THIRD PERSON POV “Thank you,” sambit ng dalaga matapos ibigay ni Aldric sa kanya ang isang shopping bag na naglalaman ng damit at pagkain. Matapos ng ginawa nila sa bar ay dumiretso sila sa isang hotel para maayos na makapagpahinga. Ihahatid sana ni Aldric ang dalaga sa bahay nito pero hindi ito pumayag at sinabing uuwi na lang mag-isa kinaumagahan at magpapasundo sa driver niya. Humiga si Aldric sa kama para umidlip. Napangiti ang babae habang pinagmamasdan ang maamong mukha ng lalaki. Alam niyang estranghero lang ito pero wala pa kasi siyang naging nobyo kaya tila bago ang lahat sa kanya. “Uhm, ahh, k-kuya?” naiilang na sabi ng babae kaya naimulat ni Aldric ang mga mata. “Kuya?” natatawa nitong sabi. “Para mo namang pinaparamdam na sobrang tanda ko na.” “A-Ah, sorry,” aligagang sabi ng babae. “Hindi ko kasi alam ang pangalan mo.” Bumangon si Aldric at umupo sa kama para magkatapat ang paningin nila. Sa palagay niya naman ay hindi na sila magkikita ulit kaya ayos lang na ibig
SAMARA POV “Hay, grabe siya,” hindi ko makapaniwalang sabi habang nakatitig kay Candice na ka-video call ko. “25 missed calls 'yon, 20 texts at inulan ko pa ng messages sa messenger tapos walang reply?” Gigil na gigil ako at halos madurog na ang steak barbecue sa bowl na tinimplahan ko para ihawin. “Ang labo mo naman kasi, girl. Sinabihan mo ba naman na break na kayong dalawa tapos ini-expect mo na sumagot pa siya sa 'yo? Malamang nag-e-emote 'yong tao ngayon. Tinapon mo pa sa mukha niya 'yong binigay niyang engagement ring, grabe,” mahabang tugon ni Candice habang nagpapaayos ng buhok at kuko sa paborito niyang high-end salon. “Hindi naman kasi, girl. 'Di ba, kasalanan niya 'yon? Hindi man lang ba niya naisip na mag-sorry? Ano? Almost 3 years 'yong relasyon namin tapos ganon-ganun na lang?” reklamo ko. “Ok? And then, kapag nag-sorry, babalikan mo? Nakipag-break ka lang ba para magpahabol? Loka-loka ka ba?” pinandilatan ako ng mata ni Candice. Napanguso ako. “Sayang kasi,
SAMARA POV Naningkit ang mga mata ko. Kanina pa ako pagulong-gulong sa kama at panay tingin sa phone ko. “Hindi pa rin nagre-reply si Aldric. Nakakainis na, ah,” nakabusangot kong sabi. Anong gusto niya? Ako pa ang sumuyo sa kanya? Napailing ako. “Ako kaya si Samara Licaforte. Hindi ako maghahabol kahit na kanino,” kausap ko sa sarili ko saka confident na ngumiti. Tumayo ako at parampang iniwan ang phone ko sa kama. “Hay, naku. Ba’t ko ba pinoproblema ‘to? Kung ayaw niya na, edi ayoko na rin. Madali naman akong kausap at madali ring makakahanap ng iba,” bahagya akong natawa. “Sino-sino ba ang mga nagpapansin, makuha lang ang atensyon ko?” Isa-isang rumehistro sa utak ko ang mga lalaking umaligid at nagpasaring ng pag-ibig nila sa ‘kin kahit kami na ni Aldric. Let's start with Cole Marion Villanueva. Basketball MVP, kasali sa national team at nakalaro na sa FIBA World Cup. Marami siyang fans at meron pa ngang dumadayo mula sa ibang bansa para lang mapanood ng live ang games
