Home / Romance / Craving For Love / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Craving For Love: Chapter 11 - Chapter 20

98 Chapters

CHAPTER 11: Salamat

SAMARA POV Nadatnan kong mag-isa si Marco sa isa sa mga picnic tables ng mini-park ng Northford University. May earbud siya sa isang tenga at nagsusulat gamit ang braille. Sa tingin ko ay nag-aaral na naman siya. Iginala ko ang paningin sa paligid, walang tao. Dahil na rin siguro ang karamihan ng mga estudyante ay nag-eensayo para sa Sportsfest. Naglakad ako palapit kay Marco. Agad na nasagi ng mga mata ko ang pang-mascot na costume sa loob ng nakabukas na sako sa tabi niya. Gawa ito sa makapal na fabric na matatansya kong mainit suotin. Mabigat akong huminga. Nasa harap niya na ako pero hindi niya pa rin ako napapansin kaya malakas na ibinagsak ko ang dala kong bag sa mesa. Nagulat at napahinto siya sa pagbi-braille niya. "Ba't nagpresenta kang maging mascot at maging kengkoy lang sa Sportsfest? Nag-e-enjoy ang lahat ng estudyanteng salihan ang mga gusto nilang events so dapat ikaw rin. Sa tingin mo ba kapag nagmascot ka, tatayo ka lang no'n? Sasayaw ka ng ilang araw sa mga
last updateLast Updated : 2023-12-05
Read more

CHAPTER 12: Good Luck

SAMARA POV "Teka lang, h-hindi ka bulag?" gulat na gulat na tanong ko sa kanya. Napakunot ang noo niya. "Ano?" natatawa niyang sabi. Hinarap ko ang worksheets sa kanya. "Ang ayos-ayos ng pagkakasulat nitong mga sagot sa worksheets. Imposibleng magawa 'to ng hindi nakakakita," mariing pagpapaamin ko sa kanya. "Worksheets? Hindi naman kasi talaga bulag ang nagsulat niyan," sagot niya. "So nakakakita ka nga?" pag-uulit ko. Napahinga siya nang malalim. "Hindi ako ang nagsulat n'yan, Ara. May braille transcribers ang Northford University. Sa kanila lumalapit ang mga bulag na estudyanteng katulad ko. Programa 'yon ng school at may sarili silang office sa tabi ng library. Magbabayad ka lang depende sa dami ng ipapagawa mo. Hindi mo ba alam 'yon?" mahaba niyang paliwanag. Naibagsak ko ang sarili ko sa upuan. "T-Talaga?" paninigurado ko sa kanya. Tipid siyang ngumiti. "Pinanganak akong bulag. Kung nakakakita man ako, ba't ko pa pahihirapan ang sarili ko, 'di ba?" pagkaklaro niya
last updateLast Updated : 2023-12-06
Read more

CHAPTER 13: Hinala

SAMARA POV Mabilis akong nagmaneho sa kahabaan ng Taft Avenue. Nakatuon lang ang mga mata ko sa BMW kung saan lulan sina Tita Olivia at ang lover niya na sa tansya ko ay matagal na niyang kalampungan. Mahigit kalahating oras ko na silang sinusundan at sisiguraduhin kong mahuhuli ko na sila this time. Pinipigil ko pa rin ang inis ko nang biglang tumunog ang phone ko. Pagkasilip ko ay rumehistro ang pangalan ni Mandy sa screen. Nag-aalala ata siya dahil basta ko na lang silang iniwan ni Candice kanina nang hindi ko man lang sinabi kung saan ako papunta. Ikinonekta ko ang bluetooth headset sa phone ko para sagutin ang tawag niya. “Hello? Ara? Sa'n ka ba? Ang init ng ulo mong umalis ng café kanina. Baka kung anong mangyari sa 'yong masama,” sunod-sunod na sabi ni Mandy mula sa kabilang linya. Chineck ko ang GPS ng kotse ko. “Sinusundan ko sina Tita Olivia. Mukhang bababa sila sa Evanns Hotel. Kapag nalaman ko talagang may kabit siya ay sasampalin ko siya hanggang mayupi ang p
last updateLast Updated : 2023-12-07
Read more

