Home / Romance / Craving For Love / Kabanata 71 - Kabanata 80

Lahat ng Kabanata ng Craving For Love: Kabanata 71 - Kabanata 80

98 Kabanata

CHAPTER 71: An Ally or an Enemy?

THIRD PERSON POV Inihiga ni Aldric ang sarili niya sa kama. Hindi pa rin maalis-alis sa isipan niya ang sinabi ni Mandy sa kanya. ‘Sinong bumarìl sa kanya?’ nag-aalala niyang tanong sa dalaga. Naikuyom ni Mandy ang palad. ‘It's Eli, your friend,’ diretsahan nitong tugon sa binata. Naipikit ni Aldric ang mga mata niya. Alam niyang medyo tuliro ang utak ni Eli pero tapat naman itong kaibigan. Kahit baliw na baliw ito sa ex niyang si Samara ay hindi siya nito ginawan ng masama. Malaki ang respeto nito sa pagsasamahan nila at gano'n din siya. Tatlong magkakasunod na tunog ng doorbell ang nagpahinto sa kanya mula sa malalim niyang iniisip. Bumangon siya sa pagkakahiga at nagtungo sa pinto ng living room upang buksan ito. Tumambad sa kanya ang apat na pulis na may hawak na mga dokumento. Agad na napakunot ang noo ni Aldric. “Kayo po ba si Mr. Aldric Rodriguez?” bungad na tanong ng isa sa mga pulis sa kanya. Malaki ang pangangatawan nito at medyo bugnutin ang itsura. Naningkit ang mg
last updateHuling Na-update : 2024-04-17
Magbasa pa

CHAPTER 72: Trials Ahead

MARCO POV Naiwan akong mag-isa sa kwarto ko. Lumabas kasi si Ara para salubungin sina Candice at Lolly dahil marami raw silang dalang pagkain. Hinabilin pa niyang bumili ang mga ito ng Korean Food kasi alam niyang paborito ko ‘yon. Napangiti ako sa pagiging maalaga niya. Hindi pa kami kinakasal ay pang-wife material na. Kinuha ko sa loob ng bag ko ang maliit na box na laman ang singsing na pinasadya ko pa talaga para sa proposal ko kay Ara. Gumaan ang pakiramdam ko habang patuloy ‘yong pinagkatitigan. Si Ara ang babaeng una kong minahal—at alam kong sa panghabang-buhay ay sa kanya lang ako nakalaan. Sumagi sa utak ko ang usapan namin ni Mr. Sanchez no'ng huli naming pagkikita. Napahinga ako nang malalim at bahagyang nalungkot sa nangyaring tagpuan. (FLASHBACK) ‘Sir Marius, totoo ho ba ang sinabi niyo sa akin sa telepono? Magbabalik ka na sa pamamahala ng Silvestre Business Empire?’ bungad na tanong ni Mr. Sanchez no’ng palihim kaming nagkita sa isang restaurant ng hotel na pagm
last updateHuling Na-update : 2024-04-17
Magbasa pa

CHAPTER 73: Lolly's Suitor

MARCO POV Mariin kong tinitigan ang batang lalaki na tinawag ni Lolly kanina na EJ. Kumakain siya ng ramyeon sa tapat ko. Kasalo rin namin sina Ara, Candice at Lolly sa iisang mesa. Mukhang nililigawan niya ang pamangkin ko, at dadaan muna siya sa butas ng karayom bago mangyari ‘yon. Kailangan naming mag-usap nang masinsinan. “Hoy,” paninimula ko ng usapan. Tinuktok ko ang mesa nang tatlong beses para maagaw ang atensyon niya. Napatigil siya sa pagsubo ng ramyeon at tumitig sa akin. “Kompleto na ba ‘yang mga buto mo? Ha?” mariing tanong ko sa kanya. Napakurap-kurap siya na para bang inisip pa kung ano ang ibig kong sabihin. Agad na sumingit si Ara. “Hay, Love naman. ‘Wag ka ngang maraming tanong d’yan. Kumain ka na lang. Baka ma-trauma pa ‘yang bata dahil sa ‘yo at ma-report ka for child abuse,” saway niya sa ‘kin at nilagyan ng gimbap ang plato ko. “May paligaw-ligaw na nalalaman, eh,” pangangatwiran ko sa kanya. “Ay, hayaan mo na,” saway niya sa ‘kin. Napapigil ng tawa si Ca
last updateHuling Na-update : 2024-04-19
Magbasa pa