THIRD PERSON POV Matamis na napangiti si Monica habang naliligo sa shower. Marahil ay tapos na ang gabing nagkasama sila ng estrangherong naka one-night stand niya pero hindi pa rin ito matanggal sa isipan niya. Ang malagkit nitong titig at ang nakakaakit na boses. Ang bawat parte ng katawan nito na kanyang nahawakan. Maging ang mga halik nito sa kanya ay nararamdaman niya pa. Tumatak talaga sa kanya ang lalaking 'yon. Sa tingin nga niya ay mahal niya na. “Shìt, tama ba ‘to? Ni hindi ko nga nakuha ang apelyido at number niya,” natatawa niyang sabi sa sarili habang namumula ang pisngi. It's a bit stupid. Parang gusto niya pa ulit makita ang lalaking naka-sex niya. Kung papayag nga ito ay baka pakasalan niya na. Iba talaga ang epekto nito sa kanya. Tipong gagawin niya ang lahat para magkatuluyan lang silang dalawa. Pinaramdam sa kanya ng lalaking 'yon na espesyal siya at walang kaagaw. Kaya ang panalangin niya ay sana siya na nga ang inilaan ng tadhana para sa kanya. Tumi
THIRD PERSON POV Isa-isang nilapag ng mga katulong ang masasarap na pagkain sa mesa. Cordon bleu, teriyaki salmon, lobster bisque, honey-glazed chicken at strawberry shortcake. Halos lahat ng paborito ni Don Hernan ay nasa hapag kainan. Tumango-tango ang matanda. He's impressed. “You really know how to take care of an old man, Olivia,” puri nito sa manugang. “Minsan ka lang dito sa Pilipinas, dad. I want you to enjoy your stay here,” nakangiting tugon ni Mrs. Licaforte. Hindi makakailang malapit sila sa isa't isa. “Hindi ba makakahabol ngayon si Fred?” tanong ni Don Hernan habang naglalagay ng teriyaki salmon sa plato niya. “Uhm, he's busy now, dad. May meeting kasi siya for the expansion of our business sa Malaysia. May bumisita ring foreign investors kaya baka bukas pa mababakante ang oras niya,” paliwanag ni Mrs. Licaforte. Napagdikit ni Don Hernan ang labi. “My son is really workaholic,” pagpuna niya, bagkus, proud naman siya sa attitude ng anak. Napatingin si
SAMARA POV “Ahhh!” nanggigigil kong sigaw nang makasakay ako sa kotse. Nagulat pa at napatingin sa akin ang driver naming si Manong Vonn. Sinenyasan ko siya na i-start na lang ang sasakyan. Marunong naman akong magmaneho, pero sa t'wing mainit ang ulo ko ay nakikisuyo akong ipag-drive ako. Mahirap na kasi, baka sa sasakyan ko maibuhos ang inis ko at maibangga ko ito kung saan. “Mukhang masama ang gising mo Ma'am Ara,” paninimula ng usapan ni Manong Vonn. Minasahe ko ang ulo ko. “Si Monica kasi nagbida-bida na naman. Masyadong Jollibee,” naiusal ko. Hindi pa rin ako nakaka-move on sa ginawa niya sa ‘kin no'ng kasabay naming kumain si lolo. Natawa si Manong Vonn. “Baka nilalambing ka lang ng kapatid mo. ‘Wag mo na gaanong isipin.” “Hay,” napairap ako sa hangin. Binuksan ko ang fàcebook ko para pakalmahin sana ang sarili pero ilang scroll lang ang ginawa ko ay napasalubong na agad ang kilay ko. Paano ba naman kasi, trending pa rin kami ni Marco. May ibang tao pa na napagk
SAMARA POV “It's Ara's friend, right?” bulungan ng mga estudyante. Parang nawala ako sa sarili ko nang makilala ko ang babaeng humarang na wala na ngayong malay sa harapan ko. Sumikip ang dibdib ko na parang hindi ako makahinga. Hindi ako agad na nakagalaw. It's Mandy, ang best friend ko. Tumakbo si Candice sa kanya. “Help us, please. Dalhin natin siya sa clinic,” paghingi niya ng tulong habang patuloy pa ring umiiyak. Napilitan ang lahat na kumilos dahil naroon ako. Alam nilang malalagot sila kapag may nangyaring masama kay Mandy. “Dali, help them, move,” pangunguna ng iilan sa mga estudyante. Pinagtulungan nilang buhatin ang kaibigan ko. Nakita kong nakahandusay rin at walang malay si Lolly sa lupa. Hindi naman ito napuruhan dahil nasa bisig siya ni Marco at naprotektahan nito. Bumigay lang siguro ang katawan niya dahil sa sobrang takot. Naiinis akong bumaling sa apat na lalaking nagpasimuno ng lahat ng ‘to. Buong pag-aalala silang tumingin sa ‘kin na para bang gust