CHAPTER 14: Polo Shirt

SAMARA POV Nakahinga ako nang maluwag nang makaalis na sina Candice at Mandy. Muntik na kasing makapagsabi ng hindi maganda si Candice kanina. Baka kung ano pang sumagi sa utak ni Marco at masaktan ang damdamin niya. Malay ko ba na maiisip niyang gawin din 'yong parte ko sa worksheets. Edi, sana hindi ko na nabanggit kina Mandy 'yon, …na ok lang sa ‘kin na bumagsak kasi kaya ko namang magbayad at wala akong pakialam sa grades niya. Napalingon ako kay Marco. Ordinaryong polo lang ang suot niya at kupas pa. Hay, mag-organize kaya ako ng pa-raffle ng mga damit tapos puro pangalan niya lang 'yong ilalagay ko sa entries? Masyadong busabos ang itsura niya. Sayang naman ang awrahan niya na mala-Hollywood American celebrity. Dagdag mo pa ang katawan niyang parang bidang lalaki sa novels na possessive series. Nilapit ko ang ilong ko sa damit niya para singhutin kung anong amoy niya at napanganga ako. ‘In fairness, ah? Hindi siya amoy araw kundi amoy mayaman. Ano kayang perfume
last updateLast Updated : 2023-12-08
Read more

CHAPTER 15: Ala-ala

THIRD PERSON POV Nakaupo sa isang madilim na kwarto. Nakaharap sa laptop kung saan sunod-sunod na nagpi-play ang recordings ng pag-uusap nina Samara at ng mga kaibigan niya. Hindi napigilan ng misteryosong tao na mainis sa mga narinig. ‘Ara, 'di ba stepmom mo 'yon? Sino 'yang kasama niya?’ ‘For sure, kabit niya 'yan. Hindi lang ito ang unang beses na nahuli ko sila.’ ‘ANO?!’ ‘Alam na ba ng daddy mo?’ ‘Hindi pa, pero sisiraduhin kong malalaman niya.’ Natigilan siya nang tumunog ang phone niya sa gilid ng mesa. Kanina niya pa inaabangan ang tawag ng lalaking naka-fedora. “Hello? Nabasa ko ang message mo na gusto mo akong makausap,” kampanteng saad ng lalaki sa kabilang linya. “Na-receive mo na rin ang recordings na pinasa ko, 'di ba? Ba't hindi ka nag-iingat? Muntik na kayong mahuli ng babaeng 'yon. Ayokong masira ang mga plano natin,” natitimping sabi ng misteryosong tao. Bahagyang natawa ang lalaki. “Alam mo namang kakailanganin din natin si Mrs. Licaforte para tuluyang ma
last updateLast Updated : 2023-12-09
Read more

CHAPTER 16: Engaged

SAMARA POV Pagkapasok pa lang namin ni Aldric ay bumungad na agad sa amin ang makukulay na ilaw at masiglang musika ng Ayala Triangle Gardens. Everyone’s enjoying the ‘Festival of Lights.’ Kahit saan ka lumingon ay mamamangha ka. Maraming tao ang nagpunta na nagkanya-kanyang picture at video sa lugar. Lumapad ang ngiti sa labi ko. Magandang pangtanggal stress ang maglakad-lakad rito. “You like it?” Aldric whispered to me habang nakahawak ang isang kamay sa beywang ko. “Yeah,” malambing kong sabi saka humalik sa labi niya. He's really a remedy for my bad days. Nakakawala ng lungkot at pagod. “I told you na may importante akong sasabihin sa 'yo, 'di ba?” pagpapaalala niya sa ‘kin. “Uhm,” tumango ako. “Tungkol saan 'yon?” usyusong tanong ko sa kanya. “Wait here,” nakangiti niyang sabi tapos umakyat siya ng stage. I chuckled. Ano na naman kaya ang paandar niya ngayon? Masyado siyang maraming pakulo. Nakatitig lang ako sa kanya nang biglang tumutok ang mga ilaw sa akin na nakaa
last updateLast Updated : 2023-12-11
Read more

CHAPTER 17: Unsettled Matters

SAMARA POV “Hmm, so what's your schedule for today?” sambit ko habang hawak-hawak ang notebook ni Aldric na naglalaman ng schedule ng practices at matches niya for football. Bumaling siya sa ‘kin. “Mamayang 4PM pa ang practice namin, may oras pa akong magpahinga,” tugon niya. Pauwi na kami sa kanya-kanya naming bahay. “Make sure to watch kung ‘di ka na masyadong busy,” pangiti niyang sabi tapos ibinalik ulit ang atensyon niya sa pagda-drive. Tumingala ako na wari’y nag-iisip. “First day ng Sportsfest 'yong cheerdance competition. Hindi ako makakanood ng practices mo kasi sunod-sunod din 'yong ensayo namin, but I'll make sure to watch all your matches after,” paninigurado ko sa kanya. Kinunan ko ng picture 'yong daliri kong may engagement ring para i-send sa GC namin nina Mandy at Candice. Nang magawa ko 'yon ay gulat na gulat silang dalawa. Natawa ako sa naging reaksyon nila. “What's that?” usyusong tanong ni Aldric. Iniharap ko sa kanya ang phone ko. “Look, kakasabi ko pa
last updateLast Updated : 2023-12-12
Read more

