Home / Romance / Craving For Love / CHAPTER 51: Takbo Na!

Share

CHAPTER 51: Takbo Na!

Author: Love Reinn
last update Last Updated: 2024-02-15 16:14:26
SAMARA POV

Nakita kong nagtatakbuhan na ang mga estudyante palabas ng Northford University. Nagtutumbahan na rin ang mga poste.

“Ano bang meron kasi?” curious ko na talagang tanong.

“Hayaan mo lang 'yan,” nanghihina nang sabi ni Marco dahil sa lakas niyang bumayo.

Medyo mahapdi na rin ang pagkababae ko, pero sige lang, push pa!

Biglang tumigil si Marco at hingal na hingal na humiga na lang sa likuran ko. Naghahalo na ang pawis naming dalawa.

“Hoy, Marco? Namatay ka na r'yan?” pangangamusta ko sa kanya pero ‘di siya umimik. Kinapa ko na lang ang phone ko na kanina pa pala may tumatawag.

Pagka-check ko, si Candice pala.

“Hello, girl?” sagot ko sa tawag niya sa ganoong posisyon pa rin namin ni Marco.

‘Agshsjaksnksksks,’ sagot ni Candice sa kabilang linya.

Napakunot ang noo ko. “Ano?” naguguluhang tanong ko sa kanya. Tiningnan ko ang phone ko kasi baka sira lang ang signal pero okay naman. “Candice?” muling sambit ko sa pangalan niya.

‘Fsjahsjdksmsmkdskkks,’ pero gano'n pa rin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Craving For Love   CHAPTER 52: Miss Grace

    THIRD PERSON POV Suot ang isang magarang slit dress na yumayakap sa slim niyang katawan at mamahaling alahas. Tila ba isang dyamanteng kumikinang ang babaeng mataray at sopistikada na glamorosang naglalakad sa espaltadong kalsada na tinatahak ang mansyon ng pamilya Silvestre. Malapad ang suot niyang floppy hat kaya ‘di mo maaaninag agad ang mukha niya. Tanging ang labi niyang pulang-pula ang matatanaw mo kapag tinitigan mo siya nang malayuan. Nang makarating siya sa tapat ng mansyon ng pamilya Silvestre ay tumingala siya para pagmasdan ang pamamahay na kay tagal niyang iniwan. Sa eksenang 'yon ay nalantad ang kaakit-akit niyang mukha. She's Gracelyn Silvestre, na kilala rin bilang ‘Miss Grace.’ Isa siyang bigating international supermodel na napangasawa ng batikang negosyante na si Rovelle Silvestre. May mga sabi-sabing pera lang ang habol niya sa asawa. Makailang beses na siyang na-issue ng pangangaliwa pero patuloy pa rin silang nakatali sa pagsasamahan nila ni Rovelle Silv

    Last Updated : 2024-02-17
  • Craving For Love   CHAPTER 53: Text

    THIRD PERSON POV “Aw!” Napahawak si Monica sa ulo niyang binato ng kinumpol na papel ni Jei. Agad niya itong tinaasan ng kilay. Tanging hagikgik lang ang iginanti ng binata. Ilang araw na rin siyang kinukulit ni Jei. Binibigyan siya nito ng kung ano-anong bagay gaya na lang ng laruang gagamba at sawa. No'ng isang araw pa ay nilagyan nito ng malaking bato 'yong maleta niya. Minsan naman ay binibigyan siya nito ng mga korni na jokes na nakasulat sa tissue paper. May mga pagkakataon ding mini-mention siya nito sa mga nakakatakot na videos sa fàcebook tuwing hating-gabi. Nawiwili na talaga si Jei na pagtripan siya. Lagi siyang kinukulit ng binata simula no'ng araw na tinanggihan niya ang alok nitong makipag-date sa paborito nitong café. Mukhang wala na ngang balak si Jei na tantanan siya. Pinulot ni Jei ang kinumpol na papel sa sahig na binalewala lang ni Monica. Napakamot pa siya bago ito iniabot sa dalaga. “Basahin mo kasi,” parang nagtatampo niyang sabi. “Ha? Ayoko nga,” walang p

