suriin ang taong nakaitim. Kinalabit ko si Candice. “Kasali ba sa show ang isang ‘yan?” tanong ko sa kanya.“Saan?” pagdungaw niya pero humalo na sa audience area ang taong ‘yon kaya hindi niya nakita.“‘Yong nakasuot ng nin—”“Samara, Candice, nandito lang pala kayo. Nagtawag ng practice si Sir para sa performance natin mamaya. Biglang kinabahan kasi mukhang magagaling daw ang kalaban,” natatawang saad ni Adelle sabay irap. Isa siya sa kasamahan namin sa cheerleading squad. Sinapo niya ang noo at mukhang kanina pa kami hinahanap.“As in, now na? Nanonood pa kami, oh,” maarteng tugon ni Candice. Mukhang nabibitin pa sa dance showdown.Mabigat na nagbuntong-hininga si Adelle. “Yes, now na, urgent,” pagdidiin nito sa huling salita. “Tara na, tara na, baka umusok na naman ang ilong ni Sir,” pag-aapura niya sa amin ni Candice. Nagliwanag naman ang mukha niya nang mapansin na kasama namin si Mandy. “Hey, girl! ‘Di ba nasa Photograph
SAMARA POV‘Oh, that's the way, uh-huh, uh-huhI like it, uh-huh, uh-huhThat's the way, uh-huh, uh-huhI like it, uh-huh, uh-huh’Napuno ng matitingkad na kulay ng banners, light sticks at flaglets ang kabuuan ng open field. Nagkanya-kanyang hiwayan at indakan ang mga estudyante mula sa anim na naglalakihang universities sa opisyal na pagbubukas ng pagtatagisan ng mga kalahok sa iba't ibang larangan ng sports at events. "Welcome, everyone, to the grand opening of this year's Inter-University Sportsfest! Palakpakan naman d'yan!” anunsyo ng emcee na siyang mas nagpaingay sa paligid. “Dito ba banda ang taga-Northford University? Kaway-kaway!” pang-eengganyo nito sa amin. Syempre, hindi kami nagpatalo. Kami kaya ang champion last year. Kinalampag namin ang buong open field.“Dito naman tayo sa Saint Therese University, gusto ko mas maingay!” pagtawag niya sa kabilang side na nagpahiyaw rin sa mga ito. Kasunod niyang tinawag ang Harrison University, Golden East University, Valoria Univ
MARCO POV “Oh, Marco. Ba't parang nakakita ka ng multo?” kaswal na tanong ni Mandy sa akin pero halata mong may ibig sabihin. Tila nang-aasar ang mga mata niya. “Girl, bulag si Marco. Ni ‘di nga ata alam n'yan ang itsura ng multo,” natatawang bara ni Candice. Napailing na lang din si Ara sa mamimilosopo ng kaibigan. Nanatili akong nakatayo. Ramdam ko ang tensyon sa paraan ng pagtitig sa akin ni Mandy. Palihim—pero parang inuudyukan niya ako na sugurin siya. Kung walang mga tao sa paligid ay baka nagsalpukan na rin kami na gaya ng ginawa namin sa fire exit no'ng isang araw. Tumaas ang sulok ng labi nito na wari'y nagbabanta. Sa kabila ng ginawa niya sa akin ay hindi man lang siya kababakasan ng pagkailang o pangamba. Parang mas ginaganahan pa nga siya sa ideyang kilala ko na kung sino man ang babaeng nasa likod ng maskara. Ikinuyom ko ang palad ko. Ayokong magkagulo kaya pinigil ko ang sarili ko. Isa pa, kaibigan siya ni Ara. Walang ideya ang nobya ko na muntik na akong map
MARCO POV Kahit nasa dressing room ay rinig na rinig ko pa rin ang malakas na musika ng banda at hiyawan ng mga estudyante. Ngayon ang unang araw ng sportsfest dito sa Northford University. Ngayon din ang unang araw ko bilang mascot na unang beses kong masusubukan sa buong buhay ko. Medyo excited ako. ‘Sir, ano ba kasing ginagawa mo r'yan at kailangan pa talagang naka-off cam?’ tanong ni Jack sa kabilang linya. Kahit kasi nakalabas na ako sa ospital ay pursigido pa rin sila na bantayan ako na gaya ng bilin ni Mr. Sanchez. Napailing na lang ako dahil masyado nilang siniseryoso ang tungkulin nila. ‘Jack, ano ka ba. Nagbibihis si Sir. ‘Di ba, sportsfest nila ngayon? Privacy,’ saway ni Dos sa kanya. ‘Oh? Sportsfest? Anong sinalihan mo, Sir? Basketball? Soccer? Tennis?’ panghuhula ni Jack, bigla itong nanabik. ‘O baka golf? Kasi, ‘di ba? Pangyaman ‘yon? Pwede ring car racing. Bagay na bagay ‘yong mamahaling kotse sa nag-iisang Shadow Raven,’ buong pagmamalaking sambit ni Dos. ‘A
THIRD PERSON POV Nakakunot ang noo ni Jill habang tinitipa ang telepono niya. She's been dialing Marius’ number consecutively. At ni isa, ay hindi man lang sinagot ng binata. “He's so rude,” nakanguso niyang sabi at inilagay na lang sa bag niya ang telepono saka niya iginala ang paningin sa paligid. Napatitig sa kanya ang iilang bisita na tila ba namamangha sa presensya niya. Her full name is Mary Jill Costova. Nag-iisang tagapagmana ng tanyag na angkan ng mga Costova na nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaking kompanya ng mga alahas sa buong Asia at America. Nakasuot siya ng mamahaling pink dress na pinapalamutian ng mga lehitimong dyamante. Sa fashion pa lang niya at postura ay agad mo nang kababakasan ng pagiging anak mayaman. “Oh, Jill, hija. Kanina ka pa?” bati sa kanya ni Ms. Grace na siyang nag-held ng party para sa kaarawan ni Marius. Nagbeso-beso ang dalawa. Parang anak na ang turing nito sa kanya. “Kararating ko lang, Tita. Hindi lang ako nakalapit sa ‘yo agad kasi