All Chapters of CEO's regret; wants to take her back!: Chapter 51 - Chapter 60

70 Chapters

Sana pala...

Handa na ang lahat ng kailangan kong dalhin para sa pagbalik ko sa abroad, napagdesisyunan na rin namin na sa airport nalang kami magkikita ni Raziel. Asa hotel halos lahat ng gamit ko, habang siya ay nasa bahay niya.Dapat ay magkikita kami kahapon pero hindi natuloy dahil na rin sa sobrang problemang dapat niyang ayusin bago iwan ang business niya dito ng biglaan, well, hindi naman siya mag stay sa ibang bansa for good agad.Naupo ako sa sofa ng muling tumama ang paningin ko sa sobreng dumating kahapon, hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano dahil nakatanggap ako ng invitation mula kay Jamie para sa kasal nila ni Jake ngayong araw.“Talagang pinadalhan pa niya ako ng ganito, sayang ang papel mukhang mahal pa.” Inamoy ko ito ay tulad nga ng inaasahan ay humahalimuyak doon ang bango.Napalingon ako sa pintuan ng may kumatok doon, agad akong tumayo para tignan kung sino iyon sa maliit na butas. Wala naman kasing usapan na pupuntahan ako dito ni Raziel, medyo nakaramdam ako ng kaba da
last updateLast Updated : 2024-02-27
Read more

Pagkumbinsi

“Bilisan mo, ang bagal-bagal kumilos!” Tinulak ako papasok ng isa sa mga lalaki, wala man lang pag-iingat. Wala itong pakialam kung masaktan ako o hindi sa paraan niyang pasunurin ako, hindi ko mapigilan ang sarili kong tignan siya ng masama.“Anong tinitingin-tingin mo?!” Tanong niya at hinampas ako ng hawak niyang gloves sa pisngi, walang bakas doon ng pagpipigil dahil ramdam ko ang pagkakalapit nito sa aking palad na ngayon ay masakit at mainit.“Hey, hey! Hinay-hinay lang pare, walang sinabi ‘yung boss natin na pwede nating saktan ‘yan isa pa tignan mo naman ang balat at mukha.” Hinaplos niya ang braso ko gamit ang mga daliri niyang medyo magaspang, “dapat sa ganito inaalagaan.” Dinilaan pa niya ang paligid ng labi niya na parang natatakam.Para akong binuhusan ang nagyeyelong tubig dahil sa sinabi at ginawa niya, pinilit ko na ilayo ang sarili ko sa kanila pero napaka imposibleng gawin iyon. “S-Sinong nag utos sa inyong gawin ito, sabihin n’yo!” Sigaw ko.Agad namang tinakpan ng
last updateLast Updated : 2024-03-03
Read more

Patahimik na 'yan

“Well, well.” Malawak ang ngiti niya habang naglalakad papasok sa kwarto kung nasaan kami, walang bahid ng awa o kung ano ang mukha niya. Sa halip ay tuwang-tuwa ito ng makita ang kalagayan ko, “sabi na nga ba, mas bagay sayo ang gan’yan na itsura.”Tumayo ang lalaking nasa harapan ko ng tuwid at yumuko, “magandang gabi boss, tulad ng usapan ay nadala namin siya dito. Siguro naman ay pwede na naming makuha ang hulihan ng bayad mo, dahil iyon naman ang usapan.” Magalang ang boses nito kumpara kanina noong ako ang kausap niya.Tinuon naman ni John ang atensyon niya sa lalaki at tinapik ito sa balikat, “h’wag kang masyadong kabahan, ibibigay ko ang pangako ko na presyo ng usapan natin. Pero hindi pa tapos ang trabaho n’yo kaya hindi ko pa ibibigay ang pera.”“A-Anong ibig mo na sabihin?” Nagtataka niyang tanong, na maging ang mga kasamahan niya ay nabahala na. “Ang usapan ay kukunin namin siya at ibibigay sa’yo, iyon lang ang usapan natin. Pagkatapos namin ay ibibigay mo ng buo ang bayad
last updateLast Updated : 2024-03-03
Read more