    Last Updated : 2024-02-20
  • Craving For Love   CHAPTER 54: Ang Hassle Magmahal

    SAMARA POV “Dear… Marco… hmm, haha,” natawa ako sa sarili ko. Dalawang words pa lang ang nasusulat ko sa ginagawa kong love letter para kay Marco ay kilig na kilig na agad ako. Noong nasa pool kami ay ‘di ko nasabi sa kanya na mahal ko rin siya kaya gusto kong ibuhos ang lahat ng nararamdaman ko sa sulat na ‘to. Ini-scroll ko ang iPad Pro ko kung saan ako nag-search ng maraming love letters at love quotes sa gòogle. Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko habang sinusulat ang kada natitipuhan kong basahin. Effort na kung effort, basta sisiguraduhin kong kapag natanggap ni Marco ang love letter na ‘to ay hinding-hindi na niya makakalimutan. I giggled. Ano ba 'yan, kinikilig akong talaga. Namimili ako ng magandang kulay ng pen nang mapansin kong iika-ikang naglalakad si Kakai. Napakunot ang noo ko sa kanya. “What's wrong with you?” nagtataka kong tanong. Bumagsak ang balikat niya na halata mong wala sa mood. “'Yong takong po kasi ng black shoes ko ay nasira, wala na tuloy akong

    Last Updated : 2024-02-23
  • Craving For Love   CHAPTER 55: Another Deal

    THIRD PERSON POV Nakakunot ang noo ni Aldric habang tinititigan ang phone niya. Nagsisimula na siyang mainis. Naka-50 missed calls na kasi siya kay Samara pero ni isa ay walang sinagot ang dalaga. “Shìt!” malakas niyang hinampas ang bubong ng kotse niya. Nabalitaan pa niya sa mga ka-teammates niya sa football na madalas na magkasama sina Samara at ang na-iisue rito na si Marco Villaflor. Mukhang may relasyon na nga raw ang dalawa. Makailang beses pa niyang hinampas ang bubong ng kotse niya dahil sa inis. Gusto niyang makuha ulit ang dalaga. Kailangan niyang makagawa ng paraan. Nang mahimasmasan ay napahinga siya nang malalim at tumingin sa relo niya. It's 6 PM. Plano niyang magpakalunod sa alak sa buong magdamag hanggang makalimot siya sa problema at mawala ang init ng ulo niya. Kinontak pa niya ang babaeng kakakilala niya pa lang na si Monica para may kasalo siya sa lungkot niya. Panakip-butas. Hindi matanggap-tanggap ni Aldric sa loob niya ang ideyang hindi na niya m

    Last Updated : 2024-02-29
  • Craving For Love   CHAPTER 56: Yelo

    THIRD PERSON POV “Tara na, babe,” hinila ni Jei ang kamay ni Monica. Mukhang wala ito sa mood. “Anong babe babe pinagsasabi mo?” agad na bara ni Monica sa kanya. Hindi pa rin kasi nawawala ang pagka-bitter ng dalaga sa binata matapos siya nitong makailang beses na sinaktan. “May date pa tayo, 'di ba?” pagsisinungaling ni Jei. Tinitigan niya nang masama ang lalaking nakahawak sa kamay ni Monica. “Pwedeng pakibitiwan ang girlfriend ko, brad? Baka ‘di kita matansya, basagin ko 'yang mukha mo,” pagbabanta niya sa lalaking nakahawak pa rin kay Monica. “Ano?” Tatayo sana ang lalaki pero nagsimula nang lumapit sa direksyon nila ang pitong bouncers na malalaki ang katawan. Kaya siyang pisain ng mga 'yon sa isang kamao lang. Napilitan tuloy siyang bumitaw na lang. “Tara na mga p're, masisira lang gabi natin,” yaya ng isa sa tatlong lalaki. Padabog naman na sumunod ang dalawa pa. Nang makaalis ang tatlo ay pinasadahan ng tingin ni Jei si Monica mula ulo hanggang paa. Agad na nakaramdam ng

