Home / Romance / Jojo and Coco's Unexpected Love / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of Jojo and Coco's Unexpected Love: Chapter 71 - Chapter 80

366 Chapters

Kabanata 71 Si Benjamin ang Pinakamasahol na Ama

Kumunot ang noo ni Chloe. “Anong sinasabi mo? Anong ibig mong sabihing ‘pakasalan si Peter?’ Anong kinalaman nito sa kaniya?”“Hindi na mahalaga kung hindi mo naiintindihan. Enjoy-in mo na lang ang susunod na mangyayari.”Ngumisi si Ava at dalawang maskuladong mga lalaki mula sa labas ang pwersahang tinali si Chloe sa isang upuan. Pagkatapos, pinainom nila ng isang mapait na likido si Chloe. Walang label ang bote—malinaw na hindi ito legal na produkto.Sinubukang magpumiglas ni Chloe, pero biglang nawalan ng lakas ang katawan niya at hindi niya na nadilat ang mga mata,Mabilis na nangyari ang lahat. Marami ng pinagdaanan si Chloe, pero hindi niya kailanman naisip na napakasama ni Ava at lalabag na ito sa batas!Sinubukan niyang buksan ang bibig niya, pero bumaligtad ang kaniyang sikmura, at nabalot siya ng takot na hindi pa niya nararamdaman kahit kailan.Habang pinapanood na magpumiglas si Chloe, dinukot ni Ava ang bag ni Chloe at kinuha ang phone nito bago ito basagin.Nang ma
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 72 Hindi Na Niya Ako Maiisahan

Bago pa mag-ring ang phone sa kabilang linya, mabilis na binaba ni Joseph ang tawag at saka bumalik sa normal ang walang ekspresyon niyang mukha.Anong silbi ng pagtawag niya? Busy man siya o sinasadyang magpaka-hard to get, hindi siya mahuhulog sa tricks nito.“Ipa-check mo kay Patrick si Toto,” Utos niya.Hindi maintindihan ni Lucas ang intensyon ni Joseph, kaya wala na siyang sinabi at sumunod na lang.Paglipas ng isang oras, tumawag si Patrick at sinabing sumusuka at walang gana si Toto. Dinala niya na ito sa vet kung saan makikita sa preliminary diagnosis na mayroon itong gastrointestinal irritation.Mas lalong tumitindi ang inis ni Joseph sa paglipas ng oras. Hindi ba pinansin ng babaeng yun ang paalala niya at hinayaang magdusa si Toto? Hindi lang niya dinala si Toto sa vet ngayong araw, pero hindi rin siya nito sinabihan man lang.Buong maghapon, parang air conditioner ang lamig ni Joseph. Si Lucas na kasama niya sa kwarto ay ilang beses nabahing pero hindi makapag-reklam
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 73 Ako Lang Ang Magkakagusto Sa’yo

“Anong ginagawa mo, Peter?!” Napasinghap si Chloe, sinusubukang itulak palayo ang lalaki.“Chloe, ang sama ng pakiramdam ko. Tulungan mo ako. Pakakasalan kita kapag nakalabas tayo dito,” Pagmamakaawa ni Peter.“Huwag mo ako hawakan, Peter! Gumising ka!” Sigaw ni Chloe.“Napakaganda mo. Hindi ko mapigilang hawakan ka. Pumayag ka na lang na maging akin.”“Pero ayaw ko sa iyo! Kapag hinawakan mo ako ulit, tatawag ako ng pulis!” Banta ni Chloe.Pak!Sinampal nang malakas ni Peter si Chloe sa mukha, naiwan ang marka ng kamay niya sa pisngi nito. Saka niya pwersahang pinunit ang damit ni Chloe, halata ang pananabik sa kaniyang mukha.“Hindi na mahalaga yun. Pagkatapos ng lahat, wala ng ibang magkakagusto sa iyo kung hindi ako.”Habang tinitiis ang pisikal at mental na paghihirap, pinilit ni Chloe na lunukin ang makalawang na lasa sa lalamunan niya. Nawala ang ekspresyon sa mukha niya habang pinapanood na isa-isang maalis ang damit niya. Para bang nawalan na siya ng pag-asa, huminto s
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 74 Break-up kay Ava