If this is my end

Mabilis kong iniling-iling ang ulo ko, hindi ko na alam kung may pag-asa pa ba ako na maligtas sa pagkakataon na ito. Tanging pagpikit nalang ng aking mata at pagpigil ng hininga ang nagawa ko ng itaas niya ang tubo para ihampas sa akin.Hindi lingid sa akin na isang hampas palang noon ay maari ko ng ikamatay, kung sakaling mangyari iyon ay h’wag naman na nila sanang paglaruan ng aking katawan. Ang mga luhang pilit kong pinipigilan ay nag uunahan na pumatak mula sa aking mata.Ilang segundo at minuto, ngunit sabay-sabay na mura ang narinig ko sa paligid. “Damn, hindi ko alam ang ginagawa ko pero tiyakin mo na tutulungan mo kami pag nakaalis tayo dito.” Malapit ang boses ni Jay habang sinasabi iyon, agad kong minulat ang aking mata at nakita ko siyang nagmamadaling inaalis ang lock ng kadenang nakatali sa akin.“A-Anong ibig sabihin nito?” Naguguluhan kong tanong, napatingin rin ako sa mga kasama niya, nakikipagbugbugan na ang mga ito sa bodyguard ni John.“Hindi pa ba obvious, tinatan
last updateLast Updated : 2024-03-04
Read more

I'm sorry

Jake’s POVPaulit-ulit akong lumunok habang nakatingin sa maraming tao na masayang nakikipag-usap sa isa’t-isa, the day we have been waiting for. Matagal at maayos naming pinagplanuhan ni Jamie ang lahat ng ito, simula una hanggang dulo.But, standing here wearing this white suit does not make my heart happy.“Jake, at least act like you are happy.” Bulong ni Lolo sa akin na nakatayo ngayon sa aking tabi, “ayaw mo naman siguro na makita ng pamilya ni Jamie na hindi mo mahal ang unica ija nila.” Sarkastiko niya pa na dagdag.“Lo, please hayaan n’yo muna ako. Ginagawa ko na ang lahat ng gusto n’yo, isn’t it enough?” Medyo naging mas naging mabilis akong mairita, kahit ayaw ko ay hindi ko na talaga napipigilan ang pagsagot sa kaniya.Pagod na ako, ayaw ko ng maging sunod-sunuran.Gusto kong sumigaw at magwala sa harap ng lahat ng taong andito, gusto kong tumakbo palabas at puntahan si Lorain. Alam ko na ngayon ang araw ng alis niya sa bansa, pero kahit huling sulyap ay hindi ko magawa.K
last updateLast Updated : 2024-03-27
Read more

I can't take it

Raziel’s POVHindi ko alam kung saan ako magsisimula, it’s been an hours pero wala akong naririnig na kahit anong balita sa kaniya. Ni hindi magawang tumulong ng mga pulis dahil wala pa na bente kwarto oras siyang hindi ko makontak.Anong klase iyon, paano kung ngayon palang ay may nangyari ng masama sa kaniya?Pinagsiklop ko ang nanginginig kong mga kamay at muling tumingin sa pulis na nagtitipa sa kaniyang computer, “Sir, hindi ba talaga kayo pwedeng magpadala kahit dalawang tao lang para hanapin ang girlfriend ko?” Puno ng pag-asa ko muling tanong.“Sorry Sir pero sumusunod lang rin kami sa patakaran.” Muli niyang sagot, gusto kong magalit at ipagpilitan na hanapin nila si Lorain pero hindi ko magawa dahil alam kong magiging dagdag problema lang iyon.Mariin kong pinikit ang mata ko, nananalangin na sana ay ayos lang siya.“Raziel!” Agad akong napamulat ng marinig ko ang boses ng nagmamadali na si Jake, suot pa niya ang wedding suit dahilan para pagtinginan siya ng mga tao sa presi
last updateLast Updated : 2024-04-07
Read more

Dead?

Raziel’s POVMagta-tatlong oras na kaming nasa labas ng emergency room, hanggang ngayon ay tanging ang ilaw lang sa taas ang paulit-ulit kong tinitignan kung kailan mamatay hudyat na tapos na ang ginagawa niya sa loob.Para akong mababaliw habang nakaupo lang dito at walang magawa, gusto kong magwala at pumasok sa loob pero alam kong wala iyon maitutulong sa kaniya. Halos hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nagdasal, pero kung kailangan ko na tawagan lahat ng santo ay gagawin ko.Kahit paulit-ulit akong makiusap sa panginoon ay hindi ako magsasawa, gusto kong bigyan niya pa ng pagkakataon si Lorain. Sana ay bigyan niya kami ng pagkakataon, I want to make her happy at hindi ganito ang pinangarap ko para sa kaniya.“Sir, your grandfather is calling me. Sasagutin ko ho ba o kayo na ang kakausap sa kaniya, kanina pa po sila tumatawag sa akin.” Napatingin ako sa secretary ni Jake na hindi maipinta ang mukha dahil sa kaba, sino nga ba ang hindi?Kasama niya si Jake na tumakas sa isa
last updateLast Updated : 2024-04-13
Read more