    Last Updated : 2024-03-02
  • Craving For Love   CHAPTER 57: Happily in Love

    SAMARA POV “So… ba't ang dami nitong binili mong braille papers? Ano ‘to? Buy and sell? O magpapatayo ka ng printing shop?” natatawang tanong ni Atty. Santivañez sa ‘kin. Tinulungan niya kami ni Manong Vonn na ilagay sa kotse ang mga pinamili kong kahon-kahon ng braille papers. Halata mo sa mukha niya na wala talaga siyang ideya sa kung ano mang trip ko sa buhay. Natawa na lang din ako sa naging reaksyon niya. “Hindi, ‘no. May balak kasi akong bigyan ng love letter. Medyo nahirapan akong mamili kanina kaya binili ko na lang lahat, afford ko naman,” confident kong sabi sabay kibit-balikat. “Ah, gano'n ba?” Lumapad ang ngiti sa labi ni Atty. Santivañez. “Ang swerte naman ng lalaking 'yon, mukhang importante talaga siya sa 'yo kasi nag-effort ka talaga,” tumango-tango siya. “Hmm, syempre, ako na ‘to, eh,” hirit ko na naman. Sabay kaming natawa. Wala, I love myself talaga. Patuloy pa rin kami sa pagkakarga ng mga kahon sa kotse nang may sumagi sa utak ko. Tutal, nag-uusap na rin nam

    Last Updated : 2024-03-05
  • Craving For Love   CHAPTER 58: Cherophobia

    SAMARA POV “Woooah!” hiyawan ng mga katulong namin sa kusina. Alas singko pa lang ng umaga ay nagkukumpulan na sila. “Kendeng-kendeng… pak!” Nag-pose si Kakai na parang isang modelo. Suot niya 'yong black shoes na binigay sa kanya ni Monica. Aliw na aliw naman ang ibang mga katulong sa kanya at panay ang tawanan. Muli siyang rumampa. Napailing na lang ako at napangiti na rin. “Mukhang ang saya niya talaga, ah,” monologo ko at pinagkrus ang dalawa braso. Kumislap ang mga mata ni Kakai nang makita ako. Agad siyang pumunta sa gawi ko at ibinida ang bago niyang sapatos. “Ma'am, oh. Bagay ba?” nawiwili niyang sabi. Panay ang hagikgik niya. Nakangiti kong tinitigan ang sapatos na suot niya. “Bagay na bagay,” puri ko sa kanya. Tumango-tango pa ako. Nanlaki ang mga mata niya nang mapansin niya ang leeg ko. “Ay, hala, ang ganda po ng kwintas niyo, ah. Bago po 'yan?” namamangha niyang sabi. “Oh, ito?” hinawakan ko ang kwintas na suot-suot ko. “Bigay ni daddy,” nakangiting tugon ko sa

    Last Updated : 2024-03-07
  • Craving For Love   CHAPTER 59: Golden Ring

    SAMARA POV Nadatnan ko sina Mandy at Candice na nagtatawanan habang nanonood ng K-Drama pagkarating ko sa locker room. “Ara, dali, watch mo ‘to. Ang funny ng guy,” yaya ni Candice. Si Mandy naman ay panay rin ang tawa. May hawak siyang phone sa isa niyang kamay pero nakapatay, lowbat ata. “Tingin nga,” tumabi ako sa kanila. Pagkaupo ko ay bumungad agad ang mukha ng bidang lalaki. Nakakatawa nga ang mukha niya, tama nga si Candice. Natawa na rin ako kasabay nila. Sa sobrang aliw ng pinapanood namin ay hindi ko namalayan ang oras. Muntik ko pang makalimutan na naghihintay pala si Marco sa garden. Mabilis akong tumayo at pumunta sa locker ko nang mahimasmasan ako. Matapos pihitin ang susi ay agad kong kinalkal 'yon at naroon nga ang ginawa kong love letter para kay Marco. Nakahinga ako nang maluwag. “Girls, puntahan ko lang si Marco,” paalam ko sa kina Candice at Mandy. Agad na lumapad ang ngiti sa labi ni Candice. “Oyyy, ano 'yan? May date na naman kayo, ‘no?” tukso niya sa ‘k