CHAPTER 74: Threat

MARCO POV ‘Magsisimula ang fireworks display mamayang 12 AM sa MÒA complex bilang pagsalubong sa kaarawan ng nag-iisang anak na lalaki ng batikang negosyante na si Mr. Rovelle Silvestre. Bagama't mailap sa camera, ay matatandaan na ilang taong nawala ang anak ng ginoo at manunumbalik na nga ito sa pamamahala ng Silvestre Business Empire. Ang misteryosong anak na lalaki ng batikang negosyante na kailan man ay hindi pa naisasapubliko at lumaki sa South Korea ay pinaniniwalaan na siya ring henyo sa larangan ng pagnenegosyo na si Shadow Raven kaya sabik na sabik ang lahat kung tuluyan na nga siyang magpapakilala o pananatilihing lihim pa rin ang pagkatao niya…’ Naningkit ang mga mata ko sa napanood na balita sa telebisyon. Bahagya akong natawa. Iniisip talaga nila na isasapubliko ko ang pagkatao ko? Tch, silly. That will never happen. I’m enjoying my freedom. Mas madali ko ring nakikilala kung sino man ang mga nagbabalak na trumaydor sa akin sa larangan ng pagnenegosyo dahil wala sila
last updateHuling Na-update : 2024-04-19
Magbasa pa

CHAPTER 75: Heart Flutters

THIRD PERSON POV ‘Fly me to the moon Let me play among the stars Let me see what spring is like On a-Jupiter and Mars In other words: hold my hand In other words: baby, kiss me~’ “Uhhmm…” pag-ungol ni Mrs. Licaforte habang niroromansa siya ng kabit niya. Isinandal siya nito sa dingding saka siya nito pinasadahan ng halik sa leeg at balikat. Matapos tanggalin ng kabit ang damit niya pang-itaas ay kinarga siya nito patungo sa kama. Hindi mapaghiwalay ang labi ng dalawa na nilàsap nang husto ang isa't isa. Marahang binaba ng lalaki ang ginang sa kama saka niya ito pinatungàn. Naka-topless na lang ang kabit ni Mrs. Licaforte kaya malayang nahimàs ng ginang ang matipunong katawan ng lalaki. Malaki ang agwat ng edad nilang dalawa pero tila hindi nila ito alintana. Mrs. Licaforte enjoyed the pleasure. Isang sensasyong hindi naibibigay sa kanya ng kanyang asawa. Inilapit ng lalaki ang bibig niya sa tenga ng ginang. “I want all of you tonight,” bulong nito sa nang-aakit na boses. Hi
last updateHuling Na-update : 2024-04-26
Magbasa pa

CHAPTER 76: Veiled Vigilance

SAMARA POV Tatlong katok sa pinto ang nakaagaw ng atensyon namin nina Candice at Mandy. “Ms. Saldivar and Ms. Dela Rosa, handa na po ang decorations para sa pinahanda niyong dinner date sa rooftop,” saad ng isang nurse sa amin. Napasinghap si Candice. “Tapos niyo nang i-arrange lahat? Ang bilis niyo, ah. Bibigyan namin kayo ng bonus,” tumango-tango siya na mukhang satisfied talaga sa serbisyo nila. Ngumiti naman ang nurse. “Ay, ‘wag na po, Ma'am. Hindi naman po kami gaanong busy ngayon. Isa pa, first time pong mangyari ‘to rito sa ospital kaya nagboluntaryo rin ang iba na tumulong. Parang mas excited nga po kami, eh,” magiliw niyang sabi sa amin saka siya bumaling sa akin. “Congrats po, Ma'am. Best wishes,” bati niya. “Thanks,” pangiti kong tugon sa kanya. Bumaling sa akin si Mandy. “Ichi-check na muna namin sa taas, ah. Tsaka baka may maitulong din kami ro'n. Hintayin mo na lang ang message namin kung pwede ka nang umakyat,” saad niya sa ‘kin. Tumango ako bilang pagsang-ayon
last updateHuling Na-update : 2024-04-26
Magbasa pa

CHAPTER 77: Maybe This Time

SAMARA POV “Picture picture, smile,” sambit sa amin ni Candice saka niya clinick ang camera. Kasama namin ang mga nurses na tumulong mag-decorate sa rooftop. Kanina pa siya kumukuha ng pictures at ‘di na ata siya magsasawa. Si Mandy naman ay nag-ikot-ikot at kinunan ng video ang buong venue. Daglian niya kaming ini-interview. “What is love, Kuya?” tanong niya sa isang nurse. Napaisip naman ito. “Hmm, love? Love is blind,” kampante nitong sabi saka siya siniko no'ng isa pang nurse. “‘Wag ‘yan, p're. Bulag pa naman ‘yong pasyente. Palitan mo,” saway nito. “Ay, love is sweet na lang pala,” pagbawi no'ng nurse na tinanong ni Mandy. “‘Yon, apir!” puri ng isa pang nurse sa tabi nila. Natawa ako sa kakulitan nila. “OMG! OMG!” sabik na sabik na lumapit sa akin si Candice. Parang may nabasa siyang kung ano sa phone niya. “Tingnan mo, girl. Babalik na raw si Shadow Raven sa business industry. Anak pala siya no'ng batikang negosyante na si Rovelle Silvestre,” napapapitik ang daliri niy
last updateHuling Na-update : 2024-05-01
Magbasa pa