SAMARA POV Napahinga ako nang malalim. Mababatid mo ang pagdadalawang-isip. ‘Dapat ko bang alamin kung kaano-ano ni Marco 'yong matandang lalaki?’ Napaismid ako. ‘Ano naman ang mapapala ko kapag ginawa ko 'yon? Napakawalang-kwenta.’ Aalis na sana ako kasi mukhang matatagalan pa bago lumabas 'yong bisita ni Marco nang makita kong naglalakad ang isang nurse. Naalala kong isa siya sa mga nurses na naka-assign na magbantay kina Marco at Lolly. Baka may alam siya. “Hmm, nurse,” habol ko sa kanya. May hawak siyang patient chart, folders at ballpen. “Yes, Ma'am?” pangiti niyang tugon sa akin. “'Yong... pasyente na dinala namin dito na nasa Room 345. Sino 'yong bisita niya?” agad kong tanong sa kanya. “Room 345?” chineck niya ang records niya. Nang may mabasa siya ro'n ay napanganga siya at bahagyang natigilan. Naiilang siyang tumingin sa ‘kin. “Confidential po, Ma'am,” sambit niya. Napakunot ang noo ko. “Confidential?” Nilingon ko ang kwarto ni Marco. Sino ba kasing Poncio Pilato 'ya
MARCO POV“Ito na ang pinabili niyong Korean food, Sir Mar—”Mariin kong tinitigan si Dos na may halong pagbabanta. Mukhang madudulas pa ata. “I-I mean… Marco, haha, bro,” paglilihis niya at ngumisi sa akin. Mabuti naman at nakuha niya agad.Tumikhim siya at umupo para sumalo sa mesa. Si Jack naman ay inayos ang paper plates at kubyertos.Matamis na ngumiti si Ara at nilabas ang wallet. Maglalabas sana siya ng pera pero hindi niya napansing magkasabay pala sila ni Jill. “Ako na ang magbaba—” Natigilan ang dalawa at napasipat sa isa't isa. Sa pagkakasabay nilang magsalita ay parang may kuryenteng dumaloy sa pagitan nila.Lihim na natawa sina Dos at Jack sa nagbabadyang pagkokompetens’ya. Parang gusto pa nga nila akong tuksuhin ng, ‘Ang gwapo mo naman, Sir Marius, ikaw na.’Tumikhim ako para maagaw ang atensyon nilang dalawa. “Ako na, binigyan naman ako ng paunang bayad ni Sir kanina,” nakangiti kong saad para ‘di na sila mag-alitan pa. Kumalma sila. Mabuti naman.Tahimik kaming kuma
THIRD PERSON POVNais kaltukan ni Marco ang sarili. Oo, sinabihan niyang pakakasalan niya si Jill pero mga bata pa sila no'n. Akala niya ay nabaon na sa limot ang mga katagang ‘yon at klaro na sa dalaga na hanggang magkaibigan lang sila.Pamartsang lumapit si Samara sa kanila. Mabibigat ang paghakbang. Hindi naman umawat at sumunod lang ang dalawang kaibigan.Napalunok si Marco. Ano ba ang dapat niyang gawin? Para sa kanya ay mas nakakatakot pa ang hagupit ng galit ng fiancée niya kaysa sa talim ng sampung katana.“Bee? Gusto mo beeg-wasan kita?” sarkastikong dugtong ng dalaga sa tawagan ng dalawa. Nakadilat pa ang dalawang mga mata. Nanggigigil itong i-landing ang palad sa mukha ng babaeng humalik sa lalaking pakakasalan niya.“Excuse me? Sino ka?” Kahit mahinhin ay bakas sa boses ng huli ang pagiging palaban. Sa paniniwala niya ay kanya si Marco at hindi siya welcome sa ideya na may aagaw rito.Napansin ni Samara ang katana sa likuran ni Jill at ang suot niyang itim. Doon rumehistro