    Last Updated : 2024-03-10

Latest chapter

  • Craving For Love   CHAPTER 98: Playground

    MARCO POV“Ito na ang pinabili niyong Korean food, Sir Mar—”Mariin kong tinitigan si Dos na may halong pagbabanta. Mukhang madudulas pa ata. “I-I mean… Marco, haha, bro,” paglilihis niya at ngumisi sa akin. Mabuti naman at nakuha niya agad.Tumikhim siya at umupo para sumalo sa mesa. Si Jack naman ay inayos ang paper plates at kubyertos.Matamis na ngumiti si Ara at nilabas ang wallet. Maglalabas sana siya ng pera pero hindi niya napansing magkasabay pala sila ni Jill. “Ako na ang magbaba—” Natigilan ang dalawa at napasipat sa isa't isa. Sa pagkakasabay nilang magsalita ay parang may kuryenteng dumaloy sa pagitan nila.Lihim na natawa sina Dos at Jack sa nagbabadyang pagkokompetens’ya. Parang gusto pa nga nila akong tuksuhin ng, ‘Ang gwapo mo naman, Sir Marius, ikaw na.’Tumikhim ako para maagaw ang atensyon nilang dalawa. “Ako na, binigyan naman ako ng paunang bayad ni Sir kanina,” nakangiti kong saad para ‘di na sila mag-alitan pa. Kumalma sila. Mabuti naman.Tahimik kaming kuma

  • Craving For Love   CHAPTER 97: Karibal

    THIRD PERSON POVNais kaltukan ni Marco ang sarili. Oo, sinabihan niyang pakakasalan niya si Jill pero mga bata pa sila no'n. Akala niya ay nabaon na sa limot ang mga katagang ‘yon at klaro na sa dalaga na hanggang magkaibigan lang sila.Pamartsang lumapit si Samara sa kanila. Mabibigat ang paghakbang. Hindi naman umawat at sumunod lang ang dalawang kaibigan.Napalunok si Marco. Ano ba ang dapat niyang gawin? Para sa kanya ay mas nakakatakot pa ang hagupit ng galit ng fiancée niya kaysa sa talim ng sampung katana.“Bee? Gusto mo beeg-wasan kita?” sarkastikong dugtong ng dalaga sa tawagan ng dalawa. Nakadilat pa ang dalawang mga mata. Nanggigigil itong i-landing ang palad sa mukha ng babaeng humalik sa lalaking pakakasalan niya.“Excuse me? Sino ka?” Kahit mahinhin ay bakas sa boses ng huli ang pagiging palaban. Sa paniniwala niya ay kanya si Marco at hindi siya welcome sa ideya na may aagaw rito.Napansin ni Samara ang katana sa likuran ni Jill at ang suot niyang itim. Doon rumehistro

  • Craving For Love   CHAPTER 96: Bee

    THIRD PERSON POVAlistong sinundan ng mga mata ng binata ang direksyong pinuntahan ng taong ‘yon. Saka niya ito nakita sa itaas ng puno. Kumislap ang hawak nitong katana. Sa kuro-kuro niya ay isang ninja.Ilang beses pang nagpalipat-lipat ng posisyon ang taong ‘yon na parang pinag-aaralan ang lokasyon nila. Napabaling na rin ang tatlo sa pagkilos ng mga sanga sa ibabaw ng puno. Nakaramdam sila kaba at napatayo.“A-Ano ‘yon?” nauutal na tanong ni Jack dahil bahagyang nakadama ng takot. Nakatingalang sinuyod ng tingin ang paligid. Sina Dos at Vien ay hindi rin mapakali.Mariin lang na nagmasid si Marco. Pamilyar sa kanya ang kilos ng taong nakaitim pero nais niya munang makasiguro.“Labas!” mariing utos ng binata na tila nagbabanta.Bahagyang tumahimik ang paligid. Tanging mga ibon lang ang maririnig. Tila huminto ang oras sa pagpipigil nila ng paghinga. Tinatansya ang kasunod na mangyayari ano mang oras.Mabilis na napalingon si Marco sa bandang kanan nang may kumilos roon. Isang papar