Not alone

Tulad ng sabi ng doctor ay nailipat na rin ng gabi si Lorain sa private room, pero kahit isang sign na gigising siya ay wala akong makita.“Sir, sorry to disturb you pero tapos na po ang visiting hours.” Nag-aalangan na paalala ng nurse sa amin, “Isa lang po talaga ang pwedeng maiwan na bantay ayon sa rules, pasensya na ho sinusunod lang namin ang rules.”Tinignan niya kaming tatlo isa’t-isa, nakikiramdam kung sino ang unang gagalaw para lumabas. Pero kahit isa sa amin dalawa ni Jake ay walang gustong umalis, tanging ang secretary lang niya ang tumayo.Pinag-cross ko ang mga kamay ko sa harap ng aking dibdib at umiwas ng tingin sa kaniya, “bakit hindi ka muna umalis at ayusin ang gulong ginawa mo? Hindi pa naman siya nagigising, panigurado naman akong may connection ka rito para sabihan sa lahat ng mangyayari.”“Bakit ba ang hilig mo na pakialamanan ang desisyon ko, bakit hindi mo gawin ang gusto mo at hayaan ako?” giit niya dahilan para mapaismid ako.“Kung hindi kita kakausapin ay k
last updateLast Updated : 2024-04-16
Read more

Sino ka?

Three days has passed, yet I’m still waiting for you.Umaga at gabi, araw-araw pinanunuod ko ang pagsikat at paglubog ng araw sa bintana kung nasaan kami ngayon.“Malapit na rin palang malanta ang bulaklak na nasa vase, kailangan ko nang palitan. Nakakahinayang lang at hindi mo nakita, mabuti nalang ay kinunan ko ng picture.” Nakangiti kong kwento sa kaniya, sabi ng doctor ay nakakatulong sa pasyente ang pagkausap sa kanila.“You know what, after the bridal fashion show we receive so much call from clients. Like you said, it’s really a big help to our business, and your people are reliable. Alam ko matutuwa ka paggising mo, at hindi na ako makapaghintay na makita ang tawa mo.”Nakailang bisita na rin sila mom and dad dito, habang si Jake ay bumabalik lang tuwing gabi.Kung nakikita ni lorain ang effort na ginagawa ngayon ni Jake, ano kaya ang magiging reaksyon niya? Dahil kahit ako ay hindi ko maipagkakaila na ginagawa talaga niya ang lahat ng makakaya niya para maayos ang gulo na din
last updateLast Updated : 2024-04-17
Read more

Umasa at maghintay

Raziel’s POVPara akong nabuhusan ng sobrang lamig na tubig, dahan-dahan ko siyang sinubukan na hawakan gamit ang nanginginig kong mga kamay pero iniwasan niya iyon. Isang pagak na tawa ang kumawala sa labi ko, “binibiro mo lang ako diba?”Mas lalong nadagdagan ang bigat ng dibdib ko ng makita ang mga mata niya, “H-Hindi ko maintindihan ang ibig mo na sabihin, anong nagbibiro?” Ang mga mata ay puno ng pagtataka.Why?Bakit kailangan na mangyari ang ganitong bagay? I’m happy that she’s finally awake, pero ang hanapin ang ibang lalaki…“I-I will go call the doctor and… Jake.” Ngumiti ako sa kaniya bago ko siya talikuran, Para akong lantang gulay na walang kalakas-lakas na naglalakad sa hallway. Pakiramdam ko ay binibiyak ang ulo at dibdib ko sa sobrang sakin, it’s hurt.It’s hurt to the point I want to vomit, nagsimulang manlabo ang mga mata ko. Sa pagkakataon na iyon ay hindi ko na napigilan ang matagal ng gustong kumawala na mga luha sa mata ko, for days, I tried so hard to suppress t
last updateLast Updated : 2024-04-21
Read more
PREV
1234567
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status