Ngumisi si Icarus at tinapon ang surveillance footage na nakuha niya mula sa bahay ni Jake. “Tingnan mo kung anong ginawa ng girlfriend mo!”Pinanood ni Jake ang video sa phone at kinakabahang napalunok. “Tito Icarus, hayaan niyo akong magpaliwanag. Mabait at inosente si Ava. Imposibleng magawa niya ‘to. Siguradong may hindi lang pagkakaintindihan.”“Nasa harapan mo na ang ebidensya, at hindi ka pa rin naniniwala! Bulag ka ba?!”“Kahit na ginawa yun ni Ava, siguradong may ginawa si Coco. Hindi niyo siya kilala. Hindi niyo siya ganoon kakilala. Mapaghiganti siya at matalim ang dila. Baka gusto lang siyang takutin ni Ava.”Makikita lang sa video ang eksena sa courtyard. Sinong nakakaalam kung anong nangyari pagkatapos pumasok ni Chloe sa kwarto? Kaya niyang lumapit sa isang mayamang lalaki, kaya siguradong may relasyon din sila ni Peter. At saka, si Melody ang nagtulak kay Peter sa kwarto. Anong kinalaman nito kay Ava?Halos matawa na si Icarus sa hangal niyang pamangkin. “Hindi ko
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 75 Tanga Ka Ba?

Namula sa hiya ang mukha ni Ava habang nagpapanggap na hindi niya naiintindihan ang sinabi ni Adam.“Siguradong magdadala ng malaking profit ang kumpanya namin sa Petterson,” Sagot niya.“Alam mong hindi iyan ang ibig kong sabihin,” Naubos na ang pasensya ni Adam at hinila si Ava palapit sa kaniya.Noong una, nag-alinlangan si Ava at sinubukang magpumiglas, pero pinangakuan siya ni Adam na makakausap niya ang tatay nito bukas para pag-usapan ang project, pinulupot niya ang mga braso sa leeg nito at nahihiyang sinabi, “Nangako ka. Dalhin mo ako sa tatay mo bukas.”Sumang-ayon si Adam nang walang pag-aalinlangan at saka siya tinulak pahiga sa sofa.Pagkatapos may mangyari sa kanila, nagpunta si Adam sa isang bar para sa isa pang party, habang si Ava, kahit na hindi masaya, ay hindi yun pinahalata at umuwi pagkatapos maglinis ng katawan.Hinanap ni Jake si Ava pero hindi niya ito makita, kaya nag-aalala siyang bumalik sa Johnson residence para maghintay. Nang makita niya ito, agad s
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 76 Maaasahan si Joseph

“Bumalik ako para linisin ang kalat mo, tanga.”Walang masabi si Chloe.“Ang sama ng loob ko ngayon. Bakit hindi mo kayang magsalita ng maganda para pagaanin ang loob ko?” Sabi ni Chloe.Habang nakaupo sa upuan sa tabi ng kama, pinag-krus ni Joseph ang mga binti at sumandal, pinatong niya ang malaki niyang kamay sa tuktok ng ulo ni Chloe. Kahit na magaan ang hawak niya, arogante naman ang tono ng pagsasalita niya, “Hindi kita aalukin ng comfort, pero may kakayahan ako na iligtas ka.”Nagkatinginan silang dalawa. Pakiramdam ni Chloe ay tama ang sinabi nito. Hindi nagsasabi ng mabulaklak na mga salita ang totoong lalaki bagkus ay mabilis itong madesisyon at umaksyon.Sa sandaling yun, nahampas siya ng malaking bugso ng pasasalamat at sinabing, “Salamat.”“Ayusin mo dapat agad ang problema mo. Yun ang totoo mong pasasalamat sa akin,” Sagot nito.Lagi siyang napapasok sa mga problema. Kahit na kaya niyang harapin yun, hindi na kaya ng katawan niya ang hirap.Nang marinig ni Chloe
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 77 Ang Hindi Inaasahan

“Wala… Gusto ko lang tanungin ka kung may plano ka ngayong araw. Gusto kitang ilibreng kumain sa labas,” Sabi ni Chloe.“Sorry, hindi ako pwede,” Sagot ni Joseph.Kumirot ang puso ni Chloe. Kahit na alam na niya ang sagot, nagtanong pa rin siya, “Bakit hindi?”“Kailangan kong samahan si lolo sa check-up niya,” Paliwanag niya.Nagulat siya at kinakabahang nagtanong, “Ayos lang ba si lolo?”“May heart condition siya, kaya regular ang check-up niya. Wala kang dapat ipag-alala,” Sabi niya kay Chloe.Kahit importante ang engagement party, hindi nito matatapatan ang kalusugan ni Harold. Kaya naman, natural lang na piliin ni Joseph na samahan ang lolo niya sa medical check-up nito.Tiningnan siya ni Joseph at ngumisi, “Hindi naman sayang ang pag-spoil sa iyo ni lolo.”“Well, mabait siya sa akin, kaya siyempre, kailangan ko siyang suklian ng kabutihan,” Sabi ni Chloe habang tumatango.Napakaganda ng trato sa kaniya ni Harold, at gustong-gusto niya rin ito. Madali itong lapitan at maga
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 78 Sa Ina mo Ito