  • Craving For Love   CHAPTER 95: Kalaban

    THIRD PERSON POV Nakasuot ang tatlo ng school ID ng Northford University. Napangiti na lang sabay iling si Marco nang maalala ang pinagbilin ni Mr. Sanchez sa mga ito na bantayan siya. Parang batang paslit pa rin ang turing ng ginoo sa kanya. “Hala, bumibilis ang pagtaas-baba ng mga linya rito sa tracker. Ibig sabihin, nasa malapit lang si Sir Marius!” manghang sabi ni Vien sa dalawang kasama. May hawak itong gadget na nakakonekta sa satellite para madaling ma-locate ang kinaroroonan ng binata. Isa ito sa bagong teknolohiya na dini-develop ang mga Veilers. Mabilis na sumilip sina Dos at Jack sa hawak ng dalaga at nilibot ang paningin sa paligid. Lihim na natawa si Marco dahil wala silang kamalay-malay na kay lapit lang ng distansya nila. Tinanggal niya ang suot na relo na iniregalo ni Mr. Sanchez. Sa ospital pa lang ay malakas na ang kutob niya na may kasama itong locator. Binalot niya ‘yon ng makapal na aluminum foil at isinilid sa isang Faraday bag bago ito inilagay sa loob ng

  • Craving For Love   CHAPTER 94: Sobre

    SAMARA POVNapakunot ang noo ko at ibinaba ang phone para suriin ang taong nakaitim. Kinalabit ko si Candice. “Kasali ba sa show ang isang ‘yan?” tanong ko sa kanya.“Saan?” pagdungaw niya pero humalo na sa audience area ang taong ‘yon kaya hindi niya nakita.“‘Yong nakasuot ng nin—”“Samara, Candice, nandito lang pala kayo. Nagtawag ng practice si Sir para sa performance natin mamaya. Biglang kinabahan kasi mukhang magagaling daw ang kalaban,” natatawang saad ni Adelle sabay irap. Isa siya sa kasamahan namin sa cheerleading squad. Sinapo niya ang noo at mukhang kanina pa kami hinahanap.“As in, now na? Nanonood pa kami, oh,” maarteng tugon ni Candice. Mukhang nabibitin pa sa dance showdown.Mabigat na nagbuntong-hininga si Adelle. “Yes, now na, urgent,” pagdidiin nito sa huling salita. “Tara na, tara na, baka umusok na naman ang ilong ni Sir,” pag-aapura niya sa amin ni Candice. Nagliwanag naman ang mukha niya nang mapansin na kasama namin si Mandy. “Hey, girl! ‘Di ba nasa Photograph

  • Craving For Love   CHAPTER 93: Parada

    SAMARA POV‘Oh, that's the way, uh-huh, uh-huhI like it, uh-huh, uh-huhThat's the way, uh-huh, uh-huhI like it, uh-huh, uh-huh’Napuno ng matitingkad na kulay ng banners, light sticks at flaglets ang kabuuan ng open field. Nagkanya-kanyang hiwayan at indakan ang mga estudyante mula sa anim na naglalakihang universities sa opisyal na pagbubukas ng pagtatagisan ng mga kalahok sa iba't ibang larangan ng sports at events. "Welcome, everyone, to the grand opening of this year's Inter-University Sportsfest! Palakpakan naman d'yan!” anunsyo ng emcee na siyang mas nagpaingay sa paligid. “Dito ba banda ang taga-Northford University? Kaway-kaway!” pang-eengganyo nito sa amin. Syempre, hindi kami nagpatalo. Kami kaya ang champion last year. Kinalampag namin ang buong open field.“Dito naman tayo sa Saint Therese University, gusto ko mas maingay!” pagtawag niya sa kabilang side na nagpahiyaw rin sa mga ito. Kasunod niyang tinawag ang Harrison University, Golden East University, Valoria Univ