CHAPTER 78: The Proposal

SAMARA POV Akala ko ay hindi na ako magugulat kasi alam ko namang magpo-propose sa ‘kin si Marco—pero may inihanda pa pala siyang surpresa. Sinimulang patugtugin ng mga musikero ang kantang ‘Maybe This Time’ gamit ang violin. Nakita ko si Marco sa gitna ng stage na may hawak na mikropono at tila manghaharana. Agad akong natulala sa gwapo niyang mukha. Bumagay sa kanya ang suot na tuxedo na para siyang leading man sa isang Hollywood American movie. Walang babaeng hindi mahuhulog lalo sa angkin niyang kakisigan. “Two old friends meet again Wearin' older faces And talk about the places they've been,” paninimula niya saka umilaw ang fairy lights sa paligid. Naghiyawan ang mga nurses sa rooftop. Namula tuloy ang pisngi ko dahil sa kilig at pagkamangha kung paanong mas pinaganda ng nakikislapang ilaw ang venue. Napaka-romantic ng ambiance. “Two old sweethearts who fell apart Somewhere a long ago How are they to know Someday they'd meet again And have a need for more than re
last updateHuling Na-update : 2024-05-02
Magbasa pa

CHAPTER 79: Yes

SAMARA POV “Ara,” sambit ni Marco sa pangalan ko. Parang musika sa tenga ang baritono niyang boses. Mas lalong lumakas ang tilian ng lahat nang hawakan niya ang dalawa kong kamay at iniangat ang mukha ko sa kanya. Nakapikit pa rin ako kasi nahihiya ako. Hindi ko na ata talaga siya matititigan nang diretso. “Ang ganda talaga ng future Misis ko,” panunukso niya sa ‘kin at pabiro akong hinalikan. Doon ko na idinilat ang mga mata ko para pigilan siya. “Ang daming tao, jusko ka!” saway ko sa kanya at bahagya pang hinampas ang dibdib niya. Nagtilian na naman ang lahat na parang kilig na kilig din sila. Pinisil niya ang ilong ko. “To my only, Ara,” matamis niyang sambit at kinuha ang singsing sa loob ng hawak niyang box. “Will you marry me?” nakangiti niyang tanong sa ‘kin. Pinaglapat ko ang labi at pinigil ang sariling ngumiti. “Obvious ba? Syempre, yes,” agad kong sabi at hindi na nagpatumpik-tumpik pa. Imbis ako ang dapat na magulat—ay siya ‘yong nabigla sa bilis ng sago
last updateHuling Na-update : 2024-05-02
Magbasa pa

CHAPTER 80: Init ng Pag-ibig

MARCO POV Hinila ako ni Ara sa storage room ng rooftop. Alam ko ang nasa isip niya at gusto ko ‘yon. Pagkarating namin sa loob ng storage room ay sinara niya ang pinto at mapusok naming tinitigan ang isa't isa. Matamis siyang ngumiti sa akin tsaka niya isa-isang tinanggal ang butones ng tuxedo ko. Hinawakan ko ang beywang niya at kinabig siya palapit sa akin. Sinalubong ko ng mainit halik ang labi niya. ‘Two old friends meet again Wearin' older faces And talk about the places they've been~’ “Uhm, Love,” mahina niyang pag-ungol at pinaglaro ang dila naming dalawa. Kakaibang sensasyon ang hatid no'n at naamoy ko pa ang mabango niyang hininga. Pinanggigilan ko ang pang-upo ni Ara, saka ko pinasok ang kamay ko sa loob ng palda niya. Hinimas ko ang makinis niyang hita paakyat sa kanyang pagkababae. Masuyo siyang napangiti na tila nagustuhan ang ginawa ko. Tahasan niya akong hinila at iginiya sa nag-iisang kutson ng storage room. Marahan kaming umupo roon habang hinihimas pa ri
last updateHuling Na-update : 2024-05-03
Magbasa pa
PREV
1
...
5678910
DMCA.com Protection Status