Nakatayo lang doon si Emily, gulat na gulat, habang nakatingin kay Patrick at sa Rolls-royce na nakaparada sa tabi nito. Halata ang pagka-ilang.Pinilit niyang ngumiti, pinigilan niya ang sarili na maghukay ng butas at ilibing ang sarili. “Well, hindi na masama ang mister mo. At least, alam niya kung paano humanap ng tao para sunduin ka.”Ngumiti na lang si Chloe. “Napaka-unpredictable niya.”Hindi niya mabasa ang isip ni Joseph.Tinapik ni Emily ang balikat ni Chloe. “Sa tingin ko may pag-asa ka pa. Huwag ka lang sumuko.”“Huwag mong pagaanin ang loob ko. Noong nakaraan, muntik na akong mapalayas dahil sa payo mo!” Namula si Chloe at nagsalita gamit ang mahinang boses na si Emily lang ang makakarinig. “Nang maghubad ako sa harapan ng lalaking yub, hindi man lang siya tumingin. Wala ata siyang karanasan o baka impotent.”Anuman ang dahilan, hindi niya kinakaya ang lalaking yun.Gayunpaman, iba si Emily kay Chloe. Laging mas mainam ang practical action kaysa sa malalambing na sal
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 79 Paano Mo Siya Nakuha?

Medyo bukas ang box, at sa gitna nito ay nakalagay ang isang napakagandang diamond ring—isang bagay na dinala ng nanay ni Chloe mula sa bahay ng pamilya niya.Ngumiti si Chloe pero walang sinabi, hindi na nagulat sa ginawa ni Ava.‘Sa tingin niya ba talaga ay titigilan ko siya pagkatapos niyang ibalik sa akin ang isang item na ‘to? Nakakatawa.’Nang pumanaw ang nanay niya, bata pa si Chloe. Hindi niya maalala kung anong halaga ang iniwan nanay niya sa kaniya sa will nito. Hindi nakalagay ang eksaktong halaga sa kontrata, at matagal na niyang nararamdamang may mali.Pero dahil bata pa siya noon, hindi niya pa naiintindihan ang bigat ng sitwasyon. Ngayon, alam na niyang ninakaw sa kaniya ang pera, at kumbinsido siyang mas malaki pa yun kaysa sa inaalok sa kaniya ni Ava.“Ano? Gusto mo pa?” Ngumisi si Ava, nandidiri sa pagiging ganid ni Chloe.Nagdilim ang ekspresyon ni Chloe habang malinaw na sinasabing, “Siyempre, gusto ko pa. Lahat ng ito ay akin, at babawiin ko yung lahat. Huwag
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 80 Ang Kapal ng Mukha mo Chloe

Pinagmasdan ni Chloe ang galit na mukha ni Jake, kumikibot ang mata niya dahil sa matinding tuwa.Imbes na sumagot agad, kaswal niyang sinabit ang mga buhok na nasa noo niya papunta sa likod ng kaniyang tainga, “Alam mo na, huh?”Katulad ng hinala niya, nalaman na siguro ni Joseph ang relasyon niya dati kay Jake noong niligtas siya nito dati. Hindi niya lang maintindihan kung bakit niya niya yun binabanggit.Nakaramdam ng hindi maipaliwanag na kati sa puso niya si Chloe. Mas maganda pa ang resulta kaysa sa inaasahan niya.“Gaano ka ba kawalang-hiya?!” Sumasakit sa galit ang dibdib ni Jake. Dahil hindi niya makontrol ang emosyon niya, lumakas ang boses niya na dahilan para mapatingin sa kaniya ang ibang tao.“Bakit mo ako biglang sinisigawan?” Sabi ni Chloe, mukhang inosenteng kuneho.Hindi naiintindihan ng mga tao ang sitwasyon pero may ilang nakakakilala sa kaniya.“Hey, hindi ba’t bunso ‘yan ni Benjamin?”“Dalawa ang anak na babae ni Benjamin? Akala ko si Ava lang ang anak ni
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more
PREV
1
...
678910
...
37
DMCA.com Protection Status