  • Craving For Love   CHAPTER 92: Maskara

    MARCO POV “Oh, Marco. Ba't parang nakakita ka ng multo?” kaswal na tanong ni Mandy sa akin pero halata mong may ibig sabihin. Tila nang-aasar ang mga mata niya. “Girl, bulag si Marco. Ni ‘di nga ata alam n'yan ang itsura ng multo,” natatawang bara ni Candice. Napailing na lang din si Ara sa mamimilosopo ng kaibigan. Nanatili akong nakatayo. Ramdam ko ang tensyon sa paraan ng pagtitig sa akin ni Mandy. Palihim—pero parang inuudyukan niya ako na sugurin siya. Kung walang mga tao sa paligid ay baka nagsalpukan na rin kami na gaya ng ginawa namin sa fire exit no'ng isang araw. Tumaas ang sulok ng labi nito na wari'y nagbabanta. Sa kabila ng ginawa niya sa akin ay hindi man lang siya kababakasan ng pagkailang o pangamba. Parang mas ginaganahan pa nga siya sa ideyang kilala ko na kung sino man ang babaeng nasa likod ng maskara. Ikinuyom ko ang palad ko. Ayokong magkagulo kaya pinigil ko ang sarili ko. Isa pa, kaibigan siya ni Ara. Walang ideya ang nobya ko na muntik na akong map

  • Craving For Love   CHAPTER 91: Mata

    MARCO POV Kahit nasa dressing room ay rinig na rinig ko pa rin ang malakas na musika ng banda at hiyawan ng mga estudyante. Ngayon ang unang araw ng sportsfest dito sa Northford University. Ngayon din ang unang araw ko bilang mascot na unang beses kong masusubukan sa buong buhay ko. Medyo excited ako. ‘Sir, ano ba kasing ginagawa mo r'yan at kailangan pa talagang naka-off cam?’ tanong ni Jack sa kabilang linya. Kahit kasi nakalabas na ako sa ospital ay pursigido pa rin sila na bantayan ako na gaya ng bilin ni Mr. Sanchez. Napailing na lang ako dahil masyado nilang siniseryoso ang tungkulin nila. ‘Jack, ano ka ba. Nagbibihis si Sir. ‘Di ba, sportsfest nila ngayon? Privacy,’ saway ni Dos sa kanya. ‘Oh? Sportsfest? Anong sinalihan mo, Sir? Basketball? Soccer? Tennis?’ panghuhula ni Jack, bigla itong nanabik. ‘O baka golf? Kasi, ‘di ba? Pangyaman ‘yon? Pwede ring car racing. Bagay na bagay ‘yong mamahaling kotse sa nag-iisang Shadow Raven,’ buong pagmamalaking sambit ni Dos. ‘A

  • Craving For Love   CHAPTER 90: Jill

    THIRD PERSON POV Nakakunot ang noo ni Jill habang tinitipa ang telepono niya. She's been dialing Marius’ number consecutively. At ni isa, ay hindi man lang sinagot ng binata. “He's so rude,” nakanguso niyang sabi at inilagay na lang sa bag niya ang telepono saka niya iginala ang paningin sa paligid. Napatitig sa kanya ang iilang bisita na tila ba namamangha sa presensya niya. Her full name is Mary Jill Costova. Nag-iisang tagapagmana ng tanyag na angkan ng mga Costova na nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaking kompanya ng mga alahas sa buong Asia at America. Nakasuot siya ng mamahaling pink dress na pinapalamutian ng mga lehitimong dyamante. Sa fashion pa lang niya at postura ay agad mo nang kababakasan ng pagiging anak mayaman. “Oh, Jill, hija. Kanina ka pa?” bati sa kanya ni Ms. Grace na siyang nag-held ng party para sa kaarawan ni Marius. Nagbeso-beso ang dalawa. Parang anak na ang turing nito sa kanya. “Kararating ko lang, Tita. Hindi lang ako nakalapit sa ‘yo agad kasi

DMCA.com Protection Status