CHAPTER 18: Bad Mood

SAMARA POV “Tadaaa,” masaya kong pinakita kina Mandy at Candice and engagement ring ko na Tiffany & Co. “Wow,” sabay silang namangha. “'Di ba isang milyon 'yong price ng model na ‘to? Mahal ka talaga ni Aldric,” patango-tangong sabi ni Mandy habang inuusisa ang singsing sa kaliwang kamay. Napanguso si Candice. “Sa'n mo ba kasi nabingwit 'yang nobyo mo para ro'n na rin ako maghanap?” nagpangalumbaba siya matapos sabihin 'yon. Ngumiti ako at bumaling sa kanya. “Candice, hindi ko siya hinanap, siya 'yong kusang lumapit sa ‘kin kasi crush niya raw ako rati,” confident kong sabi sa kanya. “So 'yong tip d'yan, dapat kasing ganda mo ‘ko,” pagyayabang ko sa kanya. “Ay, wow, ah?” bara ni Candice kaya natawa kaming tatlo. “So, kelan ang kasal?” sabik na tanong ni Mandy. “May specific date na ba?” “Hmm,” napaisip ako. “Masyado pa kaming busy para sa Sportsfest kaya hindi pa namin napag-uusapan ni Aldric. Siguro kapag nakabalik na kami ni daddy mula sa bakasyon namin sa Balesin, saka na na
last updateLast Updated : 2023-12-14
Read more

CHAPTER 19: Singsing

SAMARA POV “B-Ba’t naka-iPhone ka?” nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kanya. Namamalimos pa nga siya at pinatos maging mascot para lang may makain sila ni Lolly. Tapos papakitaan niya ako ng phone na sobrang mahal? Nagsinungaling lang ba siya at hindi totoong mahirap? Kinapa ni Marco ang phone niya nang marinig ang tanong kong 'yon. “Bakit? Bawal bang gumamit ng iPhone ang mahihirap?” pilosopo niyang sagot. Naningkit ang mga mata ko sa kanya. “Kasi panay ang sabi mo na wala kayong pambili ng pagkain ni Lolly, and then ganyan pala ang phone mo? Mamahalin? Hindi logical, 'di ba?” Itinaas niya 'yong phone niya para ipakita sa akin. “Mukha bang latest model ‘to?” Napaisip ako. “Hindi.” “Sa itsura ko ngayon, mukha bang kaya kong bumili nito?” muli niyang tanong sa akin. Tinitigan ko siya. Kupas at badoy na polo shirt ang suot niya. Ok lang naman 'yong buhok niya pero mahahalata mong walang pambili ng gel. Wala rin siyang suot na kahit anong alahas. Overall, mukha siyang busabo
last updateLast Updated : 2023-12-14
Read more

CHAPTER 20: Lolly

SAMARA POV Nang magkasalubong ang mga mata nina Candice at Mandy ay agad silang umiwas ng tingin. Dama mong kumukulo pa rin ang dugo nila sa isa't isa. “Mag-sorry ka na kasi,” suhesyon ko kay Candice. Gulat siyang lumingon sa akin. “Bat ako? Siya kaya 'yong unang nakipag-away. Tinawag niya akong pokpòk,” naiinis siyang tumingin kay Mandy. “Hoy,” pinandilatan naman siya ng mga mata nito. “H'wag kang nang-aano, ah. Sinabihan mo rin kaya ako na 'yong keps ko inaagiw. Batukan kita r'yan." Aktong Hahampasin ni Mandy si Candy pero pinigilan ko siya. Napalingon 'yong lalaking nakasalisi namin sa hallway at mukhang narinig pa ata 'yong pinagtalunan nila kaya nagpatay-malisya na lang kami ni Candice. Napapikit naman si Mandy. “B-Basta hindi ako magso-sorry. Kahit pumuti pa 'yong uwak, never,” pagmamatigas ni Candice habang nakakrus ang mga braso. Pairap-irap pa siya. Napairap sa hangin si Mandy. “Asa ka naman na gusto kong makipagbati sa 'yo. Manigas ka r'yan,” pasaring niya. Napahinga
last updateLast Updated : 2023-12-15
Read more
PREV
123456
...
10
DMCA.com Protection Status