THIRD PERSON POVAlistong sinundan ng mga mata ng binata ang direksyong pinuntahan ng taong ‘yon. Saka niya ito nakita sa itaas ng puno. Kumislap ang hawak nitong katana. Sa kuro-kuro niya ay isang ninja.Ilang beses pang nagpalipat-lipat ng posisyon ang taong ‘yon na parang pinag-aaralan ang lokasyon nila. Napabaling na rin ang tatlo sa pagkilos ng mga sanga sa ibabaw ng puno. Nakaramdam sila kaba at napatayo.“A-Ano ‘yon?” nauutal na tanong ni Jack dahil bahagyang nakadama ng takot. Nakatingalang sinuyod ng tingin ang paligid. Sina Dos at Vien ay hindi rin mapakali.Mariin lang na nagmasid si Marco. Pamilyar sa kanya ang kilos ng taong nakaitim pero nais niya munang makasiguro.“Labas!” mariing utos ng binata na tila nagbabanta.Bahagyang tumahimik ang paligid. Tanging mga ibon lang ang maririnig. Tila huminto ang oras sa pagpipigil nila ng paghinga. Tinatansya ang kasunod na mangyayari ano mang oras.Mabilis na napalingon si Marco sa bandang kanan nang may kumilos roon. Isang papar
THIRD PERSON POV Nakasuot ang tatlo ng school ID ng Northford University. Napangiti na lang sabay iling si Marco nang maalala ang pinagbilin ni Mr. Sanchez sa mga ito na bantayan siya. Parang batang paslit pa rin ang turing ng ginoo sa kanya. “Hala, bumibilis ang pagtaas-baba ng mga linya rito sa tracker. Ibig sabihin, nasa malapit lang si Sir Marius!” manghang sabi ni Vien sa dalawang kasama. May hawak itong gadget na nakakonekta sa satellite para madaling ma-locate ang kinaroroonan ng binata. Isa ito sa bagong teknolohiya na dini-develop ang mga Veilers. Mabilis na sumilip sina Dos at Jack sa hawak ng dalaga at nilibot ang paningin sa paligid. Lihim na natawa si Marco dahil wala silang kamalay-malay na kay lapit lang ng distansya nila. Tinanggal niya ang suot na relo na iniregalo ni Mr. Sanchez. Sa ospital pa lang ay malakas na ang kutob niya na may kasama itong locator. Binalot niya ‘yon ng makapal na aluminum foil at isinilid sa isang Faraday bag bago ito inilagay sa loob ng
SAMARA POVNapakunot ang noo ko at ibinaba ang phone para suriin ang taong nakaitim. Kinalabit ko si Candice. “Kasali ba sa show ang isang ‘yan?” tanong ko sa kanya.“Saan?” pagdungaw niya pero humalo na sa audience area ang taong ‘yon kaya hindi niya nakita.“‘Yong nakasuot ng nin—”“Samara, Candice, nandito lang pala kayo. Nagtawag ng practice si Sir para sa performance natin mamaya. Biglang kinabahan kasi mukhang magagaling daw ang kalaban,” natatawang saad ni Adelle sabay irap. Isa siya sa kasamahan namin sa cheerleading squad. Sinapo niya ang noo at mukhang kanina pa kami hinahanap.“As in, now na? Nanonood pa kami, oh,” maarteng tugon ni Candice. Mukhang nabibitin pa sa dance showdown.Mabigat na nagbuntong-hininga si Adelle. “Yes, now na, urgent,” pagdidiin nito sa huling salita. “Tara na, tara na, baka umusok na naman ang ilong ni Sir,” pag-aapura niya sa amin ni Candice. Nagliwanag naman ang mukha niya nang mapansin na kasama namin si Mandy. “Hey, girl! ‘Di ba nasa Photograph
SAMARA POV‘Oh, that's the way, uh-huh, uh-huhI like it, uh-huh, uh-huhThat's the way, uh-huh, uh-huhI like it, uh-huh, uh-huh’Napuno ng matitingkad na kulay ng banners, light sticks at flaglets ang kabuuan ng open field. Nagkanya-kanyang hiwayan at indakan ang mga estudyante mula sa anim na naglalakihang universities sa opisyal na pagbubukas ng pagtatagisan ng mga kalahok sa iba't ibang larangan ng sports at events. "Welcome, everyone, to the grand opening of this year's Inter-University Sportsfest! Palakpakan naman d'yan!” anunsyo ng emcee na siyang mas nagpaingay sa paligid. “Dito ba banda ang taga-Northford University? Kaway-kaway!” pang-eengganyo nito sa amin. Syempre, hindi kami nagpatalo. Kami kaya ang champion last year. Kinalampag namin ang buong open field.“Dito naman tayo sa Saint Therese University, gusto ko mas maingay!” pagtawag niya sa kabilang side na nagpahiyaw rin sa mga ito. Kasunod niyang tinawag ang Harrison University, Golden East University, Valoria Univ
