THIRD PERSON POV Isa-isang nilapag ng mga katulong ang masasarap na pagkain sa mesa. Cordon bleu, teriyaki salmon, lobster bisque, honey-glazed chicken at strawberry shortcake. Halos lahat ng paborito ni Don Hernan ay nasa hapag kainan. Tumango-tango ang matanda. He's impressed. “You really know how to take care of an old man, Olivia,” puri nito sa manugang. “Minsan ka lang dito sa Pilipinas, dad. I want you to enjoy your stay here,” nakangiting tugon ni Mrs. Licaforte. Hindi makakailang malapit sila sa isa't isa. “Hindi ba makakahabol ngayon si Fred?” tanong ni Don Hernan habang naglalagay ng teriyaki salmon sa plato niya. “Uhm, he's busy now, dad. May meeting kasi siya for the expansion of our business sa Malaysia. May bumisita ring foreign investors kaya baka bukas pa mababakante ang oras niya,” paliwanag ni Mrs. Licaforte. Napagdikit ni Don Hernan ang labi. “My son is really workaholic,” pagpuna niya, bagkus, proud naman siya sa attitude ng anak. Napatingin si
Magbasa pa