“ARAY!” daing ni Matt nang bigla niya itong batukan. Nakaupo sila sa isang parke at katatapos lang magsimba nang Linggong iyon. They had been friends since kids. Hindi pa nga yata siya natututong dumapa at gumapang ay nakita na niya ito. Sa makatuwid, sanggol pa lang siya ay may koneskyon na sila. Magkaibigan kasi at magkumpare ang ama nito at ang ama niya.“Serves you right,” nakaismid na sabi ni Jane. “Kanina pa ako dada nang dada rito, hindi ka naman pala nakikinig. Kung saan-saan nagagawi `yang mga mata mo. Sight-seeing sa mga magaganda at sexy na nagdaraan, `yan ang event mo!” pagtatalak niya sa kaibigan.“Bakit, mata ba ang ginagamit sa pakikinig?” pamimilosopo nito.“Aba’t—” Akmang babatukan na naman niya ito subalit maagap itong nakailag.“Subukan mo ulit `yan, Jane, kundi hahalikan talaga kita,” nakangising pagbabanta nito.“Yuck! I can’t imagine!” bulalas niyang niyakap ang sarili at kinilabutan.“Hoy, anong yuck?” tanong ni Matt na bahagyang humaba ang nguso. “Don’t you kno
Last Updated : 2023-11-17 Read more