MARCO POV “Oh, Marco. Ba't parang nakakita ka ng multo?” kaswal na tanong ni Mandy sa akin pero halata mong may ibig sabihin. Tila nang-aasar ang mga mata niya. “Girl, bulag si Marco. Ni ‘di nga ata alam n'yan ang itsura ng multo,” natatawang bara ni Candice. Napailing na lang din si Ara sa mamimilosopo ng kaibigan. Nanatili akong nakatayo. Ramdam ko ang tensyon sa paraan ng pagtitig sa akin ni Mandy. Palihim—pero parang inuudyukan niya ako na sugurin siya. Kung walang mga tao sa paligid ay baka nagsalpukan na rin kami na gaya ng ginawa namin sa fire exit no'ng isang araw. Tumaas ang sulok ng labi nito na wari'y nagbabanta. Sa kabila ng ginawa niya sa akin ay hindi man lang siya kababakasan ng pagkailang o pangamba. Parang mas ginaganahan pa nga siya sa ideyang kilala ko na kung sino man ang babaeng nasa likod ng maskara. Ikinuyom ko ang palad ko. Ayokong magkagulo kaya pinigil ko ang sarili ko. Isa pa, kaibigan siya ni Ara. Walang ideya ang nobya ko na muntik na akong map
MARCO POV Kahit nasa dressing room ay rinig na rinig ko pa rin ang malakas na musika ng banda at hiyawan ng mga estudyante. Ngayon ang unang araw ng sportsfest dito sa Northford University. Ngayon din ang unang araw ko bilang mascot na unang beses kong masusubukan sa buong buhay ko. Medyo excited ako. ‘Sir, ano ba kasing ginagawa mo r'yan at kailangan pa talagang naka-off cam?’ tanong ni Jack sa kabilang linya. Kahit kasi nakalabas na ako sa ospital ay pursigido pa rin sila na bantayan ako na gaya ng bilin ni Mr. Sanchez. Napailing na lang ako dahil masyado nilang siniseryoso ang tungkulin nila. ‘Jack, ano ka ba. Nagbibihis si Sir. ‘Di ba, sportsfest nila ngayon? Privacy,’ saway ni Dos sa kanya. ‘Oh? Sportsfest? Anong sinalihan mo, Sir? Basketball? Soccer? Tennis?’ panghuhula ni Jack, bigla itong nanabik. ‘O baka golf? Kasi, ‘di ba? Pangyaman ‘yon? Pwede ring car racing. Bagay na bagay ‘yong mamahaling kotse sa nag-iisang Shadow Raven,’ buong pagmamalaking sambit ni Dos. ‘A
THIRD PERSON POV Nakakunot ang noo ni Jill habang tinitipa ang telepono niya. She's been dialing Marius’ number consecutively. At ni isa, ay hindi man lang sinagot ng binata. “He's so rude,” nakanguso niyang sabi at inilagay na lang sa bag niya ang telepono saka niya iginala ang paningin sa paligid. Napatitig sa kanya ang iilang bisita na tila ba namamangha sa presensya niya. Her full name is Mary Jill Costova. Nag-iisang tagapagmana ng tanyag na angkan ng mga Costova na nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaking kompanya ng mga alahas sa buong Asia at America. Nakasuot siya ng mamahaling pink dress na pinapalamutian ng mga lehitimong dyamante. Sa fashion pa lang niya at postura ay agad mo nang kababakasan ng pagiging anak mayaman. “Oh, Jill, hija. Kanina ka pa?” bati sa kanya ni Ms. Grace na siyang nag-held ng party para sa kaarawan ni Marius. Nagbeso-beso ang dalawa. Parang anak na ang turing nito sa kanya. “Kararating ko lang, Tita. Hindi lang ako nakalapit sa ‘yo agad kasi